[24]. Thief
HAPPY 27K READS ANGELS. I LOVE YOU 😘🌹
ENJOY READING!!
-
SHINRIA CELESTINA RAITO
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa mansyon-oo mansyon na kami nina Yuki. Napakalaki ng bahay pero antigo nga lang ang disenyo, sa pagkarating pa lang namin kanina ay sinalubungan na agad kami ng mga butlers at maid nina Yuki.
Bakit n'ung nareincarnate kami ni Thyrian sa mahirap na sitwasyon kami tinapon?
Ang unfair! Mas malaki ang mansyon nina Yuki kaysa sa mansyon nina Red. Higit na halata na mayaman ang pamilya na napuntahan ni Yuki, ang unfair mukhang dahil sa salamangka niya, siya naman kasi 'yung nagdala sa amin sa human world napupunta siya sa magandang kalagayan habang kami hindi, tulad kanina buti hindi ako napunta sa basurahan tulad ni Thyrian at Red.
"Doon tayo sa living room, nasa labas ang mga maids at butler nang hindi nila marinig ang pag uusapan natin, " wika ni Yuki habang kami ay naglalakad sa pasilyo ng kaniyang mansyon.
"What did you tell to them about your parents?" tanong ni Thyrian.
Biglang pumait 'yung mukha ni Yuki, mukhang he became too attached to his mortal parents. 'Di ko siya masisi, pabaya ang parents niya sa dragon realm, he was always controlled na para bang hindi siya anak ng mga ito kundi isa lang ding kawal na pwedeng kontrolin.
Madiing hinawakan ni Red sa balikat si Thyrian at tiningnan ng makahulugan, yumuko naman si Thyrian at mukhang nagsisi sa kanyang sinabi, first time na yumuko at mag apologize si Thyrian.
"It's okay, no need to apologize. Sasabihin ko sa kanila ang totoo mamaya," walang ka emo-emosyong sambit ni Yuki but I saw sadness in his eyes.
Minsan lang magpakita ng kalungkutan si Yuki, he always masked his emotions, always that guy who had that sweet smile.
"Stop this gloomy atmosphere, may maganda akong balita, alam niyo naman na makakausap natin ang Ate ko 'diba? May advantage tayo sa mga kalaban, " sambit ni Red, pilit na pinapa-cheer ang mood.
"Oo nga pala, Red, naligtas din natin ate mo sa hawak ni Kiriko, kakayanin din natin ibalik ang iba," deklara ni Ryoku.
Sa sinabi ni Ryoku. Ngumiti ako nang mapakla. I missed him. I miss Aoi. Sana sa susunod siya na yung mailigtas namin. Sana bumalik na siya sa amin.
Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa mga mata ko.
"Ano mag iiyakan na lang ba tayo dito?" Sumimangot ang mukha ni Red at lumalabas ang kaniyang pangil.
Dahil sa sinabi niya nagtawanan na lamang kami. May dapat naman talaga kaming ikasaya kasi nailigtas namin si Yuki at ilan na lang ang kulang kompleto na kaming royalties, isama mo pa na nag iimprove na ang mga kapangyarihan namin.
Nang makarating na kami sa living room ay sinenyasan kami ni Yuki na umupo kami sa sofa. Medyo nakakahiya nga lang na umupo don dahil ang linis ng sofa samantalang kami kung ano ang itsura namin nung napadpad kami dito, 'yun pa rin hanggang ngayon. Amoy basura pa rin si Thyrian at Red, at aamin kong hindi ito kaaya-ayang amuyin simula pa kanina.
"Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Umupo na kayo hindi kayo i-se-serve ng sofa para umupo lang kayo, " sarkastikong untag ni Yuki at umupo, nag-dekwatro pa siya.
Umupo naman kami, katabi ko si Ryoku hindi naman sa nandidiri kami kina Thyrian at pinatabi ko silang dalawa ni Red sadyang nahihilo na kami sa amoy, amoy na naagnas na pagkain at patay na hayop.
"At bakit kayo lumalayo sa amin?" matalim na tingin ang ibinigay ni Red sa amin.
Yuki chuckled. "Nevermind. Now, Red, do the honors kausapin natin ang Ate mo."
Mas lalong tumalim ang mukha ni Red pero naging normal naman agad ito at nagsimula ng lumiyab ang kanyang katawan. Buti na lamang hindi nakakapaminsala ang apoy sa aura niya dahil baka masunog ang mansyon ni Yuki.
"Teka muna, How about Aphrodite?" tanong ni Thyrian at hinawakan ang balikat ni Red, biglang nawala ang apoy sa aura ni Red.
"Hey! Bakit mo ginawa 'yun and how did you do that?" mangha ngunit inis na tanong ni Red kay Thyrian.
Pati man kami ay namangha, she can now nulify auras. Minsan iniisip ko why can I not be like Thyrian? Naliligtas niya lahat, malakas siya at matapang.
"Shut up, flame brain. Now, Yuki how about, Aphrodite? "Thyrian dismissed Red at tiningnan si Yuki.
"Let me rest for a minute. Paunahin si Red, " wika ni Yuki. Oo nga, kailangan niyang magpahinga andami na niyang pinagdaanan sa kamay ni Kiriko.
Thyrian nodded, Tinangal niya ang kamay niya sa balikat ni Red at bumalik ang umaapoy na aura nito. Lumaki ang mata namin at mas lalong namangha lalo na si Red na ngayon ay tinitingnan na si Thyrian ng mata sa mata.
Thyrian slapped Red. "Huwag mo 'kong tingnan! Mukha kang abnormal!" Thyrian mumbled at umiwas ng tingin.
Napaghahalataan ko na ang dalawang ito. May kung ano sa kanila na dati nakikita ko sa amin ni Aoi. Bumabadya nanaman ang mga luha ko.
Biglang hinawakan ni Ryoku ang kamay ko at pinisil. Muntik ko ng makalimutan na katabi ko pala siya. Lumapit siya sa akin hanggang sa ilang centimeters na lang ang agwat niya sa mukha ko, nilapit niya ang bunganga niya sa tenga ko at naramdaman ko ang paghinga niya sa bandang tenga ko.
"Cheer up. We will save him, " he whispered at nagsitaasan ang balahibo ko.
Simula pa dati ganito na ang pakikitungo sa akin ni Ryoku hindi ko naman binibigyan ng malisya because kapatid lang ang turing niya sa akin at gan'on din ako.
Narinig kong umubo si Yuki yung ubo na parang naiinis na. Lumayo naman si Ryoku at mukhang maayos na si Thyrian at Red except to the fact na nakatali ang mga kamay nila sa isa't isa ng dimension cuffs ni Yuki.
"Hurry up Red, " seryosong wika ni Yuki.
That seriousness that he will definitely break someone's bones if we will not comply.
Red laughed nervously at mas lalong niliyab ang aura niya hanggang sa nagka-blue fire na ang dulo nito at naghiwa-hiwalay ang mga blue fire at nagsipunta sa middle ng living room. Kumorte itong babae hanggang sa naging kamukha nito ang Ate ni Red. Normal na ang itsura nito hindi gaya n'ung lumalaban kami na blue din ang kulay ng balat nito. Tinititigan kami ngayon ng dalawang pares ng mata na dalawa ang kulay.
"Handa ba kayo upang mapunta sa isang bangungot, bangungot na magagamit niyo kay Kiriko?" seryosong sabi niya at nag-indian sit sa ere.
"What do you mean, Ate?" naguguluhan tanong ni Red, pati kami ay naguluhan din.
Hindi siya sumagot ngunit kinumpas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap nanaginip kami.
Andito kami ngayon sa isang hardin. hardin ng dark kingdom. At hindi ito ang alam naming hardin sa kasalukuyang hardin ito ng past royalty.
Gusto man naming magsalita ay walang salita ang lumalabas sa'ming bibig. Kaya wala kaming nagawa kundi pagmasdan na lamang kung ano ang gustong ipakita sa amin.
Nakarinig kami ng sigaw ng isang bata mula sa palasyo. Dahil doon ay tumakbo kami sa kinaroroonan n'on.
Nanlumo kami sa nakita namin. Sa laboratoryo ng palasyo, sa isang mesa na may mga itim na simbolo at patak ng dugo nakahiga ang isang dalaga, nakatali ang dalawa niyang kamay at paa ng mga kadena, nakabusal ang mga mata, sa kanyang ibabaw ay isang hubad na lalaki na nakatakip ang mukha na walang awa siyang ginagahasa.
"T-Tulong! W-Wag! T-Tama na! Tama na!" sigaw ng dalaga habang pinipilit na makawala ngunit sadiyang hindi niya kaya.
Sa hindi namin malamang dahilan hindi kami makagalaw sa kinatatayuan namin. Nakabusal man ang mga mata ay nakaharap sa direksyon namin ang dalaga.
"P-Patayin niyo siya. Pakiusap," sabi ng dalaga at pagkatapos sumigaw ang dalaga sa sakit habang mas lalong binilisan ng lalaking gumagahasa sa kanya ang paggalaw nito, pagkatapos narinig namin ang paghalakhak ng lalaki kasabay ang paglabas ng itim na anino sa katawan nito.
Nalusaw ang takip sa mata ng dalaga at nakita namin ang mukha ni... Kiriko.
Nagbago ang lugar kung nasaan kami. Napunta kami sa isang lugar na umaalingasaw, amoy patay na tao at kasing init ng impyerno, sa isang kweba narinig namin ang boses ni Kiriko. Agad kaming pumunta sa kweba at nakita namin si Kiriko hawak-hawak ang isang patay na sanggol.
"Ikaw ang tatapos ng lahat ng 'to at hawak mo ang buhay ko," sabi niya habang inaakay akay pa ang patay at naagnas na sanggol.
Hindi namin alam kung sa sanggol ba siya nagsasalita o meron pang iba ngunit mukhang dahil nga sa kahibangan ni Kiriko ay kinakausap niya ang patay na sanggol. Marahil ito ang anak niya sa pangagahasa sa kanya.
"Ikaw ang magiging katuwang ko at ikaw lang ang may alam at kung papaano tapusin ang lahat, at mukhang oras na para ikaw ay mabuhay sa mundong ito," wika pa nito muli.
At pagkatapos biglang sumigaw si Kiriko at ang pagdilim ng paningin namin.
Bumalik na kami sa kasalukuyan at hindi mapinta sa aming itsura ang pagkagulat, galit at pagkagulo.
Sino nga ba si Kiriko? Siya lang ba ang kalaban namin o meron pa?
Ano o sino ang itim na anino?
"Kailangan nating hanapin ang sanggol na binuhay ni Kiriko, kasabay ng paghahanap natin sa iba. Mukhang kapahamakan din ang dala ng nilalang na 'yun at mukhang sa nalaman nating ito ay alam na nating hindi lamang si Kiriko." Sumeryoso ang mukha ni Thyrian habang kinukumpas-kumpas ang kaniyang mga kamay para bang may naalala siya o hindi kaya'y naisip.
We nodded. Ngunit biglang sumeryoso ang itsura ni Yuki kasabay ng naramdaman naming presensiya.
"Red, isara mo muna ang aura ng kapangyarihan mo. "
Naguluhan naman kami sa sinabi niya lalo na si Red. "Bakit? Madami pang nais ipakita ni Ate. "
"Andito na siya, " anas ni Yuki. Sa itsura niya'y handa na siyang sumugod.
Mas lalo naman kaming naguluhan sa sinabi niya. " Sino?"
Pinikit ni Yuki ang kanyang mata saglit at binuksan ulit. "Andito na ang thief, ang kumukuha ng kapangyarihan mukhang nalaman niya ang paglabas natin ng malakas na enerhiya at kakain siya ngayon at kailangan nating mahuli ang thief na 'to bago natin magamit ng lubos kapangyarihan natin dito. "
Pagkatapos niya itong sinabi. Biglang nangisay at nawalan ng malay si Red.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro