Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

007

007





"HELLO? Earth to Reign Samantha? Yuhoo?"

Napapikit ako nang biglang nagpapitik ng daliri si Quince sa harapan ng mukha ko. I looked at her, "Bakit?"

Pinanlakihan niya ko ng mata, "Lutang ka ba ha, girl? Kanina ko pa nilalait yung babae na 'yon oh. You ain't listening!"

Ha? Ano daw?

Napatingin ako sa kuko niya na ang hahaba. Mukhang nagpamanicure na naman siya dahil sosyalin ang itsura ng kuko niya. Bigla niya ulit yon pinapitik sa harapan ko, "Sammy, you want sabunot? Kanina pa ako dada ng dada, girl ha. Tagtagin ko wig mo, sige ka."

I rolled my eyes habang tuloy-tuloy ang pagsasalita niya, "Don't tell me naka-score ka kay Sir Theo, ha?"

Bigla akong napatingin sakaniya at nagulat. Anong score siya d'yan?! Hindi! At hinding-hindi mangyayari yon! I hate that man, diba? I hate him ano 'bang nangyayari sakin?

Ilang araw na lumipas matapos mag-opening ang café and today, I had plans with Quince pero dito lang kami tatambay dahil ba't pa kami lalayo kung madami namang iooffer itong business ko sakaniya. I'm so mautak talaga!

And it also has been days since that Theodore-know-it-all-Valencia suddenly told me his 'sorry' at hindi 'man lang maalis sa isip ko! It has been bothering me for like so many days already! Damn, I hate him!

Sinamaan ko ng tingin si Quince, "You know, ever since you left me at that mall, nagkanda-leche-leche na ang buhay ko. It's all your fault."

She acted as if she was badly hurt at dramatic na binaba ang iniinom niyang Strawberry Shake,  "Why is it my fault? Bakit parang kasalanan ko pa na malapit na kayo magkatuluyan ng archenemy mo? The reply should be a thank you!"

"Archenemy? Really?"

"Huh? Hindi ba? Diba since first year, you always tell me about him kasi he's that tall handsome news writer you've been competing with? And he always place second, diba? That makes him your archenemy that will gradually turn into your lover!"

Nagulat ako sa huling sinabi niya kaya hinampas ko ng malakas ang bibig niya, "Ang daldal mo!"

"Ouch naman!"

Sinimangutan ko siya. Bakit ba ang dami niyang alam? And I don't want her to make a theory that Theo and I will be lovers dahil almost everyone na sinasabihan niya ng ganoon ay nagkakatotoo! Ayoko nga!

Pero.. he's not that bad. He'll give me great genes, diba?

What the hell am I even thinking?! That's never gonna happen! He hates me kaya I'll hate him too!

"Pero you know, I won't tell na lang kung ilalakad mo ko kay Radi." Bigla niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Quince, about how many times will I tell you? You're not his type."

She pouted, "Please? Please? Please?"

"Mabobroken hearted ka lang don." I replied kasi totoo naman! Knowing that asshole, I know he's still not over that girl. I just don't get him.

I shrugged the thought, I don't want to think about him and his love life dahil nakakainis lang siya. So martyr.

Quince and I had a lot to talk about. Gaya ng pang-lalait sa mga customer na papasok ng Kape Ulan. I don't even know why I'm with her dahil customer ko ang nilalait naming dalawa. Isn't that like.. bad?

"You know Quince, it's better to find yourself a man ke'sa ginagambala mo ko para laitin customers ko," I said while looking at my phone.

"You're not unemployed. Go back to your job," I added. I don't know why she's not answering pero nang tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa likuran ko na para 'bang may multo siyang nakita.

Winagayway ko ang kamay ko sa mukha niya, "Wag ka nga d'yan. Para 'kang nakakita ng multo. Pina-bless ko 'to ha, excuse me sa'yo."

Hinawakan niya ang kamay ko at malaki ang matang nakatingin sakin, "Oo, girl. Nakakita ako ng multo! Multo ng nakaraan! Wag 'kang lilingon."

Hindi ko maintindihan ang ka-dramahan niya pero kahit na hawak niya ang mukha ko para sakaniya lang tumingin ay pinilit ko pa 'ding lumingon sa kakapasok lang na customer.

And to my surprise, it was Theodore! What is he doing here?!

Sinamaan ko ng tingin si Quince, "Really? Multo ng nakaraan mo si Theodore? How come hindi mo sinasabi sakin?"

"Sshhh! Idiot! Not him!" Pabulong niyang sabi. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Lumingon ulit ako at nakita ang kasa-kasamang lalaki ni Theodore. He seems familiar pero hindi ko alam kailan at saan ko siya nakita.

Tinignan ko ulit si Quince na nag-aayos ng gamit niya, "Okay, girl. You got this, okay! I'm rooting for you and to your kalandian. But I really gotta go! Bye, love you!"

Tatakbo siyang dumaan sa isa 'pang door sa may likod. Para 'bang iwas na iwas siya sa lalaking kasama ni Theodore.

Quince was so fast kaya hindi ko na siya nahabol pa. Binalik ko ang tingin ko kay Theo na papalapit sa akin.

Kumunot ang noo ko at binaling ang tingin sa iniinom na kape. Bakit siya lalapit?! Anong kailangan niya?!

Maayos ba itsura ko? May sapat na lipstick pa ba ko? Maayos ba buhok ko? Crap, bakit ba ko napapraning?!

"Why the heck are you fidgeting?"

Napatigil ako sa pagkakataranta when his manly voice struck me. It's too powerful not to notice it and damn, why is my heart beating so fast?

Hindi ko pa din siya tinitignan pero nakita ko ang pag-upo niya sa harapan ko kung saan nakaupo kanina si Quince.

"You're with someone?" Tanong niya.

Why is he suddenly talkative?!

I inhaled a large amount of oxygen bago tignan siya, "Y-Yes. A while ago."

"Ah," sabi niya sabay tango.

This is so unusual of us. Ni hindi ko siya pinagiisipan ng masama ngayon and that is so weird and unusual.

Maybe he's planning on something? Like kidnapping me? Torturing me? Huhu?

"What are you doing here?" Tanong ko. Kailangan mataray ako! Ayokong ibaba ang guard ko sakaniya.

"I'm with a friend," tipid na sagot niya bago tumingin sa likod ko kaya napatingin din ako. It was the guy na tinutukoy ni Quince, he already ordered kaya tumayo na din si Theo, "Got to go."

Tinanguan ko siya kaya tinanguan niya din ako. Tanguan to the max lang kami dito at bakit aalis na agad siya?

Di 'man lang niya ko kakamustahin matapos niyang maging laman ng isip ko 24/7 nitong nakaraang araw?

Mali ata yon ah!








"NEXT week is the last week of summer kaya mag-isip na kayo kung san tayo pupunta." Pag-aannounce ni Ate sa amin.

I suddenly went to look at the calendar on my phone at tama nga siya. Ang bilis ng araw. Buti na lang graduate na ko wala nang pasok. Hihi!

It has been our little tradition that in every last week of summer, we will have a vacation as long as meron 'pang mga nag-aaral. And they will decide where to go at ang mga magulang naman namin ang magbabayad kaya no problem.

"I want to go to Tagaytay!" Sambit ni Seek na nagbukas ng chips at tumabi sa 'idol' niyang si Radi.

"Kakagaling lang natin d'on last, last summer, Seek." Reklamo naman ni Dakota.

"How about you, Dakota? Where'd you wanna go?" Tanong ni Julian, kapatid ni Julia na naiwan dito sa Pinas.

"Hmm, kahit saan," tipid na sagot niya.

Ah, I missed deciding with them! Last year kasi grumaduate na ako kaya hindi na ako kasama sa pagdedecide. I missed being a kid kahit na baby face pa lang naman ako.

"How about a beach?" Julian suggested as he grabs the chips na hawak ni Seek.

Napa-isip naman si Seek, "Boracay?"

"No! Different beach. We've been there already!"  Julian replied.

Mukhang nagbo-browse si Seek nang pwedeng puntahan dahil bigla niyang pinakita ang isang resort, "Let's go to San Juan, Batangas!"

Lumapit doon sina Radi para tignang maigi ang mga pictures at nang makita ay nagpasya sila na doon kami pupunta. Well, we haven't been there and I think it's gonna be peaceful!

"Then it's settled!" Sabi ni Russel at nilingon ang tatay nila na pababa ng hagdan nila, "Pa! Laiya daw!"







MALAKAS na hangin ang humampas sa mukha ko pagka-baba pa lang ng van na nirentahan namin. Pinahid agad ang suot kong beach dress. Buti na lang may suot akong cap kaya hindi masyadong maiinitan at mamumula ang mukha ko.

"I am here, Batangas!" Biglang sigaw ni Radi sa likod ko na kakababa lang din. Ingay talaga ng bunganga nito, "Ready na ba kayo sakin, girls?"

"Sus naman, Kuya! Ikaw ang di ready mambabae." Pambabara ni Russel kaya sinamaan siya ng tingin ni Radi.

Sunod na bumaba sina Ate Queue at Mom mula sa kabilang van na nirentahan din. They went up to me and handed me the sunscreen na panay pahid ni Ate sa kaniyang mukha.

I looked at the both of them, the two of them really shared the same features. The only thing I resembled with Ate was our signature sleepy eyes hanggang sa jet black hair, and the different moles on our faces.

Same as Kuya Past, Seek, and Dad. Though our eyes definitely came from Mom, their physique and other features came from Dad.

Sa aming magkakapatid, my name is considered the most normal. Ewan ko ba bakit ganon ang ibinigay na pangalan sakanila ni Mom. Their names are so weird. Lalo na si Kuya.

Speaking of Kuya, bigla niya akong inakbayan out of nowhere at inalis ang suot niyang shades. He scanned the area na para 'bang may hinahanap at sumabay sakin sa paglalakad, "Where are the women?"

Napa-irap ako sa hangin, "Really? Babae habol mo dito?" 

"No, little sister. Ako ang habol nila," He corrected at saka kumindat pa.

Hindi ko alam ba't nagkaganito ang kapatid kong 'to. Puro pambababae, how I wish na makahanap siya ng babaeng magpapatino sakaniya.

Umuna na siya sa paglalakad habang dala-dala ang ilang baggage namin at nakita ko pa ang pagbatok sakaniya ni Ate.

Dala ko ang isang beach handbag na may mga necessities ko. Naalala ko tuloy si Quince. Sinasama ko siya pero she insisted that it was a family vacay at may pupuntahan pa din naman daw siya.

It's such a waste, hahanapan ko pa naman sana siya ng lalaki para di na ako gambalain.

Russel had his Canon na nakasukbit sakaniya at panay na din ang pagpipicture niya samin hanggang sa makarating kami sa designated rooms.

Pinili namin na magkakasama kami sa iisang room. Three lang naman kami sa room. I'm with Ate and Dakota.

Julia's not here kaya kami lang tatlo ang babae, sa kabilang room naman ay ang other boys. At sa kaniya-kaniyang suite naman ang parents namin.

I haven't had a vacation after my business started, kaya kahit ilang weeks pa lang nag-run iyon ay di na agad keri ng katawan ko. Pero I know naman na in the future, masasanay din ako.

Kaya this is the perfect time and I want to hit the beach na agad kaya after na maipasok ang baggage namin ay dumiretso ako sa banyo para magpalit. Hindi pa ako nakasuot ng bikini under this dress kaya nagpalit ako at nagbikini na. I wore the dress again as a cover up.

"Ate, I'm going to swim na agad," Paalam ko sakanila. I saw Dakota sitting on a sofa at naglalaro sa cellphone niya kaya kinulbit ko siya, "How about you?"

Nginitian niya ko ng tipid at saka umiling. Eto talagang batang 'to masyadong introvert. Unlike her brothers na outgoing, I think Dakota can survive not talking and going outside. She's already thirteen I think she have to live the fun out of her life! She shouldn't miss these kinds of opportunities.

Mamaya ko na lang siya babalikan at pipiliting mag-swim. Hindi ako magpapatalo!

Dumiretso ako sa room ng mga lalaki at as expected, it was open kaya pumasok na ko. There were seven of them staying here kaya mas malaki ito kesa sa kwarto namin na pangtatluhan lang. 

Nagkakagulo pa sila sa loob at ang kalat at ingay na agad. Hinanap ko si Russel pero it seems like wala siya dito kaya lumabas na lang ako para hanapin siya.

I don't want to talk with the other guys pa dahil mukhang busy sila pero si Russel ay paniguradong nagpipicture na naman sa kung saan-saan. I told him he's my photographer for the three-day vacation, now where is he?!

Patuloy pa akong naghanap sakaniya hanggang sa makarating ako sa coast nitong beach. Napatigil ako para pagmasdan ang alon. It wasn't that far kaya kita ko ang white sand na pinagmamalaki nila pati na rin ang blue ocean.

So pretty!

Maglalakad sana ako papalapit sa shore nang biglang may makita akong pamilyar na pigura na nakasuot ng white tank top at beach shorts. Napatigil ako at napabukas ang bibig.

What is that Theodore doing here?!











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro