Chapter 6
I'm not a weak
†††
“Zero, pag isipan mo mabuti ang inaalok ko sa iyo. Alam mo, hindi madali makapasok sa Magicians Hall, pagsusulat sa pagpasok mahihirapan ka na.”
Hindi tanga si Zero, na hindi niya alam ang patungkol dito. May punto ang Master Magician.
“Ipangako mo sa akin muna at isigaw sa lahat na inaalok mo ako,” natatawang wika, “Kung hindi ka tumupad sa usapan natin pag dating sa Magician Hall, hindi ako mahihirapan patunayan ang akin sarili. ”
Hindi mapigilan napangiti ang matanda. Hindi lang pambihirang kakayahan ang talento ng bata, kung hindi may aking talino rin ito.
“Ang batang si Zero ay akin inaalok na sumama sa Magician Hall,” diin na wika, “upang imbitahan na sumali sa Magician. Walang bahid ng kasinungalingan ang akin sinabi, ipinapangako ko, tutupad ako sa akin inalok!”
Napahinto saglit ang mga tao bago nagpatuloy sa kani-kanilang ginawa, ngunit kasabay napag usapan ang patungkol sa ginawa ng magician.
“Magaling, magaling, Master Magician. Ano pa ang iyong hinintay mo dyan?” Lumitaw sa hindi kalayuan si Zero.
Napakunoot noo ang magician. Hindi niya inaasahan ang ganitong kakayahan, kahit isang beses pa lang niya nasaksihan, hindi niya maiwasan humanga.
Hinagis ng magician ang artificial flying boat sa eri saka naman ito lumaki.
“Ano tinunganga mo dyan, Zero? Halika, sumakay ka na dito!”
“Paano ako makapunta dyan. Nasa eri ang artificial, wala akong kakayahan na lumipad. Pinapahirapan mo ba ako?”
Hindi mapigilan ng magician na humalakhak, “Huwag ka mag alala, Zero. Ngayon din mismo.”
“Anong nangyari sa akin? Bakit lumulutang ako?”
Tumingin siya sa pinagmulan ng enerhiya na pumalibot sa kaniya. Nag mula ang enerhiya sa artificial flying boat, talagang kahanga-hanga kung ituring ng karamihan.
Ang artificial flying ay isang mahalaga na kayamanan lalo na kung manlalakbay ang isang nilalang. Ang tanging may kayamanan na tulad nito, kadalasan ang mga Magician at may mataas na posisyon sa kaharian. Ang kayamanan na tulad nito, pinag aagawan ng karamihan umabot sa punto na mag patayan.
“Ang galing!” tanging na sambit niya.
Ligtas nakaratng ang dalawang samantala ang magician ay nanatiling nasa ibaba. Sa kisap mata na punta ito sa Flying boat.
“Paano nangyari yun?” takang wika ni Limuel.
Walang nakakaalam na kung sino man na may mababang kaalaman patungo sa mga artificial.
“Hindi ko tuloy maisip na lubhang mahina ang iyong kaalaman, Limuel.” Lumingon ang magician sa kaniya. “Zero, alam mo ba ang tungkol dito?”
Natatawang itinuro ang kaniyang sarili. “Ako?” Binigyan ng nakakalokong ngiti niya ang magician. “Syempre, alam ko ang patungkol dyan.”
Sa tulong ng pangalawang kakayahan niya. Hindi siya nahihirapan alamin ang paging sa Artificial Flying Boat.
“Kung sino man ang nag may-ari ng isang Artificial may kakayahan ito mag teleport sa artificial sa kahit saan man ito na iwan, na hulog at lumipad, kaya hindi sila nahihirapan hanapin ang artificial na pag may-ari ng isang nilalang sa tuwing nangyayari ang ganitong aksidente.”
Napaawang ang bibig ng magician. “Hindi ko alam kung saan mo nalaman yan, ngunit natutuwa ako marami Kang alaman patungkol sa mga artificial. Limuel, anong masasabi mo?”
“A-Ahh, sa totoo po. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, ngunit ang tanging nararamdaman ko sa oras na ito, ang kasayahan at takot na dulot ng bagong Kong nalaman.”
“Tumpak, Limuel. Ganyan din angkin nararamdaman noong una ko nalaman ang patungkol sa mga Artificial. Hindi biro ang kaalaman patungkol sa Artificial, kung sino ang maraming alam, siya ang nakakahigit sa karamihan.”
Natahimik ng labing pito na minuto, binasag ang katahimikan ni Limuel na matanaw ang magician hall.
“Master, mukhang nakarating na tayo sa Magician Hall,” nagagalak na wika.
“Talaga?” walang ganang sagot ni Zero.
“Huwag muna kayo bumaba hangga't hindi ko tinawag kayo, maliwanag?!”
Tumango ang dalawa bilang pag sang ayon, bago umalis ang magician, binigyan sila ng ng nakakatakot na tingin.
“Ano sa tingin mo?”
“Sa tingin ko, nakipag usap ang Master sa mga kasama niya, upang bigyan tayo ng pahintulot na makapasok.”
“Ganoon ba talaga kahirap pumasok sa Magician Hall?”
“Oo. Pagsusulit para sa pagpasok. Balita ko mahirap, sa isang daan sumubok, ngunit tanging isang tao lang ang nakapasa,” natatakot na wika, “ Ang tunay na pagsusulit nasa loob upang maging ganap na Magician. Hindi ko alam kung ano-ano ang ranggo nasa loob, kulang aking kaalaman patungkol sa Magician, pasensya ka na.”
Hindi nag salita si Zero. Abala nakatingin sa ibaba, pinag aralan ang bawat kilos ng mga bantay. Hindi niya maiwasan namangha, kahanga-hanga ang mahika ng apat na bantay. Defender, taglay na mahika na may kakayahan lumikha ng pader at kasing tibay ng bato, sobrang paki-pakinabang sa magician hall.
“Nakahanda ka na ba? ”
Napakunoot noo si Limuel, hindi niya alam kung ano tinutukoy ni Zero.
“Inuulit ko, nakahanda ka na ba?”
“Oo,” pilit na sagot ni Limuel.
“Kung ganoon, ihanda mo ang iyong sarili sa pagsusulit, nararamdaman ko talagang mahirap, ngunit naniniwala ako kakayanin natin ito,” mahinang wika, “ Huwag ka maniwala sa matandang yun na maging Magician ka nang ganoon kadali. Naniniwala ako sa sinasabi niya na pagsusulit sa pagpasok na matulungan tayo,” dagdag na wika niya.
Kusa bumaba ang sinakyan nila, kasabay naman lumabas ang matandang Magician na si Apu Lakai. Kapansin-pansin ang Kasama nito na matanda, may mahabang buhok at balbas na kulay puti.
Eksato huminto ang sinakyan nila na dumating sa kinaroroonan nila ang dalawa. May mapanuring tingin ang Kasama ni Apu Lakai.
“Alam ko, mahigpit ka sa pagsusulit para sa pagpasok, ngunit inirerekomenda ko sila na pumasok dito sa Magician Hall na hindi dumaan sa pagsusulit sa pagpasok.”
Hindi nagsalita ang matanda, panay tango na parang may na isip na kung ano man. Ngunit ang kaniyang ipinagtaka sa tanang buhay ni Master Apu Lakai ay hindi niya nagawa ang ganitong eksena kahit kailan na mag rekomenda.
“Master Junso, ano sa palagay mo?” wika ni Apu Lakai.
Hindi sumagot ang matanda sa halip humalakhak na parang paslit, hindi maintindihan ng dalawa kung ano nangyayari sa Master Magician na ito.
Ginamit ni Zero ang kaniyang kakayahan upang malaman kung sino ang matandang kasama ni Apu Lakai.
Nalaman ni Zero. Ang matandang kasama ni Apu Lakai ay isa rin Magician, hindi basta Magician lang. Kung hindi Third Master Magician din.
Katulad ni Apu Lakai may pambihirang kakayahan ang matandang ito. Ang espesyal na kakayahan nito may kinalaman sa hangin. Hindi alam nila Zero sa kadahilanan mahina pa siya. Isang beses gumagana ang kaniyang kakayahan ng perpekto.
“Natutuwa ako Master Apu, ngunit nalulungkot ako. Hindi mo lang na isip na hindi ganoon kadali makapasok sa pagpasok sa pagsusulit. Sinama mo pa ang mahinang bata na ito.” Itinuro ng matanda ang kasalukuyan nakatayo na si Zero.
Nanliit ang mata ni Zero sa narinig, “Hindi ako mahina, Third Master Magician,” mahinang wika, “Kung sa palagay mo, mahina ako. Bakit hindi mo subukan payagan ako sa pagpasok sa pagsusulit?” dagdag pa niya.
Napansin niya ang panginginig ng kamay ng matanda kahit isang segundo lang ito. Hindi niya alam kung ano ang pagsubok, ngunit sigurado siya makapasa.
“Zero, umayos ka sa pananalita mo!” Napahawak sandali sa noo si Apu Lakai, “Alam ko, gusto mo pumasok kahit anong mangyari, ngunit sana igalang mo rin kami.” dagdag niya.
“Alam ko,” bulong na sagot niya.
“Pagpasensya muna Master Junso, alam mo naman ang isip ng bata masyadong makulit.”
“Walang problema, Master Apu. Natutuwa ako sa tapang ng batang ito, hindi ko inaasahan makatagpu ako ng gaya nito,” huminto sandali ang matanda, “Limuel hindi mo na kailangan dumaan sa pagpasok sa pagsusulit, kilala na kita base sa sinabi ni Master Apu,” natutuwa na wika.
Sinamahan ni Apu Lakai si Limuel papasok sa Magician Hall. Samantala si Zero na iwan na puno ng hinanakit, hindi niya matanggap ang pakikitungo ng matanda sa kaniya.
“Master Jansu Moi. Ano na?”
“Ang lakas ng loob mo bata. Kung hindi dahil sa pakiusap sa akin ni Master Apu baka kanina pa kita pinaalis. Ang araw ng pagsusulit ay hindi ngayon, bukas pa gaganapin. Kung gusto mo bumalik ka na lang bukas.”
Napahawak sa dibdib si Zero, kunwari nasaktan sa sinabi ng matanda. “Bukas?” diin na wika, “Sabihin mo na lang sa akin Master Jansu Moi na mula sa North Manubos, kung papayagan mo ako? Huwag mo na ako paasahin sa wala,” galit na wika.
Nanlaki ang matanda ng matanda, sa tanang buhay niya sa pamamalagi sa South Manubos walang nakakaalam sa kaniyang pinagmulan.
“Paano mo nalaman ang tungkol sa akin pinagmulan bata?”
“Hindi na ako bata, Master Junso Moi. Simple lang ang sagot dyan, alam mo kung bakit?”
Hindi mapalagay ang matanda, hindi alam ang gagawin sa oras na malaman ng iba na mula siya sa South Manubos.
“Sabihin mo sa akin ang totoo. Paano?”
Hindi mapigilan ang humalakhak ng bata. Hindi niya mapigilan ang sarili na laitin sa isipan ang matanda.
“Dahil especial ako. Hindi ko hahangarin ang daan na patutunguhan ko kung hindi ako sigurado na walang naghihintay na maganda para sa akin.”
Hindi mapigilan ng matanda na ihagis ang mahika na nilikha mismo niya, ngunit madali lang ito naiwasan.
“Inuulit ko, hindi ako mahina...”
Natigilan ang matanda, may napagtanto na hindi niya kaya ang bata sa palitan ng salita. Lagpas sa kaniyang inakala na hindi matalino ang bata, ngunit nagkakamali siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro