Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[26]. Chase

Another update for you angels! :* dahil 'di ako busy. Enjoy!
-

THYRIAN SERAPHINE TOMOYAMA

I clenched my fist at napakagat labi ako sa inis. Nakatakas ang thief! Pero bakit yata may alam siya sa mahika ng mga dragon kung mortal lang siya? Naguguluhan ako!

"Yuki, may impormasyon ka ba kung saan nakatira ang thief?" sabi ko kay Yuki.

Umiling-iling siya. "Unfortunately, Athene, wala. Tuso ang thief, pero..." bakas sa kaniyang mukha na may gusto pa siyang sabihin. 

Gulong gulo ko naman siyang tiningnan. "Pero ano, Yuki?" tanong ko.

"Pwede ba? Pag may sasabihin kayo, 'wag nang thrilling? At hanggang kailan tayo tatayo dito? Please ang bigat, " reklamo ni Ryoku at napanguso,  mukha ngang hirap na hirap siyang kargahin si Red.

Akala ko ba mapasensya ang isang 'to. May limitasyon din pala ang lahat at tama din naman siya mabigat si Red, mukhang payat lang pero mabigat.

"Pwede ba din?! Ano bang problema niyo? Ang lakas talagang manira ng seryosong usapan ang grupong ito!" sabat ni Yuki at napa cross arms.

"Manahimik na nga lang tayo at makinig kay Yuki, " sabat ni Shinri.

Seryoso ko ulit na tiningnan si Yuki, "So, ano nga yung sinasabi mo? Ano 'yung pero?" tanong kong muli.

Bumalik sa pagkakalmado ang mukha ni Yuki pero, blanko at 'di ko mabasa ang kaniyang mga mata.

"Hindi ako sigurado pero baka alam ko na kung saan nakatira ang thief. 'Di ako sigurado pero mukhang siya ang nakilala ko noong bata pa lang ang edad ko sa mundong ito, " pagpapaliwanag niya pa na nagpalaki ng mga mata namin.

"A-Ano? Kilala mo siya, Yuki? Diba wala ka ring naalala?" tanong ko sa kanya pero umiling siya.

"Dahil sa kanya bumalik ang alaala ko. At alam ko mismo ang lugar kung saan ako napadpad at nakita niya, hindi lang ang dragon chant na korezaz ang alam niya, pati na rin ang chant ng mystica na siyang naging dahilan kung bakit bumalik ang alaala ko, " sabi niya at muli 'di kami makapaniwala sa narinig.

"Pero diba mortal siya? Paanong alam niya?" tanong ni Shinri at iyon din mismo ang gusto kong tanungin.

"Ang dragon chant ng korezaz at mystica ay dalawang uri ng malakas na dragon chant, maaring ikamatay ito ng normal na nilalang, lalo na ng isang mortal," sabat ni Ryoku na seryosong nakatingin sa amin.

"P'wera kung hindi talaga mortal ang nilalang na 'yun o hawak niya ang Aeghariuz. " pagpapatuloy ni Ryoku.

"A-Ang Aeghariuz?! Ang sinaunang makapangyarihang spell book ng mga dragon? Pero paano napunta sa kamay ng nilalang na 'yan kung pati ito ay nasira na noong digmaan? Imposible ang lahat ng ito!"

Kitang-kita ko paano nasunog ang librong iyon mula sa silid aklatan ko, ang pamilya Tomoyama ang angkan na kinabibilangan ko ay ang may ari ng librong iyon galing pa sa aming ninuno na walang iba kungdi ang mismong tanyag na emperador at kasalukuyang ice dragon gem—si Glacier Seraphimy.

Kung totoo ngang napasakamay ito ng iba ay kasalanan ko dahil hindi ko ito nakuha noong una pa lang.

"Dahil hindi naman talaga mortal ang nakasalubong niyo kanina at may posibilidad na hawak din niya ang libro," rinig kong wika ng boses ni Red.

Napatingin ako sa kaniya, gising na pala siya, nakatayo na siya sa tabi nina Ryoku. Pero kaamoy niya ang isang mortal! Papaanong?

"Gising ka na pala, Red. Papaanong nasabi mo ang mga ito?" Inunahan ako ni Yuki na magtanong.

"Dahil hindi lang ang Aeghariuz ang maaring nasa kaniya pati na rin ang Pyrh ang cloak ng bulkan ng Themes, nararamdaman iyon ng mga apoy ko dahil pag mamay ari ng kaharian namin ang suot niyang cloak. Pag sinuot ito ng ordinaryong mortal ay kakainin ito ng apoy at maglalaho pero pag may taglay na lakas ang nilalang para kontrolin ang kapangyarihan ng cloak ay hindi siya masusunog, " pagpapaliwanag niya at napakuyom ang kamao.

Magnanakaw nga talaga ang gagong iyon! Ano ano lang ang ninanakaw! Makapal ang mukha! "That means, hindi ordinaryo ang haharapin natin isang nilalang na may misteryosong pagkatao na maaring nakipagkasundo kay Kiriko ang mahirap pa ay hindi natin magagamit ang kapangyarihan natin sa ciudad na ito, " sambit ko at sa pagkasabi ko ng pangalan ni Kiriko ay dumilim lahat ang mukha ng mga kasama ko.

"And another thing, kanina nong nawalan ako ng malay ay may napanaginipan ako. . . " wika ni Red. "Extension sa naunang nakita natin tungkol sa anak ni Kiriko, buhay pa ito at nalalapit na ang paghahasik nito ng lagim at pag nangyari 'yon... We will all die including this world. "

Sa sinabi niya ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin namin. Napakabigat ng responsibilidad ng aming tungkulin at marami kaming dapat gawin.

"P-Pero! Tayo ang mga royalties diba? Kakayanin natin!" nanginginig na sabi ni Shinri.

Umiling iling si Yuki, "Narinig mo na ba ang double prophecy, Shinri? Kung saan na dalawa ang maaring mangyari, pag tama ang naging hakbang niyo ay maliligtas ang lahat pag mali sisimulan ng kasamaan ang pagkawasak at pamumunuan ito ni Kiriko. "

Sa sinabi niya ay nagsitaasan ang balahibo ko. Dati pinaniniwalaang sina Ama ang makakatapos sa propesiya dahil nagawa nilang ikulong si Kiriko pero nagkamali sila dahil ngayon, ang propesiya at mabigat na nakasalalay sa amin.

"Pero kung si Kiriko nga ang masama ano ang ibig sabihin ng nakita natin na siya ang kaawa awa? Sino nga ba talaga si Kiriko? Bukod na siya ang kapatid ni Miyuki at dating dark royalty ay blanko na ang mga detalye ukol sa kaniya," anas ni Shinri.

Kilalanin mo muna ang iyong kalaban bago ka sumugod.

Bigla kong naalala ang pangaral ni Glacier Seraphimy sa akin bago ang digmaan laban kay Kiriko pero hindi ko siya pinakinggan. Ngayon, para sa tagumpay ay nararapat nanamin itong gawin.

"Then we should find that thief baka may alam siya tungkol kay Kiriko at para makausad na tayo. "

"Buti naman nakikinig ka na sutil na babae," anas ng boses sa aking isip—Si Glacier at ngayon pa talaga nagsalita hindi kanina, nagsalita lang para pangaralan ako.

Di na lang ako sumagot at tumingin sa kawalan.

Minsan iniisip ko kung naging normal na dragon o magiging isang mortal na lang ako, simple lang ba buhay ko? Hindi 'yung ganito—maraming kamatayan.

"Kung iniisip mo na sana hindi ka na lang naging royalty, nagiging duwag ka na Thyrian ikaw tong lakas loob na lumalaban na nagbibigay motibo sa amin, kaya 'wag kang mawalan ng lakas ng loob, " sabi ni Red na nasa likuran ko.

Hinarap ko naman siya at napansin kong wala na sina Yuki kasama namin, "Asan sina Yuki? At paano mo nalaman?"

Lumapit naman siya sa akin and he flicked my forehead, "Di ka pala talaga nakikinig, ang lalim ng iniisip mo. Pumasok na sila sa loob para mag impake at hanapin ang libro ng pag aaral ni Yuki sa mahika sa lugar na ito at alam ko lang na iyon ang naiisip mo, nakikita ko sa mga mata mo. You can't lie to me, Rian. Bata pa lang kilala na kita,"

Tumango ako pero 'di ko siya magawang sagutin. Hindi nga ako makakapagsinungaling sa kanya kaya niyang basahin ang mga mata ko na tinatago ko ang laman sa karamihan.

"Minsan iniisip ko din ang mga 'yan, Rian. Alam mo namang sa una pa lang ayokong maging royalty, I hate responsibilities at ayokong mabuhay sa karahasan pero naisip ko kung 'di ko gagawin ito, paano na lang ang mundo natin at ang ibang mundo? Umaasa sa atin ang mga tulad natin na 'di biniyayaan ng malakas na kapangyarihan at di maprotektahan ang kanilang sarili, kung magiging duwag tayo mas maraming karahasan at maraming mamatay maraming kaluluwa ang iiyak sa paghangad ng hustisya, lahat ng magagandang mga bagay pag 'di natin proprotektahan para sa susunod na henerasyon, sino ang gagawa? Rian, nagtiwala ang dragon gems at ang diyos ng mga dragon sa atin kaya dapat magtiwala din tayo sa ating sarili, " wika niya na nagpakurap sa mga mata ko.

Sa lahat ng mga sinasabi ni Red ito ang pinakamahaba at ito ang napaka seryoso at sa bawat sabi niya ng mga salita lahat katotohanan. Pero tama siya, 'di ako susuko. Nangako ako sa harap ng mga taong dragon ng pinakilala akong bagong reyna na proprotektahan ko sila. Paninindigan ko 'yun. Mananalo kami.

"Oy! Why are you staring at me like that? Bawal bang mag seryoso?" clueless ang kaniyang mukha na para bang isang baliw. 

I laughed na kinagulat niya. Ngayon na lang ako tumawa muli simula ng mamatay si Ina. "Minsan ka lang kasi mag seryoso. "

Lumapit siya sa akin at iniharap ako sa kanya na kinagulat ko. "Hindi nga? Tumawa ka talaga! Milagro!" 'di makapaniwalang saad niya.

Binatukan ko siya, "Tumigil ka na nga! Mag gagabi na, pumasok na tayo sa mansiyon. Inaantok na rin ako at pagod na ako sa ginamit kong kapangyarihan nung laban natin kay Kiriko, " sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang pumasok sa mansiyon.

Naramdaman kong sumusunod siya sa akin hanggang sa makarating ako sa pinto ng kuwarto ko, "Milagro 'ding mula nong laban kay Kiriko ay iniyakan mo ako," sabi niya na nagpa-estatwa sa akin.

Narinig niya ba ang mga sinabi ko? Ang mga salitang binitiwan ko?! 'Di maari!

"Pero syempre naman. Kaibigan mo ako diba kahit sadista ka sa akin. Paalam na, Rian. Goodnight, see you tomorrow, " sabi niya at ramdam ko ang bawat hakbang niya palayo.

Higit pa sa kaibigan, gago!

Gusto kong sabihin but I will not say it, no.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at diretsong napahiga sa kama kasabay ng paghila ng antok at panaginip sa akin.

Nakita ko ang sarili kong nakaharap sa thief. Nasa mansyon kami ni Yuki. Gulo gulo ang paligid at nakatingin ang thief sa akin at umiiling-iling.

"Anong ginawa mo dito?! Ano ba talaga ang pakay mo?!" sigaw ko sa kanya pero iling lang din ang ginawa niya.

Sa likod niya nakita ko ang sarili ko at sina Red na nakikipaglaban.

"Rian! Tumakas na kayo! Ako na ang bahala dito!" sabi ni Red na hawak-hawak ang isang ordinaryong espada.

"Hindi maari! Hindi ka namin iiwan dito!" wika ng sarili ko sa panaginip.

Biglang may umatake na kalaban upang saksakin ako ngunit—sinalo ito ni Red at siya ang nasaksak.

"Hindi!!!" sinabayan ko ang sigaw ng sarili ko sa nakita ko.

Tumulo ang luha ko at napaluhod. Tinitingnan lang ako ng thief at napailing.

I clenched my fist in fury, "Kasalanan mo 'to! Sino ka ba talaga? Bakit puro iling kang gago ka? Pag may nangyaring masama kay Red! Papatayin kita!" sabi ko at sinugod siya.

Ngunit kinumpas lang niya ang kamay niya ay 'di ko na maigalaw ang katawan ko. Lumapit siya sa akin at nakita ko ang asul niyang mga mata.

"Hanapin niyo, " sabi niya.

Masama ko siyang tiningnan. "Hide and seek ba talaga ang gusto mo hah?!"

"Hanapin niyo, verdadez." Sabi niya at tiningnan ako mata sa mata at sa kanang kamay niya lumabas ang isang posas.

"Gusto mong hanapin kita hah, Thief?!" hiyaw ko.

"Thief, " sabi niya at napailing iling.

Pagkatapos purong puti ang nakita ko.

Hingal na hingal ako nang ako ay nagising. Gabi pa rin ngunit ang nakapagtataka ay ang puting papel sa may bedside table nung kinuha ko iyon nakasulat don ang pamilyar na simbolo.

Isang parisukat na may isang pakpak sa loob. Isang simbolo ng magnanakaw sa dragon realm at isang kulay peach na lily na medyo nabubulok na at isang sulat na ang sabi ay;

"Seek the thief."

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro