[2]. Start of Jeopardy
EDITED
🔯🔯🔯
"Dark Royalty! Dark Royalty! Tulungan niyo po kami. Naapektuhan po ng masamang miasma ang anak ko," mangiyak-ngiyak na sambit ng isang taga-earth kingdom habang kalong- kalong ang kaniyang nanghihinang anak.
Lumabas sa kaniyang silid ang dark royalty at dali-daling lumapit sa kaawa-awang ina. Nakalugay ang kaniyang itim na buhok na abot hanggang tuhod na bumabagay sa suot niyang lilang bestida.
Inalok niyang pumasok sa kaniyang silid ang ina at ang anak.
"Umupo muna kayo riyan sa sofa, ako na ang bahala sa inyong anak," nakangiting alok ng dark royalty.
Umupo naman ang ginang sa sofa na kulay lila. Sinimulang tingnan ng dark royalty ang bata. Seryoso na ang kaniyang mukha at inilabas ang kaniyang aura.
"Mal ispiritos begone!" chant niya habang parang may sinulid na itim ang pumasok sa katawan ng bata sa isang iglap may dinukot itong kung ano mang itim na bagay at sinunog ito ng itim na apoy.
"Okay na po siya ginang. Pahingahin niyo lang po siya," nakangiting. saad ng dark royalty nang humarap siya sa ginang.
"Maraming salamat po ng marami! Utang ko po ang buhay ng aking anak sa inyo!" maluha- luhang saad ng ginang.
Sinuklian lamang ng matamis na ngiti ng dark royalty ang ginang. Tinawag niya ang isang kawal at ipinahatid sa kanilang tahanan ang ginang at kaniyang anak.
Pagkaraan nang ilang minuto nagsalamin ang dark royalty at kung anong pampaganda ang inilagay niya sa kaniyang mukha. Pakanta-kanta pa siya habang ginagawa ito.
"Ang ganda sa kalooban pag may natulungan! Pero mas maganda sa kalooban dahil makikita ko nanaman ang aking mahal..." kinikilig niyang saad.
Sinuklay niya ang kaniyang buhok at naglagay pa nang pabango. Nagpalit siya ng isang magandang kulay itim na bestida at isinuot ang lilang sapatos niya.
Napatakbo ang dark royalty palabas ng kanyang palasyo. Papunta sya sa Ice Kingdom ngayon naroon ang kaniyang mahal.
Binati niya ang bawat mamayan na nakakasalubong niya sa daan.
Nang nakarating na siya sa kastilyo ng Rosa Aisu hinanap niya ang kaniyang pakay. Hindi naman siya nabigo ng madatnan ito sa nagyeyelong hardin.
"Airei..." mahinang sambit niya napatingin ito sa direksyon niya.
Akala niya siya ang tinititigan nito ngunit ganoon na lamang ang pag-biyak ng kaniyang puso ng ibang ngalan ng babae ang sinambit nito.
"Sheina.."
Tumingin siya sa kanyang likuran at nakita ang babaeng tinutukoy nito. Si Sheina, ang babaylan ng Rosa Aisu.
"Dark royalty, narito pala kayo. Magandang umaga," sabi ni Sheina ng makita siya.
Ngumiti siya nang mapait sa babae at pinilit magpakasaya kahit na kumikirot ang kaniyang puso. Lumapit si Airei sa kinaroroonan nila at binigyan ng isang matamis na halik si Sheina.
"Mahal, Kamusta?" masayang sambit nito kay Sheina. Puno nang pagmamahal ang mga tingin nito na sana'y sa kaniya na lamang iginawad.
Sige lang. Saktan niyo ko... Mahal na mahal kita Airei, bakit 'di mo 'ko magawang mahalin?
"Heto mahal, namimiss na kita 'di tayo nagkita kahapon eh," masayang sambit ni Sheina na halatang kinikilig.
Babaeng 'to. Kung 'di dahil sa'yo baka kami na ni Airei. Sabi ng kaniyang isipan.
"Andito ka pala Lorainne. Anong sadya mo't naparito ka?" baling sa kanya ni Airei at malamig siyang nginitian.
Gusto kitang makita... Kung pwede lang sabihin niya 'yon,
"Buti't napansin mo rin ako sa kabila ng landian niyo," mahina niyang sabi.
Kumunot ang noo ni Airei, "May sinasabi ka ba Lorraine?"
"Wala, sabi ko. May ibabalita ako sa iyo, laganap nanaman ang mga itim na anino."
Gusto kitang makita... Mahal kita Airei. Matagal na.
Sumeryoso ang mukha ng hari. "Ah, ganoon ba. 'Di na talaga sila mawala-wala. Perwisyo na sila sa ating mga kaharian."
Kung ako ba yung aninong yon, bibigyan mo 'ko ng pansin?
Sa katunayan, aamin na siya ito ang sadya niya sa araw na ito pero piniga ang puso niya sa kaniyang nakita. Wala na siyang pag-asa.
Ngumiti na lamang siya ng mapakla at napag isipang umalis sa Rosa Aisu. Sa kaniyang paglisan pumatak ang malamig na ulan sabay sa pagpatak ng kaniyang mga luha.
Araw ang lumipas at ang mga araw ay naging linggo, ang mga linggo'y nagtipon at naging buwan, ang buwan ay nagpaalam isa-isa at naging taon lahat-lahat ng naganap ngunit 'di pa rin niya magawang umamin at ipagtapat ang kanyang nararamdaman.
Sa madilim na sulok nakikita niya ang masasayang mukha ni Sheina at ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.
Ang mga halik na ginawad nito, ang mga maiinit na haplos at yakap ang mga matatamis na ngiti na tinatanggap lahat ni Sheina na sana'y siya ang makakatanggap.
Isama mo pa ang kabundok na problemang itinatapon sa kanya ng lahat at ang malulupit na katotohanan na kanyang nalaman tungkol sa kanyang pagkatao.
Sunod-sunod. 'Di tumitigil! Sinisira ang kanyang puso.
"Mahal na haring Airei. Naipanganak na po ang inyong anak na prinsesa." rinig niyang sabi ng doctor at ipinakarga kay Airei ang isang sanggol.
Nawala siya ng siyam na buwan para sa isang misyon at ito ang kaniyang nadatnan... Si Airei at Sheina at isang sanggol na babae.
Sinalubungan sya ng isang masayang ngiti ni Airei, "Lorraine! Maligayang pagbabalik! Ipapakilala ko sayo ang aking anak," sabi nito habang masayang kalong-kalong ang sanggol.
Mapait na ngiti ang ginawad niya at tiningnan ang sanggol. Puti ang buhok nito at tila labanos sa kaputian. Kamukhang kamukha ito ni Airei. Biglang sumibol ang pagkamuhi sa kanyang puso sa sanggol.
Nawala ang masayahing dark royalty. Nagkulong siya sa kuwarto. 'Di lumalabas. Ninanamnam ang kadiliman ng kanyang silid... 'Di niya alam pati kadilima'y unti-unti siyang nilalasap.
Isang gabi'y nag-aalalang nagtungo ang kanyang nakababatang kapatid ng dark royalty sa silid ng kaniyang ate. Rinig na rinig niya ang mga sigaw nito na para bang hirap na hirap na at nahihibang na.
Pagkabukas pa lamang niya ng pinto bumungad ang kalunos-lunos na itsura ng kanyang kapatid. Nasa sulok ito ng madilim na kuwarto punong-puno ng sugat ang katawan nito. Maitim ang ibabaw ng mga mata, magulo ang buhok na dahilan upang makain na nito ang sariling buhok. Ang nakakapagtataka ay ang napaka-itim na anino na sumasayaw sa katawan nito habang patuloy itong umiiyak at sumisigaw.
"A-Ate..."
"W-Wag kang lumapit dito! I-Idadamay ka nila! W-Wag!" pagpipigil nito ng lalapit na sana siya sa kaniyang a
te.
"L-Lubayan niyo ako! Umalis kayo sa katawan ko! Aaaahhhhhh!" sigaw ng kaniyang ate habang sinasabunutan nito ang sarili.
"A-Ate, A-Ano bang nangyayari sayo?" naiiyak na sabi ng kapatid ng Dark Royalty.
"P-Pakiusap umalis ka na... Alis!"
"Ito ang gusto mo 'diba? Alam kong gusto mo rin kami! Tanggapin mo na kami!" boses na narinig ng dark royalty sa kasulok-sulukan ng kaniyang isipan.
'Di na niya kakayanin. Napatingin siya sa kanyang kapatid. Bago man lang siya matalo ay...
"Makinig ka. Pagkatapos ng gagawin ko ay umalis ka na ah? Ayaw kitang saktan," mangiyak-ngiyak niyang bilin sa kaniyang kapatid.
Gulong-gulo naman syang tiningnan ng kapatid. Ngumiti siya at walang ano-ano'y dinukot ang dark gem sa kaniyang puso.
"Pinapalaya na kita Night Saber..." nanghihinang sabi niya sa kulay itim na kumikislap na diamante na kaniyang dinukot mula sa kaniyang puso.
Sa pagkabitiw niya ng mga salitang iyon ay mas lalong nagliwanag ang diamante at walang ano-anong pumasok sa dibdib ng kanyang nakababatang kapatid.
"A-Ate, Ano ito! Aaaahhh! Bakit, B-Bakit mo ito nagawa?" sabi ng kanyang nakababatang kapatid habang sumisigaw ito sa sakit.
"M-Mas karapat-dapat ka sa akin. Alagaan mo ang Night Saber... Kahit na ako ang makakalaban mo tapusin mo ang pagkakamali ko ang galit ko ang lahat lahat," ngumiti ang dark royalty habang sumuka ito ng saganang likido na kung tawagi'y dugo.
"U-Umalis ka na. Pakiusap," Dagdag pa niya.
Tumakbo naman paalis sa kanyang silid ang kapatid habang mangiyak ngiyak ito.
Tuluyan ng bumagsak at tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso at bumagsak sa sahig ang malamig na bangkay ng dark royalty.
Unti-unti siyang kinain ng madilim na anino. Pinuno ang kaniyang katawan walang pinalagpas. Punong-puno ng poot at kasamaan ang anino at pumasok na rin ito sa kaniyang puso...
Nagsimula ang mahinang pintig hanggang sa lumakas ito at tuluyang nagpatuloy ang pintig... Hanggang sa bumukas ang mata ng bangkay ng dark royalty at kumislap sa dating maamong mata ang purong kasamaan.
"Kunin mo ang lahat ng dragon gems! Makukuha mo ang lahat lahat. Ang kapangyarihan pati na rin ang lalaking pinapangarap mo," puno nang kasamaang wika ng anino na nasa loob ng Dark Royalty.
Mapanglason na ngumiti ang dark royalty at humalakhak. Tuluyan ng nagbago ang dark royalty.
Nabuhay syang muli... Sa tulong ng kasamaan.
"Ate, 'di ka naman ganito dati. Ate gumising ka. Ate!" sigaw ng Dark Royalty sa kaniyang kapatid na si Kiriko habang kaharap nito ang mga dragon royalty na kinabibilangan niya.
Humahalakhak ito at napapaypay gamit ang kamay nito. " Sino ka ba? Patay na ang kapatid mong si Lorraine. Ako na si Kiriko ngayon, ang tatapos sa inyong lahat!"
"Ate, labanan mo ang kasamaan. Wag naman ganito Ate," nagmamakaawa na sambit ng dark royalty.
Mahigpit na hinawakan ng ice toyalty ang kamay ng nanginginig na dark royalty. Awang- awa siya rito.
"How sweet. Pero 'di na kita kapatid. Pwede ba? nandidiri ako sa'yo!" wika ni Kiriko at umarte pang nasusuka na siya.
"Wala ka ng magagawa! Hindi na siya yung kapatid mo!" sambit ng Fire Royalty at inilabas ang nagbabaga niyang aura na kulay pula.
Kasalukuyan silang nasa lumang battlefield kung asan namatay ang mga dating royalties. Magulo at amoy lansa ng dugo ang paligid, punong-puno ng nagkukumpulang mga katawan ng mga kawal at mga kalansay ng taong dragon.
"Papatayin kita! Sa ngalan ng namayapang dating fire Royalty ang aking ama at ng lahat ng mga Royalties!" malakas na sigaw ng fire Royalty at inihahanda ang kaniyang kapangyarihan.
Ngumisi si Kiriko, "Kung kaya mo binata edi sige subukan mo," nang-aasar na sabi Kiriko habang lumalabas ang itim na aura sa kaniyang katawan.
Sa ginawa nito, sumulasok ang masamang amoy na tila ba nabubulok na laman, ang lupa ay nagsimulang magsibiyakan, nagdilim ang paligid tila ba darating ang nakaambang kamatayan. Humahalakhak si Kiriko na tila ba siya ang kamatayan na susundo sa kanilang kaluluwa.
"Maghanda tayo royalties. Kailangan natin siyang tapusin ngayon!" pagpapaalala ng time royalty at inilabas ang kaniyang time-dimensional spear.
Sumunod ang iba pang royalties at tila ba magandang bahaghari na nagsilabasan ang iba't ibang kulay na aura nila.
"Bulaklak ng kamatayan,
Yelo ng paghihirap,
Dragon ng kapangyarihan
Ako'y nagsusumamong pahiramin niyo ako ng inyong kapangyarihan upang tapusin ang kasamaan!
Ryu no koori sakabatou!" untag ng Ice Royalty habang pumapagaspas ang kaniyang malaking pakpak.
Nagyelo ang kaniyang buong katawan at nag-korteng armor ito. Parang kaliskis ng dragon ang armor at pumapalibot sa gilid ng kaniyang dibdib pababa sa kanyang tagiliran. Nakikita ang kanyang maputing pusod. Sa baba naman tanging kaselanan lang niya ang tinatakpan ng kaliskis at ang tila boots na suot-suot niya.
Sa kaniyang kamay ay isang malaking espada na gawa sa purong yelo na may emblem ng dragon sa handle nito. May dekorasyong frozen rose din ito.
"Hayop! Ang seksi mo talaga! Sa kasamaang palad tomboy ka lang!" Eksena ng fire royalty na nakapag bagong anyo na rin at hawak hawak ang Fire Sycthe nito.
Sinamaan niya ng tingin ang fire royalty, "Seryoso tayo dito, ugok. Kanina galit ka ngayon hindi. May tama ata 'yung utak mo eh."
"Nii-chan is sexy and beautiful unlike that flat chested, rough skinned, foul smelled hag!" pagsasaang-ayon ng earth royalty at nagawa pang iduro si Kiriko.
Sa sinabi ng batang earth royalty ay mas lalong umitim ang aura ni Kiriko na nakapagtalsik ng mga nabubulok na puno sa kinaroroonan ng mga royalties.
"Papatayin ko kayo! Uunahin kitang bubwit ka!" sigaw nito at sa nabiyak na lupa lumabas ang dalawang naagnas at mabahong puppet, 'di ito basta-bastang puppet dahil parang isa itong patay na ginawang puppet. Nagdurugo pa ang mga mata nito na kulay itim.
Bumalot ang iritasyon sa batang royalty. "Geez. Is it bad to be honest? You're really ugly and evil. 2 in 1. Hmppp—" pahabol pa ng earth royalty ngunit tinakpan na ng lightning royalty ang bunganga ng bubwit.
"Shut up, kid! Lets just fight her," wika pa niya
"Dami niyong satsat baka sa pag- uusap niyo di niyo alam na pinatay ko na pala kayo," sabi ni Kiriko at nagsimulang lumutang sa ere. Bumukas ang mata ng dalawang puppet kanina. Purong itim ito at kamatayan ang kahulugan sa bawat tingin.
"Pinapakilala ko sa inyo si Erica at Tricia ang sisira sa inyo, ang aagaw sa kasiyahan na tinatamasa niyo ngayon at ang lahat lahat sa inyo. These two are the puppet of nightmares and hallucinations. Tingnan natin kung 'di niyo papatayin ang isa't isa dahil sa makikita niyo," Halakhak ni Kiriko.
"So you mean mang-aagaw ang dalawang pangit na 'yan tulad mo? O please. You suck!" eksenang muli ng fire royalty.
At sa isang iglap nagliyab ang dalawang puppet sa apoy na nagmula sa kamay ng fire royalty.
🔯🔯🔯
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro