PROLOGUE
"NO! Please, no," pagmamaka-awa ko sa kaniya habang yakap-yakap ang hubad, puno ng pasa at sugat-sugat kong katawan. Sumiksik ako sa sulok ng kwarto, nagba-baka sakaling bigla itong magkaroon ng buhay at lamunin na lamang ako upang hindi na ako masaktan ng demonyong nasa harapan ko.
"Bakit? Ayaw mo na ba? Ha?! Ayaw mo na?!"
Tila ba dumadagundong na kulog ang boses niya sa apat na sulok ng madilim na kuwartong iyon na ang tanging tanglaw lamang ay isang lampshade na nasa side table ng kama.
Natatakot ako sa itsura niya. Para siyang leon na gusto akong lapain at gutay-gutayin. Ang mga tingin niya'y tila tumatagos sa kaibuturan ko. Gusto kong magtago... Lumayo sa kaniya ngunit wala nang lakas ang mga tuhod ko. Nanlalambot ito at nanginginig maging ang aking mga kamay.
Nanlilisik ang mga mata niya habang humahakbang papalapit sa 'kin. Ramdam ko ang hapdi habang dinaraanan ng mga luha ang mga sugat sa aking mukha.
"Huwag... Maawa ka... Huwag..." mahinang hikbi ko.
Ngunit tila siya bingi na hindi narinig ang pakiusap ko. Hindi... Demonyo siya!
Marahas niyang hinablot ang buhok ko sabay hawak ng mahigpit sa leeg ko. Tila hihiwalay na ang buhok ko sa anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko lalo na nang hilahin niya ako patayo at ubod-lakas akong inihagis sa kama. Nakaramdam ako ng pagkahilo nang tumama ang ulo ko sa head board. Ngunit hindi pa man ako nakakabawi ay muli na naman niyang hinila ang buhok ko saka ako marahas na hinalikan sa noon ay putok ko nang mga labi dahil sa pananampal niya. Wala na akong magawa kung hindi ang mapapikit na lang dahil ni hindi ko na maitaas ang mga kamay ko upang pigilan siya. Naisin ko mang magpumiglas subalit lupaypay na 'ko. Nais ko na lamang mawalan ng hininga sa mga oras na 'to. Hindi ko na kaya...
"Bakit hindi mo tinutugon ang mga halik ko? May iba na ba? Ha?! May iba ka na ba kaya hindi ka na masaya sa 'kin? Sumagot ka!" Pakiramdam ko'y mabibingi na 'ko nang sigawan niya ako habang hawak pa rin niya ako sa buhok.
Muli niya akong sinampal nang pagkalakas-lakas, pakiramdam ko'y hihiwalay na ang ulo ko sa katawan ko hanggang sa unti-unti na itong namamanhid. Umiikot na ang paligid ko't tila nasusuka ako. Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit at hindi ko na maigalaw ni kahit anong bahagi ng katawan ko. Naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng mainit na likido sa aking mukha saka ako tuluyang napapikit.
"Akin ka lang, Lia. Naiintindihan mo? Akin ka lang!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro