Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


Hindi mapigilan kumalat sa buong daigdig ang patungkol sa alamat sa mga bituin sa kalangitan. Alamat na mahirap paniwalaan ng kahit sino. Ayon sa mga matatanda ang mga bituin ang nag silbing direksyon ng tadhana ng mahikero. Dagdag pa kulungan ito ng malalakas na nilalang o ang pinagmulan ng mahika ng mga diyos.

Ang liwanag ng buwan ang nag silbing nag bigay basbas sa bawat nilalang na isinisilang sa mundo. Upang bigyan ng magandang katangian na ayon sa kanilang potensyal at paniniwala. Ngunit nakakasalalay sa kaluluwa ng nilalang ang kaniyang kalooban.

Sa Kaharian ng Manubos, bandang timog matatagpuan ang tore ng mga guiding magic. Kilala ang kanilang mahika na support magic sapagkat hindi ito panlaban.

May nag iisang babae na hindi biniyayaan ng anak. Sapagkat walang lalaki ang may gusto sa kaniya sa kadahilanan hindi maganda ang panlabas na anyo.

Merim Luna ang kaniyang pangalan na madali mahulaan kung saan kinuha ang kaniyang pangalan. Tama, sa buwan kinuha ang kaniyang pangalan. Ngunit hindi niya taglay ang kahit anong mahika ng support magic, special magic at elemental magic.

Walang nakakaalam na may mahika si Luna. Ang kaniyang mahika ay Cure magic. Mahirap paniwalaan sapagkat hindi pa ito nangyari kahit kailan sa Kaharian ng Manubos.

Ang South Manubos ay taglay nila ang special magic samantala sa West at east ang elemental magic.

Hindi na ipinaalam ni Luna sa takot na baka siya patayin ng Tower Master. Hindi masaya ang kaniyang buhay bata, pagkadalaga hanggan sa kaniyang pag tanda. Bawat gabi-gabi hiniling ni Luna na biyayaan siya ng sanggol sa liwanag ng buwan.

Kinabukasan natupad ang kaniyang nais. Ipinakita sa kaniya ang magandang panaginipan, nakipag talik siya sa magandang nilalang na hindi kita ang mukha.

Labis ang kasayahan nadarama ni Luna. Lumipas ang mga buwan nagpakalayo layo na si Luna sa Guiding Magic. Upang masiguro ang kaligtasan niya at lalo na ang isisilang niya na sanggol.

Kabilugan ng buwan kasalukuyan nakahiga si Luna habang nahihirapan ipanganak ang sanggol.  Parang gusto niya sumuko ngunit sa may biglang nangyari. Nag aktibo ang cute magic niya. Bumalot sa buong katawan niya ito bago isilang ang sanggol.

Sa hindi malaman dahilan ang mahika ni Luna ay naka likha ng isang nilalang na kung tawagin Minito. Na walang ng malay si Luna matapos niya isilang ang sanggol.

Ang Minito ay kusang kumilos upang matulungan sa hindi maayos na kalagayan ng mag-ina.

Ang Minito may katawan tao ngunit itim ang kanilang balat at puti ang mga mata nito. Kasing laki lang ito ng sampung taong gulang na bata.

Kinabukasan masaya inalagaan ni Luna ang sanggol habang umawit ng maganda awit na alay sa kalikasan. Napag isipan ni Luna na ipangalan sa sanggol ay Lunar. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay na kapalaran sa kaniyang anak.

“Sana hindi manahin sa akin ang cure magic. Pag umabot sa punto na mana niya, kawawang siya sa hinaharap. Hindi tanggap ng kaharian ito ang cure magic.”

Natigilan si Luna na marinig ang pag sambit ng bata na “Mama” hindi lubos akalain natuto na ito mag salita ng isang salita.

Ang hindi alam ni Luna nagtataka ang sanggol sa kaniyang pag mulat. Sa kadahilanan muli ito na buhay sa ibang katawan. Tahimik lang ito nakatingin sa kaniyang ina.

Nakikinig sa kwento nito patungkol sa Kaharian ng Manubos, sa mahika at ibang pang bagay na ginagalawan sa mundong ito.

Lumipas ang tatlong taon maaga natuto maglakad at mag salita ang bata. Nakatayo si Luna habang nakatingin sa kaniyang anak na kasalukuyan naglalaro.

Napangiti ng mapakla si Luna na naramdaman ang presensya ng Tower Master. Lumapit si Luna sa kaniyang anak upang ibigay ang kalahati ng kaniyang mahika.

Hinawakan niya ito sa ulo bago binawi ang kamay. Kusa lumutang ang bata sa eri habang pinalilibutan ng itim na usok.

“Minito dalhin mo ang aking anak sa sentro ng lungsod ng South Manubos.  Nararamdaman ko malapit na ako tawagin ng may kapal.”

Sa huling sandali tumingin si Luna sa inosenteng mukha ng bata. Sa kisap mata nag laho ang bata kasama ang Minito.

Eksato dumating ang tower master upang alamin ang katotohanan patungkol sa cure magic.

“Merim Luna! Ano nga ba ang iyong ginagawa dito sa kagubatan? Kay tagal kung hinintay ang pagkakataon ito.”

Hindi maintindihan ni Luna kung ano ang ibig iparating ng Tower Master.  Tumawa siya ng peke upang ipakita sa tower master kung gaano siya kasaya.

“Hindi ko alam kung ano iyong sadya sa akin. Ngunit nararamdaman ko hindi maganda ang iyong atensyon sa akin. Sa aking palagay maaari ko bang malaman, kung bakit ika'y naparito sa aking tahanan, Summer?”

Hindi sumagot ang babae. Seryuso nakatingin sa mata ni Luna. Hindi nag tagal isinagawa ang kaniyang mahika. Sa kisap mata dahan-dahan lumabas sa palad ng babae ang harang sa kanilang dalawa hanggan sa nagin barrier wall ito.

“Hindi ko hangad ang iyong kamatayan Luna. Ngunit malinaw kung nakikita taglay mo ang cure magic. Alam naman natin na malabo matuto ang isang tao. Maliban na lang kung isa Kang isinumpa ng malalakas mahikero.”

Hindi magawang makasagot ni Luna. Nakaramdam ng panganib si Luna na naging dahilan lumabas sa kaniyang katawan ang anino na kahit sino ay hindi gugustuhin makita.

“Ang cure magic? Hindi pwede?”

Naglaban ang mahika ng magkabila. Ngunit hindi tumagal sapagkat hindi kabisado ni Luna ang kaniyang mahika. Sa bandang dulo bamagsak ang katawan ni Luna na nag-aagaw buhay.

“Ikinalulungkot Kong patayin ka Luna. Sana'y mapatawad mo ako. Ako'y sumusunod lang sa utos ng nakakataas sa atin.”

Hindi nag dalawang isip si Summer na putulin ang leeg ni Luna. Sa pag hiwalay ng ulo ni Luna kasabay nanginginig ang lupa at biglaang pag laho ng katawan ni Luna.

Napatingala si Summer at hindi maiwasan lumuhod na makita ang pag liwanag ng bituin sa kalangitan.

“Hindi siya masama, nag ka mali ba ako?”

Ang Polaris ang nagsilbing bituin ng mga mabubuti mahikero. Sa tuwing may mamamatay kusa ito nagliwanag. Walang makapaliwanag kung bakit ito nangyari. Pero ayon sa kasaysayan dito kinulong ang light god ng mga diyos.

“Kailangan ko mag madali maka uwi!”

Nagmamadali tumakbo ang babae sa takot na napansin dahan-dahan nag bago ang kagubatan ng Guiding Forest. Simula sa araw na yun ang Guiding Forest ay pinalitan ng Dark Forest sa kadahilanan Wala ng sinagot ng buwan ang nakakapasok dito.


†Author Note†

Please follow me para sa soon story updated kayo. Thank you for reading. I hope nagustuhan niyo ang chapter na ito, don't forget mag vote at comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro