Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

006

006




NGUMITI ako sa mirror na dala-dala ko tsaka bumaba sa sakay na Audi na pinapa-drive kay Kuya Will. Nagpaalam naman ako sakaniya bago sarahan ang pintuan. He left to park the car kaya I walked papunta sa loob ng café.


I entered using the backdoor, it was open so I assume na some of my crews are already here. Though it's an hour early sa opening pa naman.


I'm so excited! Today's the day and it's going to be one of my best days! Halos isang taon din ang inintay ko para dito sa dream café ko.


After I graduated college, I started to build my own dreams. I remembered noon na pinagkukuha ako ng Pol-sci ni Lolo para daw sumunod sa yapak niya but I rejected. Grabe, galit niya noon sakin, I'll never forget that moment in my life.


Hindi ko naman kasalanan na hindi ko gusto ang politics at lalong hindi naman keri ng IQ ko mga pinag-aaralan don, diba?


All my life, I lived in their shadow. Mom wanted me to become a Journalist dahil yon ang pangarap niya ever since she was kid but was denied kasi pinili niyang mag Pol-sci to please Lolo. She even managed to enter the world of Politics but she also ended it when she had Kuya.


Dad, on the other hand, wanted me to pursue business para may alam ako sa ginagawa namin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko that time, kaya ayun ang kinuha ko. Pero it was too late to know that I wanted to be a baker at nagpatayo ng cafe.


Kaya matapos kong grumaduate ng Business Ad, nagpatayo na agad ako. Nakatulong naman ang course ko sa gusto ko ngayon kaya I'm glad.


"Hello, madam!"


Tumingin ako sa isang crew na bumati sa akin, she looked excited dahil na rin siguro ay opening na namin ngayon, I smiled at her at nakipagbeso ako sa kanilang lahat.


I had five crews, excluding me, kaya six kami ngayon na nandito. Magkakaroon naman sila ng shift pero today is the opening at marami-rami ang inimbita ko at ineexpect naming dadalo kaya for today, all out ang service namin.


Susunod ang mga pinsan ko kaya I had a meeting with them before the actual opening hour.





GAMIT ang isang scissor, ginupit ko ang malaking ribbon sa harap ng pintuan ng café ko.


They were all smiling at napalakpak. May mga iilang media din dahil kilala ang company namin at inimbitahan ata sila nila Mommy.


Abot tenga ang ngiti ko nang umapak ako sa loob ng café. This is really it! I'm making my dream come true!


The scent of brewed coffee immediately welcomed my nose, damn, that smelled so good! Hinarap ko ang mga tao sa labas at nagpicture taking muna bago ko sila tuluyang pinapasok.


My crew bowed down to them at malakas silang binati, "Magandang araw po! Welcome to Kape Ulan!"


Another batch of applause was given at nagsipasukan na sila. Good thing the cafe was huge enough to cater to a large number of people.


Mommy was the first to hug me, mukhang naiyak kaya tinawanan ko siya, "Drama queen ka talaga, Mom. Inaagaw mo spotlight ko ako dapat naiyak eh,"


Napatawa naman siya sinabi ko bago ako bitawan at yakapin naman ni Dad, sumunod si Ate na mukhang proud na proud sa akin, si Kuya na himalang walang dalang babae at si Seek na nakasuot ng headphones.


"I'm so proud, parang ako ang ina mo." Sambit ni Ate. Isa pa 'to, di halata pero drama queen din. My gosh.


"Baby girl!" Sabat ni Kuya at ginulo ang buhok ko. Ugh! Ilang beses kong inayos tapos guguluhin lang niya? So nakakainis.


"Ate Reign, dalhin ko jowa ko dito sometime." Biro naman ni Seek kaya I made a face.


"What do you mean jowa, Seek? You're still a virgin!" Sumabat na naman si Kuya kaya sinimangutan siya ni Seek.


Magbubulyawan pa sana sila pero buti na lang at nakita kong pumasok ang ilang mga pinsan ko, kaya tumingin din doon sina Kuya at binati sila, sayang at wala si Julia dahil bumalik na ulit siya sa London.


"Nandito na ang pogi mong pinsan, pinsan kong yayamanin!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Radi kaya may ilang napatingin sakaniya, kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya, napatingin siya kay Seek at inakbayan ito, "Oh! Andito pala ang disipulo ko!"


Si Tobi naman ay niyakap ako at nginitian, "Nice café, Reign. Ibig sabihin ba nito libre na kami lagi?"


"Pangit, pwede umutang?" Sunod namang sabi ni Russel sa likod habang hawak ang braso ni Dakota, their younger sister, nagulat pa nga ako nang makitang ang igsi ng bangs ni Dakota dahil mukhang two inch above sa kilay niya.


Tatawa na sana ako nang panlakihan ako ng tingin ni Russel at saka binitawan ang kapatid bago lumapit at bumulong, "Don't laugh! Ginupitan niya ang sarili niya, okay? Pag tumawa ka sasakalin kita. Wala si Mama pag 'to tinoyo lahat tayo sabog dito."


I pursed my lips, trying to contain my laughter kaya hindi na lang ako tumingin pa kay Dakota. Mamaya masakal nga ako nitong hayop na 'to.


Nagpaalam ako sakanila na aasikasuhin ko muna ang iba at pinaupo sila sa table near the window.


Kahit na malayo sila rinig na rinig ko ang pagsigaw-sigaw ni Radi. Gusto ko siyang sabunutan sa ingay niya.


I greeted some of our guests na kilala ko. Marami din na hindi ko kilala, perhaps nakita nila ang opening sign kaya dumalo sila. 40% off pa naman kami ngayong opening.


"Good noon, sir! Ano po order nila?"


Hindi ako nag-atubiling tulungan ang crew dahil nga maraming tao din naman. I wanted to help them, ayokong sila lang ang maiistress.


"One iced americano and rainbow cheese cake, please!"


Mabilis ang pag-kilos namin at mabilis din ang oras. It's about 6 in the evening at mamaya ay magsasara na din kami.


Nagpaalam na kanina pa ang mga pinsan ko dahil may kaniya-kaniya din naman silang lakad. I sat down sa isang pangdalawahang table para magpahinga.


"Grabe, madam, kapagod 'no?" Sabi ni Bobbie, isa sa mga crew ko, part-timer lang siya pero ngayon ay wala naman siyang pasok pa at kailangan ng crew kaya nagfull-time siya ngayong araw.


Ang ilan sa mga crew ay nagliligpit na dahil wala na kaming ineexpect na customer. Bukas ay 30% off naman ang promo namin kaya for sure mapapagod ulit kami.


I'm sure naman na masarap ang mga nandito kaya confident ako na marami pa din ang pupunta kahit na tapos na ang opening promos.


The door swung open kaya napatingin kami doon. Kami na lang kasi ng crew ang nandito kaya nakakagulat. Ready na sana akong manugod kasi akala ko holdaper pero buti na lang kilala ko kung sino ang pumasok!


"Levi!" Sigaw ko.


He laughed, "Gulat ka 'no?"


Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa niya? Bigla ba naman niyang binuksan ng malakas ang glass door to the point na parang matatanggal sa pwesto.


Inirapan ko siya habang papalapit, "Sorry ha, nalate ako! Hirap kasing ayain ng isa d'yan oh."


As if on cue, biglang pumasok ang naka-formal na si Theo-fucking-dore. Bigla akong napairap. Akala ko kung sinong inaya niya.


Hindi ko pa din nakakalimutan ang sinabi niya kagabi!


Patingin-tingin lang sila Levi maging ang crew ko samin ni Theo dahil sa nabubuong tension sa loob. Any moment ay sasabog na ako at makikipagtalo sakaniya. Pero ayokong mangyari yon dahil baka mawalan ng respeto ang mga crew ko dahil sa pagiging immature ko.


Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Today is one of my best days, ayokong masira yon dahil sakaniya!


Binalingan ko si Levi na siyang nagsalita, "Tuloy pa naman ang offer mo na libre kami diba?"


I smiled, "Oo naman. Pero walang 'kami'. Ikaw lang ililibre ko. Kasi ikaw lang naman ang mabait."


I heared Theo tsked kaya napatawa si Levi, "Whatever you say, Madam Owner!"


Ako ang pinapili ni Levi para sa order niya at siya naman ang pumili para sa kapatid niya. Pinaupo sila ni Bobbie sa malaking table habang ang ibang crew ay ginawa ang order nila.


Pinasadahan ko ng tingin si Theo, he looked like he just came out of the office. He still looks handsome though kahit na nagsusungit siya at naka-kunot ang noong pinagmamasdan ang interior ng café.


Nang matapos gawin ang order nila, ako na mismo ang lumapit at nagdala niyon sakanila. For Levi, I gave him an Affogato tsaka my favorite cake, Milk Rainbow Cake. While ang inorder naman para kay Theo-fucking-dore ay isang Mocha Latte at Red Velvet Cake.


I also ordered for myself, tanging Iced Americano lang dahil busog pa ako.


Pinaupo ako ni Levi sa table nila para daw makapag-get together kami kahit naman na kagabi lang kami nagkita. Theo was not in the mood to talk at mukhang wala siyang balak kaya hindi ko na lang siya papansinin at umupo na nga.


"Oh, bro, sayo 'to." Pinagpalit ni Levi ang order nila, kaya ngayon ang inorder ko para sakaniya ang na kay Theo na!


"What? Sabi mo iorder ko ikaw!" Saad ko kaya nagpeace sign si Levi.


"Hayaan mo na, alam mo naman ang isa d'yan pabebe gusto din naman." He commented kaya tumatat na naman si Theo.


Tinignan ako ni Levi habang kinakain ang Red Velvet Cake niya, "Ang sarap pala nito! Mukhang may mapapa-suki ka na!"


"Of course. Ako gumawa ng recipe n'yan." Taas noong sagot ko. Duh! I should be proud!


Levi did all the talking habang si Theo ay kain lang ng kain. Ano siya ngayon? Speechless kasi masarap yung favorite ko. Pasalamat siya mabait pa ko sakaniya.


"Reign, bakit ka nga pala nagtayo ng café kung may business naman kayo ng family niyo?" Pang-iinterview ni Levi.


I pouted before answering, "Kasi gusto ko lang. Chismoso ka talaga."


Tumawa naman siya bago nagtanong ulit, "Eh bakit Kape Ulan ang pangalan nito?"


"Duh! Common sense, Reign pangalan ko, katunog ng ulan!"


"Reign? Ulan? Magkatunog sila?"


"Bobo."


Bigla kaming napatigil sa pag-uusap ni Levi nang biglang magsalita for the first time ngayong gabi si Theo. Ako ba ang sinabihan niya ng bobo?!


Magsasalita na sana ako nang pangunahan niya ako, "Bobo ka, Levi."


Napahinga naman ako ng maayos doon. Akala ko ibabash na naman ako ng lalaking ito! Hindi pa nga siya nagsosorry sa sinabi niya kagabi.


"Aba, sorry na edi kayo na matalino." Sabi ni Levi at tsaka umirap.


Bumaling naman siya sakin, "By the way, Reign. Itong kapatid kong 'to pabebe pa! Kunyari ayaw sumama pero gusto din naman! Sabi pa niya--"


Napatigil sa pagsasalita si Levi nang biglang takpan ni Theo ang bibig niya. Making him mumble his last words. Sinamaan naman siya ng tingin ng kapatid kaya nagpeace sign siya doon.


"Ayoko na nga magsalita!"


Nagpaalam ako na may aasikasuhin muna ako kaya hinayaan ko sila doong magkapatid na magbangayan. It seemed like they were arguing something pero pabulong lang silang nag-aaway.


Nakita ko ang pag-tingin ni Bobbie doon sa table na yon kaya napa-ngisi ako.


Hindi ko na siya inabala at pumunta sa office ko dito sa café. Damn, nakakapagod gusto ko nang matulog!


Tinawagan ko si Kuya Will at sinabing sunduin na niya ako. Ang hirap talaga pag hindi maalam magdrive! Mukhang kailangan ko nang humanap ng boyfriend para pwede kong abalahin any moment.


Nang lumabas ako ay agad sumalubong sakin si Bobbie, "Madam! Uuwi na po ako!"


Napasulyap ako sa orasan, it's already 6:40 in the evening at 6:30 ang awas nila.


"Sige, take care!"


Pumasok siya sa isang pinto na para sa crew at doon na siguro siya nagbihis ang lumabas. May gagawin ata siya bukas kaya dali-dali siyang umuwi. I understand naman kaya no prob sakin.


After ten minutes siguro ay tumayo na ang dalawa atsaka lumapit sakin. Levi was occupied by something at may pabulong-bulong pa na nalalaman kaya hindi ko na lang siya binigyang pansin.


Si Theo ang nakatayo't nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"About yesterday.." he trailed off. Nakulo na naman ang dugo ko dahil mas lalo niyang pinaalala sakin yon!


"Baka sabihin mo na naman na lumalandi ako. FYI lang sayo ha, Mister Know It All, hindi, hindi, hin--" Panggagalaiti ko pero bigla akong napatigil nang makita ang kaniyang mata. It was captivating me and eating me alive!


Damn it, galit nga ako dapat diba?!


Biglang bumukas ang bibig niya na ikinalaglag ng panga ko, "I'm sorry."







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro