Chapter 4
Special Magic?
†††
Natutuwa siya inisin ang lalaki kasama niya ngayon patungo sa sinasabi na Special Temple.
“Ano ba yan mukhang nag bago agad?”
“Itigil mo na yan bata, hindi ka niya patutulan,” natatawang sagot ni Feller.
Napahawak sa dibdib siya na kunwari nasaktan sa sinabi ng kausap. “Ay grabe siya oh. May pangalan ako, hindi bata.”
“Hindi mo naman pala gusto tawagin bata. Sana sinabi mo kanina pa lang!” naiinis na wika ni Naldo.
“Hala may nagsasalita. Pansin mo ba yun kuya Feller?”
Pigil tawa ang lalaki tinawag na kuya Feller ni Zero. Samantala ang kasama ay nanginginig sa sobrang inis.
“Hindi ko pansin. Sino ba yun?”
Hindi mapigilan ng dalawa mag tawanan na makita ang reaksyon ni Naldo.
“Tawagin niyo ako sa pangalan Zero,” natatawang sagot niya.
Napangisi si Naldo sa hindi malaman dahilan. “Zero? Seryuso? Pangit ng pangalan tugma na walang halaga,” natatawang sambit nito.
Natahimik siya. Hindi niya alam bakit tinamaan siya ng salita. Hindi niya masisi ang sarili nasa batang katawan siya kahit matanda na ang kaniyang kaluluwa.
“Bweno malapit na tayo makarating doon. Isang araw na paglalakbay bago marating ang bayan tinutukoy ko, Zero,” seryusong sagot ni Feller.
“Aba marunong din pala tumahimik ang bata dyan sa tabi- tabi. Hindi na rin masama. Hoy Zero may pa premyo ka ba dyan kahit maliit na halaga lang?”
Huminto siya saka humarap sa dalawa na may seryusong tingin. “Aba syempre kuya Naldo. Ano sa tingin mo sa akin polubi? !” panglalaki mata niya.
“Aba ang yabang ng batang to. Ikaw sinasabi ko sa iyo makakatikim ka sa akin!” inis na sagot ni Naldo.
“Tikim? Masarap ba yan? Napapaisip tuloy ako kung ano ang tinutukoy mo.”
Napakamot sa ulo si Naldo sa sobrang kulit ni Zero. “Tama na yan Zero, puro ka kalukohan. Bweno totoo ba sinasabi mo may pa premyo ka sa amin?” takang sambit ni Feller.
Nagpatuloy sa paglalakad si Zero na hindi sila nilingon “Aba Syempre meron. Sa ngayon hindi ko pa ibibigay sa inyo sapagkat hindi pa tayo nakarating sa sinasabi niyo Special Temple.”
“Mabuti kung ganoon hindi na rin masama ang pag sama namin sa iyo,” seryusong sambit ni Naldo. “Pero kahit wala ka ma ibigay sa amin, ayos lang sa amin ang mahalaga nakatulong kami,” dagdag pa nito.
Huminto sila sa ilalim ng puno na napansin lumalim na ang gabi. Hindi maganda mag patuloy lalo na maraming nag kalat na kriminal na sabik manakit at mag nakaw.
“Mawalang galang na po. Pwede ko ba malaman ang Special Magic niyo?”
Umupo siya sa damuhan samantala ang dalawang lalaki abala kung ano ang gagawin nila.
Hindi sumagot si Feller sa halip ikinumpas ang kamay sa eri. Napakunoot noo nakatingin siya sa kasalukuyan ginagawa ni Feller. Hindi nag tagal napansin niya nag liwanag ang kamay nito.
Hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari nagkaroon ng apoy sa kamay ngunit hindi nag laong nag laho ang liwanag.
“Anong klaseng Special Magic yan?”
“Ligth Source Magic. Walang ibang magagawa kung hindi ang makalikha ng liwanag sa aking kamay at makabuo ng muting apoy.”
“Walang silbi sa digmaan ang aking Special Magic tanging liwanag lang ang maibibigay ko,” dagdag pa ni Feller.
Napalingon siya na bigla sumingit si Naldo. Napahawak sa dibdib si Zero na bigla ito lumulutang sa eri kasabay pumapalibot ang malakas na hangin.
“Naldo bumaba ka nga dito. Tinakot mo naman ang bata!”
“Nakakatawa reaksyon niya Feller. Sulit ang pag gamit ko ng magic. Para sa kaalaman mo bata ang tawag sa magic ko Tornie Flight. Pinag sanib na kakayahan ng tornado at flight magic. Kaso ang problema hindi ko rin kaya gawin pang atake ang Special Magic ko.”
Kaagad nakabawi si Zero na may napagtanto. Para sa kaniya ang Special Magic ng dalawa ay maituturing na pambihira. Nasa user na ito kung paano gamitin offensive o defensive.
“Ang kakayahan mo Kuya Feller kaya mo bulagin ang kalaban ng nakakasilaw na liwanag ng panandalian at malaking pakinabang ang munting apoy mo sa pag bigay liwanag sa madilim na kapaligiran.”
“At ikaw naman kuya Naldo ang kakayahan malaking pakinabang sa offensive at defensive sa parehong oras. Nakakalipad ka saka may barrier ka na tornado kaso ang problema sa iyo kulang ka sa insayo. Kayong dalawa kulang sa pag iisip paano gamitin ang magic niyo at kulang sa tiwala sa sarili niyo. ”
Seryuso nakinig ang dalawa sa sinabi niya. Napagtanto ng dalawa na may punto ang bata. Parang hindi bata ang kausap nila kung mag salita ito.
Nilabas ni Feller ang barrier item upang ipalibot sa puno. Nakahanda ang kanilang higaan sa tulong ng item ni Naldo.
Hindi na Kumain ang tatlo dahil di rin naman sila nakaramdam ng gutom. Hindi namalayan nakatulog na sila kakawento ng kahit ano.
Kinabukasan nagising silang tatlo na yumanig ang lupa. Nasira ang barrier item ni Feller. Halata sa bakas na iwan ng kung sino ang may gawa na sobrang lakas nito.
“Kainis mukhang taga-Special Warrior ang sumira sa item barrier ko!” inis na sambit ni Feller.
“Sa tingin ko may misyon na kung sino man Special Warrior ang sumira ng item barrier mo sa lugar na ito.”
Napatigil ang dalawa sa pagtatalo na mag salita siya.
“Hay naku mamaya niyo na problemahin niyang. Isipin niyo Hindi pa tayo Kumain, mamatay tayo sa gutom nito!”
Nanglaki ang mata ng dalawa sa kanilang narinig. Napagtanto nakalimutan nila Kumain, malaking kakulangan para sa kanila na malipasan ng gutom. Mas lalo hihina ang dalawa at baka sa punto hindi nila kaya kontrolin ang special magic nila.
“Mabuti pinaalaala mo sa amin hindi pa tayo kumain. Mabuti na lang may dala ako carrots dito,” nahihiyang wika ni Naldo.
“Nag mukha tayo rabbit niyang eh. Patingin nga Ako kung anong klaseng carrots niyang sinasabi mo dyan,” reklamo niya.
Inilibas ni Naldo ang Carrots na dala niya sa bag. Bumungad Kay Zero ang kulay pula na Carrots.
“Seryuso?” tanging na sambit niya.
“Alam mo ba ang tawag sa Carrots na yan?” dagdag pa niya.
“Hindi eh. Ikaw Feller alam mo ba? ”
“Hindi ko rin alam. Loko ka Naldo bumibili ka ng hindi mo alam. Paano na lang kung hindi pwede kainina ang ganyan uri ng Carrot? Paano na lang kung ma lason tayo dyan?” inis na sagot.
“Huwag kayo mag alala alam ko ang Carrots na yan. Sa pagkaalaala ko ang tawag sa Carrot na yan ay Angry Carrot. Sikat gamitin yan sa digmaan sapagkat nagbibigay tapang sa mga mandirigma ang Angry Carrot upang maiwasan ang takot,” paliwanag niya.
Nagpatuloy ang tatlo sa kanilang paglalakbay habang napilitan kinain ang Angry Carrot. Napag alaman ni Zero ang lumikha ng Angry Carrot ang tinawag na sikat sa buong Manubos ang king Magicians.
Hindi namalayan nila nasa harap na sila ng Special Temple. Kung hindi sila tinawag ng isang madre.
“Paano ba yan Zero nandito na tayo?” malungkot na sambit ni Feller.
“Ibibigay ko na sa inyo ang pa premyo ko na sinasabi ko sa inyo. Sana'y tanggapin niyo ang munting pa premyo ko.” Kasabay inabot ni Zero ang dalawang Strength Potion at Recovery Potion.
Hindi inaasahan ng dalawa na nakatanggap ng potion. Sa unang pagkakataon ngayon lang sila nakahawak ng potion.
Ang potion ay sobrang mahal higit na hindi bumaba sa sampung ginto ang presyo ang pinakamababa.
Nag dalawang isip na tanggapin ni Feller ang potion ngunit napilitan siya tanggapin na makiusap si Zero. Nag pasalamat ang dalawa bago umalis na may ngiti sa labi. Kahit inalok siya ng dalawa na bantayan sa pag pa uwi ngunit tumanggi siya.
Bumukas ang pinto ng Templo. Walang katao-tao na ipinag taka niya. Sa loob nandoon ang isang rebulto sa gitna. Kapansin pansin na hindi ito isang tao.
“Ito na siguro ang sinasabi nila na diyos ng Special Magic. Pero paano ako mabasbasan ng biyaya ng Special Magic kung aking ina taglay ang Cursed Magic at nag mula sa Guiding Magic,” bulong na wika niya.
Dahan-dahan lumapit siya sa rebulto at napansin niya ang bolang Crystal sa paanan ng rebulto.
Ayon Kay Feller kailangan lang niya hawakan ang bolang Crystal habang nanalangin sa diyosa.
Maingat niya hinawakan ang Crystal saka lumuhod habang pinikit ang mata at taimtim na nanalangin sa diyosa.
Naramdaman niya ang malamig na ihip ng hangin. Nag mulat mata siya. Halos hindi siya makagalaw sa kaniyang nakita. Nasa ibang Lugar na siya at may isang diyosa ng kagandahan ang nakatayo sa kaniyang harapan.
“Ikaw ay aking binasbasan at binigyan ng biyaya na taglayin ang Special Magic na kaniyang mag laho sa paningin ng lahat at dahil special ka binigyan kita ng dalawa pang special na kakayahan. Sana'y gamitin mo ito sa kabutihang.”
Matapos marinig bigla na lang nagising sa realidad na habol hininga siya. Tumayo na parang walang nangyari.
Hindi na siya nag paalam sa Madre sa halip umalis na siya. Sinusubukan niya paganahin ang Special Magic niya.
Natigilan siya na marinig ang boses ng dalawang lalaki. Napansin niya ang gold badge.
“Ang Special Warrior?” takang na sambit niya.
“Sinong nandyan?!”
Lumapit sa kaniya ang lalaki ngunit hindi siya napansin. Sa halip nagtaka lang ito tumingin.
“Pre wala naman tao baka ligaw hayop lang yun.”
Nakahinga ng maluwag si Zero. Sa oras na makita siya sa labas ng kalagitnaan ng gabi baka iba ang isipin sa kaniya.
“Teka taglay ko ang Invisibility?” nahihilo wika niya. Napaupo sa lupa na habol hininga at pawisan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro