Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


††

Sa kaharian ng Manubos bandang South ay matatanaw ang naglalakihan Factory ng mga Special Manubos. Sa south matatagpuan ang bayan ng mga Special Manubos na kilala sa tawag na Gift City.

Napadpad ang batang manlalakbay sa Gift City. Simula nong dumating siya, hindi na niya magawa makaalis dito.

Dahil ipinatupad ang bagong batas sa South na mahigpit ipinagbawal ang lumabas sa South. Simula nong Kumalat ang balita may digmaan sa North Manubos, kahit ang hari ay walang magagawa sa hidwaan ng dalawang malaking pamilya sa North Manubos.

"Kainis kung hindi sana may digmaan sa timog. Edi sana dati pa ako nakaalis sa South."

Ang batang ito ay si Lunar Zero. Isang manlalakbay na mula sa malayong lugar. Kahit taglay niya ang ala-ala at kaalaman sa nakaraan buhay pero walang magagawa sa kasalukuyan niyang estado.

"Dati-rati naiisip ko ang mga tao nag reincarnated sa ibang mundo nagkaroon ng pambihirang kapangyarihan. Ngunit bakit ako Wala kahit isa?"

Sinipa niya ang bato nakaharang sa daan "Kung taglay ko ang cure magic ng aking ina. Mahihirapan pa rin ako lalo na kasumpa-sumpa sa paningin ng lahat ang magic na ito. Mas lalo lang ako mapahamak."

Ang hindi alam ni Zero may nakasunod sa kaniya.

"Palibhasa kahit gusto ko mag-aral Sa Special Warrior, hindi rin ako tatanggapin. Kainis! Anong gagawin ko?"

Natigilan si Zero na may naramdaman mabilis na atake. Kaagad umiwas siya kasabay naman dumaan sa kaniyang harapan.

"Muntik na ako doon ah."

Lumabas ang lalaki na masilayan ang bilis ni Zero. Napalingon siya na marinig ang palakpak nito.

"Sino ka?"

Napatawa ang lalaki kasabay naman hinagis ang muling atake. Ngunit walang kahirap hirap na iwasan ni Zero.

"Kamangha mangha ang bilis mo bata. nakikita ko hindi ka gumamit ng mana."

"Oh tapos?" taas kilay sambit ni Zero.

"Magaling, gusto ko ang tulad mo. Nais kita imbitahan mag aral sa Special Force."

"Special Force?" takang Sabi ni Zero.

Ang kilalang paaralan sa South Manubos ang Special Warrior at ang pangit na reputasyon na paaralan ang Special Force.

Hindi nakakapagtaka na ang halos talentado kabataan ay napupunta sa paaralan ng Special Warrior. Samantala sa Special Force ay mahihina na kung tawagin ng karamihan basura.

"Tama ang iyong narinig. Muli ko sasabihin. Nais kita imbitahan sa Special Force."

"Special Force? Paano ako maniniwala sa iyo kung hindi mo ipinakilala ang iyong sarili at isa pa, wala ka rin patunay."

Alam ni Zero ang paaralan ito. Hindi basta basta mag imbitahan kahit basura ang taglay na Special Magic.

"Ako ang Head Master ng Special Force at ito ang patunay." Inilabas ng lalaki ang badge na kulay ginto.

Natahimik si Zero at napagtanto tunay ang hawak na badge ng lalaki.

"Oh tapos ano mapapala ko?"

Natigilan ang lalaki sa kaniyang narinig. Maraming mga kabataan ang nagmamakaawa na makapasok sa Special Force. Ngunit ang batang ito kakaiba sa lahat.

"Narinig ko kanina gusto mo matuto ng mahika. Ito na ang pagkakataon hinihintay mo."

Bahagya napangiti si Zero.

"Pagkakataon? Hindi ako interesado pumasok sa Special Force kung wala ako mapapala. Sa panahon ngayon mahirap na maging tau-tauhan. Kahit walang magtuturo sa akin matuto pa rin ako sa sarili Kong paraan."

Hindi maiwasan ng lalaki nakaramdam ng inis. Sobrang yabang ng bata at hindi ganoon kadali Kunin ang kalooban nito.

"Pwes tapos na ang usapan natin." Tumalikod si Zero saka kinaway ang kanang kamay habang tumatawa.

"Tigil!"

Patuloy naglalakad palayo siya na walang pakialam kahit narinig niya ang sinabi ng lalaki.

"Sana hindi mo ito pagsisihan!" sigaw ng lalaki.

"Wala ako paki alam, Alipin ako sa nakaraan buhay at hindi ako papayag na alipin ako sa kasalukuyan Kong buhay," mahinang wika nito.

Nakahinga ng maluwag si Zero na hindi sumunod ang lalaki. Hindi pa kabisado ni Zero ang pasikot sikot sa Gift City lalo na mahigpit ang mga batas na ipinapatupad para mapanatili ang kapayapaan.

Pag liko sa Kanto ni Zero bumungad sa kaniya ang matabang babae na naglalakad habang nakasunod ang mga alipin nito.

"Dadaan ang mahal na prinsesa!"

Nagtataka si Zero dahil mabilis nag si takbuhan ang mga tao para mag tago.

Nakita niya ang kalungkutan sa mata ng matabang babae. Tumabi siya sa daan at nanatiling nakatayo.

"Mahal na prinsesa huminahon ka," kinakabahan sabi ng isang alipin na babae.

"Huwag mo isipin na ayaw nila sa iyo o natatakot mahal na prinsesa," sabi pa ng isang babae.

"Paano mo na sabi yan?!"

Nagsimula umiyak ang matabang babae na ikinabahala ng mga alipin nito. Hindi nila alam ang gagawin dahil Hindi pa rin ito tumigil.

"Walang may gusto sa akin. Hindi naman ako masama. Lahat sila natatakot sa hindi ko malaman dahil-"

Natigilan ang matabang babae na huminto ang tingin sa direksyon ni Zero. Napansin niya sa bata na wala naman ito reaksyon kahit tinitigan niya ito.

Nakahinga ng maluwag ang mga alipin. Pero sa isip isip ng alipin ay naiinis na sila sa matabang prinsesa. Kung hindi lang inutos ng Special King.

Napangiti ang matabang babae sa kauna-unahan sandali. Huminto sila sa tapat ng bata.

"Ikaw!"

Napataas ang kilay ni Zero na tawagin siya ng prinsesa.

"Oh bakit?"

"Aba sumasagot ka pa sa mahal na prinsesa. Kailangan ka maturuan ng liksyon!" inis na sambit ng alipin.

"Sino ang tinutukoy mo? Ako ba?" Turo ni Zero sa kaniyang sarili. Mas lalo nag pa inis sa alipin.

"Kailan ka pa nagkaroon ng kapangyarihan sa batas alipin!"

Halos manginig ang buong katawan ng babae marinig ang galit na boses ng prinsesa.

"Pau-"

"Hindi na kailangan humingi ng tawad. "

Itinuro ng matabang prinsesa si Zero.

"Bakit hindi ka pa umalis katulad nila?"

"Bakit naman ako aalis, may nakakatakot ba?"

Hindi maiwasan ng matabang prinsesa na matuwa sa sinagot ng bata.

"Meron, takot sila maparusahan."

Napatawa si Zero sa sinagot nito.

"Wala ako dapat ikatakot Mahal na prinsesa. "

"Pero teka sino ka?"

Nanglaki ang mata ng matabang prinsesa. Sa buong South Manubos kilala siya ng lahat na ikatlong prinsesa ng Special Manubos.

"Paumanhin mahal na prinsesa. Hindi ako taga-rito."

Mas lalo nanglaki ang mata ng matabang prinsesa.

"Hindi bale na lang. Ako si Prinsesa Emotisia Special ang ikatlong prinsesa ng Special Manubos. Ikaw bata sino ka?"

Hindi makapaniwala ang nakasaksi. Sa unang pagkakataon hindi na galit o umiyak ang matabang prinsesa. Sa tuwing may hindi nakakilala sa kaniya o hindi nag bigay galang.

"Ikinagagalak kita makilala Prinsesa Emotisia. Paumanhin wala akong alam patungkol sa Special Family sapagkat isa akong manlalakbay. Tawagin niyo na lang ako sa ngalan Zero."

"Zero? Magandang pangalan. Na-"

"Mawalang galang Prinsesa Emotisia. Kailangan ko na umalis, sa susunod ulit!"

Walang magawa ang prinsesa na kumaripas ng takbo si Zero.

"Muntik na ako don ah. Ka takot siya pala yun tinutukoy nila Fat Princess. Mabuti na lang hindi na galit sa akin."

Huminto si Zero sa tapat ng Magic Item Shop. Sa labas naka paskil ang patungkol sa Wishing Tree at kung saan ito matatagpuan.

"Kailangan ko mag punta doon." Patalon talon na sambit ni Zero.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro