Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

005

005




NAGPAPADYAK ako sa inis habang nakaupo sa isang upuan ng swingset.


Matapos ko kasing mabadtrip kanina sa bahay, dumiretso ako dito sa playground ng subdivision. Call it immature and all, pero mas lalong sumakit lang ang ulo ko nang asarin pa nila ako.


Honestly, I don't believe in fubus. Para sakin, hindi yon ang solusyon sa buhay. It's not an option for my kind of lifestyle. I'd rather be lonely forever and take care of my nieces and nephews than to have relationships that I couldn't take care of because I don't want any commitments.


I think na all people should be able to commit to relationships. Kasi yun tayo ginawa eh, to love someone at magbunga. I'm more of the settle down kind of girl.


Pero don't get me wrong, hindi ako oppose sa mga taong agree sa mga ganoong klaseng lifestyle. It's just my own morals, we all have different morals na pinaniniwalaan naman eh.


Ngayon ko lang napansin ang suot ko, I was still wearing the same dress I wore yesterday at the club. Mukha namang napunasan at natanggalan ako ng makeup ni Manang kagabi kaya hindi ako nanglalagkit.


Since I was a kid, we had Manang Elsa to babysit us everytime dahil madalas wala sina Mom due to their business. Malaki ang tiwala ko kay Manang at close kami. Same kay Kuya Will na halos buong pagkabata ko ay nandoon na din siya.


I'm so lucky to have them. They're families.


Medyo calm na ako kaya itinulak ko ang sarili ko gamit ang paa ko para gumalaw ang swing. I was all alone at wala pang mga bata kaya masarap magmuni-muni at magkunwaring nasa isang music video na madrama.


I heaved a sigh.


"Oh, malungkot ata tayo ngayon?" Napaigtad ako sa gulat nang biglang may magsalita. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang si Engineer Elias pala iyon.


Nakalimutan kong nasa iisa lang pala kaming subdivision na tinitirhan!


"Engineer!" I bid na ikinanguso niya at umupo sa tabing swingset. May kasama siyang aso, it was that German Shepherd breed at puppy pa kaya ang cute noon.


Nilagay niya sa hita niya ang aso niya, "Akala ko ba nasa first name basis na tayo?"


I chuckled, "I forgot... Aki. Okay na?"


He smirked habang hinahaplos ang balahibo ng aso niya, "Better. Bakit ka nga ulit malungkot?"


I pursed my lips at mas nilakasan ang pagduyan sa sarili, "Hindi naman kaya. Chismoso ka eh,"


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero tumawa pa din siya. May binulong siya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lang tinanong kung ano yun.


I looked at his cute dog, "Anong pangalan niya?"


"This is Poppy," binuhat niya ang aso at hinarap sakin, "Poppy, meet Reign. Reign, meet Poppy."


Tumahol siya. He's so cute! Kaso ayokong humawak ng aso hindi ako maalam mag-alaga mamaya mamatay on my watch. Pagbayarin pa ko nito, nagtitipid pa naman ako ngayon.


"So what are you doing here?" Tanong niya. Eto talagang si Engineer napaka-usyoso!


Mamaya crush pala ako nito kasi tanong siya ng tanong ha. Baka mafall, mahirap na.


Charing! As if naman 'no.


"Inaasar kasi ako sa bahay kaya nagpalamig ako dito. Nagpapamiss para suyuin nila ako. I'm so bright diba?" Sagot ko.


He laughed, "Ikaw talaga."


Ilang minuto din kaming nag-usap ni Aki and I must say, hindi nauubusan ng topic ang lalaking ito. He's fun to be with at napaka-easy going niya. We're like the same kaya it's fun to be friends with him. Wow, friends?


"So.." He trailed kaya tumingin ako sakaniya na hinahaplos ang balahibo ng aso, "May gagawin ka bukas?"


I opened my mouth to say anything pero sinarado ko din iyon. Muntik ko nang makalimutan na opening bukas ng café ko! Anong klaseng owner ba ako? Huhu


I pouted, "Oo eh. Opening ng café ko bukas, Aki!"


"Talaga? Saan? Pwede ba kong pumunta?"


"Aba, of course, pwedeng pwede! Basta ba bumili ka!"


Tumayo na ako, realizing na kailangan ko nang bumalik sa bahay para magpasama sa driver at bisitahin ang café ko.


"See you, Aki! Punta ka ha!"


Dali-dali akong naglakad pabalik sa bahay. Tahimik na sa loob kaya siguro tulog ang iba o di kaya umalis na. Naabutan ko si Seek na nanunuod ng Netflix sa living room.


"Seek, andyan ba si Kuya Will?" Tanong ko. Syempre di ako maalam mag-drive siya lang pag-asa ko.


"Oo, pero paalis ata kasi pinapapunta ni Mom, nasiraan daw sila don." Sagot niya kaya nagpasabi akong hintayin ako ng driver slash show host at nagtatakbo sa taas para maligo at ayusin ang sarili.


Usually umaabot ako ng fourty minutes sa paliligo pero ngayon, no bagal-bagal muna dahil walang magdadrive sakin, kawawa ako. Nagsuot na lang ako ng jeans, white tee at rubber shoes dahil nagmamadali nga ako.


Naabutan ko naman si Kuya Will before siyang umalis at luckily, madadaanan niya ang café kaya ibababa na lang niya ako doon mamaya at didiretso kina Mom.





I SPENT the whole day at my café. Kahapon ay naparito din naman ako pero bukas na kasi ang opening kaya mas kailangan kong pagtuunan ito ng pansin.


Mineeting ko na din ang mga crew ko. Iilan lang naman kami kasi ayoko ng marami at hindi din naman ganon kailangan. I trusted them dahil ang iba sa kanila ay friends ko noong College na kailangan ng jobs.


Lumabas ako sa office ko dito sa café. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng loob. Damn, nakakaiyak naman ang achievement ko na ito. Ang tagal kong inintay na maitayo ang café ko na ito. I'm so proud of myself!


Dahil gabi na, ako na lang ang nandito. Maagang natapos ang pagdedecorate pero nagpaiwan ako kasi may ilang inasikaso ako sa loob ng office.


I was about to contact Kuya Will nang makita kong wala na pala akong load. Super duper oh my gosh naman oh. Nakalimutan kong magpapaload kasi may wifi naman sa bahay at minsan lang ako naalis don.


Dios Mio Marimar, I am so unlucky!


Paano na ako nito? Hirap pa naman akong mag-taxi! Atsaka alangan namang lakadin ko mula samin, sa sobrang layo baka makidnap ako bigla sa daan. Mahirap na, I'm pretty pa naman.


Plus, ayokong matulog sa café. Paano ako mag-reready bukas sa opening ko?! Madaming makakakita sakin dapat fresh na fresh ako!


Parang narinig ng angel ko ang pagkabalisa ko dito sa labas mag-isa nang biglang may tumigil na Mercedes Benz sa harapan ko. Wow, sarap gasgasan ng mga ganitong kaganda at kamahal na sasakyan.


Biglang bumaba ang salamin sa passenger's seat kaya nagulat ako nang isang poging lalaki ang lumitaw don. Kumunot ang noo ko.


"Hello! Need a ride?" Tanong niya kaya tinignan ko siyang mabuti. Hindi naman siya mukhang arabo at basta-bastang lalaki pero hindi ko kaya na mag-trust agad. Looks can be deceiving nga diba, mamaya serial killer pala 'to.


"Grabe makatingin ha! Parang may gagawin ako sayong masama. Kung hindi mo ko kilala, baka kilala mo driver ko," sambit niya at itinuro ang driver na nasa tabi niya.


Dahil chismosa ako, sinulyapan ko ang driver na tinutukoy niya. It was Theo! Bigla akong kinabahan and I don't really know why. I'm always palpitating sa harap ng lalaking ito ah.


Theo was looking straight ahead at mukhang badtrip na. Ayoko namang magpaka-choosy pa kaya makikisakay na lang din ako kesa naman diba na tumayo ako dito hanggang bukas.


Wala nang hiya-hiya, binuksan ko ang backseat at doon sumakay. Theo started driving. Agad namang natuwa iyong lalaki na may hawig kay Theo at lumingon sakin.


"I'm Leviticus! But you can call me Levi!" Pagpapakilala niya tsaka nilahad ang kamay niya, nakipagkamay naman ako at nagpakilala din.


"Wow, Reign! I heard so much about you, kung alam mo lang!" Sabi niya na ikina-tatat ni Theodore, "Kapatid nga pala ako nitong masungit na lalaki na 'to. Pagpasensyahan mo na yan ha,"


Napataas ang kilay ko. I didn't know that! May kapatid pala siya.


"Hey, I'm sorry ha. I just really really need a ride,"  Pagpapasensya ko. Dapat lang naman diba na manghingi ako ng sorry mamaya singilin pa niya ako ng fee sa pagpapasakay nila sakin, "As pambayad, you can come to my café tomorrow! Opening ko kasi pero I'll reserve seats para sainyo at ililibre ko kayo, I swear!"


"Ayos yan ah! Buti di ka kuripot di gaya ng isang 'to," Sagot ni Levi at tinuro ang kapatid niya, "Tsaka sige pupunta kami!"


Bigla namang nagreact si Theo habang nakatingin pa din sa unahan, "What? Anong kami? I can't tomorrow, dimwit."


Akala ko ako ang tinawag niyang 'dimwit' pero tumingin siya sa kapatid niya tsaka ko lang naintindihan. Minsan ang assuming ko talaga. Pero okay lang pretty naman ako sabi nila Daddy.


"Eh! Sayang naman," Sabi noong Levi at humarap ulit sakin, "Basta ako pupunta ako bukas! Ano nga pala uling number mo?"


Babarahin ko na sana siya dahil nanghihingi ng number ko nang biglang hinampas ni Theo ang ulo niya na ikinasigaw niya.


"Anak ng! Edi wag, ikaw na nga tinutulungan!" Sigaw ni Levi at pinagkrus ang dalawang braso at kunyaring galit sa kapatid niya.


This is such an awkward scene. Alangan namang makipag-away din ako diba? Kaya nanahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.


It was somewhat a long ride, pero Levi started to talk again kaya hindi ako nabored at hindi ko napansin. Ituturo ko pa nga sana kay Theo ang daan papunta sa bahay namin, pero hindi na niya ako pinakikinggan dahil alam niya.


Naalala ko bigla tuloy na siya daw ang naghatid sakin kagabi! Kung totoo nga yun, nakakahiya! I need to ask him!


"Hey, uhm, Theodore?" Tawag ko sakaniya.


Bumulong si Levi sa tabi, "Close na pala sila di ako inuupdate."


"What?" Sambit ni Theo. Sungit and rude pa din talaga siya! Di na siguro maaalis sakaniya. The Rudest person award goes to you na! Ikaw na, ikaw na panalo.


"Ikaw naghatid sakin kagabi?" Diretso kong tanong.


Levi giggled as if may alam siyang hindi ko alam at si Theo naman he choked a little, "Yeah.."


Hay nako! Nakakahiya. Mamaya anong kabalastugan nagawa ko. Baka magkascandal ako, opening pa naman bukas ng café ko huhu.


"If ever na may ginawa akong kaulagaan, pasensya ka na ha? Wala na kasi akong maalala kagabi!" Pagpapaliwanag ko. Kasi that's the truth naman talaga. Pag talaga ko nakakainom hindi ko na maalala mga ginawa ko that time. So nakakahiya!


"Really?" Tanong ni Theo.


Nakakakaba ang mga reply niya sakin ha. Mamaya baka may nagawa pala ako! Baka nakiss ko siya o baka may nangyari samin! Or muntik na ko makidnap pero nailigtas ako and many more!


"Oo," sagot ko, "Basta bukas ha, Levi. Inaasahan kitang pupunta ka."


Tumango naman siya at nag-thumbs up.


I opened the door, "Sige na, bye ha, and thanks!" Akala ko ay aalis na sila when the door of the driver flung open.


Muntik pa nga akong madali buti na lang mala-ninja ako at naka-iwas agad! Sinamaan ko naman si Theo ng tingin when he went out of the car, leaving Levi inside.


Nginitian ko siya sabay tinaasan ng dalawang kilay, waiting for what he'll say pero seryoso lang siyang nakatingin sakin. Parehas lang kaming nakatayo like noong nakaraan.


"Stop flirting with my brother."


Nagulat ako sa sinabi niya, agad na tumaas ang lebel ng pagkainis ko at nagtiim bagang, "FYI, I'm not flirting with your brother, Theodore."


How dare he? Flirt na ba yon? I was just talking with him and answering his questions! Pwede ba wag siyang bitter?


"Yeah, right. You always ruin everything." Sambit pa niya. His eyes went darker. Akala niya yata madali lang akong pasukuin pero I won't back down.


He stepped closer, leaning forward. Taas noo kong binabalik ang titig niya. He smirked na nagpataas ng balahibo ko. He looked so scary yet so handsome.


Nagsalita siya, "I won't let you ruin it again."


I don't understand him! I don't even know anything about him, how can he say that I'm ruining things for him?


"You are unreasonable." Sabi ko saka tinalikuran siya at pumasok na sa loob ng gate ng mansion.


That man is making my inside tingle with irritation! I hate him.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro