004
004
LUMIPAS ang ilang araw at Saturday na naman and Saturday means Cousin Day! The past few days were boring dahil puro pag-aasikaso ng opening ang ginawa ko.
I was getting ready kaya naglagay na ako ng mascara as final touch sa itsura ko ngayon. Light make-up lang naman ang ginawa ko dahil baka mamaya malasing ako ng bongga para mabilis na matagtag.
Isang black fitted dress lang ang sinuot ko at nagheels ako. Kinuha ko ang maliit na handbag at lumabas na ng kwarto. Aawra muna ako today dahil stress ako buong linggo para pambawi.
When we arrived at the club, nagdire-diretso na ako, the bouncer knows me already dahil kaibigan ni Julia ang may-ari at suki na din kami dito. I'm already late kaya iniwan ako kanina nila Kuya at nauna na.
Good thing I had Kuya Will to drive me here. I still don't have my driving license kasi kada-try ko bagsak ako ng bagsak. I don't know why ang hirap lang talaga. Hindi ko nga alam kung maaawa ako sa sarili ko o matatawa. The world is so cruel to a cute and pretty girl like me!
Nagpunta ako sa second floor ng club tsaka nagpunta sa usual area naming magpipinsan. It was always reserved for us every Saturday kaya doon na ako nagpunta.
I saw them sitting there already and making toasts, "Wow naman, parang kinalimutan niyo na ko!" Sigaw ko saka tatakbong lumapit at kinuha ang baso ni Julia at tinungga iyon.
"Hey! That was mine, stupida!" Sigaw niya. The bar was noisy kaya hindi na halos kami mag-karinigan.
They were all sitting there, si Kuya ay may akbay na babaeng ngayon ko lang nakita. Iba-iba naman ang babae niya kaya wala na akong balak pa silang kilalanin.
Pumagitna ako sa tabi nila Tobi and Radi saka ako pinagsalin ng vodka na iniinom nila tsaka ininom agad yun ng straight.
"Damn, this one's strong!" Sigaw ko at tinawanan lang ako ng dalawa.
"Di ah! Low tolerance ka lang talaga, hina!" Asar ni Radi kaya hinampas ko siya. Well, he is right but I won't admit it! Never!
Bumaling ako kay Tobi at inilapit sa ilong niya ang baso, "Hey! Why aren't you drinking?!"
Nilayo niya muna sa mukha niya ang basong nginungudngod ko sakaniya bago magsalita, "Reign, three shots lang ako ngayon. Ako driver."
I made a disgusted face, "Ew sayo para iiwasan!"
Bumaling ako sa harapan at nakitang si Julia ay pinagtutulakan si Russel na umalis kaya tumayo ako at sumingit sakanilang dalawa, hugging Russel's arm, "What's happening here?!"
Tumawa ng pagkalakas si Julia, "May irereto ako kasi kay Russel! Ayaw naman tumayo!"
"Pwe! Ang hina mo naman, erp!" I replied, "Parehas kayo ni Radi. So hina,"
Narinig ni Radi ang sinabi ko kaya sumigaw siya pabalik, "Hoy, ba't na naman ako nadamay mga yawa kayo!"
I stuck my tongue out at humarap kay Russel, "You know it's so hard to be single. Kaya you should be always ready to mingle!"
Tumingin siya sa dila ko at aambang huhulihin na naman ang dila ko kaya agad kong tinago, "Weirdo! Stop pulling my tongue!"
Ang weird tignan ang habit naming dalawa. It's like since childhood, ginagawa niya na yon. He's always trying to get my tongue. Naalala ko dati, he once got it at hinila niya iyon which resulted to me getting traumatize dahil ang sakit ng paghila niya! So kadiri!
I looked at Kuya flirting with the random girl at mukhang mamaya may mangyayari nang kababalaghang ayaw ko nang isipin pa, while si Ate ay nasa tabi niya tinutungga ang isang buong bote ng fave niyang whiskey at mukha pang may matinding pinagdadaanan.
Naka-ilang shot pa ako bago napag-isipang tumayo at hilahin si Julia para sumayaw kami. Bumaba kami para magsayaw sa dance floor. I met so many people around here today at maraming nagbigay sakin ng shot.
Woo! I feel like I'm wasted but I'm definitely sobber!
I was dancing all over the place and I feel so sticky already. God! It feels so good na magwala kesa magkulong sa kwarto na tambak ng kabusyhan at mabagal na wifi.
I was bumping with other people but I didn't mind, until a person's back stood so close to me. Kinulbit ko siya nang kinulbit hanggang sa humarap siya sakin.
Nakatingin lang ako sa dibdib niya kasi yun lang naman ang abot ng mukha ko, "Can you please move?" Pasigaw na tanong ko.
He wasn't moving nor speaking kaya tiningala ko siya, lumaki ang mata ko, "Wow! Kamukha mo si Theodore-know-it-all-Valencia! That's so cool!"
Para siyang estatwa dahil hindi talaga siya nagalaw nakatingin lang siya sakin. I raised my hands kaya sinundan niya iyon ng tingin at lalayo na sana siya nang bigla kong pindutin ang pisngi niya.
That's so cool! He really looked like that Boy Bastos!
Sumubsob ako sa dibdib niya at naamoy ang pabango niya. He even smells like him! Mamaya kambal pala niya 'to or di kaya pinsan niya or baka naman may camera dito, wina-Wow Mali pala ko.
"What the hell, Top One?" His husky and manly voice whispered. Ano daw? Di ko siya maintindihan.
"You smell like that guy!" I commented.
"Lasing ka ba?" He asked. I don't even know this guy! He's just a look-a-like.
"Huh?! Hindi ha! I am completely sober!" I said. Because I am!
"I don't think so." Ha? Di ko na siya maintindihan kung ano-anong sinasabi niya, pa-english-english pa siya d'yan. Nakaka-stress.
"Look at me na lang!" I started to dance at patalon-talon pa ako, "Look! I am daaaaaanciiiiing!"
I'm a great dancer kaya! Dad told me.
"You are drunk, woman." Sabi niya pero patuloy pa din ako sa pagtatalon, "Who did you came with?"
"Ha?!"
"Who did you came with?"
"Ha?!"
"Sino kamo ang kasama mo?"
"Hatdog!" Tumawa ako nang malakas. Ang funny ko talaga!
Nakita kong pinisil niya ang tungki ng ilong niya. Eto naman si look-a-like may pa ganon pa, kiss ko siya d'yan eh!
May lumapit saking lalaki at sumayaw kasama ko. I don't know him, pero it looks fun kaya sumayaw din ako. I felt his hands on my waist pero sandali lang yon nang biglang may humila sakin papalayo.
I found myself getting dragged by this tall look-a-like of Theo-fucking-dore, in short, Boy Bastos. I wanted to shout pero hindi ko na kaya parang gusto ko nang matulog na lang.
Naglalakad kami palabas na ng bar. He suddenly stopped at may kinausap siya sandaling lalaki. I looked at the other guy, I was about to scan his face when he started dragging me again.
Gusto ko magprotesta pero hindi ko na magawa kasi liyong-liyo na ako sa paghila niya. Hila here, hila there, hila everywhere ang ginagawa niya sakin, sino ba namang hindi maliliyo?
"Damn it, woman." I heard him say, tsaka niya ako binuhat na parang sako. Wala na talaga akong maintindihan sa nangyayari, gusto kong sumuka.
He sighed while my eyes were half open, "Pahirap ka talaga sa buhay ko."
"SYET na malagket!" Bigla akong napabangon nang magising ako at sumakit ang ulo ko. I scanned the room where I was in.
Kumunot ang noo ko. Paano ako nakabalik dito sa bahay?
Sakto naman ay pumasok ng kwarto ko si Russel at humilata sa tabi ko. The bed bounced kaya tinignan ko siya at hinampas.
"Ouch!"
"Bakit ka ba andito?" I asked.
"Dito kami natulog. Puta, lasing na lasing kami kagabi. Buti si Tobi sobber kaya may driver!" Sabi niya sabay kuha ng unan at tinakip sa mukha niya.
"Wasted as hell ako kagabi 'no?" Tanong ko ulit. Para akong nagka-amnesia at hindi ko maalala ang pinaggagawa ko kagabi.
"Ewan! Nauna ka na samin, di mo kami inantay." His voice was muffled as he answered pero naintindihan ko pa din siya.
Kung hindi ko sila kasabay? Pano ako nakauwi? Wala naman akong driver at mas lalong wala akong kotse at hinding hindi ako magdadrive ng sarili ko. The fuck talaga di na ko mag-iinom kahit kailan.
Humiga ulit ako at dinaganan siya. Na-aray pa siya pero hindi ko na mapansin dahil nga sa sakit ng ulo ko.
Someone knocked at the door at bumungad si Manang Elsa with a tray on her hand. Nginitian niya ako at binigay sa akin ang gamot sa hangover pati tubig, "Grabe ma'am, pogi ng jowa mo ano?"
"Anong jowa, Manang? Nagpopropesiya ka ba? Thank you po kung ganon," Sagot ko sakaniya sabay inom ng gamot.
Inalog ko naman si Russel at inabot sakaniya ang gamot at tubig nang tumayo siya. Nang matapos siya ay kinuha ni Manang iyon at nilagay sa tray, "Diba ma'am, yung naghatid sayo kagabi? Di mo boyfriend yun?"
Kumunot noo ko, "Luh, Manang? Hibang lang?"
Napatawa naman siya, "Edi kung di mo yun BF, fling-fling lang kayo? O baka naman fubu? Yiee," tinukso niya ako at sinundot ang tagiliran ko.
Gusto kong masamid sa sinabi niya. Fling?! Fubu?! Pano niya nalaman yon? Mag-sixty years old na 'to si Manang tapos alam niya yon? How?!
Magtatanong pa sana ako pero umalis na siya at iniwan akong gulat. Pinag-iisipan ko kung how in the world did she know all about that?
OH MY GOD.
May fling at fubu si Manang?
Nawala ako sa pag-iisip ko nang bigla naman akong kurutin ni Russel sa hita ko kaya sinamaaj ko siya ng tingin, "Landi ha. May pa-fubu ka pa d'yan."
"What? Wala kaya!" I said. Kasi wala nga! Virgin pa lang ako tapos may ka-fubu pa? Sana ol na lang.
"Weh, defensive ka. Sumbong kita sa Mama mo," sabi niya sabay takbo pababa.
I hate him! Ang sakit na nga ng ulo ko, papatakbuhin pa niya ko!
No choice naman ako kundi sundan siya kahit na tibok ng tibok ang ulo ko to the point na gusto ko nang mabaliw. Naabutan ko naman agad siya at tumalon sa likod niya.
He was now carrying me piggy-back, at nakatakip ang isa kong kamay sa bibig niya. Nakita kami nila Tobi sa ibaba na mukhang nagbebreakfast na kaya tinawag niya ako.
Sinamaan ko muna ng tingin si Russel kaya tinawanan niya ako. Lumapit ako kay Tobi na nahigop ng kape niya, "Yes?"
Kinuha ko ang kape ni Radi na lumampas sa akin. I smiled at him at sinamaan lang niya ako ng tingin at naghihintay. Humigop ako sa kape niya habang nagsasalita si Tobi, "Mr Valencia told me to give you this."
Inilabas niya ang cellphone ko na ikinakunot ng noo ko, pinagpatuloy niya ang pagsasalita, "Mr Valencia, as Theodore Valencia. He said you were so wasted yesternight. Hinatid ka pa niya dito, dumbass."
Nanlaki ang mata ko at naibuga ang mainit na kapeng iniinom ko kay Radi na nasa harapan ko.
"ARAY, PUTA!" He exclaimed.
Hindi ko siya pinansin at hinarap si Tobi, "What did you say?"
"Hello? Kailangan ko dito ng isang malaking sorry galing sayo," Sabat ni Radi pero hindi ko pa din siya pinansin.
"Theodore Valencia wanted to give you this. Sabi pa niya baka daw maiwan mo na naman 'to sakaniya." Ulit niya. Kabang-kaba ako sa sinabi niya lalo na at napatigil sa pag-higop ng soup niya si Kuya pati si Ate at napatingin sakin.
Bigla namang lumitaw out of nowhere si Manang Elsa, "Oo nga, Ma'am. Yun fubu mo diba?"
Tinakpan ko ang bunganga ni Manang pero huli na dahil narinig na nila Kuya yon na ikinaubo nila. Shit! Shit! Shit!
Tawa naman ng tawa si Russel. Tinignan ko sila, andito pa ang mga pinsan kong kasama ko kagabi sa bar at pati si Seek!
Gulat na gulat sila sa narinig mula kay Manang kaya humarap ako sakanila at agad na nagpaliwanag.
"Pinky swear! Di ko nga alam na kasama ko siya kagabi!" Depensa ko.
"Ah, basta, magsorry ka muna sakin. Mas matanda ako sayo ayaw mo magsorry sa binuga mo." Sambit ni Radi na inirapan ko.
Wala akong pakealam ngayon sa pagbuga ko sakaniya, mas malaking problema ang narinig nila Kuya. Mamaya pati eto si Seek magsumbong kina Mom! This will ruin my reputation!
"Grabe, girl. Ang laki mo na, I'm so proud of you!" Julia exclaimed at kunyaring punas pa sa non-existent niyang luha kaya hinampas siya ni Ate.
Humarap sakin si Ate na busangot ang mukha, "Fubu mo si Mr Valencia?"
"For God's sake! Hindi nga sabi! Eto kasing si Manang napaka-issue! Bahala na nga kayo nakakastress ha!" Sabi ko. I am so not ready to deal with them kaya lumabas ako ng bahay.
So ma-issue!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro