Special Chapter
Ito yung Chapter 10 sa TAOAONS. Tinanggal ko lang yung parts nina Moira. Nilagay ko na lang dito kasi nanghihinayang ako sa tinype ko. After four days kasi, nakaisip na ako ng kadugtong, kaso hindi pala 'worthy' as next chapter ng The Aftermath. Mag-iisip na lang ulit ako ng bago. Ge. Di ko na inayos 'to ha. Kung halata mang may cut, yaan nyo na.
--
Red received an alarming phone call from her yaya. Wala raw tigil sa pag-iyak si Kylie. She doesn't eat or sleep. Iyak lang daw ito nang iyak. She asked Ela and Ariesa to bring Kylie over, since pupunta naman doon ang dalawa. They said they wanted to see Moira. Na-curious kasi ang mga ito nang magkwento si Vico.
She waited anxiously at the meeting room. Halos hindi na siya makapakinig sa meeting dahil sa sobrang pagwo-worry. But she's not the only one. Kanina pa rin wala sa sarili si Vince.
Moira returned to work that morning. Present din ito sa meeting. While Moira's composed, Vince seemed... lost. It's a good thing that Dani's there. Dani's over that depressing phase while Vince is just starting. Mukhang masaya na ito sa buhay nito ngayon, lalo na't may pangalawa na itong anak with Meg, who's just months older than Kylie.
"Red?"
She was startled. "Yes?"
"Do you have any question?" Dani asked.
Umiling siya. "None."
"Vince?"
"I'm good," sagot nito.
They concluded the meeting after that. Nauna na siyang lumabas dahil nakatanggap na siya ng text message mula kay Ariesa saying na malapit na ang mga ito. Dumiretso siya sa parking lot at doon naghintay.
Maya-maya ay natanaw na niya ang kotse ni Ela. It's hard to miss dahil kulay dilaw iyon. Regalo ng mapapangasawa nito.
Pagka-park ng kotse ay agad na bumaba si Ariesa mula sa backseat. Nakita niyang kinuha nito si Kylie. Pulang-pula na ang mukha nito kaiiyak. Kylie started thrashing in Ariesa's arms when she saw her. Agad siyang lumapit at kinuha ito mula kay Ariesa.
Kylie immediately stopped crying.
"Hi, baby kong iyakin." She kissed Kylie's cheek. "Look at you."
Pinunasan niya ang mukha nitong puro luha at sipon. Lumapit si Ela dala ang mga gamit nito. The two girls were looking distressed.
"Grabe, ate. Simula bahay nyo hanggang dito, umiiyak 'yan."
"Sorry, girls. Babawi ako sa inyo, promise."
She turned to Kylie. Nakatingala ito sa kanya, with a frown and a pout.
"Miss mo na si mommy, baby? Hmm? Give mommy a kiss." Inihaya niya ang pisngi. Humalik naman ito sa kanya. She wrinkled her nose. "Ay, puro sipon."
Kylie smiled.
"Don't cry again, okay? Dapat palagi kang naka-smile para pretty lagi. Okay? Say okay."
"Oh-kay," Kylie responded.
Hinalikan niya itong muli. She led the girls to the elevator.
"Busy ba si kuya Vince? Aayain sana namin syang mag-lunch e."
"I don't know. Baka sasabay syang mag-lunch with the executives."
"Sayang naman!"
"Dapat kasi tinawagan nyo muna para sure," sabi niya sa mga ito. "Di ba, baby?"
Kylie's sucking her thumb. Mukhang gutom na ito. Pawis-pawisan na rin ito. Strands of her hair are sticking to her face dahil sa pawis.
"May dala kayong damit?"
"Yes, ate. Saka yung biscuit nya. Tapos may formula na rin."
Lumabas sila ng elevator papuntang lobby and boarded another one paakyat naman sa office. First time niyang dinala ang anak sa office kaya naman nakaagaw ito ng atensyon.
"Ma'am, ang cute cute naman po ng baby nyo!"
"Hi, baby!"
"What's your name?"
"What's your name daw?" pag-uulit niya sa anak. Nakatitig lang ito sa mga nagtatanong.
Kylie remained quiet in her arms hanggang sa makarating sila sa opisina. Nagpabili na lamang siya ng lunch kay Vico. Sina Ela naman ay dumiretso na sa office ni Vince para ayain itong mag-lunch.
--
Pinalitan na ni Red ang damit ni Kylie. Mukhang guminhawa ang pakiramdam nito dahil kanina pa ito nakangiti sa kanya. Napainom na rin niya ito ng gatas. Now, Kylie's just walking around her office. She took the opportunity to eat. Kumakain na rin si Vico sa tabi niya.
Inilalayo na lamang nila ang pagkain kapag lumalapit si Kylie at pilit iyong inaabot.
"She doesn't talk much, 'no? Hindi nagmana sa pagkamadaldal mo," puna ni Vico.
"Madaldal 'yan. May times nga lang na gusto lang nyang mag-observe."
Pumunta si Kylie sa naka-lock na pinto at pilit na pinipihit ang doorknob.
"Baby, it's locked," sabi niya sa anak.
Lumingon si Kylie at lumapit sa kanya. She pulled on her hand. Tumigil siya sa pagkain at saka sinundan ito.
"Do you want to go out?"
Kylie pounded at the door with her little fist and looked up to her.
"Where do you want to go?"
"Dada," sagot nito.
"Dada's not here, baby."
"Dada! Dada!"
Kinalong niya ito at saka siya bumalik sa upuan niya. She put Kylie on her lap. "Let's just call dada for now, okay?"
She picked up her phone and called Troy. Sumagot ito sa unang ring pa lang.
"Hey."
"Hinahanap ka ni Kylie," sabi niya sa asawa.
"She's there?"
"Yep. Heto kausapin mo. Nang-aagaw ng phone e." She pressed the phone on Kylie's ear. "Baby, here's daddy."
"Dada!" Kylie giggled. Tumingala ito sa kanya, ngiting-ngiti. Then she made a series of unintelligible sounds. She crouched down to hear what Troy's saying to their daughter. Kumakanta pala ito kaya tawa nang tawa si Kylie.
"Akala ko nagju-joke ka," she told Troy.
He stopped singing. "Ha? Bakit?" tanong nito.
"Kasi tawa nang tawa si Kylie. Boses mo pala yung pinagtatawanan nya."
Vico laughed. "Hard!"
"Hald!" pag-uulit ni Kylie.
"True! Appear!"
Nakipag-high five si Kylie kay Vico, then she gripped her phone and started playing with it.
"Da! Dadadadada!"
"Wala na si dada. In-end mo yung call e," sabi niya rito.
She put Kylie down. Saka niya inubos ang kinakain.
"So hindi ka na aattend ng quarterly meeting mamaya?" tanong ni Vico sa kanya.
"Oo. Ikaw na lang muna."
Pagkatapos kumain ni Vico ay lumabas na binantayan muna nito si Kylie para makapag-toothbrush siya. Madalian siyang naglinis ng ngipin. She didn't even have time para mag-retouch dahil baka umiiyak na naman ito. And true enough, Kylie's crying when she came back.
Agad niya itong kinalong at inalo. Si Vico naman ay bumalik na sa pwesto nito para magtrabaho. Humilig si Kylie sa balikat niya.
"Ang clingy mo," bulong niya rito.
She sat down on the couch. Inilapag niya si Kylie sa tabi niya. The little girl scooted closer to her. Saka ito kumapit sa kamay niya, her little fingers tightly wrapped on her ring and pinkie finger.
"Clingy!" She pinched Kylie's pudgy face, then stooped down and kissed her cheek. Hindi ito bumitaw sa kanya. Kapag lalayo ito, she makes sure to pull on her hand. Inilagay niya ito sa kandungan niya. Then she reached for the bag and took the soft biscuits out.
Binigyan niya si Kylie.
Sumandal naman ito sa kanya habang kumakain.
"Baby, don't grow up too fast, okay?"
Kylie looked up. She blinked twice while munching on the biscuit. Her heart melted.
"You're so cute. I love you so much."
Hinalikan niya itong muli. Kylie squirmed. Umikot ito sa kandungan niya. Now, Kylie's facing her. Nasa bibig nito ang dalawang kamay. She's still munching the biscuit. Mukhang nilalaro na lamang nito ang pagkain.
Kinuha niya ang towel at nilinis ang mukha at mga kamay nito. Kylie asked for another biscuit.
"Gutom ka na naman?"
Nag-reach out ito.
"Sleep ka muna, baby. I'll feed you again later, okay?"
Inihiga niya ito sa couch. It was big enough for the both of them, so she slid next to Kylie. Tumagilid naman ito at saka nagpumilit bumangon. Inilapit niya ito sa kanya at saka niyakap.
"Sleep muna tayo, baby, ha?"
--
Hindi pa rin makatulog si Kylie. They ended up staring into each other's eyes. Nakipaglaro na lamang si Red sa anak, since ayaw naman nitong matulog.
Ela and Ariesa came over. Pauwi na raw ang dalawa.
"We met Moira," they announced.
"And?"
"She's very pretty," Ela commented.
"Prettier than me?"
Tumawa ang magkapatid. "Ate, favorite ka naman natin. Give mo na kay ate Moira yung title na pretty."
Tumaas ang kilay niya. "What do you mean?"
"Si Kylie, alam. She's smiling o."
She looked back at Kylie. Ang laki nga ng ngiti nito.
"What do they mean, baby? Hmm? At bakit ka nakangiti dyan?"
Kiniliti niya ito. Umirit si Kylie at saka tumawa nang tumawa. Napangiti siya. She used to dislike the thought of having children, thinking that it's too much work. Kay Kylie pa lang, pagod na pagod na siya. But whenever she smiles, nakakalimutan na niya ang pagod.
"Why is it that every time you smile, I fall in love with you all over again?" tanong niya sa anak. Buong panggigigil niya itong niyakap. "I love you so much!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro