RED 8
The ride with Troy was regrettable. Dinaig pa nito ang bagyo sa sobrang hangin nito. Talaga palang may ganoong mga lalaki. Yung saksakan ng yabang at umaapaw ang bilib sa sarili. Kahit gwapo ito, mayaman at maraming achievements sa buhay, nakaka-turn off pa rin.
Napilitan tuloy siyang makinig ng music in full-volume because she couldn't take his gloating.
Nang makarating sila sa building, nagulat siya nang ipinasok nito ang sasakyan sa parking lot. Akala niya ay basta na lamang siya nito ibababa sa tapat. Pero bumaba rin ito nang bumaba siya.
"Where are you going?" she asked.
"Sa office mo."
"Ano naman ang gagawin mo ro'n?"
Troy shugged. "Ano ba ang pwedeng gawin dun?"
May kapilyuhan sa ngiti nito. Hindi niya iyon nagustuhan.
"Don't you have work?"
"I'm the boss. Work can wait." He gave her a smile. "Care to give me a tour?"
Paniguradong magtataka ang mga empleyado kapag nakita ng mga ito si Troy sa building. He's Vincent's rival, for chrissake! Would it be worth it to test his patience?
"Sa ibang araw na lang siguro," sagot niya. Naglakad siya papuntang elevator, not even bothering to say goodbye to him. Pero mukhang hindi na niya kailangang magpaalam dito dahil sumunod naman ito sa kanya.
"It's okay. I'm sure I'll find someone who can."
"Are you innately thick-skinned?" she asked in annoyance. Pumasok ito sa elevator nang pumasok siya.
"It runs in the family," nakangiti nitong sagot.
She rolled her eyes.
"Vincent would kill me if he sees you here!"
That remark made his brow arch.
"Are you afraid of him?" he asked.
"No!" she replied. "But he's the CEO."
"Akala ko ba wala kang sinasanto?"
"Wala nga. Sino ba'ng may sabing sinasanto ko sya? I just don't want to get into trouble because of you."
"Then I'll just say that I forced you to take me."
She sighed in defeat. "Bahala ka na nga."
As expected, people stared. Their gazes lingered. Hindi itinago ng mga ito ang pagtataka. First time ni Troy makatuntong sa building nila. He wouldn't even go near this place if not for her. Nakasabay nila sina Vico at Vince sa may elevator. When she entered the car, ang mga ito lamang ang sumunod. The employees waited outside, like they usually do. Ayaw niyang may kasabay pag-akyat. Ayaw rin naman silang kasabay siya.
"What is he doing here?" tanong ni Vince sa kanya.
"I didn't invite him," pagka-klaro niya.
"I'm giving myself a tour," sagot naman ni Troy, sabay akbay nito sa kanya. He looked at Vince. "Care to show me your office? I'd like to see if it needs changing to suit my style better."
"Awkward," Vico muttered. Pabalik-balik ang tingin nito sa kanilang tatlo.
Nakahinga siya ng maluwag nang magbukas ang elevator. She removed Troy's hand on her shoulder saka siya umunang maglakad. Sumunod naman sa kanya si Vico habang si Vince ay humiwalay papunta sa office nito.
"Don't you have any suggestion kung saan magandang magsimula?" nakangising tanong ni Troy sa kanya.
"Sa elevator. You can show yourself out."
Troy bit his lip in amusement. She was caught off guard nang humalik ito sa pisngi niya.
"I'll see you later at lunch!" sabi nito bago siya nito iwang nakatunganga sa daan.
Kilig na kilig naman si Vico sa eksenang iyon.
"Don't you dare say anything!" paasik niyang sabi rito. She went to her office and slammed the door shut.
Hindi na malaman ni Vico kung ano ba ang dapat gawin. Mainit ang ulo ni Red. Mainit ang ulo ni Vincent. At si Troy naman ay kabi-kabila ang nilalandi sa opisina nila. Dapat ba syang matuwa dahil nagkakagulo ang mga ito kung sya rin naman ang tatamaan?
Pinag-abala na lang niya ang sarili sa mga office works, particularly sa mga trabahong hindi naman ginagawa ni Red. Maya-maya ay nakatanggap siya ng tawag. Nang tingnan niya ang caller ID, napataas ang kilay niya.
Villacruz, Kyle Vincent
Tumikhim siya bago iyon sinagot.
"Hi Vince," bati niya sa malambing na tono.
"Vico, is Regina there?"
"Yeah, nagkukulong sa office nya. Bakit?"
"Pakisabi nga pumunta sya sa office ko. I need to talk to her."
"Why didn't you call her?" kunot-noo niyang tanong.
"I did. Five times. She's not answering," sagot nito.
Typical Red.
"I'll try ha. Alam mo naman 'yon," he replied.
"Thanks, Vico. Nandyan pa ba si Troy?"
"Oo. Naglilibot lang."
He heard Vince sigh. "Damn it," he muttered.
"Okay lang 'yan. I'm rooting for you," he assured him. "Thought you should know..."
"Thanks again, Vico. Si Regina ha, papuntahin mo."
"Yes, boss."
Pagkatapos ng tawag ay kumatok sya sa office ni Red bago siya pumasok.
"Pinapasok ba kita?" taas-kilay nitong tanong sa kanya.
"No, but the CEO wants to talk to you."
"So? E di puntahan nya 'ko."
"Red, CEO na 'yon. Respeto naman ng konti."
Inirapan siya nito. "Respect is earned, Vico, not obliged."
"Karespe-respeto naman si Vince a?"
"You know me, Vico, mas mataas ang standards ko kesa sa 'yo."
He sat on a chair and smiled primly at Red. Mainit pa rin ang ulo nito. Alam na niya iyon. Sya lang naman ang aapi-apihin nito kapag ganoon ang mood nito. Palagi kasi silang magkasama. In a way, nasanay na rin sya.
"I guess mas mabuting si Vince na lang ang papuntahin ko rito?"
"I have no plans to leave my office," sagot nito.
"Okay."
Lumabas na siya ng office ng pinsan at saka nagpunta sa office ni Vince. Mas madali itong kausap kumpara kay Red. Isang sabi lang niya ay lumabas na ito ng office nito para puntahan ang maarte niyang pinsan. Talk about humility...
Dire-deretsong pumasok si Vince sa office niya. He made himself comfortable.
"Make it quick. Busy ako," sabi niya rito kahit wala naman siyang ginagawa.
"Gusto ko lang itanong... why Troy?"
Tiningnan niya ito ng mataman. If there is any emotion in his face, hindi niya mawari kung ano. He didn't look angry. Kalmado pa rin ito, as usual.
"Why not?" pabalik niyang tanong.
"You know very well why not, Regina. Wala ka na ba talagang delicadeza?"
Naningkit ang mga mata niya. She hates it when he talking about morale.
"You dare talk about delicacy with me? You, of all people? My father took you under his wing, fed you with our food, sheltered you, educated you, and what did you do in return? You let him down!" she said, gritting her teeth.
"I did not let him down!" mariin nitong sabi. "He let himself down."
"Pwede mo naman syang tulungan, di ba? Pero ano'ng ginawa mo? You took advantage of his helplessness! Ano'ng feeling na nakuha mo na ang gusto mo? Do you feel contented? Hindi ka ba binabangungot sa gabi? This company meant a lot to him! Pero kahit ito, kinuha mo!"
Vince sighed. "Bakit ba kahit ano'ng gawin ko, kontrabida pa rin ang tingin mo sa 'kin? Was it my fault that he favored me more than you?"
That was like a slap in the face. Kahit pagbali-baliktarin man niya ang mundo, iyon ang masaklap na katotohanan. Vince's her father's favorite.
"I'm not the bad guy here, Regina. So stop hating on me."
"It's hard not to hate your existence," mapakla niyang sabi. "Now, if you have nothing more to say, you can see yourself out of my office."
Iniikot niya ang swivel chair patalikod dito. She blinked a few times. Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Crying is for the weak-hearted.
Bumuntong-hininga siya. Bakit ba kasi kailangan pang maunang mawala sa mundo yung kaisa-isang taong nagpakita sa kanya ng pagpapahalaga?
She waited for him to leave. Pero nakakailang minuto na ay hindi pa rin niya ito naririnig na tumayo. Napalitan na ng pagkainis ang sama ng loob niya pero nanatili pa rin ito sa office niya.
Hinarap nya itong muli.
"Ano, hindi ka pa rin aalis?"
"Pwede ba tayong mag-usap ng matino? Let's settle this once and for all para matapos na."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa."
"Marami, Regina. You can't avoid me forever."
She grunted.
"What do you want me to say? Gusto mo pa bang i-enumerate ko lahat ng rason kung bakit ayaw ko sa 'yo?"
Vince shrugged. "Well, it's a start." He leaned on the table, then he smirked. "Should I call Vico to take notes?"
She rolled her eyes. Men. Airheads. Nothing fazes him, really. Maybe that's why he became CEO. Wala na ngang hiya, wala pa ring konsensya.
Wala na siyang maisip na sabihin. Frankly, wala naman talaga siyang gustong sabihin dito. She just wants him to leave her alone. Fortunately, Troy came in.
"Am I interrupting something?" nakangiti nitong tanong.
"No. He's just leaving," sagot niya.
But Vince didn't stand up.
"Nandito ka pa rin?" tanong nito kay Troy.
"Well, obviously."
"We're still talking."
"No, we're done here," tanggi niya. She turned to Troy. "What do you want?"
"I was just going to invite you for lunch," Troy answered.
"Lunch? At 10 am?" Vince asked, nakataas ang kilay nito.
"E di brunch," sagot naman niya. "I'll just get my purse."
Kakapag-breakfast pa lang niya bago pumasok. Pero kahit na. Since ayaw namang umalis ni Vince, e di sya na lang ang aalis. Mabuti na lang pala at makulit itong si Troy.
Hindi na sila nagpaalam kay Vince. Tuloy-tuloy na silang lumabas. Napatingin ang ilang empleyado nang makitang kasama niyang lumabas ng office si Troy. Lalo na nang sumunod na lumabas si Vince. Nilampasan sila nito at nagtuloy-tuloy sa sarili nitong opisina.
Sila naman ni Troy ay sumakay ng elevator.
"May pakinabang ka rin pala," sabi niya rito.
Troy smirked. Bigla itong umakbay sa kanya.
"Anything for my wife-to-be."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro