Regrets
Ddalla's POV
"Zander please! Mahal kita. Wag mo namang gawin sa akin toh"
"I'm done with you"
"Please! Pakiusap! Wala akong matandaang may ginawa akong masama sayo. Mahal na mahal kita, Zander! Wag naman ganito" halos namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak at halos hindi na ako makatayo dahil sa kanina ko pa pagluhod sa pinakamamahal ko para lamang hindi niya ako iwan.
It shouldn't be like this! He's supposed to date me! It's our monthsary!
"I said I'm done with you! Hindi mo ba ako maintindihan?! Ha! Sawa na ako sayo! At girlfriend ko na si Noami!" napatigil ako sa paghagulhol dahil sa narinig ko.
Sawa? Sawa na siya sa akin? Ibig sabihin pala limitado lang ang pagmamahal niya?
At si Naomi? Y-yung kapitbahay lang namin yun ah. T-totoo pala ang sinabi niyang nanliligaw sa kaniya si Zander. Hindi ako naniwala kasi may tiwala ako kay Zander.
"H-how could you do this to m-me?" nauutal kong tanong sa kaniya.
Sinabunutan niya muna ang buhok niya at hinarap ako. "I.didn't.love.you. Ginamit lang kita para layuan na ako ng mga dati kong girlfriends, okay?! Kaya simula bukas, magpanggap ka nalang na wala kang minahal na Zander Lee" he said and walked away. Left me dumbfounded.
H-how, Zander? Paano ako magpapangap?
• • • • •
"Nak, gising na. May pasok ka pa oh"
Nagising ako at mukha kaagad ni mama ang nakita ko. Ngumiti siya sa akin pero nagtatago nama duon ang matinding pagkaawa sa akin.
She sigh. "Namumugto pa din ang mata mo nak. Gusto mo absent ka muna ngayon at magpahinga na lang?" she suggest.
"Ma, hindi pwede. May review kami ngayon para sa second prelim" pagtutol ko.
"Pero makikita mo nanaman siya" she said sadly.
Alam niya ang nangyari samin ni Zander. Hindi siya nagalit sakin, she even comforted me. Si papa ang galit sakin.
Huminga naman ako ng malalim. "Galit pa po ba si papa sa akin?"
"Hindi na masyado tulad ng kagabi. Sinabi na kasi namin sayo na wag mo na ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking yon. Alam mo namang kilala yon na player sa school niyo"
"Sige na po ma. Maliligo na po ako" I suddenly change the topic. Ayaw ko na ulit siyang pag-usapan.
Tumango naman si mama at lumabas na ng kwarto. Ako naman ay naligo na at ginawa ang mga morning rituals. Pagkatapos bumaba na ako ng bahay para kumain. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako kaya nagpaalam na ako kay mama. Nagpaalam na rin ako kay papa pero hindi niya ako pinansin. He's still mad.
I took 15 minutes bago nakarating sa school. Pagkapasok ko sa room ay wala pang teacher na naroon. Tinignan ko ang orasan at napag-alamang 10 minutes late na ang chemistry teacher namin. Hindi naman yun pwede umabsent. Wala yun sa vocabulary niya.
Natigil ang pag-iingay ng biglang nagmamadaling pumasok ang teacher namin.
"I'm sorry class, I'm late. May bago kasi kayong classmate" she reported at biglang may pumasok na isang lalaki.
Bigla naman nagtilian ang mga kababaihan dito sa room. Hindi naman kasi paipagkakait na may taglay itong kagwapuhan at tindig.
"Good morning, everyone. I'm Oliver Salvador. Came from Canada, but don't worry I'm pure Filipino" then he smiled.
I immadietly examine him. He's not obvious na pilipino siya. Maputi siya, gray ang buhok at ang lalong napansin ko sa kaniya ay ang napakagandang kulay abo niyang mata.
Bigla niya naman akong nilingunan at nginitian. Kaagad naman akong naglihis ng tingin. Sh*t! He caught me staring at him. Nakakahiya!
"So, Mr. Salvador, kindly seat behind Ms. Gonzales" sabi ng teacher namin.
Seryoso ba siya? Bakit sa tabi ko pa? May katabi naman ako ah. Kaso lang absent siya ngayon.
Now what, Ddalla? Nakakahiya yung ginawa mong pag-examine sa kaniya. Yan tuloy naaiilang ako.
He suddenly sit beside me and smiled.
Kanina pa to ngiti ng ngiti ah. Hindi ba nangangangawit ang bibig neto?
Inilihis ko na ang tingin ko at sa harap na lang tumingin. Nagsisimula na pala ang chemistry teacher namin.
~KRING~
Hay sa wakas! Lunch time na din. Masaya akong lumabas ng room kaso bigla itong nawala ng nakita ko siya.
He's with Noami
Hindi ko alam na ang sakit pala talagang makita siyang masaya sa ibang babae.
Ganyan na ganyan kami nuon. Sobrang sweet. Napaka gentleman niya. Kaso bigla nalang siya naging manhid nung malapit na ang monthsary namin. Hindi ko nalang yun pinansin dahil buong akala ko may gagawin lang siyang surprise sa akin. At tama nga, na surprise talaga ako. Dahil sa mismong monthsary namin, duon niya biniak ng pinong pino ang puso ko.
I felt waters in my eyes. Sh*t! I'm crying again! How many times na sasabihin ko sa sarili ko na pagod na akong umiyak. Pagod na akong umiyak ng dahil sa kaniya.
I was suppose to rub my tears when someone gave me a handkerchief. Tinignan ko kung sino ang nagbigay. Laking gulat ko ng makita ko si Oliver na inaabot ang panyo at nakangiting nakatingin sa akin. Tinangap ko naman ang panyo.
"Looks like you're broken" he said. It's not a question but a statement.
"H-hindi ah! Napuling lang ako" I lied.
"A girl like you is not good at lying. So, if you have a problem why won't you tell me" sabi niya.
"I don't know you that much"
He sigh. "I see that you don't trust me. Well, ....... That hurts" he said then chuckled.
"It's not like that. Hindi lang ako comfortable" pag aamin ko.
"Oh, dahil ba sa pagtingin ko sa'yo kanina sa room?" tanong niya. I nodded.
"Sorry about that. Ikaw lang kasi ang nakapukaw ng atensyon ko"
Naguguluhan ko naman siyang tinignan. "uh?"
"I mean. Ikaw lang kasi ang pinakamaganda sa room niyo, that's why" medyo nahihiya niya pang sabi habang kinakamot ang batok niya.
He looks cute!
"Bolero ka pala noh" I jested.
"Hindi ah. Ako kasi yung lalaking nagsasabi ng totoo sa mga babae"
After hearing what he said, I suddenly remembered Zander. Yun din kasi ang sinabi niya eh.
"Hey, did I say something wrong?" nabaling naman ang paningin ko kay Oliver.
"W-wala. May naalala lang ako"
"Oh? I think that's private. So, if you don't mind. Payag ka bang sabay tayong kumain?" He shyly asked again.
Napaisip naman ako. Tutal masaya naman siyang kausap kaya wala naman sigurong masama kung papayag ako.
"Yeah. It's fine with me" bigla namang siyang ngumiti.
"Let's go!" sabi niya sabay hila sa akin.
• • • • •
Walang araw na hindi ako kinukulit ni Oliver. Lagi siyang sunod ng sunod sa akin. Wala naman akong magawa kundi tumawa ng dahil sa kakulitan niya.
Napaisip nga ako na kung siya kaya ang una kong nakilala. Siya kaya ang mamahalin ko?
That's possible. He's a full package guy. He has it all. Rich, talents, smart, tall, well-built body, and of course, good looking.
Kaya nga nagtataka ako ngayon dahil bigla bigla nalang tatawag at sasabihing magkikita kami sa park ng alas otso ng gabi. Mabuti nalang at sabado ngayon kaya nakapaghanda na ako. Hindi naman din niya sinabi kung ano ang gagawin namin duon. At saka lately, naweweirdohan na ako sa kaniya. Lagi niya akong tinutulungan sa mga assignments ko kahit madali lang. Hinahatid sundo niya din ako sa bahay. Kung makaasta eh parang boyfriend ko.
Hindi ko alam na may lalaki pa palang nage-exist katulad niya. Hindi tulad kay Zander na pinaglaruan lang ang mga damdamin naming mga babae.
Masaya nga ako ngayon kasi unti unti ko na siyang nakakalimutan eh. At dahil yun kay Oliver.
Mabilis lang akong nakarating sa park at kaagad hinanap si Oliver. Kaagad ko naman din siyang nakita.
"Oliver" tawag ko sa kaniya.
"Oh? Kanina ka pa ba?" tanong niya.
"Actually, kakarating ko lang. By the way, bakit mo ba ako pinatawag?" tanong ko.
"Malalaman mo" nakangiti niyang saad at hinila ako papasok ng ferris wheel.
Ng makapasok na kami ay kaagad niya naman akong niyakap. Naguguhan ko siyang tinignan.
"Anong problema? Bakit ka nagkakaganyan?" Taka kung tanong.
Yumuko naman siya at ang kaninang masayang ngiti niya ay napalitan ng lungkot. "Akala ko sapat na ang mga kinikilos ko para malaman mo kung ano ang nararamdaman ko sa'yo" nakayuko niyang sabi.
Pilit ko siyang pinapaharap sa akin ngunit nagmamatigas siyang nilalayo ang mukha sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan"
"Ddalla, pagkatapos mong marinig ang mga sasabihin ko ay sana walang magbabago sa pakikitungo mo sa akin. Hindi ko man mababago ang pagmamahal mo sa kaniya, alam kong may araw din na makakalimutan mo siya"
Inililing ko ang ulo ko. Hindi ko siya maintindihan! Anong pagmamahal? Si Zander ba ang tinutukoy niya?
"Just spill it out, Oliver " sabi ko.
"Ddalla, mahal kita. Hindi mo ba nakikita yon? Lahat ng mga ginagawa ko sayo. Lahat ng gusto mo binibigay ko kaagad. Handa akong maging rebound para makalimutan mo lang siya. Mahal kita, Ddalla. Matagal na" pag aamin niya.
"Ano? Kailan mo pa ako minahal, Oliver? Bago pa lamang tayo nagkakilala. Hindi ba't masyado mo naman akong mabilis minahal?" nagtataka kong tanong.
For pete's sake! Dalawang buwan pa lamang kami nagkakilala. Tapos sasabihin niyang mahal niya na kaagad ako?
"Walang pinipiling oras ang pagmamahal, Ddalla. Pero kung masyado itong mabilis sayo. Handa naman akong maghintay" sabi niya at niyakap ulit ako. Pero sa pagkakataong to. Isang yakap ng lalaking tunay na nagmamahal.
Bigla namang nagkaroon ng fireworks. Handa na ba akong magmahal ulit?
• • • • •
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng may marinig akong bulungan sa may gilid.
'friend narinig mo ba yung tsismis na break na sila Zander at Noami?'
'Hindi, bakit anong nangyari?'
'Pinahiya ni Zander si Noami kanina duon sa Cafeteria'
'And saklap naman'
Hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig dahil maiinis lang ako. Ang sama niya! Pagkatapos niyang paasahin ang mga babaeng tulad namin, iiwan niya kaagad! Ipapahiya!
Bigla namang may yumakap galing sa likod ko. "You look mad. Something happened to you?" tanong niya.
"Nothing, lets go" sabi ko at naglakad na. Sumunod naman din siya sa akin.
Pagkatapos nung moment namin ni Oliver sa park ay nagpaalam siyang liligawan niya ako.
At dahil nakikita ko naman ang pagsisikap niya tuwing nililigawan niya ako. Duon ko lang nakumprima na seryoso siya sa akin. At alam ko naman din sa sarili kong gusto ko na din siya kaya last week lang ay sinagot ko na siya. Sobrang tuwa niya nga nun at binuhat pa ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko din ma-explain kung gaano ako kasaya nung araw na yon.
I'm happy that he's already part of my life.
Hindi naman din nagtagal ang klase namin kaya kaagad na kaming nakalabas. Nakita ko pang hindi mapakali sa kaya kaagad ko siyang pinuntahan.
"Oh? Anong problema?"
"Ddalla, magpapaalam lang kasi ako. Emergency eh"
Kaagad ko naman siyang sinuntok sa braso niya "Eh emergency naman pala! Bakit kailangan mo pa akong hintayin para magpaalam?!" naiinis kong sambit.
"Ayaw lang kasi kitang mag alala sa akin kung sakaling hindi mo ako makita" sabi niya.
"Ikaw talaga! Ano ba kasi yung emergency?"
"Yung kapatid ko kasi binubugbog ngayon ng daddy ko kasi nakabuntis siya ng babae. Baka mapano na yung kapatid ko. Oh sige ah! Ingat ka! Bye, I love you!" sabi niya at mabilis na tumakbo papuntang kotse niya at pinaharurot ito.
Nakabuntis? Grabe yun ah!
Tumalikod na ako pero may tao akong hindi inaasahang makikita. Lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang hagitin ang braso ko at hinatak papunta sa likod ng school.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya.
Desperado niya akong tinignan. "I'm sorry"
"What?" naguguluhan kong tanong.
"I'm very very sorry" sabi niya ulit, at for the first time. Nakita ko siyang umiyak.
Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin at yumuko.
"I'm sorry for everything, Ddalla. Please give me a chance. Another one last chance, please? I won't hurt you this time. I promise. I still love you, Ddalla. Believe me. I still do" umiiyak niyang sabi.
Oh god, how? Naka move on na ako, Zander. Hindi na kita mahal. Sinaktan mo ako. Once is enough, Zander. Ayaw ko na.
"Then explain"
Bigla niyang tinaas ang mukha niya at tinignan ako. "Explain what?"
"Why did you chose to hurt me?" buong tapang kong tanong. Why, Zander? I want to know your answer.
"I.....I don't know. Wala ako sa sarili ko noon. Akala ko sa sarili ko na ginamit lang kita para lubayan na ako ng mga babae na habol ng habol sa akin----"
"At nagtagumpay ka" I cut him out.
"Yes, nagtagumpay nga ako pero imbes na masaya ako, iba ang naramdaman ko nung hiniwalayan kita. Sakit, Ddalla. Sakit ang naramdaman ko nung hiniwalayan kita"
Hindi ako umimik at tinignan lang siya. Don't make it hard for me Zander.
"And that's when I realized that I already fell for you"
I'm sorry, Zander. You broke my trust.
"But you're too late"
"Yes I know. You already have Oliver" malungkot niya saad.
"Yes" I stated.
"Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko sa'yo, Ddalla. Believe me. I really regret what have I done to you. And before I let you go, I just wanna say........... I'm sorry"
-the end-
By Quinsycho
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro