Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

003

003




"PUCHA, liyong-liyo na ko sayo, 'Te."


Napa-upo ako at kinagat ang dulo ng hinlalaki ko. Kanina pa akong lakad ng lakad kasi iniisip ko pa din kung paano ko kukunin ang cellphone ko. Mamaya wala pala ang cellphone ko sakaniya ma-wow mali pa ko.


Ang tagal ba naman kasing makarating ni Ate. I need informations about Theodore's company at siya lang dito ang may alam tungkol doon. Also, kailangan ko na din ang phone ko.


Hindi naman ako makabili agad dahil short ako sa pera ngayon. Ayokong umasa sa pera nila Dad and I want to make my own money kaya nagtitipid pa ako ngayon. Lalo na at magbubukas na ang café ko.


"Can I borrow your phone?" Tanong ko kay Seek sabay ang paglahad ko ng kamay para doon niya ipatong ang cellphone niya.


Sinimangutan niya ko at umiling mas lalo namang kumunot ang noo ko, "Nako, Seek ha. Wala akong planong makipagbiruan sayo ngayon."


Because I really don't. Stress na stress na ako dahil ilang oras ko nang hindi nahahawakan ang phone ko, tsaka nagkakaanxiety na din ako dahil baka mabuksan niya yon o kung sino 'mang nakakuha non. I have all the passwords of every account I have on that phone! Pano kung mahack sila lahat huhu


"What's with this commotion, sweethearts?" Malambing na tanong ni Mom. Kakalabas lang niya galing sa office niya at umupo sa tabi ko.


Paulit-ulit ko nang kinwento sakaniya pero paulit-ulit din niyang sinusuggest na bibigyan niya ko ng pera pambili ng bago pero ayoko dahil nga nandoon lahat ng accounts ko maski pin ng ATM ko nandoon. Ba't kasi ang hirap tandaan ng mga password!


An idea passed through my mind kaya napatayo ako, "Mom, do you have the Valencia's email ad?"


Itinuro niya sakin na nasa computer niya kaya nagpunta ako doon. Why haven't I thought of this? Minsan hirap talaga magkaroon ng only one braincell!


Nakita ko naman agad iyon at nagsend ng email sakanila regarding their CEO and my phone. Ilang oras lang ang inabot noon bago sila makapag-reply. Nagpakilala na yoong secretary ng boss nila ang magbibigay sakin noon and they sent me the address. Gabi na kaya pinagpabukas na lang namin ang meet up para makuha ko na.


And I can't wait any longer. That phone is like one of the most important thing in my life, Dios Mio.






NAKASUOT ako ng simpleng mustard yellow tank top at high-waited shorts at naghihintay ngayon sa harapan ng Greenwich. This is the nearest place for both the parties kaya dito na ang pinili ko.


As much as I wanted to order pizza, I can't dahil kahapon ay nag-pizza lang ako. Masisira ang diet ko.


Medyo naiinip na ako pero wala naman akong magagawa dahil nga cellphone ko yun at sila din naman ang inaabala ko. So I have to give more patience.


As if narinig ang hiling ko na inip na ako, biglang may dumating na lalaki sa harapan ko. And damn it, bakit andito si Theo-fucking-dore?!


He was wearing casual clothes na parang hindi na niya pinili ng maigi unlike yesterday. Grabe ha everything suits him. So unfair!


Nang magtama ang tingin namin he muttered something na hindi ko na narinig pa. Mamaya minumura-mura na niya ako.


Huminga ako ng malalim, kalma lang, kalma lang. Bibigyan ko siya ng chance diba? Malay natin badtrip lang talaga siya kahapon diba? Pumikit ako at tinignan siya ng diretso.


I smiled, "Uhm, why are you here?"


He shrugged.


What do you mean by that?! Anong dapat kong gawin sa paggaganun niya? Wala akong maintindihan!


"Excuse me?"


Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay, may kinuha siya sa bulsa niya. It was his phone. He was trying to contact someone pero hindi iyon sumasagot.


Para kaming shunga dito. Magkaharap kami at paniguradong kunot na kunot ang noo ko sakaniya at siya naman itong parang ulagang nakatingin sakin habang panay ang pagdudutdot.


"Pucha ka talaga, Levi." Bulong niya na narinig ko naman agad. Akala ko pa nga ako minumura niya mag-eeskandalo na sana ako eh.


He looked at me matapos niyang ibalik sa bulsa ang cellphone niya, "My brother set us up."


Kumunot lalo ang noo ko, "Set up? Brother?"


Umiling siya.


Kailangan ko ng paliwanag dito oh! Hindi ko siya maintindihan dahil ang tipid tipid niya. Kahapon ang rude niya ngayon ang tipid. I hate this situation.


"I sent your phone to your company yesterday already. Haven't you received it?" Napabuka ang bibig ko sa sinabi niya. He sent it already? How?


"Pero nung nag-email ako sainyo, sinabi sakin na nasa inyo pa daw at ibibigay daw sakin ng secretary mo eh," I tried to keep myself calm and composed ayokong mag-super sayan dito nakakahiya pa naman.


"Nah, that was my brother." He replied. I heaved a sigh. Gusto ko na siyang pagbubugbugin dito pero nga may iniingatan akong image at gwapo siya sayang naman.


Tinignan uli niya ako, "GTG."


Unti-unti ay nagpuyos ako sa galit. GTG?! Tumalikod siya sakin at naglakad na paalis. I can't be embarrassed like this! Para akong harap-harapang nireject ng ka-blind date ko. Big capital letters for the word PARA kasi hindi naman kami magdedate talaga.


Hinablot ko ang pala-pulsuhan niya kaya napaharap siya sakin. Kahit na ang hirap niyang hilahin, hinila ko pa din siya papasok sa Greenwich. Rinig ko siyang nagrereklamo sa likod pero wala siyang nagawa ng umorder ako.


Hinila ko ulit siya papunta sa isang vacant table at doon umupo kami, "What am I even doing here?"


"Pang-bayad niyo dahil sinet-up niyo ko. This is your sorry," saad ko. Which is true ayokong magmukhang kawawa. Sa ganda kong 'to?


Umirap siya, "Dapat yung kapatid ko na lang ang inaya mo dahil parehas lang tayong nabiktima."


Napangisi ako, "Pero okay lang naman diba? Alam ko namang crush mo ako. You don't have to deny. If you wanted to see me, you could just tell me."


Sinamaan niya ako ng tingin, "In your dreams, Miss."


"Maka-Miss ka ha, Theo-fucking-dore."


"The what?"


Ngumiti ako at nagpapacute sakaniya. Good thing na dumating ang aming order. I ordered two lasagnas and one Hawaiian pizza. It smelled so good kaya nagutom agad ako. Sira na ang diet ko dahil dito eh!


"I hate pineapples." He commented which made me disgust my face, "But I hate you more."


Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya. I was about to snap when he started eating his lasagna. Ang kapal naman ng mukha nito! Ano namang ginawa ko sakaniya? As I remember, everytime na nagkikita kami even before, all I did was to be nice!


"Why do you even invite me here?" Dagdag na tanong niya.


"Because magmumukha akong shunga don sa labas! I need to save my face,"


"Didn't know you were a user."


"Ano?!"


"I won't repeat myself, Top One."


Wow. Top One. I remembered him always calling me that way before. Now I know na pang-iinsulto pala kapag tinatawag niya kong ganoon. I'll take note of that.


Naubos ang pagkain namin at kumuha ako ng pizza. Inalok ko siya pero tinignan lang niya ako. He's the rudest person ever!


Hindi naubos ang pizza kaya pinabalot ko yon. Nagpadagdag na din ako ng isa pa at saka tumayo na.


"Hey," I called out to him, "Thanks for coming."


"Ano ka crew ng Greenwich?"


Aambahan ko na sana siya ng suntok nang maaalala kong magbabait nga pala ako sakaniya. Kaya nginitian ko na lang siya, "Basta, salamat. Kahit na ang hirap mong pakisamahan."


Tumango siya kaya naman nagpunta na ako sa kung nasaan ang kotse na susundo sa akin when he suddenly called out. Lumingon ako and mouthed 'what' but he walked towards me.


"What now?" I asked.

He leaned forward. His move sent different feelings inside me na hindi ko maintindihan at ngayon ko lang naramdaman. Mas lalong amoy na amoy ang pabango niya. It was manly pero hindi ito ganoon katapang. Parang ayaw nang umalis ng ilong ko sa pag-amoy sakanya.


Damn, I can smell him all day!

Nakatapat ang mukha niya sa may tainga ko kaya ramdam ko ang paghinga niya. Kaunti pa akong nakikiliti dahil tumatama iyon sa balikat ko.


Binuksan niya ang labi niya na para 'bang may sasabihin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko! I've felt this before! And I didn't liked it. Tanda ko pa na the last time that I saw him on our RSPC awardings was just like this!


That's why it felt like a dejá vu! This scene happened before and this feeling is something I felt as well. At kahit ngayon hindi ko malaman kung ano ba 'to. Syet na malagket!


Napalunok ako when I saw him smirk, "Remember what I told you before, Top One?"


"W-What?" The heck! Calm yourself, Reign Samantha! I should be calm! Hindi dapat ako magstutter, magmumukha akong apektado sa presensya niya!


"That I'll be number one." He coldly said, "I'm number one now, right? You lost and now I'll continue winning."


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong mapapaihi sa kaba. Grabe ano bang nangyayari sakin?! Ba't di ako makasagot?


Tumuwid na siya ng tayo at nilampasan ako. I was still in shock. Ni hindi ko siya maintindihan. Akala ko nakaalis na siya pero bigla siyang nagsalita sa likod ko.


"I won't lose to you again, Zobela."






BINAGSAK ko ang katawan ko sa kama. Nakatulala sa kisame at iniisip ang nangyaring pag-uusap namin kanina.


Dapat hindi ko na lang siya hinila papasok at kumain! Nasayang ang iniipon kon pera. Tsaka that move is so stupid! Bakit ba ngayon ko lang napansin yon?


Tsaka yung mga sinabi niya kanina, hindi ko pa din siya ma-gets. Like, ano naman kung manalo o matalo? Di ko gets point niya. Kala ko pa naman CEO siya, ibig sabihin, matalino, bakit ganoon siya mag-isip? Parang grade three eh.


"Paano naman ako natalo sakaniya? Naglaban ba kami ng hindi ko alam?" Bulong ko.


Biglang may kumatok sa pinto at bumungad doon si Ate at winagayway ang pamilyar na cellphone-- my baby!


Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama, "Sorry, di ko agad naibigay sayo. You remember Layla? She gave it to me, nakita daw ng boss niya. I just don't know kung paano nila nalaman na sayo nga."


"Yeah, it's okay. Nagkaroon lang din ng misunderstanding." Sagot ko.


"To what?" She asked, di pa ako nakakasagot ay nagdagdag agad siya, "By the way, sa condo ko ako natulog kagabi. Na-flat tire kasi ako buti na lang malapit na ako sa condo kaya hindi na ako naka-uwi at hindi ko nabigay sayo."


Tumango-tango ako, "Okay lang! Basta nandito na 'to."


I immediately looked at my notes. Nandito pa naman ang mga pin and passwords ko sa kung saan-saan! Thank God they're all safe.


Napindot ko ang gallery ko at nakita ang isang unfamiliar photo. I don't remember taking this. Binuksan ko ang album ng Camera at nakitang si Theo iyon na mukhang aksidente niyang napindot ang camera.


There were two photos of him, one was him looking serious and the other was getting annoyed. Blurred ang kuha pero halatang siya iyon at halatang napindot nga niya.


That's like so funny for a CEO to have these kind of pics. Kakatuwa lang siyang babuyin sa isipan ko.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nagbukas ako ng Instagram at tsaka tinignan kung may account ba si Theo. Pero wala akong makita.


I remembered that girl na iniistalk ni Julia nung isang araw kasi nakamention doon si Theo. I just forgot what his username was. Pero siguro sa susunod na lang. Bakit ko ba pinagtutuunan ng maraming pansin 'yon?


Tinext ko muna si Quince para ichika ang mga nangyari. Nalaman ko din na hindi pala siya tumae kundi may nakita siyang kakilala at napasama siya. Muntik na sana akong magtampo pero sinabi naman niya sakin na it was her suitor kaya no comment ako at tinukso pa siya.


Marami pa kaming pinagusapan when suddenly an unknown number notified on my screen. Napakunot ang noo ko nang mabasa ko kung ano ang naandon.


Unknown

How was the date I made?


Baka nawrongsend o kaya pinagtitripan lang ako kaya dinelete ko na lang at hindi pinagtuunan iyon ng pansin. Mga tao nga naman sa panahon ngayon oh.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro