[27]. Power Source
Hi Angels! Eto na ang update, hopefully pag 'di ako masyadong busy, I will update frequently. Goal ko na matapos ang R.E.D this year. I hope so.
-
THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA
Nakatulala lang ako sa sulat at ang medyo nabubulok na peach na rosas na hawak ko. Hindi ako makaimik, pinagpapawisan ako. Sinubukan kong hanapin kanino galing iyon, sarado naman pati ang bintana. Saan nakapasok ang nagdala nito?
Siya ba ang thief?
Hindi ko na maramdaman ang antok ko at napalitan ito ng pangamba at takot para sa mga pangyayaring nakita ko sa panaginip ko.
Hindi iyon pwedeng mangyari! Walang masasaktan sa amin! Hindi pwedeng masaktan si Red! 'Di kami pwedeng matalo dahil lamang sa isang thief o kung sino man.
Kailangan na naming mahanap kung sino ang thief.
Inilapag ko ang bulok na peach na rosas at sulat sa kama ko at napag-isipang lumabas ng kwarto para magpahangin at makapag isip-isip na rin.
Madilim ang pasilyo, sensyales na nakatulog na ang lahat. Alas dose na pala ng gabi, 'yan ang sabi ng isang malaking antique na orasan na nakadikit sa dingding.
Tanging yabag ng mga paa ko lang ang naririnig ko. Hindi ko nga alam kung asan ako pupunta, siguro sa hardin na lang para magpahangin.
Malamig ang hangin, despite of my mastery in cold, I still shivered.
Nang papalapit na ako sa may bandang kusina ng mansyon ay nakarinig ako ng mga yabag at ingay-- may sumisigaw!
"Tama na! Tama na!"
'Yan ang narinig ko. Bigla akong naalerto. Andito ba ang thief? Tumakbo ako papunta sa pinangagalingan ng ingay at nakita ko ang isang naka hood na lalaki na nilalatigo ang isang babae na nakasuot ng damit pang yaya.
"Sino ka?! Itigil mo 'yan!" sigaw ko.
Humarap sa akin ang lalaki at itinigil ang ginagawa niya, 'di ko makita ang mukha niya pero alam kong nakangisi ito ngayon, pagkatapos bigla itong tumawa ng parang nahihibang na.
"What's so funny about? Ikaw ba ang thief?" sabi ko sa kaniya at inihanda ang fighting stance ko.
Mas lalong lumakas ang tawa nito at pumalakpak pa, "Always the heroine, eh?"
Kumunot ang noo ko, "Mukha kang baliw, dapat nasa mental facility ka kung tumatawa ka diyan na wala namang nakakatawa, " seryoso kong sabi sa kanya.
Tumigil ang tawa niya at tiningnan ako ng masama. Mahigpit niyang hinawakan ang latigong hinahawakan niya na maya-maya ay nagliwanag ng kulay lila.
Ano pa ba ang iisipin ko? Siya nga ang thief.
Mas mabuti na ako ang humarap sa kanya kaysa madamay sina Red at baka magkatotoo ang panaginip ko. Hindi maari 'yon!
Itinaas ko na ang aura ko para labanan siya. Maya-maya pa ay una niya akong sinugod.
Suntok-latigo-suntok
'Yan ang pattern ng pagsugod niya, ako naman ay umiilag sabay amba sa kanya ng suntok. Alam niyang dehado siya sa akin sa suntukan, ang lakas pa ng loob ng isang 'to.
Dinaloy ko ang aura ko papunta sa aking mga kamao, nagliwanag iyon ng kulay asul pagkatapos ay sabay na iniwasan ang latigo at suntok ng thief, and after that I punched his gut using my powered fist.
"Koori no tekken!"
Napaatras ang thief sa nagawa ko at sumuka siya ng dugo ngunit hindi pa rin maalis ang ngisi sa kanyang mga labi.
"Tough kitty, ae? I'll tame you, bitch and soon you'll submit," pang-aasar nito at sinimulang umatake gamit ang kanyang latigo.
Kailangan kong mag-ingat, 'di ko dapat isagad ang paggamit ko ng aking kapangyarihan. He's the thief, he'll devour my power if sinagad ko.
Kailangan kong gawing alas ang close range combat gamit ang physical kong lakas at kaonting kapangyarihan. Think Thyrian, think.
Patuloy ko lang iniiwasan ang bawat hagupit ng latigo niya but everytime I do that, papalapit na ng papalapit ang distansya ko sa kanya.
"Akala ko ba malakas ka, Thyrian? Bakit puro iwas?" he said obviously taunting me.
I smirked. Sa pakikipag-usap niya sa akin ay hindi niya napansin na nakuha ko na mula sa bulsa ng aking pantalon ang mga dagger na hiningi ko kanina kay Yuki.
"Too bad, you're wrong," I said smirking and immediately threw the daggers into his direction. Naiwasan niya ang dalawa but the other two was pierced nicely in his gut and the other one in his right leg.
"Puta ka!" he cussed as he spat blood from his mouth but he's still smirking.
Why is he smirking all the time? Does his mouth was permanently stiched to look like a smirk? Too bad he looked like a drug addict maniac with his smirk.
"Ako, puta? Hindi ako prostitute, gago!" sabi ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya para sumugod.
I started kicking him at iwas siya ng iwas not until ng ika- 30 ko ng sipa sa kanya ay nahawakan niya ang binti ko and used his right leg to kick my other leg.
Lumayo ako sa kanya and yelped in pain. I hissed.
His goddamn heel! It's made of metal.
Tumawa siya ng parang baliw and smirked again, "Do you remember anything about this whip, Thyrian?" bigla niyang naitanong.
Kumunot ang noo ko and took a glance to the whip he is holding. It's seems familiar! It is coated with runes and symbols pero kitang kita ang maliit na sulat na gawa ng isang bata, 'Riri' ang nakasulat doon.
Lumaki ang mata ko at kinuyom ko ang kamao ko, "How about I'll make you recall even more what this whip did to you?"
'Di na ako nakailag ng hinagupit niya ang latigo sa aking katawan. I yelped in pain and my eyes watered as the familiar physical and emotional pain overcome me.
The pain I suffered back then I still don't know who I'am. The pain I suffered from the hands of humans--
Tahimik akong nagbabasa ng mga libro tungkol sa pantaserye at mahika sa attic ng aming bahay. Wala akong pakialam kahit na halos mamula na ang ilong ko dahil sa alikabok o kahit madumihan ang damit ko.
Ewan ko ba.
Ewan ko ba kung bakit malapit na malapit ako sa mahika. Siguro dahil gusto kong magkaroon nito, baka siguro kung mayroon akong ganito magbabago ang buhay ko.
"THYRIAN!" Rinig kong sigaw ni mama, galit nanaman ang tono ng boses niya.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko para 'di ako makagawa ng ingay, dahan dahan kong iginapang ang sarili ko hanggang sa makarating ako sa isang lumang closet. Dahan dahan akong tumayo habang hawak hawak ko pa ang libro na binabasa ko. Tagaktak ang pawis ko at naramdaman kong nanginginig ako.
"THYRIAN! Hoy! Salot na bata! Asan ka nanaman nagsusuot? Tangina!" hiyaw ng mama ko, ngayon, alam kong lasing nanaman ito.
Narinig ko ang mabibigat na yabag ng mga paa nito na paakyat sa hagdan, dahil dito nataranta ako at dali daling pumasok sa lumang closet at tinakpan ang sarili gamit ang mga damit, kurtina at mga tela. Mas idiniin niya ang pagkatakip niya sa aking bibig at ramdam ko ang mainit na luha na umaagos sa aking mata.
'H'wag kang mag-ingay, H'wag kang umiyak para 'di ka niya mahuli, ' sabi ko sa aking sarili.
Narinig ko ang mga yabag na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko.
"Pag mahuli kitang bata ka, humanda ka! Pinahihirapan mo talaga akong salot ka!" Rinig kong pagbabanta ng mama ko at kasabay n'on ang pagtunog ng hagupit ng latigo na alam kong hawak nito.
Kahit na madilim sa loob ng lumang closet. Tanaw na tanaw ko pa rin ang mga preskong sugat na nagdurugo pa sa aking braso at binti na dala ng latigo na hawak hawak ngayon ng aking ina.
Maya-maya pa narinig ko ang mga yabag, ngayon hindi na lang kay mama, may iba siyang kasama.
"Oo, Henry, andito lang ang batang 'yon. Ibibigay ko s'ya sa inyo! Tutal sabi naman ng albularyo sa ating bayan na siya ang salot! Tama naman! Puro salot ang dala ng batang 'yon! Anak 'yon ng demonyo!" sambit ni mama sa kausap niya.
Nanginig ang buo kong katawan at mas lalong tumulo ang mga luha ko.
'Mama hindi ako salot. 'Di ako demonyo. Tama na mama, nasasaktan na ako.'
Gusto ko sanang isigaw. Simula noong pinanganak ako at hindi ko man lang kamukha ang nanay at tatay ko ay tinuringan na akong salot. Sabi ng albularyo sa nanay ko ay anak daw ako ng demonyo. Naniwala siya at araw araw 'di nawawala ang panlalatigo niya sa akin.
"Kailangan siyang sunugin, Maila! Mas lalong lalala ang kamalasan sa ating bayan. " sabi ng boses lalaking kausap ni mama.
Narinig ko ang mga yabag nila, "Oo! Mukhang alam ko na rin kung asan ang batang 'yon! alam na alam ko na," boses iyon ni mama.
Bago pa man ako makahikbi bumukas ang pinto ng closet at naramdaman ko ang pagkaladkad ni mama sa akin.
"Sabi ko naman sa'yo, andito ang salot na 'to!" Sinimulan akong latiguhin ng aking sariling ina.
Sumigaw ako sa sakit, "Mama! Tama na po! Masakit, mama! Maawa po kayo!" Hikbi ko.
Ngunit hindi ako pinansin ni mama at patuloy akong nilatigo. Tinapunan ko ng tingin ang kasama ni mama. Nakangisi ito. Nakangisi na halos lumapad na ang ngisi sa kanyang mukha.
"Tama na!"
Patuloy na tumutulo ang luha ko habang ramdam ko ang sakit ng latigo. Tinapunan ko ng tingin ay thief, at ngayon ko lang napansin kung sino ito.
"Henry," mapait kong sambit sa kaniyang pangalan.
Tumawa ito at itinigil ang paglalatigo at pumalakpak, "Tama ka, Thyrian. Ako nga si Henry. 'Di ko inakalang nabuhay ka pa at nabuhay pa ako simula n'ong hinabol ka ng mga taong- bayan ng sulo, at hindi ko inasahang isa kang dragon. Salot ka nga talaga. "
Masama ko siyang tiningnan at dinura ang dugo mula sa bibig ko. Pinilit kong tumayo at kinuyom ko ang mga kamao ko, "M-Magbabayad ka!"
"Gusto sana kitang patayin pero kailangan kita, kailangan ko ang kapangyarihan mo. Tsaka na kita papatayin pag wala na akong mapiga sa'yo, "
"H-Hindi mo magagawa 'yon!" sabi ko at itinaas ko ang aura ko kahit nanghihina na ako.
Ngumisi ito. "Magagawa ko. " pagkatapos niya itong sabihin ay naramdaman ko ang sakit na mula sa tiyan ko.
Nakita ko mula sa likuran ko ang babaeng nilalatigo kanina ni Henry--ang thief na nakabaon ang kutsilyo sa aking tiyan.
Bumulwak ang dugo mula sa bibig ko, "B-Bakit?" mahina kong wika.
"That was all an act para mahuli ka, ikaw ang magiging bagong power source namin," sabi ng babae.
Sinubukan kong tumayo ngunit sinuntok ako sa tiyan ni Henry at kinarga niya ako.
Nandidilim na ang mga paningin ko ng mahagip ko si Red na tumatakbo papunta kay Henry na may hawak hawak ng apoy sa kanang kamay. Galit ang rumehistro sa kanyang mukha.
"Thyrian! Fuck, no! Bitawan mo siya!"
"R-Red g-glad you came..."
Huling nasabi ko bago ko makita ang kadiliman.
-
Please press the ⭐ button if you like this chapter, leave a comment too.
Hope you enjoyed! See yah soon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro