[23]. City of Queza
-
Dark Alley,
City of Queza
RED BLYTHE AKIYAMA
Ang sakit ng ulo ko na para bang pinupukpok ito ng martilyo. Nakapikit pa ang mga mata ko at napangiwi ako sa naamoy ko. Teka ang naalala ko purong puti ang nakita ko nung pumasok kami doon sa loob ng puno then there goes emptiness, wala na akong maalala. Nawalan nga talaga kami ng malay. Damn Yuki! Hindi niya sinabing may side effects and travel na 'yun!
Pumasok nanaman ang masangsang na amoy sa ilong ko na pakiramdam ko pati ako ay ganoon ang amoy. Sumasakit na ulo ko dahil dito o pati na rin sa travel hangover ko pati ang katawan ko ay masakit na din.
Pero bukod dito nakaramdam ako ng mga kamay na nakayakap sa akin at ramdam ko may mukha na nakasubsob sa dibdib ko.
Ano ba talagang nangyayari dito? Mahina kong binukas ang mata ko at nakita kong mahigpit akong niyayakap ng tulog na si Thyrian. Bukas ang mga bibig niya sa pagtulog and her cheeks is colored pink.
What the hell?
Ngunit hindi lang ito ang nagpayanig sa utak ko pero nang mapagtanto kong nakahiga kami ngayon sa isang basurahan sa isang madilim na kanto na ewan ko kung asan. The walls are covered with grafiti and makalat ang paligid.
Natagpuan ko si Yuki na wala ding malay sa isang lumang sofa at si Shinri at Ryoku ay nakahiga sa isang karton.
What the hell? Bakit kami nasa basurahan talaga? It's so unfair!
My veins popped and I'm burning mad. Maingat kong inalis ang pagkayap ni Thyrian sa akin at tumayo mula sa basurahan. Then while stomping my feet in anger nilapitan ko kung asan si Yuki at malakas siyang binatukan.
Why can he be so complacent? Ngayon bang nakatakas kami kay Kiriko okay na at tutulog-tulog sila dito? And why the hell dito ba kami inihulog?
"Gumising ka gago! Habang ikaw nahulog diyan sa sofa! Sa basurahan mo kami hinulog ni Thyrian!" I angrily said.
Binuksan niya ang isang mata niya and he glared at me,"Ayaw mo pa yon? Kayakap mo si Thyrian. You dreamed 'bout it bro, a long time ago, don't you? Dreams come true oh, "he said and yawned and he sleep again.
My face flushed in embarrassment. But this wasn't the case! "You!" I said.
"Yeah, yeah. Now go ahead and sleep and cuddle with her and maybe kiss her like the way you did nung nasa Mimosa's Tower pa tayo, " he said and grinned while his eyes still closed.
With that I cast up a flame in my hands, Kinuyom ang kamao ko and binatukan siya.
"What the hell?! Plano mo bang sunugin ang buhok ko, bro?" he said at biglang napatayo at pinagpag ang buhok niya.
I smirked,"Nararapat lang 'yan sa'yo. Kasalanan mo kung bakit napadpad tayo rito. "
"What's happening here?" Natigilan kami nang narinig namin ang malamig na boses ni Thyrian na alam kong nasa likuran ko ngayon.
We gulped. Humarap kami sa kanya and her eyes is cold at halatang naiinis.
"S-Si Yuki! Dinala niya tayo dito at sila nasa comportableng lugar habang tayo Thyrian ay inihulog sa basurahan, " I said at sinikuhan ako ni Yuki.
Takot lang 'to. Masama siyang tiningnan ni Thyrian, "Nevermind, atleast we're safe. Gisingin niyo na ang dalawa, we need to get out of here o gusto niyong manatili sa lugar na 'to?" she said.
Nadismaya naman ako na hindi man lang niya binatukan si Yuki. Parang baliw na nginigisian ako ni Yuki na para bang panalo na siya ngayon.
"May araw ka din, Strawberry, " sabi ko kay Yuki at masama siyang tiningnan.
Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa kinaroroonan nina Ryoku. "Hoy! Gumising na kayong dalawa!" sabi ko at tinapik tapik silang dalawa na kayakap ang isa't isa.
Agad naman nilang binuksan ang mata nila at napatingin tingin sa paligid, "Where are we?" sabi ni Ryoku and yawned.
Aba! Ang sarap ng tulog ng isang 'to! Kung sakalin ko kaya 'to? "We're in the city of Queza, ang city kung saan ako nareincarnate," sabi ni Yuki habang tinatalian niya sa ponytail style ang mahaba niyang buhok.
"Hindi ba tayo mahahanap agad dito, Yuki?" Thyrian asked habang tinatanggal niya ang mga dumikit na plastic sa kanyang buhok dahil dun sa basurahan.
Yuki smirked, "No. May kung anong malakas na kapangyarihan ang bumabalot sa buong ciudad ng Queza, Sabihin man nating bahagi ito ng human world ay may connection ang lugar na 'to sa mahika. May kung sinong nag cacast ng kapangyarihang iyon, dahil sa kapangyarihan na nagsisilbing barrier, mahihirapan sina Kiriko na pumasok sa lugar na 'to pwera kung may kasama siyang isang malakas na dimension eater. Sadya kong dito tayo dalhin dahil nais kong hanapin ang may gagawan ng barrier at baka kakampi natin siya o mas maganda isa siya sa inyo, mga royalties."
Naramdaman ko ang sinasabi niyang kapangyarihan na kanina hindi ko napansin dahil nga naiinis ako kay Yuki.
"Kung ligtas ang Ciudad na 'to, paano ka napasakamay ni Kiriko?" Thyrian asked.
Napaisip din ako. Paano nahuli si Yuki? Tiningnan ko ang mukha ni Yuki at biglang pumait ang itsura niya.
"Magbabakasyon sana kami ng kinikilala kong pamilya at sa bakasyong iyon ay nagbabakasakali din akong mahanap ko kayo, ngunit habang bumabyahe kami ay inatake kami ng tauhan ni Kiriko na kasama si Kiriko mismo, pinatay niya ang kinikilala kong pamilya at dinala ako sa dungeon nila, " sabi niya at napakuyom ang kanyang kamay ramdam ko ang galit niya kay Kiriko.
"Habang nasa dungeon ako marami din akong nalaman sa mga kalaban na maari nating gamitin laban sa kanila, " pag papatuloy ni Yuki at napatango na lang kami.
"We can't continue our meeting here. Malay nating may magic user sa paligid na hindi nga kakampi ni Kiriko pero nagbabalak ng masama, " sabi ni Shinri habang kinukusot kusot niya ang kanyang mga mata.
"She's right. Yuki, may alam ka bang lugar kung saan tayo pwede mag usap usap?" sabi ni Thyrian.
"Yes. Follow me, doon tayo sa luma naming bahay and I believe nasa dimension na ibinigay ko sa'yo, Athene, si Aphrodite 'diba? I can help her. " Sabi niya kay Thyrian.
Uminit naman ang dugo ko sa Athene na yan. Athene his face!
"Someone's jealous, " sabi ni Ryoku and eyed me.
I tched. Tumango naman si Thyrian, "So, let's go," sabi ni Thyrian at naglakad palabas ng alley at sumunod kami.
Nakita namin ang liwanag at sumalubong sa aming mga mata ang busy na kalsada, mga naglalakihang building at mga stores at ang mga taong busy sa kani-kanilang gawain.
"Mayara, Mayara kayo diyan! Lima pa kasya!" rinig kong sabi ng konduktor sa isang jeep.
"Tara. Sakay tayo doon. May pera ka ba, Red?" sabi ni Yuki at naunang sumakay sa jeep.
Ni hindi man lang nagtanong kung gusto kong magbayad. Kinapa kapa ko ang wallet ko sa suot kong pantalon at kinuha ko iyon.
Sumunod akong sumakay sa jeep at sumunod din ang tatlo. Sinenyasan ng konduktor na maari ng gumalaw dahil kumpleto na ang pasahero.
"Bakit amoy basura dito manong?" sabi ng isang babaeng pasahero na katabi ko.
Masama kong tiningnan si Yuki and he smiled, "Welcome to the city of Queza, Red. "
How fun.
-
Ano kaya ang naghihintay sa kanila sa ciudad ng Queza?
Vote and comment if you like this chapter. Pweese ❤
See you in the next UD angels. 😘🌹
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro