Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[32].Chance

RED BLYTHE AKIYAMA

Nakita ko ang sarili ko kasama ang dragon gem ko sa isang lugar na puro bulkan at kadiliman. Bumubuga ang pulang likido mula sa bunganga ng mga bulkan at kitang-kita ko ang paglabas ng usok mula rito. Napaka-init ng paligid at kung normal na tao ang pumunta rito ay siguradong matutusta.

"Ano'ng nakikita mo?" seryosong sabi ni Fiara Ignitia sa tabi ko.

"Apoy. Bulkan. The usual stuffs na nakikita ko sa Fire Kingdom pero..." I paused at tiningnan uli ang lugar. "Wala akong maramdaman na isang buhay dito," pagpapatuloy ko.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin ko sa lugar. Wala ni isang buhay, tanging sumasayaw na apoy at usok lang ang nakikita ko.

"Ano ang totoong simbolo ng apoy para sa'yo?" tanong ni Fiara at itinaas niya ang kamay niya. Maya-maya pa lumapit ang apoy sa amin at pinaikutan kami, nagform ng isang chain ang apoy at itinali ang kamay at paa ko.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" sigaw ko ng unti-unting humigpit ang pagkatali ng kadena sa akin. Pagkatapos ay bigla akong nakaramdam ng hapdi na hindi ko dapat maramdaman dahil hindi dapat ako masusunog sa apoy.

"Sagutin mo ang tanong ko," sabi ni Fiara at humarap sa akin, lumapit sa akin ang mga apoy na nakapalibot kanina at unti-unti akong sinusunog.

Habang sumisigaw ako sa sakit pumasok sa isip ko ang lahat ng kamatayan at paghihirap ng lahat ng nakilala ko. 'Yung mga taong nadamay dahil sa tao kong naging ama,ang mga mamayan ng dragon realm, ang mga dating royalty, si mama, si Shinri, Si Ryoku, si Yuki, si Aphrodite, si ate at si Thyrian.

Tinupok sila nang mga taong nagpahirap sa kanila. Tinupok sila tulad nang pagtupok ng apoy sa mga lumalapit dito.

"P-Paghihirap," anas ko habang napapangiwi sa sakit na dulot ng apoy sa katawan ko.

Ganito pala kasakit ang apoy?

Nginisian ako ni Fiara. "Ano pa?" sabi niya at mas lalong lumapit ang mga apoy sa akin at mas lalong uminit.

"Kamatayan."

"Kapusukan."

"Kasamaan."

Ramdam na ramdam ko ang pagsunog ng apoy sa aking balat. Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito na ata ang pakiramdam ng nasa impyerno.

Lumalabo na ang paningin ko, nakita ko ang imahe ni Thyrian habang patuloy na lumalabo ang paningin ko. Nakatayo siya sa gitna ng apoy at hindi ko makita ang mukha niya.

Nakita kong napatingin ang imahe sa akin kahit na hindi ko masyadong maaninag ang mukha at nakaramdam ako na para bang hinihigop ako pero pakiramdam ko apoy ang may gawa nito.

Katapusan ko na ata.

Kasalukuyan akong umaakyat ng gate papunta sa ice kingdom. Hindi ako pinayagan ni ama na pumunta rito dahil may ginawa akong kasalanan. Kinuntyaba pa niya ang ama ni Thyrian na pagsarhan ako ng gate. Tumakas lang ako dahil nangako akong makikipaglaro kay Thyrian.

Sa bawat pagtama ng yelo sa katawan ko, nararamdaman kong lumalambot ang tuhod ko at ang pagwala ng lakas ko sa katawan.

Sa batang tulad ko, hindi ko pa nalalabanan ang ganitong lamig.

Ilang beses na akong nahuhulog sa gate. Ang dami na ring mga sugat sa katawan ko pero hindi dapat ako sumuko. Nangako ako kay Thyrian.

Itinaas ko ang aura ko at ipinainit ang katawan ko at muling sumubok. Sa huling pagkakataon ay nakarating na ako sa itaas ng pader at nakasalubong ko ang mukha ni Thyrian na sumusubok din palang umakyat sa pader.

Kapwa kami napatawa. "Bumalik ka na ron, Rian. Ako na lang ang pupunta diyan," sabi ko at ngumiti.

Ngumuso naman siya ngunit ginawa rin ang sinabi ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa other side ng pader kung saan naroon si Thyrian.

"Tumakas lang ako!" sabay naming sabi at muli tumawa kami pagkatapos ay sumilay ang matamis na ngiti sa kan'yang labi at mahigpit akong niyakap.

Pagkatapos noon ay naglaro kami at pag kasama ko siya ramdam ko ang saya ng buhay na tila ba apoy sa aking puso. Sumisidhi.

"T-Thyrian..." sigaw ko habang tinutupok ako ng apoy.

"I still want to live to see you smile and hug me again..." mahina kong sambit habang tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. Tanging tainga ko na lamang at pang-amoy ang natira sa akin.

I loved you before and I realized I still do.

"What now, Red?" rinig kong wika ni Fiara.

Bago pa naman ako makasagot ay may narinig akong mga boses, mga pamilyar na boses na hindi galing dito. Mula sa kanila.

"Get up. Zhane, you can't die!"

"No! Don't give up, Yuki,"

"Ryoku!"

"P-Please. Fiara. I need to stay alive. I want to help them and I want to tell Thyrian everything," hinang-hina kong ani.

Hindi ako p'wedeng mamatay. Not yet.

"What's fire for you, Red?" ulit niya at naramdaman ko ang yabag niyang papalapit sa akin.

Sa bawat yabag niya may boses nanaman akong narinig. Ang boses na hindi ako magsasawang pakinggan.

"Don't die."

"You can't die, yet. Red!"

"Save me..."

I clenched my fist at iginalaw ko ang kamay ko. Winasiwas ko ang mga apoy sa aking katawan at buong lakas na pilit na sinisira ang mga kadena.

"Fire is me. It's my fucking feelings, now fuck off!"Ibinukas ko ang bibig ko at malakas na sumigaw.

Ang mga kadena na kanina ay mahigpit na nakahawak sa akin ay unti-unting nasira at ang hapdi sa katawan ko ay unti-unti ring nawawala. Naramdaman ko ang pagbalik ng aking lakas.

I won't die now. Never.

Naramdaman ko ang pagbabalik ng mga paningin ko at nakita kong nagsasayawan ang apoy sa katawan ko. Wala na ang saplot ko sa taas at tanging pulang dragon scales na lang ang natira. Lumabas sa katawan ko ang asul na apoy at nakipagkompetensya sa sayaw ng mga pulang apoy.

Narinig ko ang boses ni ate mula sa mga asul na apoy. "I'm proud of you."

Hindi ko sasayangin ang lahat. Hindi lang paghihirap at kamatayan ang simbolo ng apoy. Nangangahulugan din itong buhay, pag-asa at damdamin.

Habang nakikita ko pa ang mukha ni Thyrian at nararamdaman ko pa ang damdamin ko para sa kan'ya. Ang apoy na ito ay hindi mamatay.

Habang nandito pa ang mga nagmamahal sa akin, hindi ako susuko.

"Well done, Red," puri ni Fiara at naging purong apoy siya.

"I hope your feelings is indeed stronger. I hope you will not end up like me," huling sabi ni Fiara at pumasok ang apoy niya sa puso ko.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro