Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER ONE



   "ISANG classic iced coffee saka iced mocha sa 'min, Miss."

   "One classic iced coffee and one iced mocha. Noted po, Sir," masiglang sambit ni Karen sabay ngiti sa kanila.

    Agad niya namang ibinigay ang lista ng mga order sa akin saka muling kinuha ang order ng bagong dating na customer. I can't help but smile while making their iced beverages. It's just that until now, I still can't believe that this business will boom... To think na ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang simulan namin ang negosyo na 'to. Ito na ang nagtaguyod sa pang-araw-araw na panggastos namin ng anak kong si Ryle. Hindi na ako nagiging pabigat sa mga magulang ko, unlike dati na ultimong pambili ko ng napkin ay sa kanila pa kukunin.

    It's already 2 in the afternoon at kapag ganitong mga oras ay siyang pagdagsa ng mga customers. Sa plaza ng San Manuel kami nakapuwesto; near the playground, and it was a good choice na i-p-in-ush namin itong mobile café dahil patok na patok ito lalo na sa mga teenagers na mahilig magpa-picture. May iced coffee ka na, may libreng photograph pa. O, 'di ba...  Sa'n ka pa?

    "Classic brewed iced coffee," tawag ko sa pansin ng um-order nito.

    "I think that's mine."

    Isang lalaking moreno at sa hinuha ko'y nasa kulang anim na talampakan ang tangkad, ang nakita kong lumakad papalapit sa counter. Nakaupo kasi siya sa isang bench malapit sa gate ng playground.

     "Here's your order, sir. Enjoy your coffee!" sabi ko saka siya sinuklian ng isang matamis na ngiti.

     Ang singkit niyang mga mata ay mas lalo pang lumiit nang gumanti rin siya sa akin ng malaking ngiti.

   "Thank you. Buti na lang may Café na katulad nito, 'no. I like your idea," aniya sabay sipsip sa straw ng iced coffee niya.

   Hindi na 'ko nagsalita pa't ngumiti na lang muli sa kaniya.

   Akmang aalis na siya nang makita siya ni France.

   "Ah, sir. Sa'n mo gusto magpa-picture?" tanong ni France sa lalaking customer na kausap ko.

     Agad naman siyang bumaling sa akin saka ako tinanong, "Uhm. Mind if I take a picture with you?" Bakas ang pag-aalinlangan sa boses niya.

     Wala na 'kong nagawa kundi pumayag na lang. Marahan akong tumango bilang tugon saka siya binigyan ng isang matipid na ngiti. Sa tingin ko kasi ay hindi magiging maganda sa reputasyon ng negosyo ko kung magiging snob ako sa customer ko. And it's the first time na may nag-ayang magpa-picture sa 'kin. Just... Wow!

    Umikot ako papunta sa harapan at agad naman niya akong nilapitan. There's still a little space between us kaya naman hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Tumingin na ako sa harapan ngunit ang lukot na mukha ni France ang nadatnan ko. Bahagya akong napatawa sa reaksiyon niya, gayundin ang katabi ko.

    "Ano'ng klaseng mukha 'yan, France? Para kang kumain ng sampalok, a. Hahaha... Are you gonna take a picture of us or what?"

      "Medyo dikit naman kasi madam, masyado kayong distant sa isa't isa, e," agad niyang tugon saka nag-pout.

      "Kaya nga naman. Magdikit naman kayo, kunwari close kayo," sabat ni Karen na nasa likuran ko na pala.

      Napalingon ako sa lalaki. Nakangiti siya ng malapad saka bahagyang napakamot sa ulo. Lalong naningkit ng kanyang mga mata dahil sa pagngiti niya. He looks cute.

       Nagkibit-balikat ako saka bahagyang dumikit sa kanya. "O, ayan. Okay na ba, Mr. Photographer?" Napangiti naman si France saka inihanda ang camera niya't itinutok sa amin.

       "1... 2... 3... Say coffee..." ani France.

       "Coffee..." sabay naming tugon ng lalaking katabi ko saka ako nakaramdam na may humawak sa baywang ko. Magaan lamang iyon ngunit tila ba napaso ako sa init na dala niyon. Tila tumagos iyon sa cotton shirt na suot ko.

       Ngiting-ngiti si France habang tinitignan niya ang picture namin. Nang lingunin ko ang lalaking katabi ko ay sa iba nakabaling ang tingin niya. Alam kong nakangiti ito habang sumisipsip sa straw ng iced coffee niya dahil sa mga mata niya. Matangos rin ang ilong niya at maninipis ang kanyang mga labi. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang namumula niyang tainga.

    "Huy, titig na titig ka diyan. 'Pag 'yan natunaw..." bulong sa akin ni Karen sabay sagi sa kaliwang balikat ko. Doon lamang nagising ang diwa ko saka bumalik na sa puwesto ko sa likod ng cart.

    "Thank you, miss...?" he suddenly said as if asking my name.

     "L-Lia." Matipid ko siyang nginitian.

     "Thank you, Ms. Lia. You're coffee is great. No wonder, maraming bumabalik-balik dito. By the way, ako nga pala si Daryll." Sabay lahad ng kanang kamay niya sa akin.

     Tinanggap ko naman iyon at sa pangalawang pagkakataon, I felt the warmth from his hand. Tila ba napaso ako kaya agad kong binawi ang kamay ko.

     "Oh, sorry. Nga pala, alis na 'ko, Ms. Lia. Thank you ulit." Ngumiti na naman siya ng malapad saka marahang tumalikod at nagsimula nang maglakad.

     Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa may biglang tumapik sa 'kin.

    "Hmm... Ano 'yan? Kanina ka pa titig ng titig sa kanya, ha. Naku, mars... Na-love at first sight ka sa kanya, 'no? 'No?" pang-aasar ni Karen sabay tulak ng mahina sa 'kin.

    "Oy, hindi ah. Grabe... Love at first sight agad?" sabat ko naman.

    "Weh? Maniwala... Kita ko sa mga mata mo, mars! Naku! Hahaha... Kung nakikita mo lang sana ang itsura mo kanina habang nakatingin ka sa kanya, malamang hindi mo na itatanggi."

     Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, ang daming napapansin ng isang 'to.
                                        







      "HAY, sa wakas! Makakauwi na rin," ani Karen saka bahagyang nag-unat ng mga kamay.

     "Nga pala, sabado na bukas. 'Wag mo kalimutang i-check kung sinu-sino ang mga suki natin this week, ha," paalala ko kay France saka bahagyang ngumiti.

     At the end of every week kasi, nagbibigay kami ng reward sa mga solid na suki namin. A free iced beverage of their choice—isa sa mga rason kung bakit bumabalik-balik sila dito para bumili. Salamat sa matabang utak ng best friend kong si Karen dahil siya ang nag-isip ng pakulong 'yon. Si France naman ang nakaisip na kuhanan ng picture ang mga customer habang hawak ang binili nilang drinks at pagkatapos ay ipo-post niya lahat sa page ng mobile café at the end of the day.

    Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko yata makakayanang mag-isa 'to. They were like angels that heaven has sent para tulungan ako. Isa sila sa mga napaghihingahan ko ng sama ng loob no'ng mga panahong sukong-suko na 'ko.  They held my hand without hesitations and with that, I'm very grateful.

    "Mars, umiiyak ka ba? Anyare sa 'yo?" kunot-noong tanong ni Karen sa 'kin.

     Do'n ko lang napansin na naglandas na pala ang mga luha sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan. Matipid ko siyang nginitian saka biglang niyakap.

   "Thank you, mars," pabulong kong sabi sa kaniya.

   "Oy, ba't may yakapan na nangyayari? Pasali din ako mga bruha!" Bahagya naman kaming natawa ni Karen dahil sa sinabi ni France.

    Lumapit siya sa 'min saka yumakap ng mahigpit.

    "Thank you talaga, guys," naluluha na namang turan ko.

    "Tara na nga, umuwi na tayo!" basag ni France sabay kalas sa pagkakayakap sa 'min.

    "Hahaha...  Kahit kailan talaga, panira ka ng moment!  Baklang 'to!" asar ko naman sa kaniya.

    "Che! Lagi ka na lang kasing nagda-drama. Lumablayp ka na kasi!"

    "Kaya nga, mars! Saka, ehem... Bet ko 'yong si Papa Kit," aniya na halatang kinikilig dahil sa lapad ng pagkakangiti.

    Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Papa Kit? Sino 'yon?"

   "Sino pa ba?  Eh, 'di si Daryll."

   Pagkatapos ay sabay nila akong kinantiyawan at hindi talaga nila ako tinantanan hanggang sa makauwi na kami.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro