Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


Special Temple
†††



Sinimulan hanapin niya ang Wishing Tree sapagkat hindi niya alam kung saan eksakto ang lokasyon.

Pinili niya hindi mag tanong upang maiwasan maka agaw ng atensyon. Sa halip nakikinig lang siya sa usapan ng mga taga gift city sa tuwing narinig niya ang patungkol sa whishing tree.

Huminto siya na nakaramdam ng pananakit ng tiyan. Naalaala niya hindi pa siya Kumain simula kaninang umaga lalo na ubos ang kaniyang baon at pera pinag iipunan.

"Mag isip ka si Zero, anong gagawin mo ngayon para kumita," Sabi niya sa kaniyang sarili.

"Bili,bili na po kayo ng Black Apple!"

Nakuha ang kaniyang atensyon sa narinig. Napalingon ng bahagya sa kabilang direksyon kung saan nakaparada ang kalesa habang nasa labas nito ang isang lalaki naghihikayat sa mga tao na bumili.

"Kanina pa siya nandito pero walang pumapansin sa kaniyang mga paninda."

Hindi nag dalawang isip na lumapit si Zero sa lalaki.

"Kuya walang bibili sa paninda mo kung ganyan ang pamamaraan mo."

Natigilan ang lalaki sa sinabi niya. Napatingin sa kaniya ng seryuso ang lalaki na may masama ekrespyon.

"Paano mo na sabi bata? "

"Simple mali ang pamamaraan mo. Kahit sino hindi naakit sa pamamaraan mo, masyadong simple."

"Aba lokong bata to. Umalis ka na dito, inaabala mo ako!"

Hindi nag salita siya sa halip lumapit siya sa kalesa at napansin sa loob ang black apple na kahon na gawa sa kahoy. Dinamput niya ang isang apple saka sinabihan ang lalaki, "Kuya kung mabibinta ko ito, bigyan mo na lang ako ng dalawang black apple at isang pilak bilang kabayaran kung papayag ka?"

"Pag wala ka ma ibenta kahit isa pwes ipapahuli kita sa Special Force."

"Aba walang tiwala sa akin. Pwes manood ka at matuto sa akin."

Umupo ang lalaki habang seryuso tinitigan si Zero.

"Black Apple murang mura na sa halagang isang pilak hindi kayo magsisi sa subrang tamis!"

Natigilan ang ilang mga tao na marinig ang malambing na tinig ng isang bata. Halos hindi makakilos ang lalaki na may dalawang matanda na lumapit Kay Zero.

"Mukhang masarap nga niyang iho," wika ng matanda lalaki.

Nag bago ang ekrespyon ni Zero. "Hindi lang ubod ng sarap Madam, bagkus may positibong epekto ito sa atin kalusugan lalo na sa may problema sa hindi maka focus sa pag kontrol ng Special," masayang paliwanag niya.

"Aba Chores ito na ang hinahanap natin sa problema na sulusyon," wika ng matandang babae.

"Problema natin matatanda," natatawang sagot ng matandang lalaki.

Nagtawanan ang dalawa na mas lalo naka akit ng mamimili.

"Tama ang inyong sinabi. Nakakatulong ang Black Apple sa pag iisip natin. Alam naman natin pambihirang ang Black Apple kung hindi niyo narinig ang patungkol sa West Manubos ng dalawang dekanda ang nakalipas."

Hindi maiwasan ng karamihan ang humahanga sa kaalaman ng batang patungkol sa kasaysayan lalo na sa mga pambihirang bagay.

Panay ngiti at pasasalamat niya na sunod-sunod ang bumili ng Black Apple ang karamihan hanggan sa wala na natira.

Nag si alisan ang lahat na mapagtanto ubos na ang Black Apple.

"Oh ano ka ngayon?"

Hindi makasagot ang lalaki.

"Oh nga pala dahil na ibenta ko naman lahat mas tataas ang bahagi ko. Hindi ba?"

"Hindi ko akalain totoo ang iyong sinabi sa akin bata. May potensyal ka sa larangan ito. Bweno nais ko ipakilala ang aking sarili. Tawagin mo na lang ako Alao."

Napansin ng lalaki ang pagkainis niya. Kaagad binigay ang dalawang ginto sa kaniya ni Alao.

"Maraming salamat sa biyaya. Bweno may alam ka ba sa Whishing tree?"

"Alam ko na gusto mo pumunta doon. Matatagpuan ito sa hangganan ng pagitan ng South at North."

"Maraming salamat, huwag kalimutan ang pangalan ko si Zero!"

Maglakad paalis siya habang kinakaway ang kanay kamay.

Wala siyang balak na makipag close sa ibang tao lalo na dito sa South. Nabalitaan niya masyadong mapaglaro ang ilang sa kanila. Mahirap pagkatiwalaan.

Hindi na siya nag aksayangan ng panahon. Kaagad siya nag tungo roon habang kumakain ng Black Apple na tinago niya kanina na hindi nalalaman ng lalaki.

"May silbi rin pala ang pagbabasa ko ng mga libro dati sa tulong ng taga pangalaga ko. "

Hindi pa man siya nakalagpas sa huling Factory. Humarang sa kaniyang ang dalawang lalaki.

"Saan ka pupunta bata?"

"Huh?" tanging wika niya.

Napataas ang kilay ng kasamang lalaki.

"Anong Huh? Kung binabalak mo mag tungo sa Whishing Tree para humiling. Huwag ka na mangarap bata!"

"Naldo hinaan mo yun boses mo. Masyadong mo tinatakot ang bata. Pasensya ka na bata mahigpit ipinagbawal ng Special King na mag tungo sa kahit saan hangganang ng South."

"Feller Hindi sa lahat ng panahon yan kabutihang mo ang magliligtas sa iyo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," matigas na wika nito.

Nangliit ang tingin niya sa kaniyang narinig. Paano niya magagawa sundin ang batas ang nag iisang pag-asa niya na makaahon sa kahirapan niyang sitwasyon.

Napayuko ng bahagya siya. Hindi niya alam ang gagawin. Wala ng ibang paraan para matuklasan at matuto ng magic.

"Ngunit pasensya na sa inasal ko bata. Kung gusto mo malaman ang iyong Special Magic maari ka mag tungo sa Special Temple."

Nabuhayan ng loob si Zero. "Saan ko naman matatagpuan yan sinasabi niyo?"

"Sa Sentro ng maliit na bayan na sakop ng Special Manubos. Maaari ka Namin samahan kung gusto mo?"

Napataas ang kilay ng Naldo sa kaniyang narinig. Hindi niya gusto ang ideya samahan ang isang batang hindi mahalaga sa lipunan. Wala naman sila mapapala.

"Kung hindi nakakaabala sa kasamahan mo na parang ayaw sa akin. Sino kaya yun?"

"Aba-"

"Naldo huminahon ka. Huwag mo patulan ang bata. Basura na ang tingin satin Special Force yan pa ipapakita mo sa karamihan! Hindi ka ba masaya makatulong sa nangangailangan?"

Napakuyom sa kamao ang lalaki. Araw-araw minalait sila ng kamihan lalo na ang mga estudyante nakapag tapos sa Special Warrior.

Ang tanging trabaho na ibibigay sa kanila ng Special King ang taga-batay ng hangganan ng South, taga ligpit ng Kalat na bunga ng special Warrior at taga-pangalaga ng kalikasan.

Gustohin man ng karamihan sakanila ang manilbihan sa loob ng palasyo, maging Special knight at higit sa lahat ang messenger. Ngunit malabo mangyari sa kanila lalo na ang Special Magic na taglay nila ay hindi lubhang kapakinabang sa larangan ng digmaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro