Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[1]. Royalties

EDITED

🔯🔯🔯

Sa mundo ng mga dragon may siyam na kaharian pinamumunuan ito ng mga makapangyarihang hari at reyna.

Gayunpaman mag-kaaway o laging 'di nagkakasundo ang siyam na estado palaging dumadanak ang dugo mahirap ang salitang pagtutulungan sa mga dating royalties ngunit nag-iba 'yon ng ipinanganak ang siyam na tagapag-mana ng siyam na kaharian. Nag-iiba man ang estado ng pamumuhay ng iba sa mga napiling royalty,  hindi iyon naging sanhi ng suliranin. 

Nang nagsimula ang unang great war laban sa isang demonyo na siyang ikinamatay ng ibang past royalties na sina Airei, Reeva, Sheyna, Avelios, Aya, Min at Bree. Ang pitong royalties na bagamat 'di makatarungan ang mga patakara'y pinili pa ring umayon sa kabutihan at pagkamit ng kapayapaan.

'Di katulad sa dalawang royalty na napiling umanib sa kasamaan, ang isa roon ay ang royalty ng tubig na si Melodia. Bagamat nahanap na ang bagong tagapagmana ng dragon Elemental Crystal ng tubig 'di pa nito kayang lumaban kahit na napatay nito si Melodia. Ang ikalawa sa royalty na naging masama ay si Kiriko ang dating dark royalty.

Dahil sa mapanganib si Kiriko, bago pa man sumiklab ang Great War pinatay siya ng pitong natitirang royalty. Sinunog nila ang kaniyang bangkay at itinapon sa isang lugar kung tawaging Purgatoryo isang lugar na malayo sa nine kingdoms.

Akala nila payapa na ang lahat ngunit hindi nila alam na patuloy pa ring nabubuhay ang kaluluwa ni Kiriko napupuno ng kasamaan hanggang naging isa siyang—demonyo.

'Di naglaon, nagsimula ang First Great War. Nagdilim ang lahat ng nine kingdoms. Nagsi-biyakan ang mga lupa at nagsilabasan ang mga yumao na nasa control ni Kiriko.

Nais ni Kiriko na mapasakaniya ang nine dragon gems, nais niyang mapasa-kaniya ang nine kingdoms at 'yun ang 'di pagbibigyan ng natitirang pitong royalties.

Nilabanan nila si Kiriko dahil nais nilang matapos na ang kahibangan nito. Ngunit makakaya ba nila kung gayong kulang sila?

May isa pang paraan ngunit alam nilang mapupuruhan lamang si Kiriko at kapalit nito ang kanilang mga buhay. Ipinagdarasal na lamang nila na magagawa ng mga bagong royalties na tapusin na si Kiriko.

"Orascion Muerte!" sabay nilang wika at nagliwanag ang kanilang mga kamay. Naglabasan ang mga dragon gem na nasa kanilang katawan at pumorma ito ng isang malaking powerball.

"Hindi!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kiriko habang siya'y kinakain ng liwanag ng power ball.

"Babalik ako! Babalik ako! Tandaan niyo 'to!" pagbabanta niya at siya'y tuluyang nawala.

Humihingal na napatingin sa isa't isa ang pitong royalties habang nararamdaman na nila na matatapos na ang kanilang hininga.

"Sana mas mabuti at 'di tulad natin ang mga susunod na royalties, Reeva. Kagaguhan lamang ang ating alam," naghihingalong sabi ni Haring Airei; ang ice royalty.

"Tama na ang kadramahan at malapit na tayong lumisan. Alam ko namang mas karapat-dapat ang papalit sa atin," nagawa pang tumawa ni Haring Bree; ang Earth Royalty habang sapo-sapo niya ang kaniyang sugat.

Ngumisi lamang ang Fire King sa inasal ng kaibigan at napasulyap sa araw. "Magiging parte na ako ng araw... Mina aking mahal hintayin mo ako diyan," tanging sambit niya habang nagliliwanag ang kaniyang mata dala ng luha.

Sa pagtapos ng kanilang hininga. Umalis sa kanilang katawan ang pitong dragon gems at bumalik sa protected sanctuary nito sa bawat kaharian ngunit ang iba nama'y papunta na sa bago nilang master.

Sa kaharian ng Rosa Aisu, isang kahariang tila diyamante na 'di nawawalan ng ningning dahil sa gawa ito sa purong yelo at lubhang napakalamig, mahigpit na hinahawakan ng mga kawal ang braso ng kanilang prinsesa.

"Bitiwan niyo ako! Tutulungan ko ang aking ama! Bitiwan niyo ako!" sigaw ng prinsesa habang siya'y nagpupumiglas.

Nais niyang pumunta sa battlefield at tulungan ang kaniyang ama. Nais niyang tumulong upang sugpuin si Kiriko. Ngunit, kabilin-bilinan ng kaniyang ama na huwag siyang payagan at kinulong pa siya sa kanyang kwarto ngunit sa lakas ng prinsesa ay nagawa niyang sirain ang pinto gamit ang kanyang kamao at dahil dito pinigilan siya ng mga kawal.

"Hindi puwede mahal na prinsesa! Kabilin bilinan ng iyong ama na dito ka lang!" bakas ang kaba sa boses ng heneral at tagagtak ang kaniyang pawis habang pinipilit na pakalmahin ang prinsesa.

"Putangina! Pakawalan niyo ako!" Isang malutong na mura ang kanilang inabot mula sa babae.

Patuloy pa ring nagpupumiglas ang prinsesa.  Hindi maaring mapahamak ang kaniyang ama!  Ito na lamang ang kaniyang kaisa-isang pamilya. 

Napasulyap siya sa malaking bintana ng kaniyang silid at nahagip ng kaniyang mata ang isang diyademang nagliliwanag—isang diyadema na alam niya kung ano at siyang pagmamay-ari ng kaniyang ama. 

Unti-unti siyang napaluhod at nakaramdam ng panghihina nang mapagtanto ang ibig nitong ipahiwatig—

Patay na ang kaniyang ama...

Kumawala ang kaniyang mga luha, "Ama..." paulit-ulit niyang sambit habang siya'y lumuluha.  Maya-maya pa't para siyang nahipnotismo at napatingin sa elemental crystal of ice.

"Glacier Seraphimy," wala sa sariling nasambit niya.

Sa pagtapos niya ng huling letra ng pangalan ng ice gem nagliwanag ito. Hindi namalayan ng lahat na nabasag na nito ang bintana ng silid at biglaang pumasok sa dibdib ng prinsesa.

Napasigaw ang prinsesa sa sakir at napasabunot siya sa kaniyang malalagong puting buhok. Pakiramdam niya ay siya'y mamatay na.  Nagtarantahan ang mga kawal ngunit alam nila ang ibig sabihin nito na may pinili na ang dragon gem at ang prinsesa na ang—

Ang bagong reyna.

"Aaaaahhhhh! Tangina! Ganito ba talaga to kasakit? Masakit na ngang namatay si Ama dumagdag pa ito. Aaahhh!" Hindi mapigilan ng prinsesa na mapamura at gumulong na ang lahat ng luhang kayang ilabas ng kaniyang mga mata.

"Tumahimik ka! Ikaw na ang bago kong master huwag ka nang magreklamo. Tangina sakit mo sa tenga! Tsk," biglaang sambit ng asul na liwanag mula sa kaniyang dibdib. Maganda ang boses nito. Boses lalaki. Parang anghel ngunit bakas na bakas ang iritasyon sa tinig nito.

Kahit naiiyak, hindi napigilang ikunot ng prinsesa ang kaniyang noo sa narinig. Nabalot siya ng inis. "Tangina ka rin! Nagsasalita ka pala? Akala ko nababaliw na si ama noon nong nagsasalita siyang mag- isa pagkatapos mong iginawad sa kaniya ang pagiging hari."

"Mukhang pagsisihan kong ikaw ang pinili ko pero bahala na. Tsk," iritadong wika nito at mas lalong bumaon sa kaniyang dibdib... Sa kaniyang puso.

Mas lalo siyang sumigaw sa sakit at pagkatapos mawala ang liwanag. Nawalan din ng malay ang prinsesa.

"Dalhin sa kanyang silid ang bagong reyna."

Habang sa kaharian ng apoy; ang kaharian ng maiinit na bato at bulkan, 'di alintana ang panganib sa isang binata na naglalaro pa ng magical basketball sa isang malaking espasyo sa kanilang kaharian. Nakatakpan ang kaniyang bangs sa side ng kaniyang mata, kulay pula ang kaniyang buhok. Pawisan ang binata at namumula na ang labi nito na mas lalong nagpagwapo sa kaniya. Ngunit sa sitwasyon ngayon at sa kaniyang ginagawa kitang-kita na natataranta na ang mga kawal sa inaasta ng binata.

"Mahal na prinsipe! Pumasok na kayo sa loob! Maaring 'di pa natatapos ang digmaan at mapano kayo," halos mawalan na ng ulirat ang kawal dahil kanina pa ito rito at malapit nang matamaan ng binabato ng prinsipe.

Inirapan lang ng prinsipe ang kawal at itinuloy ang kaniyang ginagawa. Kani-kanina lamang may nagpakita na bangkay ngunit inapoy lamang ng prinsipe ang magical na bola at walang pakundangang inihagis sa bangkay. Lasog-lasog at halos maabo ito pagkatapos.

Wala siyang pakialam kung anong mangyari sa kaniyang ama ngunit ayaw niyang mamatay ito. Nararapat lamang iyon sa matandang 'di tumatanda ang mukha. Pagkatapos nitong hayaan na lamang na saktan at dalhin sa dungeon ang kaniyang ate walang kapatawaran iyon!

Iginalaw-galaw niya ang kaniyang malaking buntot at sa galit ay inihampas ito sa lupa. Malaki ang nasira sa parteng naihampas ng kaniyang buntot at mas lalong kinabahan ang pobreng kawal sa kaniyang tabi. 

Ayaw niyang magaya sa ama pati na rin ang pagiging royalty nito. Gusto lang niya ng buhay na walang gumagambala sa kaniya. Napabuntong hininga siya at napatingin sa isang kulay pula na bagay na nasa kalangitan. 'Di niya ito pinansin at napa-irap.

Ngunit sa gulat na lamang niya ng nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang dibdib at nagliwanag ng kulay pula. Napatalsik ang laway niya sa sobrang sakit.

"Ano ito?!" hirap niyang wika habang hinahawakan ang kaniyang dibdib.

"Ayaw mo sa akin pero gusto kita," sabi ng isang maarteng boses babae.

"Hoy sino ka?" bakas ang iritasyon sa boses ng prinsipe.

"Yung sabi mo sa isip mong ayaw na ayaw mong maging."

Lumaki naman ang mata ng prinsipe nang napagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin. "Ayaw ko sa'yo! Umalis ka sa katawan ko!" Pilit niyang inaalis ang liwanag sa kaniyang dibdib ngunit hindi niya magawa. 

"Patay na ang iyong ama," ang sabing muli ng boses.

Sa narinig ng prinsipe ay parang literal na umuusok na siya sa galit. Nag-init ang buong paligid;  ang klase ng init na mas mainit pa sa kanilang kaharian.  At doo'y tuluyang nawalan ng ulirat ang nasindak na kawal. 

Ayaw niyang mamatay ang kaniyang ama. Oo may galit siya rito pero mahal niya pa rin ito. Nag- init ang kaniyang katawan at nasilayan niya sa kanyang isipan ang itsura ng pumatay sa kanyang ama—Ang dating dark royalty.

"Fiara Ignitia," sabi niya at alam niya sarili niyang tinanggap na niya ng wala sa sarili ang pagiging bagong hari ng apoy bago mawalan ng malay.

Lumipas ang isang linggo nagtipon-tipon ang mga taong dragon sa isang lugar. Isang lugar na malapit sa kaharian ng lupa; puno ng puno at bulaklak ang paligid at may gazebo at entablado na gawa sa marmol at alabaster. Ito ay desisyon ng mga bagong royalty—ang 'di na ipagbawal pa na magsama sa pagtitipon ang iba't-ibang lahi. Nakadungaw ang kanilang mga mata na nagsusumamo na sana'y ang makikita nila ang makakatapos sa kanilang pag- hihirap.

Naglakad papunta sa isang entablado ang mga bagong royalty. Unang nahagilap ang dating prinsesa ngayon ay reyna ng Rosa Aisu na suot-suot ang mahabang bestida na yari sa purong yelo. Ang kaniyang mapuputing balat ay tila ata terno sa kanyang kasuotan. Nagniningning ang kaniyang bughaw na mga mata tila ba parang isang magandang likha nang isang iskulptor na gawa sa purong yelo. Namumula ang kaniyang maputing balat na lalong ikinaganda ng bagong reyna.

Hiyawan ng mga kalalakihan ang maririnig. 'Di nakaligtas ang ganda ng reyna sa mga mata ng mga kalalakihan. Sinuklian lamang ng malamig na tingin nito ng reyna.

"Oy!, 'di ko inaakalang makikita kita rito!" bungad ng masayang boses ng dating prinsipe ng Fiara Ignitia na ngayon ay ang bagong fire royalty.

Sa saya ng boses ng prinsipe ay 'di mo aakalaing nagwala ito nung magising ito. Ni hindi nga nito nalaman na may pagtitipon pala, kanina lamang.

Ang prinsipe at ang kaniyang ama ay malapit na kaibigan ng ama ng prinsesa. Madalas silang magkita nung bata pa lamang sila hanggang nung hindi pa nagsisimula ang digmaan. Ang prinsipe ang una niyang naging kaibigan.

Tiningnan niya lamang ang prinsipe at umupo sa silyang gawa sa yelo. Sa katunayan, may siyam na upuan sa entablado. Bawat isa ay gawa sa elemento na naangkop sa mga bagong royalty.

Pagkatapos mag- si- upuan ang mga bagong tagapagmana. Ipinakilala na sila isa isa.

"Ako ang bagong Light Royalty," walang buhay na sambit ng bagong light royalty nung pagkakataon na niya upang ipakilala ang kaniyang sarili.

Tahimik ang paligid at walang nag ingay na mga mamayan.

Tumayo ang prinsipe sa kaniyang nagbabagang trono at inilahad ang kamay sa Light Royalty.

"Ako pala ang Fire Royalty sana maging mag kaibigan tayo," masayang saad niya at nagawa pang ngumiti.

Nagulat man ang bagong Light Royalty ngunit tinanggap niya ang pakikipagkamay ng prinsipe.

Pagkatapos ng araw na 'yun. Sinimulan na nila ang kanilang tungkulin. Naging matiwasay ang lahat. Naging payapa at maganda ang pamumuno ng mga royalties. 'Di kailanman nagkaroon ng paghihirap sa kanilang nasasakupan. Hinayaan din nilang magkita at mag usap ang iba't-ibang lahi sa isang partikular na lugar ang tinawag nilang... Equilibrio. Dito rin nagaganap ang masayang kalakalan ng bawat isa.

Hindi nagtagal ang masaganang pamumuno ng mga royalties nang biglaan itong gumuho ng dumating muli ang kinatatakutan.

Nagdilim ang kalangitan kahit ang kaharian ng liwanag ay walang nagawa.

"Spirits and darkness.
Light has fallen
I call for the evil up and lo
Help me kill, help me spread havoc,
Angels will be provoked.
Demon will be resurrected
Now show me thy respect!
Ispitus!"

Nakita sa 'di kalayuan ang isang itim na buhok na babae na nag uumapaw ang itim na miasma. Nakapikit ito habang idinarasal ang kaniyang ritual.

Bumiyak ang lupa at nangitim ang tubig. Nagsilabasan sa ilalim ng lupa ang mga patay na. Tila narinig ang tawag ng kasamaan.

"H-Hindi 'to maari!" natatakot na wika ng isang kawal habang napatakbo.

Nadatnan niya ang siyam na royalties na papalapit na sa kalaban.

"Sabihan mo ang ibang kawal sa lahat ng mga kaharian na iligtas ang mga mamayan," maawtoridad na utos ng fire royalty.

Tumango naman ang kawal at tumakbo.

Bumuka ang mga mata ng babaeng siyang may kagagawan ng lahat. Namumula ito at handang pumatay.

"Babawiin ko na ang dapat para sa akin! Papatayin ko kayo," sabi nito at tumawa ng parang hibang.

"Kiriko..."

🔯🔯🔯

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro