Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Are you a magician?
†††

Isang linggo na lumipas na malaman ang Special Magic niya. Walang araw na hindi siya nag insayo para lalo humusay sa larangan ng mahika. Napabuti niya ang Special Magic na tumagal sa sampung minuto. Nagagawa niya mag laho sa paningin ng karamihan ngunit hindi maiwasan manghina matapos gamitin ang Special Magic.

Minsan na niya na itanong sa kaniyang sarili  anong special sa Invincibility? Ang kaya gawin nito ay mag laho siya. Ngunit walang pakinabang ang kaniyang kakayahan kung ang kalaban ay offensive magic ang taglay.

“Nasa akin ang huling baraha!” sigaw ng matandang lalaki sa gitna ng maraming tao.

Na hinto ang lahat saka tiningnan ang matanda na sumigaw. Parang bumagal ang takbo ng oras na masilayan niya ang matanda.

“Ang sikat na Magician ng Special Manubos nandito!” sigaw ng babae.

“Tara kailangan natin makahingi ng tulong sa kaniya,” nanabik na wika ng lalaki.

Walang magawa siya kung hindi tumabi sa gilid sa nag kagulo mga tao patungo sa sinasabi nila na Magician.

“Magician?” takang sambit niya.

Narinig ng binata ang sinabi niya. “Wala ka bang alam bata pa tungkol sa Magician?” mahinahon wika.

“Magtatanong ba ako sa sarili ko kung alam ko? ” walang ganang sagot. “Halata naman sa pagmumukha ko na walang alam, hindi ba?” dagdag pa niya.

“Hindi bale na nga lang. Ang Magician ang pinakasikat na larangan sa mahika kahit ang healer ay hindi kapantay nila. May sarili silang hari na kapantay ng hari ng manubos.”

“Talaga seryuso?”

Nainis ang lalaki sa pamamaraan na pakipag-usap ni Zero. “Kahit ipaliwanag ko sa iyo hindi mo pa rin maintindihan dahil bata ka lang. Ang mabuti pa umuwi ka na baka hinanap ng iyong magulang,”

“Huwag mo ako tinatawag na bata. Zero ang pangalan ko, tandaan mo maging Magician rin ako balang araw.”

Napatawa ang lalaki. “Mabuti yan mayaman ka sa pangarap. Pero sinasabi ko sa iyo huwag mag hangad ng labis baka iyang ang dahilan ng pag ka bagsak mo sa hinaharap,” naka ngiting wika.

“Wow kuya ang galing ah. May pinagdadaanan ka siguro noh? ”

Napakamot sa ulo ang binata. Sa buong buhay niya hindi pa siya nakatagpo ng ganitong klaseng bata.

“Huwag ka mag ala-ala Kuya Limuel. Sinisigurado ko na hindi hanggan panaginip lang aking minimithi sa buhay. Gagawin ko ang lahat upang matupad ang aking nais kahit ako'y dumaan sa paghihirap matupad lang ang inaasam asam ko na kaligayahan ko sa buhay.”

Nanglaki ang mata ng binata hindi dahil sa sinabi ni Zero. Kung hindi nalaman ang kaniyang pangalan sa hindi malaman dahilan.

Napatawa si Zero sa reaksyon ng binata. Hindi niya inaasahan makita ang impormasyon patungkol sa binata, bigla  lumitaw sa ibabaw ng ulo.

“Limuel Valley, Nag tapos sa Special Warrior, ang kasalukuyan estado sa buhay nanilbihan messenger ngunit sa kasamahan palad ay pinatalsik ng Heneral at ngayon mismong araw.”

Mas lalo nanglaki ang mata ng binata. Walang nakakaalam ang pagkatanggal niya sa posisyon bilang messenger ng Special Manubos sa Palace.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa akin?”

“Syempre dahil special ako,” pag yabag na sagot niya. “Baka isipin mo manghuhula ako, malaking hindi,” dagdag pa niya.

“Ikaw ba ay isang magician Zero?” hindi mapakali ang binata sa kaniyang kinatatayuan, habang nakatingin sa matandang Magician sa hindi kalayuan na abala sa pakipag-usap sa mga tao na humingin ng tulong.

“Hindi, gaya ng sinabi ko balang araw maging Magician ako tulad ng matandang yun.” Turo niya sa matandang Magician.

Malawak napangiti si Zero na lumitaw sa ibabaw ng ulo ang impormasyon ng matanda.

Ang tangyag na Magician ng Special Manubos si Apu Lakai. Nasa ikat-long baitang ng  Master realm, bahagi siya ng apat na Legendary Magician. Kahit hindi ganoon ka espesyal ang mahika nito. Nagawa paangatin ang baitang sa maikling panahon.

Hindi maiwasan namangha ni Zero na malaman ang Special Magic nito. Ang Slow Motion na may kakayahan pabagalin ang oras sa isang bagay o may buhay man. Sobra kapaki-pakinabang ang Special Magic nito. Napakunoot noo siya na hindi niya nakita ang ibang impormasyon. Napagtanto niya masyadong pa siyang mahina.

“Ikaw kuya Limuel anong pangarap mo maliban sa paging Messenger?”

Magaan ang loob ng binata Kay Zero kahit ngayon lang sila nagkakilala. Naniniwala siya may naghihintay na magandang hinaharap ang batang kaharap niya ngayon.

“Hindi ko alam pero sa sinasabi mo. Alam ko na ang dapat Kong gawin. Nais ko maging Magician hindi mahirap sa tulad ko ang makapasok sa larangan ng Magician. Pero ikaw malabo makapasok lalo na hindi ka nag mula sa ma impluwensya pamilya.”

Muli napatawa si Zero. “Walang problema kuya Limuel sa pagkakaalam ko ang kailangan ng Magician ay talento. Walang silbi kung mahina ang tao ma impluwensya dahil mamamatay rin ito sa kamay ng malakas,” mahabang sagot ni Zero.

“May punto ka sinasabi mo Zero,” mahinang wika nito. “Ayan papalapit na siya sa atin mukhang natapos na niya tulungan sila,” dagdag pa niya.

“Magandang umaga sa inyong dalawa. Nararamdaman ko may kailangan kayo sa tulad ko Magician,” natutuwa wika nito. “Huwag na kayo mag alinlangan sabihin sa akin, nakahanda ako tulungan kayo hangga't kaya ko,” dagdag ng matanda.

“Ahh Kasi gusto na-namin na-na—” nauutal na sambit ni Limuel. Halata sa pagmumukha na kinabahan sa kadahilanan hindi sanay makipag usap sa magician. Ayon sa nagkalat na kwento kailangan maging maingat sa pag salita kung kaharap ang Magician. Hindi maganda galitin ang tulad nila lalo na kung nasaktan sila sa salita binibitawan.

“Mawalang galang na po. Nais po Namin maging tulad niyo kagalang galang Master Magician. Sana'y iyong pansinin ang amin kahilingan,” seryuso wika ni Zero.

Napatingin sa kaniya ang matanda na may mabigat na aura. Mula paa hanggan ulo na tinitigan siya. Pakiwari niya sinukat ng matanda ang kaniyang potensyal.

“Hindi na rin masama,” mahinang sambit habang tumatango ng dalawang beses. Tinapunan ng masamang tingin si Limuel. “Malaki ang potensyal mo Limuel na maging Magician, ngunit sa anong dahilan nais mo sumali? Sa pagkakaalam ko isang Kang messenger ng Special Palace.”

Napabuntong hininga si Limuel. Walang pagpilian kung hindi sabihin ang katotohanan. “Ikinalungkot ko sabihin sa iyo Apu-Lakai hindi na ako bahagi ng Messenger ng Palace matapos hindi ko nagtagumpay ang ibinigay sa akin na misyon,” nahihiyang sagot nito.

“Ganoon pala ang nangyari. Bweno huwag ka mag alala dahil sigurado ako tanggap ka sa Magician Hall.” Sabay tapik sa balikat ng matanda Kay Limuel.

“Maraming salamat Apu Lakai. Utang na loob ko ang pagkakataon ibinigay niyo sa akin,” naiiyak na wika nito.

“Walang anuman Limuel. Ngunit ang Kasama mo bata ay sigurado ako hindi siya papasa bilang Magician. Hindi katangi-tangi ang kaniyang Special Magic.”

Nag bago ang ekrespyon ni Zero. Hindi niya nagustuhan ang tuno ng pananalita ng matanda. “Sigurado ka ba Apu Lakai nasa ikatlong kaibatan ng Master realm?” natatawang sambit niya.

Napakunoot noo ang matanda sa kaniyang narinig. Hindi niya inakala nag mula sa bibig ng bata ang kataga na yun.

“Masyadong mapanghusga ka Apu Lakai. Matagal ka na buhay sa mundong ito subalit mababaw ang pananaw mo sa buhay gaya namin,” seryuso wika niya. “Para sabihin ko sa iyo hindi katangi-tangi ang iyong katauhan kung negatibong  pananaw sa buhay. Walang diterminasyon at pagpupursige, na maabot ang ninanais.” dagdag niya pa.

Natigilan ang matanda. “Bata...!” inis na sambit. “Sinusubukan mo ba ako pangaralan?” sabay turo sa kaniya.

“Ano sa tingin mo? Huwag mo sabihin papatulan mo ako. Nahihiya naman ako sa iyo kung ganoon ang mangyayari.”

Kumaripas ng takbo si Zero ngunit bigla bumagal ang kaniyang kilos na ipinagtaka niya.

Hindi namalayan niya nasa likod na niya ang matanda.

“Slow falling?” takang sambit niya.

“Paano mo nalaman ang Special Magic ko?”

“Dahil Special ako. Kaya kita takasan kung gugustuhin ko Special Master Magician,” diin na sagot niya.

“Aba pinapainit mo ulo ko. Lokong bata to, makakatikim ka sa akin, sinasabi ko sa iyo.” Sinimulan pabagalin lalo ng matanda ang kilos ni Zero. “Sino ang batang ito Limuel?”

“Pasensya na Apu Lakai. Ngayon ko lang siya nakilala. Siya si Zero at wala na akong alam patungkol sa kaniya. Noong una akala ko isang siyang magician tulad mo.”

“Kung inakala mo tanda na hindi ako nakakatakas sa iyo. Pwes nag ka mali ka. Gaya ng sinasabi ko sa iyo espesyal ako.”

Sa kisap mata nag laho si Zero kasabay na walang ng kontrol ang matanda.

“Nasaan ang batang yun?!” sigaw ng matanda.

“Pasensya na po. Kahit ako hindi ko alam nasaan siya. Sa tingin ko may kinalaman ang bigla niya pag ka wala sa taglay niya Special Magic.”

Natigilan ang dalawa na marinig ang boses ni Zero.

“Sabi niyo hindi ako espesyal ngunit ano kayo ngayon? ” natatawang wika niya. “Hanapin niyo ko kung mahahanap niyo!” dagdag pa niya.

“Kakaibang Special Magic. Ngayon lang ako nakasalubong sa buong buhay ko ng ganyan kakayahan,” namangha wika ng matanda.

“Kahit ako Apu Lakai ngayon lang din ako nakasalubong ng ganyan kakayahan. Sa tingin ko taglay ng bata ang Rare Special Magic,” sang ayon ni Limuel.

“Mukhang ganoon na nga.” Natahimik sandali ang matanda. “Zero gusto mo ba talaga maging Magician?” alam ko nandyan ka pa sa paligid,” nakangiting wika nito.

Natigilan si Zero hindi alam ang gagawin. Na bigla siya ganoon kadali inalok ng matanda na maging kabilang sa magician.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro