Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[31]. Three Down


Merry Christmas 💙

4 chapters to go, matatapos na ang Book 1.

Dedicated to niahmbarbie

-

SHINRIA CELESTINA RAITO

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at natagpuan ko ang isang pamilyar na pigura na prinoprotektahan kami habang patuloy na lumalabas ang dugo mula sa bibig niya.

"Z-Zhane..." garalgal na sabi ko at sinubukang tumayo.

Unti-unti na ring nagbukas ng mata sina Yuki at Ryoku. Paano nga ba kami napunta sa sitwasyon na 'yon?

Nasa loob ako ng kwarto ko noon habang nasa may bintana at tinitingnan ang mga bituin. Ilang taon na ba simula noong naramdaman ko ang ganitong kapayapaan?

Hindi ko na maalala.

Nakarinig ako ng katok sa pinto, agad namang itinigil ko ang aking pagmu-munimuni. "Shinri, tinatawag daw tayo nina Thyrian sa dinning room," rinig kong sabi ni Ryoku sa pagitan ng pinto.

Napangiti naman ako sa narinig. "Sige, sandali lang," sabi ko at pinagpag muna ang suot ko pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ni Ryoku na nakangiti n'ung binuksan ko ang pinto. Pagkatapos noon ay sabay na kaming pumunta sa dinning room.

Pero ganoon ang gulat namin ng makitang walang malay si Yuki at hindi si Thyrian ang naroon kungdi si Killua ang Blood Dragon. Bago pa man kami makaatake,

Nawalan na kami ng malay at hindi ko na maalala kung paano kami napunta rito.

Patuloy ang paglabas ng dugo mula sa bibig ni Zhane at paputla ng paputla ang mukha niya. "G-Glad that you're awake. C-Can you hold the fort for Red-otonii? Say to him, I'm sorry. I failed," sabi niya at muling bumulwak ang saganang dugo sa bibig niya at doon napatumba na siya sa lupa.

May kung ano'ng tumusok sa dibdib ko ng makita ang kalagayan ni Zhane, at galit sa may gawa nito. Masama kong tiningnan ang gagamba na dahilan kung bakit nasaktan si Zhane. I clenched my fist in anger at tinanggal ang natitirang sapot sa katawan ko.

Itinaas ko ang aura ko at lumabas sa katawan ko ang napaka-silaw na liwanag na sapat na para sunugin ang kung sino.

-

THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA

Iginala ko ang paningin ko sa lugar kung asan ako ngayon, puro hamog ang nasa paligid at amoy nabubulok na bulaklak. Sapo-sapo ko pa ang ulo ko dahil sobrang sakit nito.

"Bakit ako andito?" bulong ko sa sarili ko.

Naalala kong kalaban ko si Henry kanina at niligtas ako ni Red, pagkatapos noon ay wala na akong maalala pa.

Naglakad ako upang makaalis sa hamog, ang nakakapagtataka lang ay parang pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Sa patuloy kong paglalakad, panipis ng panipis ang hamog na dinadaanan ko hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na nasa isang kweba.

Isang kweba na bahagi ng dragon realm. Dahil sa mga runic writings nito sa pader ng kweba. Mukhang nagawang tirahan ang kwebang ito dahil na rin makalat ang paligid at may mga punit punit na damit.

"Asa'n ba ako? May tao ba rito?" mahina kong bulong habang mahinang lumalapit sa kumpol ng punit punit na mga damit.

Nang makalapit na ako ay nakita ko ang mga guhit ng star of david sa punit punit na damit na ang ginawang tinta ay ang sariling dugo.

Tiningnan ko ng maiigi ang mga sulat. Mukhang ang taong nakatira rito ay nakakulong at gustong makaalis sa lugar na 'to, ang lahat ng kan'yang ginawa pati na rin ang mga runic symbol na nakaukit sa pader ng kweba ay isang releasing spell.

"Penumbra Osiris," pagbabasa ko sa unang dalawang salita na nasa pader ng kweba.

Maya-maya pa, biglang umilaw ang mga runic symbol sa pader at nagkorteng portal, lumabas ang puting usok mula rito, at parang television, nagpakita ito ng isang video kung saan pinapakita ang itsura ng Dragon Realm at ang siyam na kaharian nito.

Lumaki ang mga mata ko at napakagat-labi sa inis sa nakikita ko. Noong nawala kaming mga royalties ay naging madilim ang buong nine kingdoms, naging mga halimaw ang mga taong dragon at nasira ang buong siyam na kaharian, nabalutan ng makapal na yelo ang ice kingdom na kulay itim, 'di na sumisikat ang araw at wala ng halaman, hayop at tubig sa paligid.

"Walanghiya talaga ang Kiriko na 'yon!" galit na sabi ko habang ramdam ko sa aking kamay ang pagbabadya ng aking kapangyarihan upang kumawala.

Pagkatapos pinakita ng pader ang mga nangyayari sa kasalukuyan, nagkulay gray ang usok at nag-iba ang pinapakita nito sa akin.

Ang itsura at kalagayan ng mga kasamahan ko. Si Zhane na nag-aagaw buhay, si Red na sinasakripisyo ang buhay upang maging isa sa dragon gem niya at sina Shinri na nasa bingit ng kamatayan habang nakikipaglaban sa blood spider.

Maya-maya pa, biglang nag-flash forward ang pinapakita sa akin—at ang lumabas ay ang mga bangkay nila.

Namasa ang mata ko sa luha at napa-upo ako sa sahig. "H-Hindi! H-Hindi maari 'to!" mahina kong sambit habang patuloy na lumalabas ang luha sa aking mga mata.

Nawala ang mga pinapakita sa akin at mula sa hamog lumabas ang isang puting papel at lumapit sa kinaroroonan ko.

Agad ko naman itong kinuha at napagtantong isa itong sulat. Binuksan ko ito at binasa. "Siguro ay nababasa mo na 'to ngayon at malalaman mong buhay pa ako at nakita mo na ang kahihinatnan ng mga kasama mo. Pero mapipigilan pa ito, at ikaw ang makakapigil nito. Bawiin mo ang nine realms mula sa kadiliman at magbabago ang lahat at babalik ang lakas ng mga kasamahan mo, kailangan mong tapusin ang spell na sinimulan ko rito sa kweba upang magawa 'yun. Hindi lang sa gem nakasalalay ang kapangyarihan niyo kungdi pati na rin sa kingdom. Sana ay magtagumpay ka ngunit ay may kapalit ang gagawin mo, at makakaalis ka lang sa sumpa na maiidulot ito kung mahahanap mo ang yin, mag-iingat ka lagi, anak," sa huling salita na nabasa ko ay mas lalong namasa ang mga mata ko at napangiti.

Buhay pa ang mama ko, hindi siya napatay ni Kiriko at kailangan kong gawin ang pinapagawa niya kahit na yakapin man ako ng sumpa na idudulot nito.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro