[29]. Search
Hi! Angels! Dahil tapos na ang finals at SEMBREAK NA, mag-uupdate na ako!
If you're asking anong nangyari kina Shinri, later na, unahin muna natin sina Red.
-
RED BLYTHE AKIYAMA
"Sino ka ba? Bakit dalawa ang thief?" tanong ko sa bagong dating na kamukha ng thief na kani-kanina lamang ay pinatay ko.
Tinitingnan lang ako ng bagong thief habang hawak hawak niya ang kanyang sandata—isang scythe na ngayo'y umuusok dahil sa pagsalag niya kanina sa powerball ng kalaban.
"I know you're behind this, Akabane. Blast your soul why you are the only one part of the dark cretins who can enter my domain, you even invited a coach roach with you and I'm disappointed. I thought that you will notice them, Akiyama but you didn't, you guys even chased me and thought that I am your enemy, you guys surely need to grow up and use your powers in the right way," mahabang wika ng isa pang thief, husky ang boses nito at pangsermon talaga ang tono.
At talagang may gana pang manermon ang isang 'to.
Tumawa naman ang blood dragon—si Killua Akabane, pinaniniwalaang isang clone ng isang malakas na dragon na ginawa sa laboratoryo ng isang scientipiko ng palasyo ng lightning kingdom, ninakaw ni Kiriko ang isang 'to at pinaniniwala sa ideolohiya ng kasamaan.
"Guess I'm just lucky! But tch, I was about to kill this fiery jerk, your timing is so good but I thought at first you are not a nuisance to our plan but I'm wrong, ikaw pa ata ang gumawa ng barrier upang protektahan ang ciudad na 'to, Bravo!" sarkastikong sambit ng blood dragon at inilabas ang kanyang sandata habang hindi ma-alis alis sa labi ang mga ngisi.
Ngumisi din pabalik ang isa pang thief na nameless at tumingin sa akin. "If you're just gonna watch me while I'm beating the shit out of him, you may distance yourself and rest but If you can still fight even though I can do it without you, then don't just stare at me like you're a dope or something," sabi pa ng isa pang thief sa akin at may pa-hand gesture pa.
Aba! Nakaka-insulto ang isang 'to ah! Lakas ng loob, ngayong niligtas niya ako.
"I can still fight, thief #2, who are you anyway?" I spat and glared at him.
"None of your business but I might answer your question if you're just gonna zip your mouth and help me with this shit standing like a scheming bastard, which he already is," anas niya at nagawa pang duruin ang blood dragon.
Automatikong tumahimik ang bibig ko pero hindi ko mapigilang mapanganga, akala ko si Thyrian na ang malala verbally at nakakain ng truck ng basura sa sobrang trash talker pero meron pa palang mas malala ng hindi hamak sa kanya. Kahit sinong kalaban nito ay maiinsulto sa mga lumalabas sa bibig nito.
Halos umusok na ang ilong nitong si Killua dahil sa galit, hindi ko siya masisisi, kanina pa rin ako naiinsulto sa mga sinasabi nitong thief #2.
"I'm going to kill the both of you!" sigaw ng blood dragon at nagsimulang maging kulay maroon ang kaniyang aura.
Gumalaw ang mga likido ng dugo sa sahig at tumaas ito, nakakadiri itong tingnan dahil amoy lansa din ito at unti-unti itong nagmamaterialize sa isang pangit na halimaw na gawa sa dugo, umungol ang mga ito at sinugod kami.
"You really sounded like someone I know," sabi ko sa thief #2 habang inilagan ang atake ng blood monster, pagkatapos ay tinira ko ang powerball sa mga mukha nito.
He slashed the monsters that approaches him using his scythe, bumulwak ang dugo at nag-coat ito sa cloak na suot niya, kitang kita ko ang lawak ng kanyang ngiti habang ginagawa niya ang mga bagay na 'yun, "Really? Who? I bet she's good looking like me."
Nagulat naman ako sa sinagot niya, stalker ba rin ang isang 'to? "Hoy, bakit mo alam na babae tinutukoy ko?" sabi ko habang binali ang leeg ng isang blood monster at sinunog siya ng buo.
Tumawa naman ang thief #2. " Alam ko dahil minura niya ako noong nawalan ka ng malay noon," sagot niya sa slang na filipino habang sinisipa ang blood monster na sinubukang lapitan siya.
Naramdaman ko ang pamilyar na aura na papalapit sa amin, inihanda ko ang aura kong reddish blue at itinira ito sa taas ng isa pang chandelier, nahulog ito kasabay ng paghulog ni Killua mula doon, kasabay ng ginawa ko, mabilis na tinutukan ng scythe ni thief #2 si Killua.
"One wrong move, you'll die," pagbabanta ni thief #2 sa nakahandusay na blood dragon.
Ngumisi naman si Killua at nagsimulang mag-melt at naging purong dugo, gumalaw ito na halatang nais tumakas, pero bago siya tatakas ay nais niya pang makapaminsala sa amin.
Ako naman ang ngumisi at tinapakan ang dugo. "Nightmare fire: Prison Chain," I chanted at mula sa mga kamay ko, lumabas ang mga kadenang gawa sa apoy at iginapos ang blood dragon.
"I thought you're a weak asshole but you are still strong and cool," sabi ng thief #2 at nag-thumbs up.
Wait. This gestures... And still? Does he know me?
"Akala niyo nahuli niyo na ako? Kill me at hindi na makakalabas ng buhay sina Shinri, but I doubt they are still alive and you..." natatawang ani ng blood dragon habang matiim na tinitigan ang thief #2.
"You have the guts to fight me kahit alam mo na na..." pagpuputol niya ulit at tumawa, he looks like a mad zombie now, puno ng dugo ang kaniyang mukha and it's not pleasant to see.
Masamang tiningnan ng thief #2 ang blood dragon at sinipa sa tiyan, mukhang may kung anong mas malalim na conflict ang dalawang 'to at mukhang na-oop ako rito.
Tumawa ulit ang blood dragon and in a flash, nawala siya bigla at nag-iwan na lamang ng hamog na gawa sa dugo.
"Lagi na lang nakakatakas ang mga ito! Halatang mga kriminal talaga!" sabi ko at sinuntok ang pader na dahilan ng pagkasira nito.
"It's not their fault, it's yours. Your chain's power is still not enough to hold such powerful dragon," malamig na wika ng thief #2.
"And if you still want that Shinri and the others will still live, free Ria-nii—Thyrian from your dream chamber. I'll heal her," pagpapatuloy pa nito.
Did he just say, 'Ria-nii' ?
Hindi ko na siya tinanong pa dahil alam kong kailangan na talagang gawin ang pinapagawa niya kungdi manganganib sina Shinri.
I breathed in and out and released my aura kasabay ang paglabas ng pulang magic circle mula sa aking mga paa, "Be freed from the realm of dreams, drift thy soul to reality, listen to the call of home! Return!"
Pagkatapos noon, biglang may nag open na kulay reddish blue na dimension at doon iniluwa ang walang malay na si Thyrian, sinalo ko kaagad siya and then I sat in the ground so that my lap will be her pillow. Tiningnan ko ang thief #2 and nodded.
"Go on, heal her now," I said.
He smiled at lumapit and he started to heal Thyrian. "You love her, don't you?" biglang wika ng thief #2 sa akin, his voice calm like he knows.
The question caught me off guard. I can't answer a straightforward no now. I know I can't, because If I do, I'm just fooling myself. Thyrian means a lot to me, her getting hurt pushes my demons to possess me and be wild.
Do I really love her?
"Looks like you can't still answer, it's okay, but now, let's save the others. Thyrian is already healed but she will be awake later, she needs rest, just carry her can you?" sabi ng thief #2 at pinagpag ang kamay niya sa cloak.
Hindi na lang ako sumagot at ginawa ang sinabi niya. But if we will save Shinri and the others how can we enter the blood dragons' domain?
"I can open a portal so that we can save the others, after all that shit is just my clone," pagsagot niya sa tanong na nasa isip ko but the last statement caught me off guard and shock overcome me.
Meaning this thief #2 is not an ordinary entity—he's a powerful dragon!
"If you want to ask questions, do it later, we have people to save," pagsagot naman niya sa tanong na nasa isip ko.
Tch. Mind reader.
Itinaaa niya ang aura niya na kulay chocolate with hint of gold—familiar. Then he draw symbols in the air then dragon ruins started to appear in both of his hands, lumakas ang hangin na malapit ng ikalipad ng cloak niya pero mabilis niya itong inayos, mukhang ayaw niya pa talagang magpakilala.
"Answer my call!
Tower of power!
Chaser of stars,
Seer of death!
Open!
Portal to the bloodshed realm!" He chanted and after that bumukas ang isang portal habang tumutulo ang dugo, na kahit na nakatakip ang mata niya sa cloak ay alam kong galing doon.
"Let's go!" mahina-hina niyang sabi at naunang pumasok sa portal.
Sumunod naman ako habang kinakarga si Thyrian, Nang makapasok na ako ay biglang nagsara ang portal at ang bumati sa aking mga mata ay ang lugar na wala man lang isang buhay na halaman, may tuyong lupa at pulang langit. Rinig na rinig din ang mga ungol ng mga kung ano at amoy na amoy ang masangsang na amoy ng nabubulok na mga bagay sa paligid. The place looks like a total nightmare.
Iginala ko ang aking mga mata upang hanapin kung nasa palagid ba sina Shinri pero wala akong nakita.
"Nasa blood spider forest sila, we must hurry, they will be eaten by the blood spider if we won't," sabi ng thief #2.
I nod at tumakbo kami, he lead the way since mukhang alam naman niya, noong nasa entrance na kami ng 'blood spider forest' na gawa sa payat na puno na may matatalim na tinik ay tumikhim ang thief #2.
"We must avoid fighting any entity in here except for the blood spider, pag lumaban tayo bago sa blood spider ay hindi na natin aabutan sina Shinri na buhay. Every entity in here is powerful, If you see one, act like you don't saw it, and they will not bother you," sabi niya pagkatapos ay pumasok na siya.
I mentally noted what he have said and nagsimula na ring pumasok, maingat kong iniwasan ang mga naglalakihang tinik mula sa puno para hindi ito matamaan sa akin o kay Thyrian, sa pagkakatingin ko, every thorns is made of metal with high grade poison.
Sa kalagitnaan nakasalubong namin ang isang grupo ng mga zombies na ang kalahating katawan ay ang sa dragon. Rinig na rinig ang mga ungol nito na talaga namang nakakapanindig balahibo, yumuko na lamang ako upang hindi nila ako bigyan ng pansin at para hindi masayang ang oras sa pakikipaglaban sa kanila.
Nung nakarating kami sa isang kweba ay tiningnan ako ni thief #2, "We're here." Nag-echo ang boses niya sa buong kweba.
Gumalaw ang mga bato at stalactite formation sa kweba at nakarinig kami ng malakas na ungol, dali dali naming pinuntahan kung asan ito nanggaling at ang nakita namin ay—
Isang babaeng may sungay at maputla, apat ang mata nitong kulay pula at labas ang mga pangil nito, may katawan itong pang gagamba at gawa sa metal. Masama itong nakatingin sa amin habang ang isa nitong kamay ay nasa web nito at sa web na 'yon, andoon sina Shinri na pinalilibutan ng sapot ang katawan.
"Before we fight this spider, A reminder, it will not die with any weapons or any elements except fire— hell fire to be exact, other elements may damage it but not kill, so, Red Akiyama you are badly needed in here but in your current state you will not stand a chance unless you'll merge your soul with your elemental crystal," sabi ng thief #2.
Lumaki naman ang mga mata ko. I might die if hindi ko nakaya, but— tiningnan ko ang thief #2 na tinutulungan kami, sina Shinri na nanganganib ngayon ang buhay at lastly tiningnan ko si Thyrian, nakaya niya, makakaya ko and I need a power to protect her.
"Okay, I will do it but can you hold the fort when I'm still in the transformation state?" tanong ko sa thief #2 and he nod.
Itinaas ko ang aura ko and gritted my teeth dahil sa init ng nilalabas na aura ng katawan ko. I bit my fingertips and write the rune symbol of fire in the air at nagsimulang lumitaw ang pulang magic circle sa hangin.
"Empress of fire,
Mother of volcanoes!
Protector of feelings and caster of flames!
Show your true form fire dragon gem,
I call thee!
Fiara Ignitia Vulcan! " I chanted and right after kinain ako ng sarili kong apoy at lumabas sa tabi ko ang isang magandang babae na may pula at wavy na buhok, pale skin and piercing gold eyes, nakasuot ito ng pulang bestida.
Lumiwanag ang paligid nung lumitaw siya at narinig ko ang sigaw ng blood spider na marahil ay nasilawan sa ilaw na gawa ng apoy ng totoong form ng dragon gem ko.
Maarte akong tiningnan ng dragon gem ko, as usual. Pati si thief #2 ay maarte din nitong tiningnan. "Sigurado ka bang handa kang mag-suicide, tangang fire royalty? Pag mamatay ka baka patayin ka ulit ng babaeng karga mo ngayon," maarteng sabi nito at bored akong tiningnan.
I nod. "Syempre naman, tanga ka rin, tatawagin ba kita kung hindi ako handa?" She flared and literally her body ignited then she glared at me.
Ibinaba ko si Thyrian and put her in a fire protective barrier. "I'm ready, and thief #2, hold the fort, okay? Damage it while I'm still gone. "Tiningnan ko sa mata ang thief #2.
"Of course, I will! Goodluck, Red-nii-san," sabi ng thief #2 at tinanggal niya ang cloak ng Thyr at binato sa akin, pagkatapos din noon ay si Fiara Ignitia ay naging isang fire dragon at nagsimulang lumiwanag at uminit ang katawan ko, sumapi ang dragon na 'yon sa akin at naramdaman kong unti-unti nito akong kinakain at binabalutan sa isang shell.
Pero bago tuluyang kainin ng shell ang aking katawan, ang dating matangkad na thief ay lumiit and revealed the face of—
Zhane Knightwalker, the hybrid royalty of earth.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro