Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

014

014







ILANG weeks na rin ang lumipas after that faithful day. I have become certainly cheesy and happy the past few days, di ko lang sure kung why.

Wala naman nag-bago kay annoying Theodore except sa fact na he's always texting me. Syempre ako I'm not snobber naman kaya I text back, not that I like him or anything..

"Pwede ba wag ka ngumiti ng ganan, Reign. Nahahawig kayo ni Pochi," Biglang sabi ni Radi habang nasa lap niya si Pochi, ang bagong bili niyang Corgi.

Umirap ako sakanya, "Panira ka ng mood. Pakealam mo ba kung happy ako? Inggit ka lang."

He laughed na parang crazy at iniharap sakaniya si Pochi tsaka niya iyon kinausap, "Wow! Baby, narinig mo ba 'yon? Ako? Inggit? I don't think so, diba? Diba? Diba?"

Matagal na bago kami nag-cousin day and now ko lang na-find out na jejemon pala ang name na yon, I should try giving it a new name.

We skipped hanging out for like three times kaya here we are sa house nila Radi, thought we'd have a great time tapos bubungad samin ay ang amoy poop na house.

"Hey, stop that!" Sabi naman ni Dakota at hinablot si Pochi palayo, "Puro ka kasi landi, Kuya! Bili-bili ka pa kasi ng aso, gagamitin lang naman sa landi."

"Oooh, Dada is on fire!" Sigaw ni Russel.

"Hoy! Inaalagaan ko si Pochi, okay? Hindi mo lang nakikita pero inaalagaan ko siya!"

"Kuya, shut up."

"Dakota! Hindi mo na ba ako mahal?"

This family is just so dramatic. Hindi ko na keri makipag-sabayan sakanila.

I looked at Ate na patuloy ang pagkain sa nachos niya at nakatingin lang sa tv screen, seryosong nanunuod kasama si Tobi.

They were watching some Netflix law series again and hindi ko ma-gets yun pero I think I should try nga naman to intindihin that kasi what if magkaroon ako ng situation na I killed someone ayoko pa naman makulong, I'm still young!

"Alam niyo ba yung tungkol sa paparating daw na bagyo? Bandang Batangas o Cavite ata yung tama--"

Nagsasalita pa si Radi nang bigla siyang subuan ng nachos ni Ate, "Radi, wag ka maingay. Kitang nanunuod kami."

Biglang may tumunog na phone kaya hinanap ko agad kung saan yun galing. It was Ate's phone, akala ko pa naman akin. She was busy watching kaya nang sinagot niya yon ay binigay sakin.

Akala ko naman kung sino, hindi ako ready!

It was Julia face timing. I immediately irit agad when I saw her, "Girl, oh my god! Alive ka pa pala!"

Pinakita ko sakaniya ang surroundings and the chaoticness of the place dahil sama-sama kami dito habang dada siya ng dada, "Parang kulang! Sinong kulang?"

"Si Kuya!"

"Huh, why naman?"

Tumabi sakin si Russel at pumasok sa camera frame para makita si Julia at mag-comment, "Yon si Past, nambababae na naman!"

Tumaas naman ang eyebrow ni Julia, "Really? I thought may hinahanap siya?"

"What is he searching for?" I curiously asked.

"Oh em, di niyo knows? May hinahanap siyang special someone for like almost one month na! Kayo nandiyan sa Pinas tapos di niyo alam?" She answered.

"Eh? Nagseseryoso na ba yun?" Tanong ni Radi out of nowhere tsaka sumama sa camera frame, kaya inextend ko pa ang hands ko.

Lumapit naman sunod sina Ate at Tobi para maki-chika pa lalo kaya siksikan kami sa one-person couch na ito.

"I think so! Kasi pinapahanap niya sa'kin, akala mo NBI ako, kaya ko nalaman! Kaya for sure seryoso na 'yun."

"Bakit di ko alam 'yan?" Ate asked while leaning to the phone.

"Puro ka kasi trabaho, Queue kaya minsan hinay-hinay lang din." Sabat ni Radi na sinamaan naman ng tingin ni Ate.

"Ikaw, puro ka kasi landi, hinay-hinay lang din." Bwelta naman ni Ate kaya pinanlakihan siya ng mata ni Radi.

"Wow, nag-salita!"

I don't even know what they're talking about!

We were all in chaos dahil mukhang may nalalaman silang tatlo na ayaw sabihin samin. Mukhang alam din naman ni Julia kaya siya tawa ng tawa, kami lang ata ni Russel ang hindi nakaka-alam!

"Awit, ekis na kayo, ano yon?"

"Ah, wala yun. Eto kasi si Radi parang tanga," sabi ni Ate na iniiba ang topic.

"Daya nila ano, Russel. Let's go nga, make din tayo ng secret."

Pumagitna naman agad si Tobi, "Hey, wag nga kayo mag-away. Ayaw niyo gumaya kay Past, nagseseryoso na."

"Sana ol nagseseryoso, diba Pochi?"

"..."

"..."

There was a sudden silence nang marinig namin ang seryosong boses ni Dakota sa likod namin na hinahaplos ang balahibo ni Pochi.

She then looked at us at tinaasan kami ng kilay, "Anong tinitingin-tingin niyo?" Tinignan niya si Pochi at akmang ibibigay samin.

"Gusto niyo? Luh asa." She said at bigla na lang nagwalk-out.

Speechless kami sa narinig namin mula sakaniya. Ang mga pinsan ko bang ito, nati-think din ba nila ang nati-think ko?

Natauhan yata si Russel kaya dali-daling tumakbo pataas para hanapin si Dakota, "Dada, may jowa ka na ba?! Ba't di mo sinasabi sakin? Akala ko ba paborito mo akong Kuya?!"

"Si Dakota? May syota na siya?" Wala sa wisyo na sabi ni Radi. He was still in deep thinking.

Never in my life kong nathink na Dakota's going to say that, like, is she really Dakota?! Akala ko ang alam lang niya mag-taray, yun pala ma-alam din siya lumandi!

Siguro tinuruan 'to ni Julia! Our baby girl is growing up, I'm going to give her life and love lessons later on. I'm the greatest pa naman when it comes to those topic.








ANOTHER day passed and it was boring talaga. Wala namang tao sa house, plus wala din kaming wifi, mabagal, kasi naman si Seek inubos ng inubos.

The mall was medyo ma-tao kasi weekend today pero it's okay naman.

I am window shopping lang kasi nagtitipid pa din ako kahit na ayos naman ang income ng cafe, I just really want to buy something I've always dreamt of.

Pumasok ako sa bookstore para magtingin-tingin kasi if I went to clothing boutiques, I cannot control myself. Dito sa bookstore naman, I don't buy much here kaya I am safe here.

I went to see books na fascinates me kahit na wala akong balak magbasa. Feeling ko I'm in a teleserye dito.

Nagtitingin-tingin pa din ako ng books nang may bigla akong mabangga. Sumakit naman nose ko agad kasi ayun yung mismong nabangga sa hard as rock na likod ng taong ito.

"Ouch naman," bulong ko. Alangan namang mag-eksena pa ako dito sa bookstore dahil lang nabunggo ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong ng isang familiar baritone voice.

Tinignan ko ang taong nabangga ko and immediately, nag-race agad ang heart ko. Everytime na nakikita ko itong lalaking 'to para akong nagha-hyperventilate!

Ano ba, Reign? Kumalma ka nga!

Huminga muna ako ng malalim bago siya taasan ng kilay, "Masama ba na magpunta ko dito?"

Ngumisi siya, "Ang taray mo. Do you have menstruation?"

The hell?! Agad na nag-init ang mukha ko sa sinabi niya! How can he say that?

Hinampas ko ang braso niya at siniguro kong lalagitik yon. Theodore is so nakakainis! Bakit pa ba ako pumunta dito sa mall na 'to kung siya lang din pala ang makikita ko.

Well, hindi naman sa ayaw ko.

"Woah, feisty. Calm down. Do you want to eat with me?" Bigla naman niyang tanong.

Nagulat pa ako, ang bilis ng tanungan niya, para siyang racer ha.

"Ayoko." I said pero dang, biglang kumulo ang tiyan ko na narinig din naman niya. He chuckled, "Pabebe ka pa, gutom ka din naman."

Hinawakan niya ang wrist ko at hinila palabas sa bookstore, "Where'd you wanna eat?"

"Teka nga," I said getting back my wrist, "First of all, stop mo nga pag-hila sakin ang laki-laki ng steps mo, natatalapid ako. Second naman, I want to eat at McDonald's."

"McDonald's? What are you? A kid?" Pang-babash naman niya.

Nagsimula akong maglakad at sumunod naman siya, "Oh come on, you want to eat with me diba, wag din ikaw pabebe."

Pinag-taasan naman niya ako ng kilay with matching you-are-ridiculous-face kaya inirapan ko siya. Good thing na din pala na nakita ko siya kasi libre ako sa gastos for my lunch!

Sa wakas ay nakarating na kami sa McDonald's, maraming tao at mahaba ang pila kaya hinila ko siya, naghanap muna kami ng seat.

Buti na lang ay may vacant sa dulo kaya umupo kami doon. I was about to tell my order to him para siya ang mag-order at ako ang dito sa upuan namin when he spoke, "I don't know how to order, Uno."

Kumunot ang noo ko at napatawa. What a pity! Mukha nga naman kasing sosyalin ang lalaking ito. Naka-formal clothes pa siya tapos bigla ko siyang hinila papunta dito.

"My gosh, what's your order na lang?"

"I'd get what your order is."

"Okay, fair enough. Wait for me here ha. Wag 'kang aalis. Give me money, ikaw nag-aya na kumain."

Kinuha niya ang wallet niya, giving me three thousand, I looked at him hopelessly. Anong want niya? Bilhin ko lahat ng nasa menu dito?

Umirap na lang ako at nagpunta na lang sa may cashier para pumila. Para kaming mag-ina dito ha. Buti na lang I'm pretty.

Hindi naman ako masyadong nag-tagal dahil may nag-open na cashier kaya doon ako pumila. The crews were fast, I checked my order before going sa seat.

Another crew followed me, I made him carry the drinks and the meal since I can't carry drinks dahil I am clumsy mamaya magbalintong ako dito.

I found our seat at nakita si Theodore doon na may kasamang babae. The girl was standing at kinakausap siya. Agad naman ako naglakad ng mabilis.

Grabe, nawala lang ako ng ilang minuto may kausap agad na babae? So nakakainis!

When I reached our seat narinig ko pa sila, "Kuya, ang pogi mo naman. May girlfriend ka na ba?"

"Wala pa."

Binagsak ko ang tray at umupo, making the both of them shook, pati ang mga kalapit naming tao ay napatingin din. I don't know lang, nainis lang ako bigla.

"What happened?" Concerned na tanong ni Theo-fucking-dore.

I just looked at him and to the girl. Tinaasan ko siya ng kilay, "Girl, what do you want? Gusto mo ba mag-eat kasama namin? Halika subuan kita."

Hindi na nag-salita ang babaeng iyon and she just left. I don't know why, mukha siyang natakot. Ako na nga itong nagooffer at nagma-magandang loob.

I started to eat when the crew who was following me ay dumating na. I gave the changes to Theodore, di ko na sana ibibigay pero he's just pissing me off.

"Are you mad?"

Nag-bingi-bingihan ako at nag-continue na lang mag-eat.

"Hey, Uno."

"What the fuck did I do?"

"Kausapin mo ako."

"This is why I don't date."

"Uno? Reign? Reign?"

"Oh, come on. Ano bang ginawa ko?"

He looked frustrated kaya tinignan ko siya. He is so funny, "Alam mo parang ka'ng napu-poop."

"Where are your manners?" He said offendedly.

I chuckled tsaka huminga ng malalim. Galit nga pala ako. This bitch making me laugh.

"What? Galit ka na naman? I swear to God, if you don't talk to me right now, I will make a scene."

"Really? Hindi mo talaga ako papansinin?" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagkain kaya sinamaan ko siya ng tingin. He quickly backed down.

Natapos ko ang pagkain ko pero siya ay hindi niya naubos. We were now walking at papunta na ako sa exit.

"Do you have a ride?" He asked. I got here kanina thru grab, buti na lang he offered.

"I don't."

"Hatid na kita?"

"Yeah, sure."

We went to the elevator instead. I could feel his stare at me habang ako naman ay nakatingin lang ng straight sa lalakaran. I don't really know what's going on with me.

I'm so naguguluhan.

He opened his expensive car, inunahan ko na siya sa pag-open ng door sa passenger's seat kaya umikot siya pabalik sa driver's seat.

The drive was quiet at kita ko ang pag-sulyap sulypa niya sakin. Alam ko naman na I'm gifted with looks pero mamaya kakatingin niya sakin, mabangga kami dito. Ayoko pa ma-dead!

Tumigil siya sa harap ng house namin. I'm surprised he know his ways!

"Are you really not gonna talk to me?" He asked.

"Hmm, thank you sa ride. Till next time?"

He heaved a sigh, "What made you mad?"

I shrugged, "I don't know. Am I mad ba? I don't think so naman."

"Woman, you are hopeless," he mumbled bago tumingin sakin ng matalim, "If you don't tell me what's wrong, I will kiss you."

Tinaas ko ang kilay ko, "Try me."











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro