[21]. Unbent
Hello! I'm here again! Hahaha. Hope you enjoy mah update. 💖 Malapit ng mag 26k reads ang Elemental Dragons thank you my angelsss 😘💖
Pasuspense muna tayo sa part 2 para hindi masyadong fast pace ng storya.
Dedicated to AmadenS6 and Archie.
Message for Archie:
Thank you sa pag basa nito. You made me happy😄 Sa pag subaybay ng every update ko. Dedicated din to sayo uh? Thank you for being part of my angels 💖😘
🔯🔯🔯
Mimosa's Tower Hall
Unknown Location
RED BLYTHE AKIYAMA
Boses at ingay ang sumalubong sa akin. Boses nina Yuki na nagsusumamo kay Shinri, ang halakhak ni Kiriko at ang daing ni Shinri.
"Kasalanan ko... Kasalanan ko," untag ni Shinri na hanggang ngayon ay naririnig ko.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at iginala ang aking paningin at rumehistro sa aking paningin ang mga sira-sirang muwebles sa kwarto at ang mga basag na salamin mula sa bintana. May mga patak ng dugo sa sahig.
Nakita ko na nakatayo si Kiriko na parang sayang-saya sa ginagawa. Sa kaniyang likuran ay mayroong parang isang sinulid na gawa sa itim na anino na kumokonekta kay Shinri at unti-unting pumapasok sa katawan niya.
Pilit na nais lumapit ni Ryoku at Yuki kay Shinri ngunit sila ay pinipigilan ng itim na anino. Si Shinri na sinasabunutan ang kanyang sarili habang patuloy na rumaragasa ang mga luha at ang parehong katagang kanina ko pa narinig ay paulit-ulit niyang sinasambit sa kaniyang mga labi.
Pero nasaan si Thyrian?
Inilibot ko ulit ang aking mata para hanapin siya at hindi ako nabigo nang aking makita ang protective shell niya at ang isang simbolo ng isang serpenteng dragon na yumayakap dito... Hindi maari! Hell no. Why did you do this Thyrian?
"Damn!" I silently cussed.
Maingat akong tumayo dahil alam kong may sugat pa ako. Kinapa-kapa ko ang sikmura ko pero laking gulat ko na wala na ang dugo rito. Nadatnan ko ang maliit na speck ng blue fire mula rito, Tiningnan ko ang tabi ko kung nasaan kanina si ate nung protektahan niya ako. Nawala na kanyang katawan sa aking tabi.
Ngumiti ako. Ligtas ka na ate, "Salamat din Ate," bulong ko at tuluyang tumayo kahit na biglang tumulo ang aking mga luha.
"Kasalanan ko...'' Ulit nanaman ni Shinri at patuloy na siyang binabalutan ng itim na anino mula kay Kiriko.
Shit. Lumaban ka. Wag kang papatalo Shinri. We can't afford to lose you.
"Oo kasalanan mo! Sige! Tanggapin mo ang kasamaan mo at maparito ka sa akin!" sabi ni Kiriko at mas lalong nagdilim ang anino na pumapasok kay Shinri.
"Shinri! Lumaban ka!" wika ni Ryoku at Yuki.
Tumakbo ako papunta sa kanilang direksyon at walang pakundangang hinawakan ang likod ni Shinri kahit na mayroong itim na anino.
"Shinri! Tumigil ka! Hindi mo kasalanan! Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi mo kasalanan at napakabuti mo! Tumigil ka! Hindi mo na mababawi si Aoi nagkataon," sigaw ko.
Tiningnan ako ni Shinri. Mugto ang kanyang mata sa kaiiyak. "R-Red..." Mahinang sambit niya.
Narinig ko na pumalakpak si Kiriko. Masama ko siyang tiningnan. Rumaragasa ang galit ko sa kanya. Dinamay niya ang lahat. Marami na siyang nasaktan.
"Magaling at nagagawa mong iwasan ang kadiliman ko at buhay ka pa hanggang ngayon pero sad to say ikaw lang, mapapasakin ang ispirito ng ate mo pati ng Light Royalty," nahihibang niyang sabi.
Ngumisi naman ako at nagsimulang lumiyab, this time pulang apoy na may pagka asul. Tinabunan nito si Shinri at ang itim na anino.
"Red! Masasaktan si Shinri sa gagawin mo!" pagpigil sa akin ni Ryoku.
Mas lalong tumawa si Kiriko ang kaniyang mga mata ay mas lalong dumilim. Lumabas ang kaniyang itim na mga ngipin na para bang coated ito sa itim na dugo.
"Ikaw ang papatay sa kakampi mo? Ang galing, " sabi niya at mas lalong humahalakhak.
I grinned. "Yun ang akala mo, " sagot ko.
Mas lalong niyakap ng aking apoy si Shinri at kinain ang itim na anino. Pagkatapos ng maubos na ang itim na anino ay nilisan ng apoy si Shinri.
"Salamat Red," mahinang ani ni Shinri at nawalan ng malay na agad na inalalayan ni Yuki.
"Paano mo iyon nagawa hangal?!" galit na sambit ni Kiriko at tumayo ang kaniyang buhaghag na buhok.
Ngumisi ako. Ang asul na apoy ay nagsimulang mag materialize at nagkorteng taong kakulay at gawa sa apoy. Asul ang kulay ng balat na naglalagablab, nakasuot ng sleeveless na gawa din sa apoy pati ang pakpak at buntot nito ay yari din sa asul na apoy. Nang tuluyan na itong naging korteng tao... Ibinukas nito ang dalawang kulay na mga mata nito.
Nakarinig ako ng mga ingay na parang nagulat. Mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"Hindi pwede, patay ka na at bahagi ka na ng itim na anino... P-Paano?" hindi makapaniwalang wika ni Kiriko.
"Pwes nagkakamali ka matandang hukluban."
Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang naalala ko ay sinabihan kong mahal ko ang ate ko and the voice that is calling me then blank.
Puro puti ang paligid na nakikita ko. Ito na ba yun? Ang kamatayan ko? Ang saklap namatay akong walang kwenta. Wala akong naprotektahan kahit ang ate ko... Wala kang silbi Red. Siguro tatanggapin ko na lang ang kamatayan ko.
Paalam na... Pasensya na hindi ko na kayo matutulungan...
"Sinong nagsabing namatay ka na?! Sobra mong drama. Kasuya ka," narinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran.
"Ate..." mangiyak ngiyak kong sabi at humarap sa kaniya pagkatapos ay niyakap ko siya.
Niyakap din niya ako pabalik, "I'm sorry, I'm so sorry Ate. Wala akong kwentang kapatid. I-" Pinigilan niya ako at mas lalong hinigpitan ang kaniyang yakap.
"Sshh. May kwenta ka Red dahil sayo naibalik ko ang dating ako. Mahal na mahal ka ni Ate. Wala kang kasalanan," sabi niya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa aking suot.
"Ate, umalis na tayo rito. Di pa tayo patay diba?" tanong ko sa kaniya at tiningnan siya sa mata.
Malungkot niya akong tiningnan. "Ikaw lang Red, hindi na ako makakabalik sa katawan ko dahil sinumpa ako ni Kiriko hanggang di n'yo sya matatalo. Magiging isa akong ligaw na kaluluwa., malungkot niyang sabi.
Di naman ako makapaniwala sa aking narinig. Hindi pwede! Mas lalong umapaw ang galit ko kay Kiriko, sumosobra na siya!
"May paraan pa mga hangal," rinig naming sambit ng isang maarteng boses babae sa amin ni ate na nagpagulat sa amin.
Siya yung pangit na crystal na nasa loob ko...
"Ano?" walang pakundangan kong sambit.
Di naman makapaniwala ni Ate at parang ayaw maniwala, " 'Wag na, Red. Ganito na lamang ako-"
"Tahimik! Pag ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo ay magiging isa ka sa mga itim na anino ni Kiriko, kakain ka nila," sabi ng maarteng boses babae.
"May paraan pa... Kung ikaw Red ay gagawin mong pansamantalang alab mo ang iyong kapatid hanggang sa matalo niyo si Kiriko. Sa ganitong paraan may pag asa pang bumalik siya sa kanyang katawan kinalaunan at hindi makakain ng itim na anino. " Pagpapatuloy pa niya.
Nanatili kaming estatwa ni Ate na para bang binuhusan kami ng malamig na tubig.
"Ano ang alab? Hindi ko alam," pag-tatanong ko naman sabay kamot ulo.
Sumakit ang dibdib ko at yumanig ang paligid. Dumagundong ang boses ng crystal na sobrang sakit sa tenga. Takte.
"Sobra mong tanga, Red! Ang alab ay ang ispirito ng apoy. Gagawin mong ispirito ng iyong apoy ang iyong ate sa paraan na ito maproprotektahan mo siya laban sa mga itim na anino ni Kiriko at sa paraan ding ito matutulungan ka niya dahil makukuha mo ang portion ng kanyang kapangyarihan. Sa tuwing tatawagin mo ang kaniyang apoy ay kaya mong tumawag ng bangungot at mag alis ng bangungot."
What? Hindi maari para lang tool si Ate pag gagawin ko 'yun. "Wala na bang ibang paraan?"
"Wala na. Nasa sa inyo ang desisyon," sagot ng Fiara Ignitia.
Hinawakan ako sa braso ni Ate ang kaniyang double colored eyes ay nagliliwanag na para bang seryosong seryoso na siya sa ano mang gagawin niyang desisyon.
Ayaw kong mawala si Ate... Ayaw kong makuha siya ng mga anino pero ayaw ko din siyang gawing isang sandata.
"Pumapayag na ako," determinadong untag ni Ate.
Lumaki naman ang aking mata at humarap sa kanya, "Ate, pero..." Pinutol niya ang aking sasabihin.
"Sshh. Gusto kitang tulungan at kung ang paraan na ito ay para hindi kita iiwan. Gagawin ko. Kahit na madalas tayong di magkikita pero kung ako lang naman ang alab ng iyong apoy ay masaya na ako, dito makakabawi ako sayo aking kapatid." Matamis niya akong nginitian.
Hindi na ako nakasagot. Tama siya. Ayaw kong mawala ang kaisa isang pamilya na meron ako. "Promise ate, araw araw kitang tatawagin kahit wala akong ginagawa, kahit na sabihin nilang baliw ako na nakikipag usap sa aking apoy ay wala akong pakialam." Tuluyang tumulo ang luha ko.
"Tapos na ba kayo? Daming drama. Kailangan na kayo ng babaeng hangal din na kasama niyo yung Light Royalty, " maarteng sabi muli ng boses.
Panira. Pero... "Si Shinri?" mahina kong usal.
"Oo. Handa ka na ba Miyako?" sambit ng boses.
Tumango naman si Ate at ilang segundo pa lang ay lumiyab ang aking katawan pati na rin ang kay Ate. Unti unting naging kulay asul ang katawan ni Ate at naging gawa sa asul na apoy. Ang kanyang buhok ay naging asul na din at naging parang apoy. Lumabas sa kanyang likuran ang isang asul na pakpak ng dragon na gawa sa apoy at lumabas din ang kanyang buntot na gawa rin sa asul na apoy. Ngunit nanatili ang mga kulay sa kanyang mata. Ang kaniyang kasuotan ay napalitan ng isang sleeveless na gown na gawa din sa apoy. Nawala ang kaniyang saplot sa paa.
Pagkatapos ay unti-unting naging purong asul na apoy si Ate at ang kaniyang esensiya ay hinigop ng apoy sa aking katawan.
"Binabati kita Red, nailigtas mo ang ispirito ng iyong ate bago nahuli ang lahat at may bago kang kakayahan... Ang nightmare fire," sabi ulit ng boses ngayon nawala na ang arte sa boses nito.
Pagkatapos lumiwanag ang aking nakikita at napalitan ng purong puti... At pagkatapos n'on nagising na ako.
"Kasama ko na sa laban ng mga royalties laban sa iyo ang Ate ko. Paano ba yan Kiriko? Nabawasan ka na ng kakampi," I taunted her kahit mismong alab ng ate ko ay napangisi.
"Papatayin kita!" galit na saad ni Kiriko sa akin at muling inihanda ang hawak hawak niyang sandata na kanina kanyang binaba.
"Ilang beses mo na yang sinabi pero hindi mo pa rin nagagawa. Puro ka salita." I ignited the fire in my body.
My clothes changed ang dating butas butas kong tshirt dahil sa nakaraang laban ay napalitan ng pulang armor na may nagbabagang apoy na lumalabas pati na din ang suot ko pambaba ay naging isang armored pants na kulay pula din. My forehead is protected by a head protector na may disensyong dragon at apoy. My fiery wings and tail is covered by armored scraps of metal and the tip of my tail ignites a blue fire dala na din ng bago kong kapangyarihan. My left eye become red with a cross on its iris.
Ate began to materialize and changed herself into a huge sword. Blue fire dancing in her blade on the handle of the sword lies the crystal of nightmare and patterns of... Hell.
"Tara Kiriko, gustong gusto mo ang impyerno diba? Paano kung ibibigay ko sayo. Lasapin mo ang init ng apoy ko... Nang galit ko. " I gritted my teeth and swung my sword.
Di ko balak na lumapit sa kaniya and cut her with my sword. Malayuan pa lang pwede na. The swing from my sword creates a fiery impact na sapat na para makapanakit.
Di nakaiwas si Kiriko. Kampante siya masyado na hindi siya matatamaan nito. The impact from my sword broke her ribs. Lumabas sa kanyang bibig ang itim na dugo.
"Teka lang Red, hindi pwedeng ikaw lang ang lalaban sa pangit na 'yan. " rinig kong usal ng boses ni Yuki at Ryoku.
Hinarap ko sila at nakita kong nakasuot na sila ng kanilang battle gear at pati si Shinri na kahit mahina na ay nakatayo at handang lumaban.
Sa mga mata nila. Nakatatak ang mata ng isang mandirigma. Hindi ko sila pwedeng pigilan, "Shinri mag-iingat ka."
Hindi ko alam pero sa pag uusap namin ni Shinri ngayon pati kanina na binanggit ko si Aoi ay parang wala lang. Parang hindi ko na ramdam ang pag-ibig na dating pinag sisigawan ko. Mukhang nawala, napunta sa kung saan.
"Ba't ka napatingin sa shell ni Thyrian?" seryoso ang boses ni Yuki at tiningnan ako sa mata.
"W-Wala. " Itinuon ko na lang ang mata ko sa kalaban na ngayo'y mas lalong umiitim ang aura.
Ni hindi ko nga alam na napatingin pala ako kay Thyrian.
"Itim na kapangyarihan,
Dugo ng kasakiman
Bigyan ako ng lakas
Upang puruhan ang kabutihan
Sumpa ng kasamaan
Humayo ka sa akin at iyong ilabas
Ang iyong tunay na kapangyarihan!" Rinig naming dasal ni Kiriko at bumuka yung lupa at mas lalong nagsihulugan ang mga muwebles at pati na rin ata ang kisame ay babagsak na.
"Tahimik!" sabi ni Ryoku at itinaas ang kaniyang kamay nawala na yung ngiti sa kanyang labi at seryoso na siya ngayon.
Sa isang iglap, natakpan ang bunganga ni Kiriko gamit ang mga bato mula sa nasirang sahig.
"More like it," untag ulit ni Ryoku at unti-unti ng napangisi.
Mukhang nag-eenjoy siyang pagtripan ang nagmolestiya sa kanya, ngunit dahil sa ginawa niyang iyon ay sinugod kami ni Kiriko ngayon, dumami na siya.
Nilipat niya ang kaniyang kapangyarihan sa iba niyang puppets at naging kasing pangit niya. Ngayon hindi na namin matukoy kung sino ang totoong Kiriko na sa ngayo'y din ay inaatake kami ng sabay sabay.
Ang isang kamukha ni Kiriko ay kalaban ko at ngayo'y nagkikita ang aming mga talim. Ang tanging naririnig sa pagitan namin ay ang pagkalampag ng aming mga sandata. Ang sandata na ang mismong Ate ko ay nagliliwanag ng kulay asul na di kinatagal ay siyang dahilan upang masira ang sandata ng kamukha ni Kiriko.
Sa bawat pag kikita ng aming sandata kanina ay pansin ko ang isang kakaibang liwanag sa mata ng kalaban ko... Takot.
Nang nasira ang sandata ng kalaban ko ay bigla itong napa-siga. "Papatayin kita!! Hindi maari to! Hindi na ako si Lorraine! Papatayin kita!" usal nito at sinabunutan pa ang sarili.
Ang kalaban ko pala ngayon ay ang totoong Kiriko... At taliwas sa paniniwala ko may kinatatakutan din pala ang matandang ito na kayang ipalabas ng ate ko.
Mas lalong sumama ang mukha niya tapos napahalakhak pa. "Sandata lang 'yan, oo! Wala 'yan! Wala kayong alam! Sinira niyo ang buhay ko!" Tumawa siya nang parang hibang.
"Hindi sandata ang Ate ko!" bakas ang inis sa boses ko.
Di na sumagot si Kiriko bagkus ay sa kanang kamay niya ay lumabas ang isang itim na mga karayom. Napakabilis ng pangyayari at binato niya 'yun sa akin.
Nagawa kong sirain ang iba ngunit napakadami nito, "Wala kang alam! Mamatay kayo!" wika pa nito at napahalakhak.
Pumikit na lamang ako habang rinig ko ang sigaw nina Shinri. Kakayanin ko 'to kahit matatamaan ako.
Hinintay ko ang sakit pero wala akong naramdaman. Idinilat ko ang aking mata at napanganga sa aking nakita.
"Hindi pa naman ako huli sa main event diba, Red?" tanong ng isang mala-anghel ngunit malamig na boses babae.
"Rian."
🔯🔯🔯
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro