Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[3]. Death and Rebirth

EDITED

🔯🔯🔯

The fire dances as it eats the puppets. A bored look is plastered on the fire royalty's face, his gold eyes shone as he play with his hands as well as the fire who set ablazed the supposed ace of Kiriko.

"Blah! Blah! Blah! Puro ka salita matandang hukluban. Should we supposedly be trembled in fear with this 'creepy and ugly as hell like your pathetic face' dolls?" he dissed the fuming dark royalty.

Hindi napigilang mapatawa ng lahat ng mga royalties. Yes, they should be serious in killing Kiriko but no one can blame them if they are mischievous enough to make pranks and burn this ugly witch.

Kumuyom ang kamao ni Kiriko and anger is evident in her face. Hell, she's burnin' mad but the fire royalty is thinking she should just rot and burn with it.

Sinugod sila ni Kiriko with her dark shadow blasts. Ramdam na ramdam ang galit nito sa bawat tapon. Kiriko's black nightmare dress with images of death on it began to show more creepy forms. Her black mane began to stand parang kinuryente siya ng isang malakas na boltahe ng kuryente. Her rough skin began to rot even more and just by looking at it will make you puke.

"Pag sisihan niyong ginalit niyo ako. You don't know anything! Bata lang kayo and you should obey me!" sigaw nito habang patuloy ang pagtapon ng shadow blasts.

Panay counter naman ang mga royalties at kung may pagkakatao'y ginagamit ang kapangyarihan upang umatake. "Well, grandma. You're wrinkly and evil, you killed my parents so technically I know that you don't deserve to live," malamig na wika ng earth royalty na nasa likuran ng fire royalty.

Galit na galit ang bata. Ang earth royalty kasi ang pinaka-bata sa lahat ng royalties at tulad ng nangyari sa marami ay ang kaganapan na naganap sa pamilya nito.  Ito na lamang ang natira at sa mura nitong edad ay napili pa ng earth gem.  Sa katunayan,  tinanggap ito ng bata sa kadahilanang nais niyang maghiganti sa babaeng pumatay sa pamilya nita.

The earth-lightning hybrid crumpled his tiny knuckles. Electric bolts started showing all over his body and hard rock started to cover his shoulders down to his knuckles as he felt his transformation is ready for action. He charged onto Kiriko flawlessly avoiding every shadow blasts she throws. Nang tuluyan na siyang nakalapit he punched Kiriko at the face with all the strength he can release.

With that signal, sumugod din ang fire royalty at ang iba. The fire royalty pierced Kiriko with his fire scythe as deep as he can pierce. Black blood started to spill like a fountain on Kiriko's wound.

The ice royalty on the other hand, pierced those wounds again even deeper as black blood pool its way out. The light royalty from above shot multiple arrows made of hot light. One find its ways in Kiriko's eye sockets blood oozed from the wounds.

The air royalty, time and darkness stood in the back where they can cast their mantras and spells. Colored star of davids appeared below their foot and shot of energies where release from their scepters. The water royalty stood in the middle using her powers to heal everyone.

"Pasensya ka na Ate. I don't know how can I save you, I—" humihikbing wika ng dark royalty as she shot her blast to her sister.

They continued attacking Kiriko all at once up until the water royalty shot her water explosives

"We're sorry. We need to kill you, " sabi ng water royalty as her hands shone at maya't pa ay naging korteng bomba.

Lumayo ang iba pang royalties ng itira ito ng water royalty. The explosion caused a huge puff of smoke and blood splattered everywhere.

"Sa tingin ko napatay na natin sya," sabi ng fire royalty habang pataas-baba ang kilay niya.

Nagtinginan muna silang lahat ng mawala ang usok, 'di nila naaninag ang bangkay ni Kiriko kundi isang puppet...na sirang-sira, na tila ba ang kalaban nila kani-kanina lamang ay hindi si Kiriko kung'di ang salamangka lamang nito.

"Mga hangal! Akala niyo ba matatalo niyo ako ng ganyan lang kadali? Mga baguhan kayo, tuso ako. Tanga kayo!" nang-aasar na ani ng boses ni Kiriko.

'Di nila matantya kung saan ito galing, 'di nila maramdaman ang presensya nito na para bang magaling nitong tinago ang kapangyarihan nito.

"Lumabas ka riyan duwag! Napaka duwag mo Kiriko!" sigaw ng ice royalty habang mahigpit na kinukuyom ang kamao dahil sa galit.

Nakarinig sila ng isang halakhak sa direksyong 'di nila malaman kung nasaan.

"Kung 'di lang sana kayo mahihina, sana alam niyo na kung asan ako, Sadly, you're weak and pathetic. Sumuko na lang kayo," sagot ng boses ni Kiriko; segu-segundo ay mas lalong nag boboses hukay ito.

Doon na lamang ang kanilang pagkagulat ng makitang saganang tumutulo ang dugo sa bibig ng water royalty at sa likuran nito ay ang kanilang hinahanap; hawak-hawak ang isang espada na ginamit panaksak sa water royalty.

"Now, sino pa ang gagamot sa inyo? Ngayong ang manggagamot niyo ay napuruhan na? Baka nga matuluyan na rin, " ani ni Kiriko at nagsimulang tumawa pa lalo.

Napakagat ng labi ang ice royalty sa inis—not her best friend! This hundred century old freak really needs a lesson. She wanted to cry, but crying wouldn't change everything she needed to stay strong and fight dahil pag hindi niya iyon gagawin mas lalong mapapahamak ang water royalty pati na rin ang iba.

Itunuon niya ang mga mata niya sa tumatawang si Kiriko and the sword na nakasaksak pa rin sa water royalty, the water royalty's eyes shone and looked at her directly na para bang may sinasabi. She knew that look. She close her eyes for a second then in a flash she disappeared leaving a mist of cold ice.

"Siya pala ang duwag oh, tumakas," tawang-tawa na sabi ni Kiriko.

Kahit na napuruhan, nagawa pa ring ngumisi ng water royalty as blood fountained in her wound, unti-unti itong nagiging isang pulang hamog at unti-unti ang mga hamog na yun ay nagiging mistulang sinulid na nagsimulang yumakap sa katawan ng matandang bruha.

Ang bakal na nakasaksak sa kaniya ay nasira rin at sa isang kaunting galaw na lamang matatanggal na.

"Paanong—" bago pa matapos ni Kiriko ang kaniyang sinasabi naramdaman niya ang isang malamig at pamilyar na presensya sa likuran niya.

" 'Di ako duwag, gaga, ikaw 'yon!" wika ng ice royalty.

Pagkatapos nitong bitiwanan ang mga katagang iyon, nakawala na ang water royalty sa saksak at tinapon sa kung saan ang sandata't pagkatapos sinipa sa tiyan si Kiriko. 'Di pa don natatapos at sa kanang kamay ng ice royalty, nagliliwanag na kulay asul na may lumalabas na mga usok, usok ng lamig... She smashed that powerball right in the evil hag skull.

"Sinong duwag ngayon?" ngisi ng water royalty ang kaniyang asul na buhok ay mistulang nagsasayawan dahil sa hangin.

Napangisi na lang din ang ibang royalty, kung teamwork ang pag uusapan, ang ice at water royalty ang malakas diyan.

Nakita nilang nakahandusay ang katawan ni Kiriko. Ibig sabihin panalo na sila.

O kung yun ang inaakala nila— Sa direksyon kung saan maraming patay na katawan makikita ang walong anino at ang mga powerball na lumabas sa mga kamay nila papunta sa mga royalties.

"Pasensya na nahuli kami, Kiriko," sabi ng isang pamilyar na boses na kilalang kilala ng ibang royalty. Boses lalaki ito.

Bumulwak ang dugo sa mga bunganga ng royalties at alam nila katapusan na nila iyon.

"Traydor ka!" mapait na sabi ng light royalt; nagdudugo man sagana pa rin ang luha sa kaniyang mga mata.

Ngumisi ang lalaki sa malayuan. Tumayo ang nakahandusay na katawan ni Kiriko at tiningnan sila ng nakakaloko.

"Ibigay niyo na sa akin ang mga elemental crystals! Baka sakaling buhayin ko pa kayo," sabi ni Kiriko habang dinilaan ang itim na dugo na tumutulo sa kaniyang bibig.

"H-Hindi mangyayari 'yon!" sagot ng time royalty; alam niyang may magagawa sya pero hindi niya alam kung kakayanin niya.

Nakakatakot na ngumisi si Kiriko, "At bakit? May magagawa ka pa ba hampas lupa?"

"Meron pa," isang boses ang maririnig na nangagaling sa itaas. Isang matangkad na lalaki na mukhang isang binibini ang dumating. Hawak-hawak nito ang isang espada na kasingtangkad nito.

Kalmado ang mukha nito pero bakas ang galit sa mga mata nito. Napasinghap ang ice royalty at ibang royalties. Kilala nila ang isang ito.

"At sino ka, baklang hangal?" iritadong wika ni Kiriko.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo?" ngumisi ito at ipinakita kay Kiriko ang kaniyang gitnang daliri.  "Time royalty, pagsamahin natin ang ating kapangyarihan alam mo na ang gagawin," seryosong sabi nito.

"Wala na kayong magagawa! Sumuko na lang kayo—"

"Tumahimik ka!" sabi nito at itinaas ang malaking espada at itinutok kay Kiriko sa isang iglap si Kiriko at ang mga kasama nito ay lumipad sa malayo.

"P-Pero, mamatay ka rin..." mahinang usal ng fire royalty.

Ngumisi ang lalaki, "Mabubuhay pa rin ako kasama niyo sa ibang lugar, wala akong pakialam kung mamatay ako rito basta alam kong may pag asang matalo niyo si Kiriko. "

'Yun na lamang ang paraan nararamdaman 'yon ng lahat ng royalties. 'Di matatalo si Kiriko kahit na mukhang malakas ang kasama nila. Kailangan din nilang mas lumakas pa.

Lumapit ang lalaki sa time royalty at ipinagbingkis nila ang kanilang palad, nagliwanag ng kulay puti at ibinigkas nila ang salamangka.

"Mawawala man ang ating alaala, maibabalik lang naman yun dahil sa ating isinumpang tungkulin," mahinang sambit ng ice royalty at napa-buntong hininga na lamang.

"Hindi!" sigaw ni Kiriko na nakabalik na mula sa paglipad kanina.

Ngunit bago pa matapon ni Kiriko ang itim na powerball para pigilan ang royalties, kinain ng liwanag ang mga royalties at ang lalaki.

Naglakbay sila tungo sa pag-asang kanilang inaakala.

🔯🔯🔯

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro