[20]. Reflection
Hello! I'm here to deliver update again! Sad to say hindi pa ito ang part 2 ng bakbakan nila. Pahingahin muna si Thyrian at sina Shinri muna ang lalaban afterall main character din si Shinri and isa din siyang royalty. Dito niyo din malalaman tungkol sa kanya.
😉😂
EDITED
🔯🔯🔯
Mimosa's Tower Hall
Unknown Location
SHINRIA CELESTINA RAITO
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kung anong ginagawa ni Thyrian. She's willing to sacrifice herself again kung sakaling she failed. Ang ginagawa ni Thyrian ngayon ang kinatatakutang gawin ng lahat ng royalties from past reigns kahit ngayon. Walang sumubok and she is the first one to try for a thousand of years and second one in the history of dragons.
Nagliliwanag si Thyrian at ang totoong form ng elemental crystal of ice. Nagsimulang lumabo ang pigura nilang dalawa at sa isang iglap natakpan ito ng yelo...
"Hindi maari 'to! I will kill you all!" galit na sambit ni Kiriko and start to blast the ice cocoon with dark power balls pero kahit ni isang tira ay hindi nakapinsala sa ice cocoon at bumabalik lang sa kanya ang tinatapon niya. The stronger the blast she gave, the stronger it will bounce back to her.
I heard Yuki chuckled. At talagang tumatawa pa siya sa ganitong sitwasyon kahit malapit na siyang magahasa ni Kiriko. Halata naman sa itsura niya... And then I heard Ryoku laughed at malala pa siya kay Yuki they are laughing to the one who molested them.
I glared at them and signal them to keep quiet, "B-But! I can't help it. Mukha siyang tanga," natatawang ani ni Ryoku and laughed and there, he lost his so called 'manners'.
Nang marinig ito ni Kiriko, her face crumpled and darken and she shot a glare in our direction. Tumaas ang aura niya.
"Kayo! Alam ko na! Kayo muna ang papatayin ko para pag kalabas ng Thyrian na 'yan na mamatay din naman, it will be a great surprise for her," sabi niya at sa isang iglap she blasted the barrier.
Ang kapangyarihan ni Thyrian na humahawak sa barrier ay uunti unting nasira. Ito na nga ba ang sinasabi ko, if only this two egg head zipped their mouths but... I look at Thyrian who is encased in a powerful cocoon and Red who is unconscious in the floor... Hindi p'wedeng sila lang ang lalaban. I'm a royalty too and I don't want Kiriko to see me lowly to mock me that I'm weak and I'm useless.
Gagamitin na sana ni Yuki ang kapangyarihan niya para mapanatili ang barrier but I stopped him. "No, we need to fight her para makakuha ng oras sa paglabas ni Thyrian and hindi pwedeng magtatago na lang tayo sa kanya. We need to fight," determinado kong sagot.
"B-But..." wika ni Ryoku who is quivering and shaking, he's scared.
I looked at him and patted his shoulder, "It's alright, you can hide. Pero hindi panghabang buhay na igugugol mo ang sarili mo na takot kay Kiriko. How can you give justice to yourself?" I seriously asked him.
He looked at me. Eyes wide, his face unreadable, his hair messy then his face become serious, "Alright. Let's fight her."
I smirked. I look at Yuki then his usual demeanor began to fade and become more serious and cold, "You're right."
Before we fight the evil hag. I took something from my pocket a vial with red contents and handed it to Yuki.
"This is a healing potion, I got it from the 666th Door of Wrath. You need this to heal your bruises before you fight, " I told him.
Tiningnan ko si Ryoku, "If you don't mind... dahil sa pagmamadali kanina nakalimutan ko ng ipagpaalam sa'yo," I said to him and he just raise his thumbs up.
Malugod itong kinuha ni Yuki and gulped the contents. Nagliwanag ang katawan niya ng kulay kahel at sa isang iglap mawala lahat ang mga sugat niya. Ang nagasgas na balat niya ay naging makinis muli't ang dugo na tumatakpan sa kakisigan ng kanyang mukha ay nawala.
Tiningnan kami ni Kiriko with amusement written in her face at talagang nagawa pang ngumisi ng bruha. "Kahit lumaban pa kayo, mawala ang sugat niyo o ano wala kayong laban sa akin. Mamatay lang kayo bago pa mamatay itong si Thyrian. Asahan niyong yan ang mangyayari. Kamatayan niyo, kamatayan ni Thyrian," sabi niya at humalakhak.
Nginisian ko rin s'ya then my body began to light na para bang isa akong light bulb. Tinakpan ni Ryoku at Yuki ang kanilang mga mata at si Kiriko naman ay di man lang isinerado ang kanyang mata. Sige, magmatapang ka Kiriko para mabulag ka. Pangit na rin naman ang mga mata mo.
Isang saglit pa lang ay napasigaw na si Kiriko, "Ang mga mata ko! Anong ginawa mo sa mga mata ko!" hiyaw niya.
Napatawa naman ako at sumunod si Ryoku at Yuki 'yan pa lang ang nagagawa ko, 'yan na epekto sa kanya. Tanga rin pala ang dating dark royalty.
"Sinong matinong nilalang ang ibubukas ang mata sa purong liwanag? 'yan pa lamang ang nagagawa ko 'yan na ang epekto sayo, ay oo nga pala may laban ka ba sa liwanag, babaeng mukhang kadiliman?" sabi ko at nawala na ang liwanag sa aking katawan.
Ang pulang kasuotan ni Yuki ay naging kulay rosas at nagkaroon ng puting highlights ang kanyang buhok, habang ang suit ni Ryoku naman ay nagkaroon ng puti puti at ang kanyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay mauve.
"Agghhhh!! Pagsisihan mo to hangal! Kung makaasta ka parang ang buti-buti mo! Diba dati kang nasa kulungan? Rinig ko nga pinatay mo ang iyong angkan," nakangising untag ni Kiriko at tiningnan ako ng diretso sa mata.
" 'Wag kang magpapadala, Shinri. Hindi mo kasalanan 'yon," Pag-aalo sa akin ni Yuki.
Ngumisi naman si Kiriko, "Hindi? Pumatay siya ng inosente, ang kanyang angkan pa. Sa ginawa niya isa na siyang kasapi ng kadiliman. 'wag mo 'kong patawanin, Shinri. Hindi ikaw ang liwanag dahil ang liwanag ay walang dilim na kinukubli. ''
Nabigla naman ako at lumamig ang buo kong katawan. Paano niya ito nalaman. Isang saglit pa lang ang nakalipas matapos ko itong marinig ay tumulo na bigla ang luha ko.
Nagkakagulo ang lahat n'on. May mga itim na anino raw ang gumagala sa buong siyam na kaharian. Ang kaharian ng liwanag sa taas ng kalangitan ay walang takot sa mga anino na iyon sapagkat kami ang liwanag walang laban ang kadiliman.
Ako at ang aking pamilya ay nag mamayari ng isang malaking palaaklatan. Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ng aking ama na magbasa kaya hilig ko na rin ito kinalaunang paglaki ko.
Ang aking ama, bukod sa pagiging isang librarian ay isang general ng palasyo. May dalawa akong kuya at sila ay magagaling na guro sa mga taga Lumina Helios.
Ako naman ay taga gawa ng mga magical elixirs at nagbabantay ng palaaklatan namin. Isang araw umuwi na lamang sina Ama na para bang may mali sa kanila. Binati ko si Ama ngunit hindi niya ako sinagot. Nanlilisik naman ang mga mata ng aking mga kuya at hindi ko alam ang dahilan. Natatakot na ako.
"Ayos lang ba kayo, Ama, Kuya Helios at Kuya Celestion?" nag- aalala kong tanong ngunit hindi nila ako sinagot.
Hahawakan ko sana ang braso ni Ama ngunit bigla niya akong sinampal na kinagulat ko.
"Ano bang nangyayari sa inyo, Ama? Ano po bang ginawa ko?" mangingiyak na sabi ko.
Ngunit hindi umimik si Ama o ang mga Kuya ko. Lumapit sila sa akin at ako naman ay atras ng atras. May nakita akong itim na anino sa kanilang katawan... Tiyak kong nanganganib sila at pati ako.
"Ama, Kuya... 'wag po. Labanan niyo po 'yan. Ako po yung anak niyo at kapatid. Labanan niyo, Pakiusap," pag-susumamo ko.
Ngunit mas lalo silang lumapit. Iyak ako ng iyak.
"Ama, Kuya, mahal na mahal ko kayong lahat."
Bigla namang nagliwanag ang kanilang mga mata at napaluhod na para bang sakit na sakit. Mas lalo silang kinakain ng kadiliman ngunit alam kong pilit nila itong nilalabanan.
"S-Shinri... Totoo ang itim na anino. Masama sila... Ngayon, Shinri bago ka pa namin masaktan... Ito ang aking sandata. Patayin mo kami," pag- susumamo ni Ama at ibinigay sa akin ang kanyang celestial sword na mas lalong nagpahagulgol sa akin.
"H-Hindi. Hindi ko gagawin 'yun. May iba pang paraan. Hindi 'to maari!"
Pero tiningnan lang ako ni Ama at Kuya na para bang sinasabing, 'Tapusin mo na ang aming paghihirap'
"Pakiusap," sabi nila at mas lalo silang kinain ng itim na anino.
Sa huli wala akong nagawa kundi sundin ang nais nila at dahil d'on nakulong ako at hindi ko nasabi sa mga kaharian ang tungkol sa itim na anino at habang nasa kulungan ako nalaman ko na nabiktima pala nito ang dating dark royalty.
Dahil sa akin maraming napahamak. Kung sana ay humanap ako ng paraan hindi mamatay si Ama at Kuya sa aking mga kamay at sana kung sinabi ko iyon ay sana walang Kiriko na pumatay sa karamihan.
Kasalanan ko.
"Kasalanan ko...'' paulit-ulit kong sabi habang ako ay humihikbi hindi ko napansing binabalutan na pala ako ng itim na anino mula kay Kiriko.
"Oo kasalanan mo! Sige! Tanggapin mo ang kasamaan mo at maparito ka sa akin!" sabi niya at mas lalong nagdilim ang anino at pati ang paningin ko ay nagdilim na para bang pinapasukan ito ng mga itim na insekto.
"Shinri! Lumaban ka!" rinig kong sabi ni Ryoku at Yuki ngunit para bang ayaw kong makinig sa kanila at gusto kong sumama sa kasalanan ko.
Nararamdaman kong sumasayaw sa isip ko ang purong kasamaan at para bang gusto kong sumama sa tawag na 'yun.
Sasama na ako... Dahil hindi naman talaga ako ang liwanag, kadiliman ako. Masama ako...
"Shinri! Tumigil ka! Hindi mo kasalanan! Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi mo kasalanan at napakabuti mo! Tumigil ka! Hindi mo na mababawi si Aoi nagkataon," sabi ng isang pamilyar na boses lalaki na kilalang-kilala ko.
Red...
🔯🔯🔯
Ano kayang mangyayari next? Find out in my next update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro