009
009
"REIGN, andito ka din pala?!" Para akong tinakasan ng kaluluwa nang marinig ko ang boses ni Levi.
Nakaupo ako ngayon sa inuupuan ni Ate kanina at napa-upo ako bigla dahil kay Levi. Lumingon ako ng dahan-dahan sakaniya. Shocks, why am I nervous?!
"O-Oy.. andito ka pala," Sabi ko nang maka-lapit na siya.
I was the only one sitting here dahil si Ate ay nakikilangoy na din kasama ang payong niya, kaya wala akong takas sa interrogation ni Levi. Hila-hila niya pa si Theodore!
Oh my god!
"Nagkita na ba kayo nito ni Theo?" Pang-uurilat pa niya saka umupo sa tabi ko while Theo was still standing looking intently at me. Hindi ko maiwasang ma-conscious.
His eyes were scanning me. I have curves at hindi naman ako talaga naiinsecure sa katawan ko, pero ngayon na nakatingin siya, parang gusto ko na lang ibalot ang lahat ng towel dito sa akin.
Levi coughed kaya bigla kaming napa-iwas ng tingin sa isa't-isa. Damn, kapag ako mapula ngayon pwede ba na lamunin na lang sana ako ng lupa? I can't take this anymore!
"Alam niyo, pwede niyo namang sabihin na kailangan niyo ng alone time. Edi sana umalis na ako." Levi stated, making me nervous and my hands sweaty!
"W-What? Haha! Funny.." pabiro kong hinampas si Levi. I am so freaking kinakabahan, lalo na at kanina ko pa ding inisip ng inisip ang nakitang ka-dugyutan ko ni Theo.
I was so immature! I'm a grown up woman, tapos makikita niya kong dinuduraan ng laway ang mga pinsan ko?! What if ma-turn off siya?!
Wait, ano ba ang pakealam ko kung ma-turn off siya, diba? As if I care.. haha.
I have to help myself to act decent, I cleared my throat, "B-Bakit nga pala kayo nandito?" Hindi niyo naman ako sinusundan, diba?
He smiled, "Birthday kasi ni Mama. We decided to celebrate it here, her favorite place."
Suddenly, I saw hints of sadness within Levi's eyes pero agad din na nawala iyon. Maybe I was just overthinking things.
"Levi," Theodore called, sabay kaming napatingin ni Levi sakaniya.
His eyes.. their eyes..
"I think you have to go back."
Nanlaki ang mata ni Levi sa biglang pagpapaalala ni Theo kaya agad siyang tumayo. He looked at me to bid his goodbye at mukhang nagmamadali siya kaya tinanguan ko na lang siya.
Theo on the otherhand, he was still standing tall. Looking at the sea at parang sobrang lalim ng iniisip niya.
He looked.. lost.
I shrugged the thought off kaya tumayo na lang ako para pantayan siya. Doon lamang siya napatingin sakin at mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
Even me! Nagulat din ako sa ginawa ko. I wanted to sit down again pero I didn't have the strength to pull myself together, when he suddenly whispered.
"I'm so tired, Reign."
Parang nanlambot ang tuhod ko sa pagkakarinig sakaniya. Hindi ko alam kung bakit pero I suddenly wanted to touch his face, to hug him and to tell him that everything's gonna be fine. Pero wala akong kakayahan to do so.
I smiled at sinubukang mag-joke, "If you're tired, just have a kitkat!"
He somewhat chuckled kaya naging light naman ang mabigat na mood kanina. Tumabi ako sakaniya tsaka pinagmasdan din ang dagat gaya ng ginagawa niya.
"Where's the kitkat now?" He suddenly asked. Kaya napatingin ako. Wow, sinasabayan talaga niya joke ko?! Really?! Si Theo-fucking-dore ba talaga 'to? Si Boy Bastos?
I formed an 'o' on my mouth at tumingin sakaniya, "Aba! May humor ka pala?" We both laughed.
Why do I feel so surreal? As if I'm on Cloud 9. I never thought na makikipagtawanan ako dito kay Theodore, knowing how sungit and bastos he was. Never ko naisip na may ganitong side pala siya?
Totoo nga na you should never judge a book by its cover or just by reading the first chapters. You read them whole so you can understand them.
Naalala ko bigla ang mga panlalait days namin ni Quince kaya napatawa ako sa sarili ko.
"Are you mad?" Theodore asked kaya tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Grabe, may mabait na side ka pala, ano?" I commented at in an instant naman ay biglang nag-iba ang mood niya at tinalikuran ako.
The hell?!
Talagang magwawalk-out na lang siya bigla?! Ano 'to matapos niya kong paasahin? My God, wala talaga akong mapapala sa lalaking yon!
Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumihit ang paa ko para sundan siya. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kina Ate, mukhang hindi 'rin naman nila ako mapapansin.
Theo's walk is so fast dahil ang haba ba naman niya at ang isang hakbang niya ay para bang four steps ko na ata!
I ran towards him. Damn it!
"Hey!" I called pero hindi siya natitinag sa paglalakad. Talagang ang kapal ng mukha niya.
I just don't understand him! I thought we're okay now! And why do I even expect him to open up to me as if I like him!
I will never like him!
"Theodore!" Bigla siyang tumigil kaya tumakbo ako papalapit sakaniya. His back was still facing me, "I don't understand you!"
Narinig ko ang pagtikhim niya kaya mas lalo akong nagngalit, "I don't fucking understand you!"
"Wala naman akong sinabing intindihin mo ako."
Tumaas ang balahibo ko sa tono ng boses niya. Though he was facing me backwards, I felt his anger towards me. His voice was so cold, colder than before.
Ang gusto ko lang naman ay ang maintindihan siya! Kasi gulong-gulo ako. Hindi ko siya kayang ispelengin. I just badly want to understand him or help me if I could.
"D-Do you hate me?" Mahinang tanong ko. He went silent after my question. I sighed. Ano pa bang ginagawa ko dito? I look so pathetic!
I laughed sarcastically, "Why do I even care? Alam ko naman na ang sagot! Puchangina."
"BABY, why do you look so gloomy?"
Pinikit ko ng mariin ang mata ko at hinilamos ang mukha ko gamit ang kamay tsaka tumingin kay Kuya na may hawak na tuwalya na pinangtutuyo sa buhok niya.
Umirap ako. I am so not in the mood for him.
"Why do I feel na extra taray ka ngayon?" He commented tsaka umupo sa tabi ko.
I didn't answered.
The sound of the waves were soothing. Kung pwede lang sana na ilagay sa anod ng tubig ang bigat ng pakiramdam ko ngayon at ilayo sa akin ay nagawa ko na.
I drew circles around the sand gamit ang daliri ko tsaka nagsalita, "Kuya.. is it bad to care for someone?"
I looked at him, he was looking straight at the ocean, "No. I care for you and it's not bad."
Tumango-tango ako, "How about the feeling of wanting to take away someone's pain? Is it like.. bad?"
Naramdaman ko ang pag-tingin niya sakin, "Princess, do you like someone?"
Napatigil ako sa ginagawa ko tsaka tumayo at dahan-dahang lumapit sa tubig. The cold water touched my feet, kaya nanlamig kaagad ako. Pero it didn't bothered me.
He's way colder than the breeze of the water.
"Kuya, I wish I can let the waves take it away."
Narinig ko ang pagtayo niya at ang paglapit sakin. Kuya was just there, standing, being my moral support. And then he spoke, "Take what?"
"My feelings."
Naglakad na ako paalis pero sapat pa din ang layo ko para marinig ko siya, "Princess, you can't.. You just can't."
I smiled a bit. I know.
Nang makalayo na ako kay Kuya ay sinampal ko ang sarili ko. I'm like so dumb! Why did I said that?! Lalong-lalo pa ay bakit ko pa yun sinabi kay Kuya?!
Baka asarin na ako non bukas!
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero ang nasisiguro ko lang ay ayoko pang bumalik. Gusto ko pang mapag-isa.
I know this is a vacation and we should've been together na magpipinsan para makapag-bonding pa pero here I am, nagmumuni-muni.
Ang drama ng day ko ngayon ha!
The wind suddenly blew at naramdaman ko ang malamig na simoy nito. Tumaas din ang balahibo ko dahil nakasuot lang ako ng sleeveless na maxi dress. Pero pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad.
Hindi naman ako mawawala diba? Dire-diretso lang naman ang paglalakad ko, I doubt na mawala pa ako. Tsaka may mga ilaw pa din naman ang establishments kaya kung mawawala ako ay makakapag-tanong ako.
I didn't know how far I was walking pero nakita ko ang familiar na pigura ni Theodore. I stopped walking. Nakatindig lang ako at nakatingin sakaniya.
Hindi niya ako napapansin dahil mukhang malalim na naman ang iniisip niya habang nakatingin sa malayo. Bakit hindi ako makaalis?
Did I just realize something important? Do I like him? No.. hindi naman diba? I don't think so.
Nakakuha na ako ng sapat na lakas para umalis nang biglang may tumabi na babae kay Theodore.
I felt a freaking pang on my chest area. Lol, baka sign na 'to na lalaki na boobs ko?
"Grabe ka talaga oh, Reign. Kaya mo pa talagang mag-biro sa ganitong part ng buhay mo?" Bulong ko sa sarili ko.
I couldn't see the exact face of the woman pero I know that she's definitely smaller than me. She has this cute figure that maybe Theo likes.
I don't know! Shit! Mababaliw na ata ako dito.
"I know that feeling."
Napa-talon ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nandoon si Aki na nakapa-mulsa at naka-nguso.
"Di naman ako multo ah?" He said in between his pouts.
"Sisigaw na sana ako ng 'rapist' at manghihingi ng tulong." I replied, gaining a laugh from him.
Tumabi siya sa akin at ipinatong sa balikat ko ang jacket na dala-dala niya, napatingin naman ako sakaniya, "Bango nitong jacket mo ah?"
Tumingin rin siya sakin saka kumindat, "Syempre. Mabango ako."
I laughed. Buti na lang bigla siyang sumulpot! Akala ko sobrang lungkot ko na ngayon eh.
"Bakit ka bumalik dito?" Tanong ko habang isinusuot ang braso sa jacket. He paused for a second before replying, "Dito ulit kami kumain ng dinner! Rapsa eh!"
"Ikaw? Bakit ka nandito?"
Sumulyap ako kina Theodore bago tumingin sakaniya, "Nagpapalamig lang! Ang boring sa room eh."
"Ows? Talaga?"
I rolled my eyes, "Edi wag ka maniwala!"
We both laughed. Hindi ko napansin na naglalakad na pala kami pabalik. Wow, Aki's aura is so refreshing. Like I could be his accompany forever!
"Alam mo, Reign, ang isang magandang babae na gaya mo, hindi dapat yan naglalakad mag-isa sa dilim!" Biro niya habang kunyaring nagkakarate, "Dapat ikaw may kasama ka na gaya ko!"
"Gaya mo? Ano bang gaya mo?"
Kinamot niya ang ulo niya tsaka mahinang bumulong, "Gaya ko na kaya kang protektahan."
I snorted, "Weh? Sure ka ba?"
"Oo naman!" Sabi niya sabay flex ng muscles niya, "Sakin ka na lang kasi!"
Parehas kaming nabigla sa sinabi niya. Ano daw? Nakakabingi yung katahimikan bigla.
"Haha, may dumaang anghel." Aki awkwardly said kaya napatawa ako.
Why can he suddenly lit up my mood unlike everybody else? Parang magic na alam niya ang kiliti ng sadness ko. He's such a good friend.
"How can you do this, Engineer Akio Elias?" I blurted out.
"Ang alin?"
"To light up my mood?"
He chuckled, "Kikiligin na ba dapat ako sa banat mo, Miss Reign Zobela?"
Kinunutan ko siya ng noo tsaka hinampas, "I mean, serious kasi, Aki!"
He was about to answer when a voice interrupted him. It was Mom, calling me. Tumingin ako kay Aki, "Well? I think I have to go. Hindi ko napansin na andito na tayo."
"Bummer. Gusto pa kitang kasama eh," He murmured. Sabay kaming naglakad papunta sa establishment.
"Let's see each other around na lang, Aki. I have to go! Ingat ka ha! Bye!" I said as he wave his hand.
Nauna siyang maglakad papalayo dahil for sure ay may uuwian siyang hotel dito dahil nga sabi niya kaninang umaga ay mayroon silang project dito.
Hindi ko namalayan agad ang paglapit ni Mommy sakin kaya tinawag niya ulit ako bago ko siya lingunin, "Is he your suitor? That's Engineer Elias, right? He was the head engineer of your sister's new project, diba?"
"Mom! Sunod-sunod naman ang tanong mo. Tara na lang sa loob para makapagpahinga na tayo." Sabi ko saka hinila siya papasok sa building kung saan nagiistay kami.
So many things happened today, I have to give Aki a big fat credit for making it less depressing. He sure is a big ray of sunshine.
I'm glad he has my back.
ヽ(ヅ)ノ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro