001
001
"CONGRATS, Reign! Ang galing galing mo talaga!" Nilingon ko agad si Ate na may hawak na maliit na bouquet ng bulaklak at inabot sakin.
Binatukan naman agad ako ni Kuya kaya sumimangot ako at sinigawan siya, "Bwisit ka!" Tumawa naman siya. Bonak talaga.
Kakatapos lang ng awarding ceremony ng RSPC at luckily nakapasok ulit ako. This is my last year kaya nakakatuwa kasi nakapasok pa ko, kala ko nga hindi na kasi ang gagaling ng mga kalaban ko tsaka ganda lang naman ang laban ko.
"Kuya, bakit ka ba nandito? Ba't di mo kasama babae mo?" Tanong ko nang humarap ako sa Kuya kong babaero. Madalas kasi wala siya sa mga okasyon dahil nga sa mga babae niya pero ngayon nakakagulat, nakakapang-wow.
"Pass muna ko don. Bagong buhay," Sagot niya na ikina-irap ko.
Hindi ko na sila masyadong nakausap pa nang biglang dumating ang adviser ng school paper namin at kinausap ako. She just congratulated me at nakipag-picture lang kami sa buong participants na ka-school mates ko.
Sinunod naman nila ang top five winner per category. Though nakakaawa lang talaga kasi top three lang naman ang magpoproceed sa Nationals. Bakit pa kailangan nilang isama yung fourth and fifth? Para saktan, ganern? Harsh naman nila.
By rankings ang ginawa nila, dahil first ako nandoon ako pinuwesto sa gilid, holding a medal and a certificate. May itinabi silang lalaki sa akin, he was tall kaya hanggang leeg niya lang ako. I always recognize him, he's also last year's second placer. His name was.. Theodore.
Matagal ko na siyang nakikita simula siguro first year pa ako, third year siya, at magkaparehas kami ng category na nilalabanan. Gusto ko nga sana siyang kaibiganin pero mukha siyang snob at masungit kaya wag na lang. Minsan nastalk ko na siya at famous sa sarili niyang school kaya isang malaking WOW na lang sakaniya kasi di ko din naman siya reach.
Pogi sana sungit lang tsaka di naman abot. Mamaya mabroken pa ko.
He's two years ahead of me at senior high na siya ngayon. It's my last year being a junior at last year ko na din as a journalist, unlike him na diniretso niya hanggang SHS.
After the picture taking, lumakad na ako paalis when a manly voice called me, "Top One."
Ako yon diba? Ako si Top One diba? O baka hindi nag-aassume lang ako?
Tumigil pa din ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. Para di masyadong pansin mamaya mapahiya ako kasi di pala ko tinatawag.
Nang makalingon ako ng tuluyan, nakatayo doon si Poging Theodore na seryoso ang mukha at nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko at itinuro ang sarili ko. Naglakad siya palapit sakin.
Eto na ba yun? Diba pag naglalakad palapit sayo ang lalaki, meaning n'on aamin siya o di kaya hahalikan ka? Diyos mio, fourth year pa lang ako pero sige kung siya, papakiss ako pogi niya naman pwede na magpalahi.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil mabilis itong tumitibok parang may nagkakarerahan sa loob. Kung ikaw ba naman kasi lalapitan ka ng isang pogi at matangkad at matalinong lalaki, sinong hindi kakabahan?
Seryoso niya kong tinitigan. Nakipag-titigan na din ako. Mamaya staring battle pala 'to bigla akong matalo, ayoko pa naman ng natatalo.
Bigla siyang lumapit sakin. Pumikit ako.
"The next time I see you, I'll be number one."
His low voice sent shivers down my spine, yung parang sa wattpad. Napamulat ako agad at nakitang wala na siya sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin at naglalakad na siya papunta sa mga kasamahan niya.
Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kahit na-wow mali ako kasi akala ko ikikiss niya ko, hindi pa din ako mapakali.
So.. he hated me? Di niya ko crush ganon?
TINAKPAN ko ang bibig ko nang bigla akong napahikab. This meeting is so boring ba't ba ko sumama dito?
The woman infront was saying things I didn't even bother to remember. Nandito naman si Ate para makinig bakit pa ko makikinig, diba? Sayang sa braincells.
"What do you think, Miss Zobela?" Biglang tanong noong girl. Dalawa kaming Miss Zobela dito, nakakaubos siya ng white blood cells.
Siniko ako ni ate kaya napa-ngiti ako sa nagsasalita at sumandal sa swivel chair na inuupuan, "I think it's fine as it is."
Tungkol lang naman 'to sa mga real estates na ipapatayo nila Dad. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako kung si Ate na naman ang naghahandle ng company namin. Maybe I'm here for moral support.
"Mr. Valencia told me to tell you that he will meet you tomorrow at the site. He asks for forgiveness, marami po kasing naka-line up na projects sakaniya." Sambit ng katabi ni Ate sa upuan, isa siguro siya sa secretary ni Mr Valencia.
While I wait for my sister to pack up, nagpangalumbaba ako sa table. What does Mr Valencia looks like? Siguro panot siya. Malaki ang tiyan dahil sa kakainom tuwing may gatherings pero at the same time kahit ganoon may authority sakaniya. Bansot din siguro siya and he might look old and strict.
Tumayo yung babaeng kausap ni Ate kanina kaya hinawakan ko ang kamay niya, "Not that I have romantic feelings for you ha, pero pangit ba yung boss niyo?"
Napakunot ang noo niya, "B-Boss po?"
Sinenyasan ko siyang lumapit sakin na ginawa nga niya, "Si Mr. Valencia. Your CEO. What does he look like? Is he ugly? Strict? Etcetera?"
She immediately widened her eyes na para 'bang gulat na gulat sa tinanong ko. Grabe naman makareact, gusto ko lang naman makichismis tutal yon din naman ang dahilan kung ba't ako sinama dito.
"N-Nako.. hindi ko p-po masasabing pangit si Boss.. G-Gwapo po 'yun," Sagot noong babae kaya pinakawalan ko na ang hawak sa kamay niya.
I pouted. Mukhang loyal ang mga alipores at alagad noong si Mr Valencia sakaniya. Not that I mind, okay lang naman na magsabi ng totoo ang nga empleyado niya. They don't need to lie for him, it's not that magbabackout kami.
But oh well, I salute his employees for their loyalty.
Tumayo na si Ate kaya bumuntot na ko sakaniya. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa elevator. She was talking at her phone kaya wala na din akong pakealam sakaniya at sunod-sunod lang ako.
When we reached the parking lot, nakita kami ng driver namin kaya nagdrive siya papunta samin. The whole drive was just Ate talking at her phone, nakikipagtalo sa mga nakakausap niya. Business things that I don't want to put myself into.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang PUBG tsaka naglaro na lang.
Naka-ilang game din ako bago kami nakarating sa bahay. When we arrived, dumiretso kami sa dining room dahil nandoon na din ang iba naming pinsan. Today's Saturday and every Saturday is Cousin Day.
Dapat ay sa isang bar kami ngayon pero dahil nagka-problem, dito na lang muna kami sa bahay. Pahinga muna atay sa alak, baka mamaya sunod-sunod kaming mamatay nito.
"Hey, bitches!" Matinis kong sigaw.
Wala sina Mom and Dad kasi nasa bakasyon sila dahil ayun daw ang retirement gift nila para sa sarili nila. They were with my younger brother Seek dahil wala daw silang tiwala samin, baka isama lang namin sa inuman.
Like as if mabibisto kami if ever na gawin ko yon as his beautiful ate. Seek needs to have the time of his life! Pero syempre I don't want him to be like Kuya dahil babaero yon at masama ang paglaruan ang feelings naming mga babae.
Kami ang manganganak para sa inyo tapos gagaguhin niyo lang kami?!
Napatingin sila samin ni Ate na kakarating lang. Nagtitili naman si Julia nang makita niya kami, "Oh em gee! Ang tagal ko na kayong hindi nakikita!"
"How's London?" Pangangamusta ni Ate at nakipagyakapan, "The same. London bridge isn't falling so it's all the same." Sagot naman ni Julia. She came all the way from London dahil kakauwi lang niya kanina, good thing dahil sumakto siya sa Saturday.
"Wala ka 'bang pasalubong d'yan? Like papi?" I asked. Ngumiti siya ng makabuluhan kaya lumapit ako sakaniya habang kinukutkot niya ang cellphone niya. She was sliding her index finger sa mga pictures ng iba't ibang lalaki.
I admire Julia talaga sa paghahanap ng lalaki. She's like FBI.
My other cousins, Tobi and Radi, were playing with their phones as they sat beside each other. Nakakunot pa ang noo nilang dalawa at pinagsisiko ang isa't-isa. Lumapit ako sakanila at sumilip sa nilalaro nila. It's that ML game.
"Puta wag ka diyan!"
"Sumunod ka sakin, bobo!"
"Ba't ba ako lang minumura mo?!"
Nagtatrashtalk-an pa silang dalawa kaya hindi nila ako napansin. Bigla kong pinindot ang power button ng cellphone ni Radi kaya namatay iyon na ikinagulat at ikinatayo naman niya.
It just gives me happiness whenever I successfully piss them off, lalo na si Radi.
"Pucha naman oh, Reign! Puchaaa!" Sinamaan niya ako ng tingin saka dali-daling kinutkot ang cellphone niya.
Tuloy-tuloy sila sa pagtatrashtalk when I saw Russel walking from the kitchen with a plate on his hand.
"Russie!" I leaped towards him at kumuha ng crispy pata na niluto niya galing sa kitchen. Nang maka-upo na kami ay tsaka nagsimula silang magsi-kainan. Radi and Tobi were sulking dahil natalo daw sila at may pabulong-bulong pa.
"How's your day, pangit?" Bungad niya. I made a face, sticking out my tongue kaya nang hihilahin niya ang dila ko, pinasok ko agad sa loob ng bunganga ko.
Damn, that was close!
Hindi na namin mahintay si Kuya kaya kumain na kami, "May babae na naman yon para namang di niyo yun kilala," Sabi ni Ate.
"Queue, potangena n'on ha. Inuuna babae niya kesa satin na kadugo niya? Ano to semen is thicker than blood?" Pang-iinsulto ni Radi, humilhil as support naman si Tobi.
"How's the deal with the Valencias?" Tanong ni Julia, "I heard the CEO is hot."
Parang nanlaki ang tainga ko sa narinig ko kay Julia. Hot? You mean as in scorching papi?
"My god, Julia. Di kayo talo mas bata siya sayo," Ate answered. Bigla namang nanglumo si Julia at umacting na broken hearted.
"Ayaw pa kasing tanggapin na ikaw ang magiging matandang dalaga dito," Pambabara ni Russel na katabi ko. I laughed at his remarks, mas lalong lumukot ang mukha ni Julia.
Mr Valencia.. a hottie, huh?
Natapos kami sa pagkain, it was somewhat peaceful dahil puro tungkol sa mga updates ng nilalaro nilang ML. Dahil wala naman akong alam panay pambabara lang ang ginagawa ko.
After the dinner they were debating which movie will we watch. Nakaupo na kami ngayon sa may living room at nagbobrowse sila sa Netflix.
"Bakit ba ayaw niyo na lang ng porno?" Asked Russel na ikinabusangot ng mukha ko.
"Really?"
"What?! Para maiba!"
"Eto na lang kasi!" Wala na silang magawa nang pinlay na ni Radi ang movie. I made a disgusted face kay Russel at umusog ng kaunti na ikinairap niya.
The movie was nice. It was about prisoners getting one whole ration of food. Foods were placed in a moving platform at base lang sa floor level ng mga prisoners ang pagkain nila, which is disgusting at nakakaawa.
Nasa kalagitnaan kami ng movie nang tumayo si Julia at nagpunta sa kitchen. I saw her phone kaya kinuha ko iyon. She was on Instagram and stalking a woman I don't know pero inistalk ko pa din kung sino man 'yon.
One picture caught my attention. It surely is familiar. Siningkit ko ang mata ko at inilapit ang cellphone sa mukha ko.
"Oh, oh, baka maduling," Russel commented kaya inirapan ko siya. So pakelamero!
Tinignan ko yung picture. It was the small girl which Julia was stalking pati ang isang very familiar guy. His features are so manly. I knew from one look that his jaw was very defined. Matangos ang ilong niya at may kakapalan ang kilay. His lips were pink and full.. I just want to kiss it..
Wait.. what? Kiss? Talaga? Ang landi ko ha.
Tinignan ko ang naka-mention na username at nanlaki ang mata ko. It was Theodore! The guy from journalism. The guy I had a tiny bit of crush on before!
Daaamn, he grew so matured and.. sexy. Pasado na sa Scorching Papi Level ni Julia!
Biglang dumating si Julia kaya binigay ko sakaniya ang phone niya, "Oh.. you know him?"
I just smiled at her.
He looked so handsome! Kaso may girlfriend na. Sayang naman papalahi sana ko. Pero there are still plenty of fish in the sea, diba? Tsaka as if naman magkikita pa ulit kami ano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro