Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Official Magician
†††

Sa hindi malaman dahilan bigla nawala ang ingay sa palibot. Napakunoot noo si Zero. Hindi niya alam ang mahika ng matanda ngunit nakakasiguro siya may kinalaman ang matanda sa nangyari.

“Mag dahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi ko hangad na may makaalam ng aking lihim. Batid ko nais mo makapasok na hindi dumaan sa pagpasok sa pagsusulit, subalit kailangan ko makasigurado na ikaw ay karapat-dapat sa akin pagkilala ko sa iyo.”

Hindi na rin masama ang alok ng matanda sa kaniya. Subalit pakiramdam ni Zero minamaliit siya ng matanda.

Palihim nagpakawala ng atake ang matanda, subalit sa hindi malaman dahilan kaunti na lang sana tatama ang atake, ngunit bigla naglaho siya.

“Nasaan ka? Batid ko nandito ka sa paligid ko.”

Hindi maiwasan maisip ng matanda, tama ang sinabi ng kaniyang kasama patungkol sa bata.

Lumitaw sa harapan ng matanda siya “Gulat ka noh?!” nakangisi wika.

Napaatras ang matanda sa pagkabigla. “Hindi ko alam kung ano ang taglay mo na mahika. Tama. Ngayon nasaksihan ng dalawang mata ko. Walang pakinabang ang aking ibibigay na pagpasok sa pagsusulit. Sa mahika taglay mo, mabilis mo lang ito na iwasan at alamin ang kahinaan,” papuri na wika nito.

Nag laho muli si Zero. “Sinasabi mo pinapayagan mo na ako makapasok na hindi dumaan sa pagpasok sa pagsusulit?” natatawang sagot.

Kahit nakaramdam ng inis ang matanda. Hindi niya magawang kontrahin sa pagkakataon, sapagkat tama ang bata.

“Mukhang ganoon na nga,” bumalik sa normal ang takbo ingay. “Opisyal ko i-anonsyo na makakapasok ang  batang si Zero!” ngiti wika niya.

Bumukas ang pinto saka naman nag bigay daan ang dalawang bantay. Tahimik na sumunod si Zero habang nagmamasid sa paligid.

Inaamin niya sa kaniyang sarili, mas maganda ito sa kaniyang inakala kaysa sa narinig na kwento.

Maraming nag gagandahan na halaman at bulalak sa paligid na may balot ng mahika, hindi niya alam kung para saan ang mga ito.

“Maligayang pag dating sa Magician Hall!”

Huminto ang matanda saka humarap sa kaniyang na may nakakatakot na tingin.

“Maraming salamat, Master Magician Junso.”

Sa kumpas ng kamay ng matanda, nag silitawan ang dalawang pinto na kasalukuyan nakabukas.

“Para saan ang dalawang pinto na yan? Hindi maganda ang pakiramdam ko.”

Napalakpak ng dalawang beses ang matanda. Sa maikling panahon mabilis na tukoy ng bata ang problema.

“Magaling, magaling! Karapat-dapat ka purihihin sa titolo ibinigay sa iyo ni Master Apu.”

Napakamot sa ulo si Zero, hindi niya alam ang patungkol sa sinasabi nito na titolo. Wala naman na banggit.

“Ang mabuti pumasok ka na upang harapin ang pagsubok. Sana'y magtagumpay sa iyong nais, paalaala ko lang sa iyo. Nakasalalay ang resulta kung saan ka bilang.”

Hindi nag dalawang isip na pumasok si Zero sa isa sa dalawang pinto. Nakapikit ng mariin na sumalubong ang liwanag na naging dahilan na kaniyang pag pikit.

Makalipas ang sampung segundo, sa kaniyang pag mulat hindi niya inaasahan na mapadpad sa pangit na tanawin. Halos wala ng buhay ang kalikasan, nagkalat ang mga bungo at buto ng hayop.

Walang ideya si Zero kung ano ang pagsubok ang nakaabang sa kaniya. Subalit maingat ang bawat galaw ng bata. Sa tulong ng kaniyang kakayahan na makita ang impormasyon, nakakuha ng higit na tiwala sa sarili.

“base sa akin nalaman, kailangan ko maging madiskarte upang mabuhay ng tatlong araw at maiwasan ang panganib.”

Napahinto sa paglalakad matapos naramdaman ang malakas na aura. Kaagad naglaho ang bata na lumitaw ang maliit na nilalang, may kakaibang wangis na hugis bola, balot ng putik, may dalawang mata na kulay pula at walang bibig.

“Hehe, naramdaman ko may pumasok sa akin teritoryo. Hindi ako makakapayag na hindi siya umalis dito.”

Patalon-talon ang munting nilalang, lumabas ang usok sa ulo nito. “kainis, sumusubra na ang Magician Hall. Hindi nila iniisip masyado na ako nagambala, hindi ko tuloy maisip paano naka konekta ang aking teritoryo sa mahiwagan pinto,” huminto sa pagsalita nang naramdaman ang presensya ni Zero.

Hindi nakayanan ng bata ang tumagal sa pag gamit ng kaniyang invisibility. Sapagkat masyado pa siyang mahina.

“Tsk, isang bata?”

Napaatras siya na marinig ang sinabi ng munting nilalang. Hindi niya alam kung ano gagawin sa kaniya nito.

“Hay naku salamat, isang bata hindi makapag dulot ng malaking pinsala sa akin tahanan,” huminto sa pagsalita, tiningnan ng munting nilalang mula paa hanggan ulo si Zero. “Hindi na Kita lalabanan bata, ganito na lang gagawa ako ng pekeng sugat upang hindi sila maghinala.”

Bahagya napangiti siya na marinig ang sinabi. “Kung ganoon maraming salamat munting nilalang sa tulong mo. Alam ko na hi—”

Hindi natapos ang sabihin niya na may lumitaw sa likod ng munting nilalang. May malaking dahon na kulay ginto, may kakaibang disenyo ang nakapalibot nito.

Nabigla siya na humalakhak ang munting nilalang. Ayon sa kaniyang ability ang munting nilalang ay likha ng inang kalikasan, ang sinaunang diwata nabubuhay sa mundo.

Subalit gusto niya pa malaman ang higit na mga detalye patungkol sa munting nilalang kung tawagin ay Kalupa.

Ang "Kalupa" ay isang nilalang na hindi mo makikita sa unang tingin. Maliit lamang siya, halos kasing laki ng isang kamao, at hugis bola, na parang isang maliit na bato na natatakpan ng putik. Ngunit sa kanyang dalawang pulang mata, makikita mo ang misteryo na nasa kanyang loob. Walang bibig ang Kalupa, kaya ang kanyang pagiging tahimik ay nagbibigay sa kanya ng isang aura ng misteryo at kapangyarihan.

Siya ay nilikha ng inang kalikasan noong sinaunang panahon,  isang likha ng mga diwata na may kakayahang sumanib sa lupa.  Para siyang isang maliit na bulalakaw na nagtatago sa dilim, naghihintay ng tamang sandali upang magningning.

Ang kanyang kakayahan ay nakasalalay sa kanyang pulang mata.  Makikita niya ang mga kahinaan ng anumang nilalang, maging tao man o hayop. Sa kanyang mga mata, makikita niya ang mga bitak sa kaluluwa, ang mga sugat na hindi nakikita ng mata ng tao.

Ngunit sa tuwing sasapit ang pulang buwan, nagbabago ang kanyang kakayahan. Sa halip na makita ang kahinaan,  maaari siyang magbigay ng lakas sa mga gusto niyang tulungan.  Parang isang maliit na apoy na nagbibigay init sa malamig na gabi,  ang Kalupa ay nagiging isang tagapagligtas, naghahatid ng pag-asa sa mga nangangailangan.

Sa panahong ito, hindi na niya kailangang sumali sa lupa upang itago ang kanyang sarili.  Sa halip, lumalabas siya sa mundo, handa na tulungan ang mga nangangailangan ng kanyang lakas.

Ang Kalupa, isang maliit na nilalang na may malaking puso, nagtataglay ng kapangyarihang mula sa lupa, handa na magbigay ng proteksyon at pag-asa sa mga nangangailangan nito.

Napahawak sa ulo ang bata matapos malaman ang impormasyon sa munting nilalang. Halos nanlaki ang mga mata na sumanib ang kulay ginto na dahon sa kaniyang mga mata. Nararamdaman niya ang lakas ng Kalupa,  ang kakayahang makita ang kahinaan at bigyan ng lakas ang iba.

“"Bakit mo ito ginagawa?" tanong niya.

"Dahil kailangan ko ng isang tagapagbantay," sagot ng Kalupa,  "Isang tao na magagamit ang aking kapangyarihan para sa kabutihan.  Upang protektahan ang mga nangangailangan."

"At ano ang kapalit?"

"Ang iyong kaluluwa," sagot ng Kalupa, "Kapag ako'y  nawala,  ikaw ay magiging akin."

“Hindi mo magagawa sa akin yan Kalupa. Dumaan na ako sa pagitan ng buhay at kamatayan.”

Hindi makakilos ang Kalupa sa sinagot ng bata. “Walang silbi ang kontrata sa kaniya, ngunit mas pabor sa akin ito. Hindi ko na kailangan isipin ang buhay ng bata,”  bulong sa sarili.

“Magaling kung ganoon. Opisyal na ako magiging sa iyo. Pag ikaw ay nawala, ang akin kaluluwa ay magiging sa iyo.”

Hindi na muli magamit niya ang kaniyang kakayahan makita ang impormasyon.

Nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa Kalupa at hindi nag tagal pumasok sa loob ng katawan niya ang nilalang.

“Binabati kita, Nag tagumpay ka maging Magician!”

Naririnig niya sa isipan ang paulit ulit na salita. Lumitaw ang tattoo sa kaniyang pulso na hugis dahon na may nakapalibot na tinik.

Lumipas ang kahating oras napagpapahinga. Sa hindi kalayuan nakita niya lumitaw ang lagusan na mahalintulad sa pinto pinasokan niya.

Kaagad siya nagtungo room at lumabas agad matapos makarating sa lagusan. Nakapikit siya sa nakakasilaw na liwanag.

“Maligayang pag dating sa Magician!” sigaw ng matabang lalaki na kasalukuyan nakatapak sa lumulutang na pabilog na bato.

Nang dumilit siya, kagandahan ang kaniyang nakita. Halos bago sa kaniyang paningin at kakaiba ang lahat ng nandito maging mga bagay at hayop.

“Alam ko ika'y nagtataka. Subalit ang pinto pinasukan mo ay random nagbibigay ng pagsubok. Simula pumasok ka kanina lumabas ka ngayon gabi. Ngayon lang ito nangyari,” sambit ng matabang lalaki.

“Ginoo sino ho kayo?”

Napatawa ang matabang lalaki sa inasal ng bata. “Ako si  Magician Kazam, tawagin mo na lang ako Kaz,” huminto saglit, masaya ang tingin sa kaniya, “Nagagalak ako makilala ka bata, hindi ko inaasahan na makapasok ka sa Magician Hall at maging kabilang dito.” Hinagis ng lalaki ang makapal na libro.

Kaagad naman sinalo ni Zero na nagtataka.

“Para saan ito?”

Iniisip ng bata na hindi niya kailangan ang libro ngunit natigilan siya. Hindi na muli niya magamit ang kakayahan makakita ng impormasyon sa hindi malaman dahilan.

“Para sa iyong kaalaman patungkol sa Magician Book. Ang lahat nang nais mo malaman na impormasyon ay nandyan na lahat.”

Napabuntong hininga ang bata. Wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin na wala ang kaniyang kakayahan na makakita o binawi ng diyos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro