Chapter 4
"Nasaan na Si Angie anong ginawa mo sakanya?Firo papatayin kita kung anong mangyari sakanya pinapangako ko yan!"rinig ko sigaw ni Emath kaya napamulat naman ako nang mata buhay pa naman ako at di pa natusta.Wala nadin akong galos or sugat kaya nakampante naman ako napatingin ako sa pinto kung saan nanggagaling ang ingay sina Firo at Emath pala ni kuwelyohan ni Emath Si Firo habang umaawat naman ang ibang goddesses.
Napatayu naman ako sa kinauupoan ko saka lumabas na nga nang makita nila ako agad naman tumigil Si Emath sa panghaharas kay Firo saka lumapit sakin.
"Ayos lang ako Emath wag ka mag alala"saad ko napatingin naman ako kay Firo na tila wala na sa mood habang nakatingin saamin ni Emath hawak niya ang kamay ko.
"Tapos na ang pagsubok mo,Maari kanang bumalik sa mundo mo Angie binibigyan ka namin nang 1 araw para libutin ang iyung mundo at maexperience ang hindi mo naranasan"saad ni goddess Nayumi kaya halos napatalon naman ako sa tuwa dahil sa narinig ko sa wakas tapos narin ang paghihirap ko.
Inabot nya naman ang isang maliit na bag sakin kaya tinanggap ko naman ito.
"Ang maliit na bag nayan ay naglalaman nang pera na di nauubos gamitin mo yan"sabi ni goddess Rochell tapos nun naglaho na ako at bumalik sa harap nang butas na inahonan ko umaga na pala napatingin naman ako sa asong niligtas ko parang nagmamakaawa itong kunin ko na sya saka napatingin naman ako sa bag na binigay ni goddess nayumi pwede kung maparanas nang kahit isang araw na kasayahan itong aso tutal unlimited naman daw ang mabibigay na pera nitong bag nato di ko din mauubos ito sa loob nang isang araw gusto ko maging masaya kaming dalawa nang aso na ito kahit sa maikling panahon.
"Sumama ka sakin "saad ko sakanya tumahol naman ito na tila pagsang ayun nagumpisa na nga ako sa pagtakbo sa damuhan patakbo namang sumunod ang aso sakit ang cute parang nakangiti ito na sumusunod saakin masyadong unfair nang mundo ipaparanas ko ang kaunting kasiyahan sa mga nilalang sa mundo lalong lalo na sa nga hindi kayang magreklamo kahit nahihirapan na sila lagi ko kasing nakikita ang mga asong pinabayaan sa kalye sinasaktan nang ibang tao tinatawag na salot dahil sa pagkakalat nang basura dahil doon sila naghahanap nang pagkain.
Una naming pinuntahan ay ang bilihan nang dog food bumili na nga ako nang 2 sako para sa aso alam ko di nya mauubos ito nang isang araw kaya pagbalik namin ibibigay ko sa amo nya saka nagtake out narin ako nang pagkain ko na makakain ang balak ko umikot sa mall pero hindi pwedeng papasukin Si Brownie kaya ni take out ko nalang ang pagkain.
Brownie nalang tawag ko sa kanya dahil di ko alam ang pangalan nya saka brown din kasi ang balahibo nya.
Palakad lakad kami ni Brownie sa mall ang iba tinitigan ako may bulong bulongan pa dahil nga may kasama akong aso sa loob nang mall.
Napatingin naman ako sa isang sulok nang mall wala masyadong tao roon kaya doon ko nalang nagpasyahang umopo nilagay ko naman sa maliit na bowl ang dog food saka sa kabila tubig enjoy na enjoy naman Si Brownie sa pagkain naiinom din ito nang tubig na tila gutom na gutom habang ako nageenjoy narin sa pagkagat nang fried chicken na binili ko sa isang fast food restaurants ilang sandali pa naubos na ni Brownie ang unang batch nang dog food kaya nilagyan ko ulit ang kanyang bowl pero tapos nun agad nya naubos saka napatigil ito saka tumingin sakin na parang may kahulogan saka napatingin sa manok na kinakain ko gusto pala nitong humingi nang fried chicken mabuti nalang medjo marami rami ang nabili ko kaya inilagay ko naman ang isang chicken sa bowl nya nakita ko naman pano nya ni galaw galaw ang buntot nito na parang nanghihingi nang permiso kung pwede kainin ang inilagay ko.
"Brownie para sayu yan kainin muna"saad ko enjoy na enjoy naman ito sa pagkagat kagat nang isang fried chicken kaya natuwa naman ako habang pinapanood syang kumakain parang ang gaan nang puso ko saka masaya na ako malaman na may napasaya ako atleast.
Tapos naming kumain naglakad lakad kami ni brownie sa gilid nang dalampasigan natuwa naman ako nang makita ko syang tumakbo sa tubig at masayang nag tampisaw sa tubig kaya ang ginawa ko nalang ay tumakbo narin sa tubig at maglangoy langoy tuwang tuwa kami habang nag swimming sa dagat bukod sa malinaw ang tubig at asul malamig din iti nakakafresh sa katawan.Pagkatapos namin maligo sa dagat pumunta naman kami sa dalampasigan para maglaro nang buhangin Si Brownie naghuhukay sa buhanginan habang ako naman gumagawa nang Castillong buhangin tapos nun nagtakbohan naman kami sa dagat saka maglangoy ulit.
Ilang oras din kaming nanatili sa dagat saka napagpasyahan kung pumunta sa palaruan na outdoor para maisama ko Si Brownie.Bago ako umalis sa dagat bumili ako nang damit na magagamit ko dahil basang basa nga ako habang pauwi pero ayos lang nag enjoy naman ako.
Napadaan naman kami sa isang desert shop kaya naisipan kung bumili nang desert na gusto ko para may makain kami puro chocolates ang binili ko pumili lang ako nang kunting vanilla para kay Brownie alam ko bawal sa mga aso ang chocolate dahil may contain itong tila lason sa kanilang katawan pero harmless sa tao saka kunti lang bibigay ko na vanilla cupcake kay brownie ang sapat lang makatikim sya.
Umupo naman ako sa isang bench sa park malapit sa palaruan tinitignan ko lang ang mga batang naglalaro sa palaruan nakakatuwa silang tignan habang ako patuloy na kumakain nang donut na may filling sa loob na chocolate binigyan ko din nang cupcake Si Brownie kunti lang naman kaya walang problema.
Enjoy na enjoy ko ang pagkain nang Chocolate cake na black forest naubos ko isang cake talaga nang mag isa dahil sa sarap nito medjo maliit naman iyun sa original sizes nang cake na nakikita ko lagi kaya nakaya kung ubosin isa pa ang sarap kasi ang lambot nang tinapay at ang creamy at tamis nang chocolate ang icing hindi masyadong matamis ang sarap din nang cherry na nasa taas nang cake meron din kaunting chocolate na icing sa gilid nang cake na mas nakaakit sa cake Basta all over masarap sunod ko namang kinain ay ang chocolate cupcake ang tinapay tama lang ang tamis tapos ang icing sa ibabaw nang cake na nakadesign nang parang servings nang ice cream sa nga ice cream machine tapos mero itong mga sprinkles sa taas at may maliliit na marshmallow kaya enjoy na enjoy ko talaga ang pagkain ilang sandali pa naisipan kunang pumunta na kami sa palaruan tulad kanina pinagkakatinginan kami ni brownie nang ibang tao pati mga bata pero hinayaan kulang umakyat naman ako sa medjo malaking slide pero ang mas kinagulat ko ay ang pagsama ni brownie nauna ako sa pagslide sakanya tapos nun sumunod naman ito sa pagslide slides hanggang sa napatakbo nalang ako para habulin nya halos laro lang ang gawa naming dalawa hanggang sa mag gabi na nga kaya umuwi nalang ako kasama Si brownies sa kakahuyan ang ibang pagkain na di namin naubos binigay ko sa ibang bata sa lansangan tapos bumili ako nang extra para may maibigay din sa iba pati narin sa mga stray dogs and cats bumili ako nang extra pang dog and cat food para ipamigay sa nakikita naming pagala gala sa kalsada na mga aso or pusa.
"Brownie Saan ang bahay nyu?Hatid na kita"tanong ko kay brownie pero hindi naman ito sumagot bagkos napawaggle naman nang buntot nito pero ang mahirap di ko maintindihan ito.Nabigla naman ako nang lumitaw sa harap ko Si Firo as in sa harap ko ramdam na ramdam ko ang lapit nang mukha nito kaya napaatras ako nang kunti agad naman syang umatras din saka hinawakan ang ulo ni Brownie.
"Wag kanang magabala na hanapin o tanongin pa ang aso kung may bahay pa ito or amo kasi wala,Asong kalye ang asong ito nito lang sya napadpad sa lugar na ito"mahabang saad ni Firo kaya napatingin naman ako kay brownie nakakaawa naman ang asong ito saka napansin ko ang haba nadin pala nang winika nang apoy nayun achievement unlocked na.
"Kung gayun wala nang tadhanan na mauuwian Si Brownie?"tanong ko sakanya napatango na nalang ito saka napatayu nang tuwid.Kawawang aso walang pamilyang mag aalaga at walang tahanan na masisilungan kung maguulan mahirap iyun naranasan kuna yun dati kaya grabe ang awa ko sa asong iyun maliban sa payat ang balahibo nito halos wala narin kasi.
"Maari bang isama ko Si Brownie?"wala sa sariling tanong ko kay Firo pero mas nangibabaw ang awa ko sa naturang aso kesa naman pabayaan ko sya dito.Alam ko gaano kahirap ang mundo di ko naman sinasabi na lahat nang tao masama pero merong mga tao na ganun paano nalang Si brownie kung iiwan ko sya dito nang magisa walang mag aalaga payat na nga kasi kapos sa pagkain di ko maatim na pabayaan ang isang inosenteng aso dito pero kinakabahan din ako sympre baka ano makakaharapin ko or anong mangyayari kay brownie pero di ko naman sya papabayaan.
"Oo,Halika kana kumapit kana sakin hawakan mo yang aso"sabi ni Firo kaya kumapit naman ako sa kamay nya saka hinawakan ko Si brownie bigla naman kaming naglaho saka lumitaw sa harap nang isang malaking portal nandoon din ang mga gods and goddesses sa gilid nang portal agad namang lumapit Si Emath saka kunuha ang kamay ni Firo sa kamay ko.
"Diba ang pinagusapan lang natin samahan mo Si Angie sa kabilang mundo hindi lumand* ka"sukmat ni Emath kag Firo kaya tinignan ito nang masama ni Firo saka winaksi ang kamay nya Lumapit naman agad Si goddess Nayumi para awatin sila kaya napatigil sila.
"Tumigil na kayu!Tama nayan kailangan nating tulongan Si Angie di pag awayan."saad ni Khrisha ako naman inilapag ko naman Si Brownie sa lupa dahil medjo bumibigat na ito.Bigla naring lumapit Si Rochell saka hinawakan sa ulo Si Brownie.
"Tama!Teka lang sino tong cute na nilalang ito?"tanong ni Rochell kaya naman napatingin sila kay brownie ni waggle nya naman ang buntot nya na parang nagsasabing nice meeting you kaya napangiti naman ako dahil sa inasal ni Brownie di na ako mahihirapan sa pagturo sakanya nang kanyang dapat na gawin.
"Sya Si Brownie asong pinabayaan sya kaya napagdesisyonan kung dalhin nalang sya kung pwede "sabi ko nagbabakasakali na pwede kung dalhin Si Brownie sa bagong mundo na iyun.
"Oo naman pero bago yun.Binabasbasan kita maliit na nilalang nang kapangyarihan upang maipagtatangol mo ang iyung sarili at ang mga nangangailangan binibigyan din kita nang mga abilidad"mahabang bigkas ni Rochell bigla namang naglinis tignan Si Brownie ang katawan nito naging maayos na at di na payat.May iba pang nag incantasyon Kay brownie kaya hinayaan ko nalang sila hanggang sa matapos na nga Sila.
Kasama ko sa pagpasok sa portal ay Si Firo magpapanggap muna syang normal na estudyante sa Academy para turuan ako nang dapat ko matutunan at paano macontrol ang kapangyarihan ko.
Pagkapasok namin sa portal parang nagikot ikot kami sa loob mga ilang beses din yun kaya ako nahilo talaga sumalubong naman saaming harapan ang napakalaking gate na gawa sa ginto ang taas din nito halos abot na ang langit nakaramdam naman akong parang masusuka kaya tumakbo ako malapit sa damuhan at doon na nga di ko napigilan magsuka sinamahan ako ni brownie habang Si Firo naman naghihintay lang na parang wala dapat Si nayumi nalang ang sumama di kaya Si Emath mas mapapadali buhay ko bakit Si Firo pa.
Nang matapos na ako right timing ang pagbukas nang malaking gate na gawa sa ginto sinalubong kami nang liwanag saka bulto nang mga tao sa harap nang gate.
"Maligayang pagdating sa Estrella Academy "sabi nang isang estudyante.Paano ko na identify sympre nakauniform kasi long sleeve na puti may tie na itim tapos may blazer ang iba pero ang isang nagwelcome samin walang blazer kaya nasabi kung long sleeve na puti ang blazer nila na itim may logo nang paaralan tapos may badge sila na nakakabit either sa polo or sa blazer ang sa lalaki black pants meron din silang black blazer saka white na polo sa loob habang ang sa babae naman naka palda na above the knee na black also ang shoes naman black shoe
s sa lalaki ganun din sa babae pero may heels lang.
Vote and Feedback will be appropriated..
Feedback naman jan baka naman Hehehe
Wala,
Pilitay ni gali feedback kag vote
Till Next update..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro