Chapter 6-Flashback
"Pa, Bili tayu ng ganto, Pa ganyan din" pagdedemand ng nakababatang kapatid kung lalaki naiintindihan ko naman kasi bata pa sya pero nagiging spoil na sya pero wala naman akong magagawa mabait si papa binibigay nya lahat ng gusto namin kahit anong oras pa namin hingin naawa nga ako kay papa kasi alam kung anong hirap ang pinagdadaanan nya para lang makahanap ng pera para sa luho namin kargador lang naman sya sa palengke saka nakita ko nun isang beses yung hirap nya para makahanap nang pera gusto ko man syang tulongan pero hindi ko alam pano I was 6-8 years old that time anong magagawa nang batang gaya ko?Masakitin na nga ako tapos wala pang maitutulong sa bahay kaya nga ayun kita ko Si Papa pano tumulo ang mga pawis nya sa mukha at pano sya nagbuntong hininga saka bumalik ulit sa pagbubuhat nang paninda nang tindera saka nilagay sa karito yung kariton ba pero open sya kaya pwedeng mahulog ang mga paninda gawa yun sa kahoy at mga alambre mabigat yun nasubokan kuna kasing buhatin nun may dalawang gulong lang yun kaya dapat buhatin mo alam kung napakabigat nun dahil ang mga paninda puro gulay saka stocks kaya nga naaawa ako sakanya.
"Sige, Bilhin natin yan" Sabi ni papa.Napangiti naman ako ng mapait sa batang edad ko na 8 na taong gulang naiintindihan kuna kung gaano kahirap ang buhay pero as bata ang pagiisip ko ay di ganon ka ayos minsan nagiging spoil ako sa binibigay ni papa.Kaya nga mahal na mahal ko yan pero Nagsisisi nga ako kasi di ko talaga napadama ang pagmamahal ko bago sya lumisan man lang kahit ganun nalang sana ang maipabaon ko sakanya.
--
"Papa bilhan mo kami nang Ice candy!"masayang sigaw ko bago sya umalis nang bahay alam nyu na magtratrabaho naman sa palengke masagananyung buhay namin dahil nga sa kasipagan ni papa kahit nga ganun kargador lamg sya pero lagi yung ulam namin iba iba at puro masasarap pa.Tulad nang sinabawang manok na may dahon nang sili paburito ko yan saka isda na prito di kasi kami mahilig sa sabaw pagisda ang usapan, at marami pang iba.
"Zai laro tayu kay lovely tara!"sigaw ko sakanya saka punta sa gilid nang bahay pagala gala lang kasi si lovely sa labas kaya agad mo yang makikita maliban nalang kung nasa bakanteng lute sa tabi lang nang bahay namin gumala.
"Sige nene"sabi naman nito saka sumunod sakin.Tinawag ko din naman si lovely kaya agad naman itong lumapit sakin kahit kailan ang cute nang isang to lalo na yung kulay Kahel nyang mga mata.Isang manok kasi si lovely manok ni Papa pero binigay nya sakin kasi gustong gusto ko yung manok ang cute minsan nga sabay pa kami natulog nun kasu nga lang marami rami ang niligpit ko nang umaga binigyan kasi ako nang gawain umagang umaga ang dami nang dumi nya sa banig naku lagot talga ako nun.May isang beses din na sakwrato namin ni mama nangitlog naku kaya ayun sabay naman kami natulog wala nagawa si mama kasi gusto kong makatabi yun matulog ang cute kasi pero pagbinibigyan ako nang gawain naku ewan ko lang.
"Nene kailan pa magkakaroon nang baby chichick si lovely?"tanong ni zai kaya napaisip naman ko bago sumagot.
"Matagal tagal pa nanaman zai nakaegg na sya kasi"sabi ko saka pinagpatuloy namin ang paghihimas himas sa balahibo nang manok hindi ko alam pero malapit din ako sakanila like nagkakaintindihan kami kahit hindi sila nagsasalita.Noon nga sinigawan ko yung isa kung manok naku nabigla nga ako hindi na lumapit sakin nang tawagin ko nagtampo naku kaya sinuyo ko muna bago lumapit sakin ulit grabe yung sorry ko dun di ko kasi sila sinisigawan sadyang naiinis talaga ako nung mga Time nayun buti nga nasuyo ko pa ang cute din pala magtampo nang manok di magpapahuli saka kahit tawagin mo yung pangalan hindi ka lalapitan titignan kalang like bahala ka jan sinigawan moko kanina.Parang ganun.
Agad namn kaming nagunahan sa pinro nang may tumigil na motorcycle alam na namin yan.Yes nandito na yung Ice candy na pinabili namin kay papa
"May,Pinadala to ni Papa mo binayaran nayan kaya wag kang magalala,Sige alis nako may byahe pako"sabi nang motorcycle driver kakilala din namin agad naman naming sinilip yung laman nang plastic Ice candy nga tatlo pa isa isa samin nila mama.Ang saya lang nang buhay ko nun
--
"Ma, uwi na tayu walang kasama si papa sa bahay" sabi ko kay mamasabay kalapit ng damit nya.Pumunta kasi kami sa bahay nina lolo at lola
"Hindi pwede dito tayu matutulog diba saka mag gagabi na wala nang masyadong sasakyan"sabi ni mama masyadong malayo kasi ang bayan nina lola sa bahay namin
" Sige na ma, Walang kasama si papa dun"sabi ko habang walang tigil ang pagtulo ng luha ko.Agad ko namang hinanda ang gamit namin kaya wala ng nagawa si mama hindi ko kasi kaya na isiping magisa dun si Papa mahal na mahal ko yun kaya.
--
"Pa, kain na tayu" masayang sabi ko saka niyakap si papa kay napangiti naman sya sumunod naman ang kapatid ko kaya mas napangiti si papa
"Subuan kuna kayung dalawa" sabi ni papa saka parang ginawang airplane ang kutsara na my kanin at ulam saka sinubuan kaming dalawa kaya nagtawanan naman kami
Pagkatapos naming kumain agad naming hinila si papa papuntang sa upuan saka pinaupo saka binuksan ang tv nagkwekwentohan naman kami habang nananonood
Dumating naman agad si mama galing sa labas kaya hinila nadin namin kaya masaya kaming nanonood ng tv minsan lang namn kasi kami magsama sama nang ganito umaalis si papa madaling araw ang uwi naman 9-10 na nang gabi nakakamiss nga
--
"Papa ito lagi ang kinakain mo dito sa palengke?"tanong ko sakanya saka napasubo nang pansit nagorder kasi si Papa sa kakilala nya dito sa palengke saka wala akong pasok kaya bumisita naman ako sakanya.
"Oo Nene sabi nga nila kumain nang pansit para humaba ang buhay"sabi pa nya habang nakangiti alam kung tumatanda na sya kaya nga nakakalungkot nakita ko nang medjo kumilobot na ang mukha nya pero di parin napapawi ang ngiti nya para syang walng problema pero alam kung meron talaga syang problema yung tungkol sa mga kapatid nya or yung lupang ipinamana sakanila nagaagawan kasi sila hindi ko nga alam bakit pa ang dami nadin naman kasing nang pera nang mga tita at tito ko sa side ni Papa tapos inaagawan pa nila ang lupa nakaiiyak nga nagkakasakitan kasi sila dahil doon.
--
Napaupo naman ako sa higaan bigla ko namnang nakita ang papel at lapis ko Kaya kinuha ko naman yun saka gumuhit gugit ako nang stickman tapos kada tao sa stick man kami yun magpamilya Si Mama,Papa ako at si zai tapos nagdrawing din ako nang Fall kunware doon kami pupunta gusto ko kasi makaexprience nang ganun kung nagbakasyon kasi sila tita sinasama kami pero nakakasawa din ang Dagat saka Pool kaya gusto ko din yun itry.
Saka napangiti naman ako nang matapos ang gumuhit kung stickman saka may Fall sa gilid namin tapos may manok din sa tabi paborito ko kasi ang manok kaya hindi ko maiaalis nadala ko sya sa pangarap ko saka tinuring kunang kapatid yung manok alam ko na matalino din sila at nakakaintindi.
"Sana Maging ganito lang kami lagi kumpleto masaya at payapa ang pamumuhay"sabi ko akala ko noon ganun nalang lagi yung buhay ko pero hindi pala kabaliktaran nang hiling ko yung nangyari sa buhay ko.
--
"Go, Training tayu!"sigaw ko sa kababata ko(Niel) agad naman silang sumang ayon kaya nagpunta na kami sa tapat nang bahay namin may baranggay hall kasi dun sa likod may space kaya pwede kaming maglaro dun ginawa nadin naming base ba tula nga nang sa power rangers yung pinagtratrain nang mga rangers kunwari kami yun 4 yung red si Niel yung pinakamatanda samin saka yung leader mas matanda lang sya sakin 1 taon sunod ako yellow nagsisilbing second leader paghindi nakakagala si niel or wala sya ako ang nagsisilbing leader sunod naman si zaizai yung kapatid ko blue ranger 5-6 years old 4-5 years ang tanda ko sakanya sunod naman si makmak yung green ranger namin mas matanda ako 2-3 years ata sakanya lagi din syang wala sa laro namin pero count sya as part nang team namin last kung laging wala si makmak mas pa si Shaine yung pink ranger namin yung pinakamatanda samin pero lagi syang wala sa groupo.
Agad naman kaming pumunta sa kuta namin kunware saka kinuha namin ang bakal na nakatusok sa gilid nang baranggay hall may bahay kasi dun may dalawa silang aso na mababait naman at train kaso makukulit lang ayaw lang nila mawala lumalabas kase nang bahay yung bakod kasi nila nasira kaya ginawa nila timutusokan nang bakal pero magaan lang naman sya kaya kayang kaya namin hawakan.
Ang naglalaban sa groupo namin Ako(yellow) vs si niel(red),zai(blue) vs makmak (green) kung nanjan naman ang pink dalawa sila kalaban ko nang red kasi nga ako yung pinkamaliksi samin pinakamalakas si niel pinakamatalino si zaizai pinakamadeskarte si shaine habang pinakamabait si makmak.
Pagkatapos nang labanan namin siglagay kami nang bakal sa gilid nang baranggay hall dahil nga bata di pa naiintindihan ang pinagagawa ang ending di naibalik ang bakal kaya lumalabaslabas ang aso nila.
--
"Papa, uwi na tayu sa bahay" sabi ko kay papa habang nasa kabilang selda nakulong kasi sya dahil bata pa di ko naiintindihan ang nangyayari pero alam kung di naman masama ang ginawa ni papa.Tumatagaktak na ang pawis ko habang tumutulo ang luha ko nilapitan naman ako ni papa.Dahil nga medjo maliit ako nakapasok ako sa loob ng selda kahit pinagtitinginan na kami ng ibang preso pero balewala lang
"Wag kanang umiyak nene uuwi agad si papa" sabi nya saka hinalikan ako sa pisnge saka pinalabas ako sa selda
"Tara na nene, uwi na muna tayu" sabi ni mama pero ayaw kung sumama kasi gusto ko si papa ang kasama si papa kasi lagi kung kakampi tapos ang kapatid ko naman si mama.
Sa huli wala akong nagawa ng hawakan ni mama ang kamay ko.Napatingin naman ako kay papa bago kami lumabas.
Kinabukasan pagkagising ko agad ko namang hinanap si papa pero wala pa sya.Pero ilang sandali lang nakita ko naman sya sa labas ng bahay kaya agad ko syang pinuntahan saka niyakap
--
"Nene anong gusto mong bilhin?Tanong ni Papa saka napangiti naman ako at tinuro ang nakaagaw nang pansin ko simula palang kasi noon mahilig na talaga ako sa mga ganyang bagay bagay yung may fantasy effect ba kunware dahil bata nga ang lakas kupa magimagine non.Tinuro ko naman agad yung isang set nang gamit pang fairy na laruan yung may korona,Hikaw,Magic wand at saka pulseras ang ganda kasi tignan sa mga mata ko.Ang saya saya ko nang mga time nayun kasi may bago nanaman akong laruan inaamin ko maraming laruan sa bahay pero iba talaga yung bago spoild brat pako nun.
"Sige ne bilhin natin yan"savi ni Papa saka kumuha nang pera sa bulsa nya saka binayad sa tindera binalot naman nang plastic yung laruan kaya di kupa nabuksan sabi ko sa isip ko mamaya nalang bibili pa kasi kami nang DVD ni Papa yung Dora the explorer saka yung Power ranger alam kung tunog bata pero jan ako lumaki medjo nakakaano lang si dora minsan nanonood ako may tinatanong di ko nasasagot tapos sabihin Tama Natatawa ako na naaaliw sa adventures nila saka yung Power rangers naman I found it cool saka ang gagaling nila makipaglaban lalo na yung Idol ko nun yung Yellow ranger noon pink pero nagbago ang taste ko kaya yung yellow naman.
Nakakaaliw kasi silang panunorin saka dahil nga dito marami akong natutunang aral din hindi lang pakilipaglaban ang laman nang palabas nayun kundi aral narin.Halos lahat nga nang Power rangers napanood kuna MapaPower ranger Spd, Samurai,Ninjan storm/thunder,Saban's the movie,dino thunder/charge at marami pang iba.
"Nene may Pupuntahan muna si Papa dito kalang muna"sabi ni Papa kaya napangiti nman ako saka tumango.Umupo naman ko sa upoan sa tabi nang tindahan nang bigas kakilala din kasi namin ang nagtitinda kaya iniwan muna ako ni papa dito.Mga ilang sandali pa naisipan ko namng busan ang laruan na binili namin aliw na aliw ako habang tinitignan yun nang may lumapit na batang masasabi kung mas matanda lang ako nang 2-3 taon sakanya naawa naman ako pero ang hirap talaga maging mabait kasi may mga times na yubg tinutulogan mo sisira sayu.
"Hiram ka?Hali ka dito laro tayu"sabi ko kaya lumapit naman ito nagtataka nga ako di sya nagsasalita pero hinayaan ko nalang.Mga ilang minuto pa ang lumipas nagtaka naman ako bigla syang tumakbo pero hinayaan ko nalang nawili kasi ako kakalaro nang korona2x parang nanlumo naman ako nang mapadako ang tingin ko sa magic wand ko naputol kaya pala tumakbo ang batang yun kasi naputol/Pinutol nya yung sa bandang handle.
Napatulo talaga ang luha ko nun kasi Kayamanan ko yun para sakin mula sa dugo't pawis ni Papa sisirain nya lang parang nainis na ako sa batang yun pero wala akong magawa bata nga saka pinahiram ko din sakanya kaya ang dapat sisihin dito ay ang sarili ko parang inabuso nya ang kabaitan ko nun nakaiinis nga pero wala na akong magawa nangyari na.
--
"Rabbit!/Katchuri!"Lagi ko namang yan naririnig pangungutya nang mga kaklase ko ngunit binalewala ko lang sila saka naupo nalang sa upuan ko nasanay na ako sa pagganyan nila wala nang epekto sakin ang mahalaga lang saisip ko ay ang pamilya ko yun lang may mga kakilala akong estudyante at nakakausap ko minsan pero di ko talaga sila itinuturing na kaibigan hindi ko nga alam pero bato ang puso ko nun sakanila dahil ang pamilya ko lang sapat na.
"Bakit ganyan ang mukha mo?Napakapangit mo naman!"rinig kung sabi nang isa kung kaklase alam ko naman yun atlease di masama ang ugali medjo nakakairita lang tulad din naman ako nang ibang estudyante ang physical appearance ko lang ang naiba.Nakainis namam nito minsan naiisipan kung gawin din sakanila ang ginagawa nila sakin pero di kaya nang konsensya ko hindi ko nga din alam bakit saka ang tanong ginusto ko din ba to?Diba hindi bakit ganto?Pero wala akong pake sakanila ang isip ko lang ay tungkol kina Mama at Papa pano ako makikipaglaro pano na kaya ang manok ko doon?
"Sa mga hindi marunong magbasa tumayo!"sabi ni maam sa totoo marunong naman ako pero gusto ko pang matutu kaya ako tumayo nalang may mga alam din naman akong basahin yun nga lang ang pagbasa ko sa iba ay mali.
"D***** Ikaw na ang bahalang magturo kay May mamayang tanghalian kayu maguumpisa"sabi pa ni maam saka umupo muli sa mesa nya saka naghanap pa nang mga gagawing teacher/Magtuturo samin napbuntong hininga naman ako saka umupo narin English pa naman ang babasahin namin Grade 3 ako nang mga time nato medjo mahirap pero kakayanin ko.
"May,Para mabilis kang matuto pipitikin ko ang tenga mo,Wag kang magsusumbong kila mama mo para din sayu to"sabi pa nya kaya tumango naman ako nilapag nya naman ang libro sa harap ko saka nagumpisa maghanap nang words naipapabasa sakin.
"Inte-ligend"Pagkakabasa ko sa intelligence kaya pinitik nya naman ang tenga nga masakit pero ayos lang.
"Basahin mo nga ito..Ito pa pala.Pati ito!"sabi ni dan kaya napatango namn ako alam kung hindi naman ako masyadong katalinohan pero alam kung may utak ako.
--
Napatingin naman ako kay papa na nakahiga sa kahoy na higaan.Di naman kami masyadong may kaya sadyang masipag lang si papa kaya nabibigay nya ang gusto namin.
Sumuhot naman kami ng kapatid ko sa ilalim ng higaan malinis naman at semento kaya walang problema.Agad naman naming kinulit si papa kaya napamulat ng malamang nasa ilalim kami ng higaan hinihuli nya kami.Kaya nagpagulong gulong kami para di mahuli tawa lang kami ng tawa non
--
Napatingin naman ako sa labas nasa pang Apat na baitang na ako medjo may isip na.Napatingin naman ako kay papa na nakahiga sa higaan may hang over ata kasi nanggaling daw sa inuman kinukuit naman sya ng kapatid kung umakyat sa niyog para magkapera para makabili ng pagkain napaka spoil talaga ng batang to.
Nakita ko namang tumayo si papa saka lumabas kaya lumabas narin kami nila mama.Umakyat naman sya ng niyog lumapit naman ako medjo sa ilalim ng niyog saka inayos ayos ang nasirang bakod mga mga ilang minuto ang lumipas bigla naman akong kinabahan ng makarinig ng napakalakas na pagbagsak alam kung di na niyog yun parang higit 20 na niyog ang bumagsak bigla naman akong napa tingin kay papa wala na sya sa taas napatingin naman ako sa bumagsak nakita ko naman si papa may dugo sa ulo nya saka sa bibig.Napatulala naman ako ng makita syang ganon ayaw ko nga syang mahirapan kaya ang pangarap ko ay makatapos ng pagaaral para patitigilin kuna sya sa pagiging kargador sa palengke
"May,Pumunta kayu sa bahay ng tita nyu!" Sigaw ni mama saka agad na pinuntahan si papa na nakahiga sa lupa
Kinabukasan napalakad lakad kami ng mga pinsan ko sa bahay nila tita ng biglang napunta ang usapan namin kay papa hanggang ngayun kasi wala paring balita kay papa nandun pa sila sa ospital
"May, Sa tingin ko di na makakapagsurvive si papa mo sa taas pa naman ng niyog nayun saka nakuryente pa sya " bigla namang lumungkot ang mukha ko pero tiwala ako kay papa malakas sya di nya kami iiwan
"Hindi, Hindi mawawala si papa tiwala ako di nya kami iiwan" sabi ko kaya napatahimik nalang silang dalawa buti wala nasa loob ng kwarto ang kapatid ko ayaw kung marinig nya ang pinaguusapan namin alam kunh masasaktan yun
Napatingin naman kami sa pinto ng pumasok si tita nakita ko namang mugto ang mata nya kaya bigla akong kinabahan
"Wala na ne, wala na si papa mo" sabi nya saka napaupo sa sofa at natulala.Hindi parin ako naniniwala kaya wala akong naging reaction pumasok naman si mama na ganon din mugto ang mata Ganon din ang sinabi kaya nagsituloan nalang ang mga luha ko hindi hindi to totoo hindi ako iiwan ni papa
--
"May okay kalang?" Tanong ng pinsan ko napaupo narin sya sa tabi ko.Hindi ko naman sya sinagot natutulala lang ako na nakaharap sa kabaong ni papa.Wala na talaga sya ni hindi ko kayang humarap sa kabaong nya pero sa huli pilit akong tignan sya
Wala na talaga sya iniwan na nya kami.Wala na ang kakampi ko ang Protector ko ang nagiisa kung papa hindi kuna sya mayayakap makikita o ano pa akala ko makakayanan nya pero hindi nasawi talaga sya yung katawan na nya mismo ang sumuko alam ko kung gaano ka tatag at katapang si Papa kung sya ang magdedesisyon alam kung lalaban sya at magpakatatag pero wala na sya. Nakaiinis sana pinigilan ko sya nun sana nandito pa sya sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari pero dahil din dun natutunan kung Walang Happy ending ang lahat ay lilisan din happy ending is just in fairytale.
Bigla namang sunod sunod na bumalik sa alaala ko ang mga araw na kasama ko sya kaya napatulo nalang ang luha ko sa ikli nang panahon na nakasama kita Papa nakuntento na ako kasi naging mabuti kang ama at asawa ni hindi nya ako nahampas ko nakurot manlang binibigay nya ang lahat nang pangangailangan namin As in lahat bumili nga sya nang tv Saka DVD para samin pero ang nakakalungkot lang nang matapos nya bayad yung tv na binili nya doon naman nngyari anh insidenteng yun.
Kahit na hindi man tayu nagkakasama nang matagal nadama ko ang pagmamahal mo papa yung pagtawa mo ang pagkanta nating tatlo nang pusong bato nakita kahit papano kung paano aya magmahal hindi tulad nang iba kung kapatid nakakaawa nga sila.
Nakita ko pano sya lumaban nagpakatatag sa buhay pano ngumiti habang hinaharap ang panganib at mga pagsubok nakita ko pano sya nalungkot nang mawala ang pangatlo kung kapatid pagkalabas na nya kasi sa sinapupunan ni mama hindi na humihinga nakakalungkot nga nakita ko pano din sya matakot pero tinatagan ang loob upang harapin ang panganib ganyan katatag ang Papa ko pero tapos na ang misyon nya dito sa lupa kaya kailangan naming tanggapin saka makakapagpahinga narin sya ang dami na nyang sakripisyo para samin alam kung hindi sya perpekto pero pinagmamalaki ko sya at kahit anong mangyari di matutumbasan nang ano mang halaga ang pagmamahal nya kung papipiliin ako sya parin ang gusto kung maging ama kung maari man napapaiyak na nga ang puso ko tuwing naririnig ang kantang "Dance with my Father Again"Kasi naalala ko sya nakakatuwa na nakakalungkot natutuwa ako kasi nagkaroon ako nang ama na tulad nya nakakalungkot kasi wala na nga sya ang buhay talaga lahat may katapusan Hindi mo nalang alam isang araw mawawala na ang isang mahalagang tao sa buhay mo.Sa likod nang matatag na puso may nakatagu talagang kahinaan lahat tayu may nakaraan kaya wag nyung husgahan ang isang tao kung naging ganyan sya bunga lang yan nang kanyang nakaraan na nakaapekto sa buong kaisipan nya.
--
"May, kakalibing lang ni papa mo anong plano mo?" Tanong ng pinsan ko kaya napangiti naman ako ng mapait
"Wala naman" sabi ko saka naglakad papunta sa room ko.Matapos ang ilang weeks na hindi ako nakaattend sa klase bumalik na ako sa school
Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na kasama ang mga tatay nila na hinatid papunta sa school ang swerte nila may papa pa sila ehh ako wala na gusto ko sanang makagraduate ng kasama si papa kaya nga ako nagaaral para sakanya
"Pangako papa, Magtatapos ako ng pag aaral at aahon ko sina mama sa kahirapan" sambit ko sakaumupo nalang ako sa upoan ko habang pinipigilang umiyak.
"Buhay nga naman sa likod nang ngiti nang isang tao hindi mo alam ang nakatagong nakaraan"
"May saya,sakit,galit pagdurusa at marami pang iba ang nakaraan ang humulma satin kung baga dahil sa nakaraan naging ganito tayu kung ano man tayu ngayun"
"Masisisi nyu ba ang isang tao kung sasama ang ugali nila or magbabago sila dahil sa nakaraan?Diba hindi kasi hindi mo naman alam kung ano ang sa likod nang kanyang nakaraan"
"Nasisisi ako dahil sa nangyari alam ko ako din ang naging dahilan sa pagkawala nya napakasakit pero kailangan kung tanggapin ang lahat naniniwala akong lahat may dahilan kung bakit nangyari ito sakin"
"Kung papipiliin man ako nang magiging ama ko sya parin ang pipiliin ko at hinding hindi ako magsisisi sa desisyon ko"
"Malapit nanaman ang Pasko at bagong taon sana lahat may ama Sana lahat buo ang pamilya"
Napatulala lang ako nang pumasok ulit ang mga alaalang yun sakin Ilang taon na ang lumipas ang sakit parin sa pakiramdam.
-Kung nabasa nyu po ang short story ko na dahil sa nakaraan.I know masasabi nyung iisa lang po ito tama naman po kayu I just want to connect the story pqede naman po yun diba? Hehehe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro