013
013
"DON'T YOU wanna meet my mom?"
Tumaas na naman ang balahibo ko at saka mas lalong diniin ang mukha ko sa unan. I screamed at the top of my lungs.
Dang! Kahapon pa ni Theodore sinabi 'yon pero bakit hindi ko pa din makalimutan?
Pinagpapadyak ko ang paa ko at gumulong-gulong sa kama. Para naman akong highschool nito! Hindi naman na ako teenager!
Nag-iiikot pa ako when suddenly the door on my room flung open kaya napa-upo agad ako sa gulat. Niluwa non si Kuya na mukhang zombie na. Hindi ko alam kung bakit nandito siya, meron naman siyang sariling kwarto! Bakit ba naman kasi malapit sa stairs ang room ko? Next time, I will really lock my door na.
"Ano ba, Kuya?! Lumabas ka nga!" I shouted, panira naman kasi siya ng moment!
He looked worn out at dahan-dahan siyang naglakad para dumapa sa sa kama ko. When he made contact with my bed, nag-bounce ako syempre. I don't know what's with him now pero I think he's having a hard time.
He wasn't moving kaya medyo na-praning na ako. Lumapit ako sakanya at inalog-alog siya. I don't know how to do CPR!
"Oh my God, Kuya! Kuya, buhay ka pa ba?!" Praning kong tanong habang walang tigil na inaalog siya.
Bigla naman siyang gumalaw at tumingin sa akin ng masama, "I am alive."
I was relieved naman kaagad sa sinabi niya. Kahit na malayo siya, I can smell liquor from his mouth. Ang baho, I hate alak!
Pinisil ko ang ilong ko para hindi ko siya maamoy, "Kuya, ano ba, umalis ka nga dito, ang baho-baho mo."
"I can't find... damn." Paulit-ulit na bulong ni Kuya. Siguro ay drunk na siya talaga. Kawawa naman ang babaero kong Kuya.
Lumabas ako ng room ko at tinawag si Seek. Buti na lang gising pa siya ngayong it's already 2am na. Hmm, I wonder what he's doing.
"Come on, help me. Dalhin natin sa room niya."
"Ebarg naman, himala hindi siya sa condo niya dumiretso."
After getting Kuya settled on his bed, bumalik na uli ako sa room ko and I locked the door. Can't say if may mang-istorbo na naman. Better sure than sorry diba?
I was getting sleepy already when my phone suddenly ring. Nagulat naman ako at natauhan bigla when I saw Theodore's name on it. Tinigan ko ang orasan, quarter to three na tapos he's calling?!
Is this a sign?!
I-aanswer ko na sana ang call niya nang bigla yon mag-end. I was left dumbfounded. Ano yon? Trial, ganon? Paasa siya?
I don't know why but it made me feel irritated! Padabog akong humiga at nagtalukbong gamit ang comforter.
Ugh, what's just that?!
"BADTRIP ka ata ngayon, Madam?" Sambit ni Bobbie when she saw me entered the cafe. I tried to smile at her pero I think it looked fake kaya I sulked even more.
I was on my office na, trying to think of a solution to this kind of sulking problem. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang pag-iisip kung bakit niya ako tinawagan o yung cake na pinapagawa niya.
On the middle of my thinking session, may kumatok mula sa labas. It was Bobbie, "Madam, may nagpapatanong kung nandito ka daw? Ano say ko?"
Wala akong ineexpect today na client, kumunot ang noo ko, "Sino daw sila?"
"Valencia daw, Madam!"
Napatayo ako, "H-Ha? Ano.. sige.."
Ngumiti naman ng nangungutya si Bobbie kaya inirapan ko siya at nagpeace sign naman siya. Even though nasara na niya ang pinto sa office ay rinig na rinig ko pa din ang pag-sigaw niya mula sa labas, "Guys! May date na si Madam!"
My gosh, di na siya nahiya! Buti na lang she's a close friend kahit na employee ko siya!
Naglakad naman ako papunta sa mirror sa may table. I checked my face and my outfit. Good thing na naka-light makeup ako today, pero my outfit! God, my outfit! I need a new one like right now!
I can't be seen with just this plain and boring clothes! Bakit ko ba pinili 'to ngayon? Bad timing!
Lumabas ako ng office para tawagin si Bobbie at saktong nakita ko din ang pag-pasok ni Wealthy Theodore sa cafe. Nagkatinginan pa kami kaya agad kong sinarhan ang pinto ng office para magtago. Bakit nandito na agad siya?!
I texted Bobbie to come inside at once na makapasok siya ay malaki ang kaniyang ngiti, "Bobbie? Wala ka namang sinabing makakapunta agad siya!"
Kinamot niya ang kaniyang ulo, "Ay, Madam, di ko pala nasabi na on the way na daw siya nung tumawag dito?"
I am in panic mode now! How can I even change clothes now? Hindi pa ako ready bakit ang bilis niyang dumating!
Bobbie smirked, "Madam, papaganda ka pa, eh maganda ka na naman!"
I rolled my eyes on her. Oo na, I'm flattered na! Though hindi talaga tumaas ang confidence ko. Bakit pa ba ako conscious na conscious, si Theodore lang naman yun!
Naunang lumabas si Bobbie sa office, sumunod naman ako mga ilang minutes later, mamaya isipin niya wala akong ginawa kundi antayin siya.
He was sitting on the single sofa while glaring. Siguro akala niya he's emitting soft energy ha, pero to be honest, he's emitting the 'anong-tinitingin-tingin-mo-gusto-mo-sakalin-kita energy.
Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya tinarayan ko din siya at saka ako umupo sa isa pang single sofa na kaharap niya, "Oh, bakit ka nandito?"
Bigla siyang nag-iwas ng tingin and pursed his lips, "Sorry about the call, last night."
Nanlaki naman ang aking eyes! Bakit kailangan niya ibrought up yun!
My face was heating as red as a tomato na siguro! This is getting me frustrated, my gosh!
Tumingin na lang ako sa ibaba, "W-What about it? I.. I was about to answer it--"
"Oh, no, no. It was Levi."
I stopped being pabebe. Levi? Again? Why does he keep on ruining everything?! Bakit ba ang epal niya wala ba siyang sariling buhay?!
"Good thing you didn't answered. He was annoying," he added.
As if hindi pa ako inis now! Next time I see his brother, I'm going to strangle him!
I sighed and looked at him, "So, what brings you here, pala?"
He shifted his eyes to mine kaya agad akong napa-iwas ng tingin. Ano 'to, iwas lang ako ng iwas ng tingin?! This is so not me.
"About the cake, isn't it Wednesday today?" He said, kunot pa ang noo.
"Oh! Yeah, wait."
My gosh, nakalimutan ko na ngayon yun! Agad akong pumunta sa office at binuksan ang mini fridge doon tsaka kinuha ang isang box. It was fully designed na since last last day pa kaya I have no worries.
After kong makuha, bumalik ako sa table ni Theodore at inilapag doon. He looked at it, examining ata tapos sa akin, "Nakalimutan mo?"
I bit my lower lip, "Maybe.."
I heard him tsked kaya kinabahan na ako. Hindi ko alam mamaya suntukin niya ako! Di ko naman fault na nakalimutan ko ano.
He stood up, getting the box. Akala ko ay aalis na siya nang walang paalam pero tumigil siya habang nakatalikod sa akin, "Sumama ka."
It was so annoying talaga! Wala akong ibang magawa kundi magpaalam sa mga staffs ko at sumunod sakaniya. Mamaya, iniissue na pala ako ng mga employees ko.
I was now sitting on the passenger seat. Wala pa din siyang driver kaya siya ang nagdadrive. Sa akin niya din ipinahawak ang box ng cake.
I don't know where kami pupunta pero naki-ride on na lang ako. I have money on my pocket naman tsaka dala ko na phone ko this time, so kung pagtangkaan niya akong patayin, magrereport agad ako sa police!
As if he read my mind bigla siyang nag-salita, "Why the hell are you fidgeting?"
Kinakabahan pa din akong lumingon sakaniya, "Wala."
"Why are you quiet?"
"Wala."
"What is wrong with you, woman?"
"Wala naman."
"Fuck," Bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya napatingin ako sakaniya, "I don't know, but you're making me frustrated, Uno."
He leaned forward. Gusto ko siyang itulak palayo, what if marinig niya ang lakas ng tibok ng heart ko?!
"Come on, aren't you loud? Scream on me."
"Pocha, di kita maintindihan." I replied kasi walang napasok sa utak ko today.
"This is making me really frustrated. Why can't you shout on me?"
Naguguluhan akong lumayo sakaniya, "Alam mo ang gulo mo. Huwag ka nga maingay nagfofocus ako."
He smirked tsaka bumalik sa pagdadrive.
"WE'RE HERE."
I looked at the surroundings. We were not in a house, nor a mansion or any other type of home. Lumingon-lingon ako.
"Are you sure na we're at the right place?" I asked. Nakakatakot kasi baka ilibing niya ako ngayon dito.
Theodore chuckled.
Wow. That's a new sight! This is a new Theodore, away from the Rude Expensive Boss!
"Silly, this is my mom," sabi niya saka itinuro ang isang lapida, "Look."
I just realised it now! I'm so dense!
Lumapit ako sa lapida at binasa ang nakalagay doon, "Thessalonica Ferrer. Nice name, tita!"
I gave him the cake at pinagmasdan ko siyang umupo sa grass. Nakigaya na din ako, alangan namang tumayo ako don, magmukha pa akong antagonist.
He opened the box, at tinignan uli niya ang lapida, "Hey, mom. I brought a special cake. You love cakes, right?"
Naguluhan ako bigla. Hindi ba't nung nag-outing kami way back sa Batangas, nandoon sila para icelebrate ang birthday ng mother nila? That's just so weird?
"Hindi naman sa nangingialam ako ha, pero I thought kaka-celebrate niyo lang ng birthday ng mom mo dun sa Batangas?"
Crap, ba't ko tinanong? Me and my big mouth.
"Mama yun nila Levi." He replied.
"Nila Levi?" Ano mean niya?
He looked at the lapida before looking at me, para siyang nasa music video kung makapag-emote siya, "We have different moms."
Napa-o ang aking mouth sa sinabi niya. That's why parang halos same age lang sila ni Levi? So, fuckboy ang dad nila? Oh my god, buti na lang hindi ganoon si Dad.
"Isn't it cruel?" I shouldn't have said that out loud, pero oh well, nasabi na ng talkative mouth ko.
He shrugged lang at ini-start na hatiin ang cake. Buti na lang there's a plastic knife and two extra forks na kasama ng box.
Binigyan niya ako, hindi ako tatanggi because my cakes are delicious naman.
"You didn't tell me na dead na pala Mother mo." I commented.
"Joke ba yan o insulto?"
"Huh? Wrong! I was stating it politely!" I defended.
He chuckled. Grabe talaga, what is wrong with him? Iba talaga ang aura niya ngayon na nandito kami sa place ng Mom niya.
I suddenly got an idea, pero who am I to say that, diba? Siguro next time ko na lang isumbong 'tong wealthy yet so fucking rude na lalaki na ito sa mother niya.
Baka sakali if I did that, bumait na siya sakin. I'm so bright talaga!
"Ano na namang katarantaduhan naiisip mo, Uno?" He said bigla at kumunot ang noo niya.
I reacted fast naman, "Why are you doubting me like super?!"
He rolled his eyes tsaka c-in-ontinue niya ang pagkain sa masarap kong cake. It was a new recipe kaya very special talaga. It's the first of its kind kaya I will soon add the cake on my lists sa café hehe.
"What's Uno?" I suddenly asked. He's been calling me that at hindi ko magets kung bakit, hindi naman kami close para bigyan niya ako ng nickname.
"It meant one. Bobo lang?"
I opened my mouth in disbelief, "You and your very foul mouth! Nasa harap tayo ng Mom mo di ka ba nahihiya?"
He looked at his mom's lapida, "Edi peace."
I laughed hard. Did he just really did that?! Totoo ba na nag-peace sign siya sa harap ng mama niya, plus infront of me?
This man never fails to amaze me!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro