008
008
LUMINGON siya bigla sakin. Shit!
I immediately turned my back away from him. Binabawi ko na! Hindi na muna ako lulublob sa dagat!
Dali-dali akong naglakad pabalik sa room namin. Nakita ko si Russel na naglalakad papalapit sakin habang may kinukutkot sa Canon niya. I ran towards him and hid behind his back pero mukhang hindi niya ko napansin agad.
"Ano na naman?" Sabi niya when he saw me pero hindi pa din inaalis ang tingin sa screen ng camera niya at pangiti-ngiti. I was about to look at where he was looking at pero I saw Theodore's figure coming torwards us.
Craaaap!
Iniwan ko si Russel doon at tatakbo ako papunta sa kung saan. Basta malayo! And somewhere he won't find me! Oh my god!
I feel like running on a marathon sa sobrang bilis kong tumakbo. Nalampasan ko din sina Mom na papalabas, she was calling me kaya tumigil ako saglit.
"Mom! Ssshh!" Pabulong at hinihingal kong sabi! So ingay kasi niya mamaya marinig bigla ni Theodore at malaman kung asan ako.
Dumiretso ako sa pagtakbo. Not knowing where I'm going. I've been running for like almost ten minutes now at ngayon ko lang narealize.
Why am I even running away from him?! It's not like I kissed him or something! Bakit ko ba siya iniiwasan? As far as I know, nagiging mabait na naman siya sakin, why do I have to iwas?!
I stopped running. I look so dumb ang layo na ng narating ko sa kakatakbo doon sa lalaking 'yon! I even reached the parking lot which is so far.
Damn it!
I exhaled before reaching my knees. Tinuon ko ang dalawa kong kamay at pinunasan ang pawis na tumulo sa noo ko. I'm being so dumb eh hindi naman dapat.
"This is like the dumbest thing I ever did!" I said at napatawa pa. Ang funny ko ngayon, my god!
"Di mo sure."
Luluwa na ata ang mata ko sa narinig kong boses sa likod ko. Dahan-dahan kong nilingon ang boses na alam ko naman kung kanino.
And to my horror it was Theodore! What the hell! Akala ko nakatakas na ako sakaniya!
Agad na naman akong kinabahan. This is the feeling I don't want whenever he's around! Lagi na lang akong kinakabahan at napapraning! Damn him! Lalo pa ngayon na parang ang bait-bait niya!
Lord naman oh!
He was looking at me with his golden brown eyes. The sun was reflecting them kaya mas lalong nakita ang pagka-gold noon. It sent shiver down my spine. Parang ang dami-daming emosyon na gustong lumabas mula sa mata niya.
Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan. Back when we were highschool, I only saw bits of his face dahil hindi kami masyado naglalapit at minsan ko lang naman siya nakikita. But now.. damn, boy.
Theodore's taller and muscular than before. Kitang-kita ko kung gaano magflex ang muscles niya whenever he's moving lalo na ngayon at kita ang braso niya. I darted my eyes down to his lips. God, that lips! That full plump lips that attracted so many girls back in our Journalism days! Even ako na-attract!
He looked very pretty bonus points pa na ang clear skin niya and his sharp jaw line.. God knows how much I wanted to touch those, to test how sharp they were..
"What are you doing?" I snapped out of my thoughts nang bigla siyang magsalita at kumunot ang noo.
Nanlaki ang mata ko nang namalayan na nakataas na ang kamay ko at ready na siyang abutin. What the hell, Reign?! What the hell lang!
Binaba ko bigla ang kamay ko, "Wala!"
He smirked as he leaned forward, "I thought you were going to touch my face. Why didn't you?"
Lalong nanlaki ang mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang konting kembot na lang aatakihin na ko dito sa puso.
"L-Lumayo ka nga. Bakit mo ba ko s-sinusundan?!" The heck, Reign! Why are you stuttering?! Why am I stuttering?! I wasn't born for this kind of stupidity!
His eyes were trying to meet mine at puro iwas naman ang ginagawa ko. Ano 'bang balak niya?! At bakit hindi ako naalis?!
"You look like a tomato." He said bigla kaya napahawak ako sa pisngi ko and crap it was hot!
Bakit ba siya ganito?! Before naman he was all annoying the hell out of me kahit na hindi siya magsalita. Now look at him! Look at us!
"Shut up!" I abruptly said.
He shrugged at umayos ng tayo. Tsaka naglakad palampas sakin. I don't know why, pero nilingon ko kung saan siya pupunta. Biglang tumunog ang isang SUV na kulay itim at may kinuha siya doon.
So all this time, hindi niya ko sinusundan?! Ba't walang nagsabing may Wow Mali pala dito?
Tinalikuran ko siya at naglakad na lang pabalik. So nakakahiya talaga!
"OH, HIJA. Why are you busangot naman d'yan?"
I looked at Tobi's mom who sat beside me, "Ah, wala po 'to, Tita Carol."
I sipped on my Lemonade bago masamang tinignan ang dagat. Hindi ko alam kung bakit ako badtrip! I was the one who was so eager to swim and take pictures pero look at me! Heto nasa lilom at siguro sinisimangutan ang bawat taong lalampas sa harapan ko.
"Nako, hija. Wag mo na me i-joke. Kasi look, halata naman na you're so not okay!" Tita said, I don't know why she's here with me, not that I don't want her to, pero it's unusual of her to skip socializing to other people and chose to be here with me, "I know na! Let's try sightseeing!"
I smiled at her, "Tita, wala naman tayong makikitang unicorn sa dagat."
Bigla niya akong hinampas ng malakas na ikinagulat ko naman, "Haha! Not that kind of sightseeing! What I meant was boys!"
"Tita, ikaw talaga." I chuckled. Since I reached eighteen, siya na ang numero uno na pinagtatabuyan ako at hinahanap ng lalaki.
She said 'life is short so have fun', hindi ko alam na hanggang ngayon ay go pa din siya sa paghahanap ng lalaki para sakin.
I had a boyfriend back on college naman pero Tita Carol is just so restless kapag wala kaming kapartner. She liked matchmaking at halos lahat kaming magpipinsan ay minamatch niya.
"I mean, come on, Reign! Di ko naman sasabihin sa Mommy mo! This will be our sweet little secret," sabi pa niya habang nabulong.
Buti si Tobi nakakatagal dito sa Mama niya. She was always setting him up on dates and he was always patient with her.
I sighed, "Sige na nga po."
She excitedly laughed at mas lalong lumapit sakin and she scanned our area, "Oh-em! How about that?"
Tumingin ako sa lalaking itinuro niya ng patago. The guy was not that bad, he was wearing trunks kaya napatingin ako doon.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang humalakhak si Tita Carol, "That's huge ha!"
Namula siguro ako dahil nakaramdam ako ng init. Hinampas ulit ako ni Tita at may tinuro namang ibang lalaki.
The second guy was very built! Para siyang wrestler sa laki ng katawan niya and it turns me off to see that kind of muscle a man has. Like parang muscle na may kaunting tao.
Tumawa ulit si Tita at hinampas na naman ako, "I guess not! How about our third guy? That foreigner!"
A man on casual clothes ang tinuro naman ni Tita. His back was facing us kaya hindi ko pa makita pero nang humarap siya ay nanlaki ang mata niya tsaka napangiti at kumaway.
"Aki!"
Tinago niya ang cellphone na hawak niya sa bulsa tsaka naglakad papalapit. Bago pa siya makalapit ay biglang bumulong si Tita, "Looks like may nabingwit ka na in this ocean! I'll leave it to you, hija!"
She chuckled at hinampas ulit ako bago siya tuluyang maka-alis. Parang magkakapasa ako sa kakahampas ni Tita sakin! Grabe yon tumawa. Take note nga na hindi ako talaga tatabi sakaniya pag tumatawa siya.
"Well, I guess hinahanapan ka ng lalaki?" He joked nang makarating na siya sa harapan ko.
I chuckled, "May nabingwit na ako eh kaya umalis si Tita."
Tinaasan niya ko ng pareho niyang kilay, "Aba, sure win ka sa nabingwit mo."
I laughed before sipping again in my drink, "Why are you here pala?"
Umupo siya sa katabing upuan before answering, "May project kami malapit lang dito and my team decided to eat here. Highly recommended samin 'to eh. How about you? Isn't it too late for summer vacation?"
"Hey, mali ka sa last sentence mo! There's nothing called 'late' when it's summer." I stated.
Nakita ko sina Radi na papalapit sa dagat. They were a bunch kaya agaw pansin at dahil na din sa ingay. Si Kuya ay hila-hila si Ate na may dala-dalang payong. Russel was carrying Dakota on his shoulder na sigaw ng sigaw. Seek was running wild with Rowan and Julian. Si Tobi naman ay habol-habol silang lahat at mukhang pinatatahimik sila.
I laughed at the sight of them. So that's how we act in someone else's perpective.
"Oh, the famous Zobela cousins." Napalingon ako sa komento ni Aki at tinaasan ko siya ng kilay as if he was saying something so out of the world, "What?"
"Really, Aki?" I giggled.
"What? Tunay naman! Kilala kayong magpipinsan lalo na sa iba-ibang school nung nag-aaral pa lang tayo." He answered.
"Talaga? So that means matagal mo na kong kilala ano? Yiee," pantutukso ko.
His ears went red at mukhang na-caught of guard siya, pero hindi ko naman maintindihan kung bakit, so I laughed.
"Hey! Cheating!" Sabi niya at hinawakan ang namumula niyang tainga at ngumiti.
Another man suddenly appeared. Binaba niya ang shades tsaka binatukan ng malakas si Aki, "Pochi ka naman, 'tol! Kanina ka pa namin hinahanap at babalik na tayo sa site tapos eto ka pala pa-chill chill lang! Unfair!"
Malakas ang pagkakabatok sakaniya kahit ako nagulat. Tinignan niya ang lalaki. I couldn't see Aki's face but it brought terror to the guy's face at nanlaki pa ang mata nito nang mapansin na kasama ako.
"Teka, teka! Retreat ako, lods! Retreat!" Sabi niya at dali-daling umalis.
Aki shook his head at tumingin sakin with his handsome apologetic look, "Pasensya ka na don sa siraulong 'yon ha? Looks like I need to go back."
Ngumiti naman ako, "Hala, okay lang! Ingat ka!"
He smiled at tumayo na at nagpaalam na ulit. Nang tuluyan siyang makaalis ay inubos ko ang Lemonade tsaka nagdecide na pumunta kila Kuya.
I was leaping towards them at nang makalapit ako ay biglang sumigaw si Radi na nagpatingin sa maraming tao samin.
"Hey, shut up! Ang ingay ng bunganga mo!" I said to him at lumapit kay Ate na naka-upo sa buhangin at nakapayong. I removed my cover up, revealing my peach bikini, tsaka inilapag yon sa tabi niya.
I saw Dakota pinched Radi's shoulder kaya napasigaw ito na ikinatawa ko.
"That's for forcing me to come here." Monotone na sabi ni Dakota na basang-basa at lumapit na kay Ate para doon umupo. I laughed at their sight.
"Hey! Don't go too far!" Sambit ni Tobi kaya napatingin ako sakanila. He was trying to reach Seek, Rowan and Julian. What a mom!
I giggled when the water touched my feet. Ba't ba paemote-emote pa ko don kanina? Sinayang ko ang ilang oras sa pag-upo don!
Nilusob ko ang tubig hanggang sa makahanggang bewang na. We were now all in the same level at sumasabay na kami sa alon.
Sinimangutan ko si Russel nang bigla niya akong sabuyan ng tubig, "May pumasok sa tainga ko, ulaga ka!"
Sinamaan ko siya ng tingin habang tinatry na itaktak ang tubig out of my ear. When I successfully did, siya naman ang sinabuyan ko ng tubig.
I suddenly remembered what he was looking at earlier pero bigla niya ang dinuraan with the water from the sea na isinalok niya sa bunganga niya.
"What the hell, Russel?!" Sigaw ko. Ang dugyot, the fuck!
He laughed so hard at nakipag-apir pa kay Radi, "So kadiri talaga kayong dalawa, My gosh!"
Ngumisi ako sa ideya na bumuo sa utak ko.
"Hinahamon niyo ba talaga akong dalawa?" Panghahamon ko sakanila. Inipon ko ang laway sa bibig ko hanggang sa dumami iyon at ginarggle.
"Puchaaa, Kuya, saluhin mo yan!"
"Tangina mo, Reign! Ang salaw!"
Bigla kong idinura iyon sakanilang dalawa at tumawa ng evil laugh.
"Yuck! Ang dami! Bastos!"
Tinaas-baba ko ang kilay ko sakanila, "Yuck para yayakapin?"
Binigyan ako ng nandidiring tingin ni Radi, "Yuck para yayakyakin!"
I laughed so hard. Hindi 'man nareach ng shooting range ko ang mga mukha nila pero malapit naman iyon sakanila at palutang-lutang.
Wow, I'm so gross.
Bago pa nila ako gantihan nagsimula na akong maglangoy paalis at palapit sa shore nang makita ko na naman ang mukha niya na nakatitig saming magpipinsan.
Napatalikod ako bigla!
Nakita niya ba yon?! Nakita ba niya ang pagdura-dura ko?! Nakaka-turn off ako! Oh my god!
Wrong timing ka naman, Theodore! Syet na malagket!
(ಥ﹏ಥ)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro