Final Chapter
Drake's POV
She looks like an angel while sleeping. Napakahimbing ng tulog niya at napakasarap niyang panuorin. Kanina pa ako nakatunghay sa kaniya habang hinahaplos-haplos ko ang kaniyang mukha at hinding-hindi ako magsasawang titigan siya araw-araw. I feel amazing and happy every time I wake up beside her.
Dahan-dahan kong inalis sa mukha niya ang kamay ko nang bigla siyang gumalaw dahil ayaw kong maistorbo ang kaniyang tulog.
Pumihit siya paharap sa'kin at unti-unting bumukas ang talukap ng kaniyang mga mata. Isang ngiti ang ibinungad ko sa kaniya. "Happy second anniversary, Val."
"Good morning and happy anniversary too," sabi niya sa malambing na tinig sabay isiniksik niya ang sarili sa'kin at yumakap sa bewang ko.
"Are you hungry? Ipagluluto kita." Yumuko ako ng bahagya para makita ko siya.
Tiningala niya ako sabay iling. "No, ako na lang ang maghahanda."
Humiwalay siya sa akin at bumangon pero ako naman ang yumakap sa kaniya. Hinila ko siya pabalik kaya bumagsak siya sa braso ko. "Hindi na. I can take care of that."
"I'm the wife so I should be the one preparing our food."
She slapped my hand when I pinched her nose.
"Hindi naman porke't ikaw ang babae ay ikaw na palagi ang maghahanda ng pagkain natin. Hayaan mong ako na ang gumawa kahit ngayon lang. 'Saka bawal na sa'yo ang magkikilos. You're already 8 months pregnant. Let me take care of you and our baby." I told her and caressed her swollen belly.
"Fine, ano bang laban ko sa gwapo kong asawa," she said sweetly.
Pinisil ko ulit ang ilong niya kaya nahampas niya na naman ako.
"Isa pa talaga Drake, hindi na kita kakausapin!"
Naitaas ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya. "Fine, fine...Ang cute cute kasi ng misis ko eh."
I chuckled when she made different silly faces. I was about to pinch her nose again when she caught my hand.
"Isa Drake!" She's glaring at me and I know that she'll be upset if I continue.
"Ok, I'll stop now." I said as I sat up. "Kailangan ko nang bumangon. Ihahanda ko na ang umagahan natin sa kusina."
"Okay, I'll take a shower before going down," she said.
I nodded then kissed her forehead and her tummy. "It's really big now. I can't wait to be a Dad."
"And I can't wait to be a mother, Val."
I caressed her tummy again then finally got out of the comfort of our bed.
Before storming out of the room, I looked at her again and she's still on our bed staring at me.
"See you later, alligator." I winked at her and that made her giggle.
"In a while, crocodile." She threw me a flying kiss. I immediately caught it in the air and placed my palm in front of my heart, then I grinned at her before closing the door.
~~~~~~
I was busy frying some bacon when suddenly two arms enveloped my waist. I turned around and saw my beautiful wife.
"Why are you wearing that? Hindi ka ba nilalamig?" Isang sleeveless na maternal dress ang suot niya kahit na ang lamig lamig ng panahon dito sa U.S.
"Ayos lang naman. Dito na tayo tumira after getting married kaya sanay na ako and besides I'm more comfortable wearing this. Magpapalit na lang ako kapag nilalamig na ako."
I just nodded at her. Masaya ako dahil nakapag-adjust at nasasanay na siya sa buhay dito. Bago pa kami magpakasal ay napag-usapan na namin na dito na tumira para mapagsabay ko ang pag-aasikaso ng kompanya at pag-aalaga sa kaniya at sa magiging pamilya namin. She's working as a doctor in one of the hospitals here but she's currently on leave.
"Gutom ka na ba?" I asked her.
"A little," she said while touching her rounded tummy.
"Just wait for me at the dining table. Our breakfast will be ready in a minute."
"Okay, hurry up. Your baby is hungry." She planted a peck on my lips before going out of the kitchen.
Oh shit! I almost forgot the bacons! Napaharap ako sa niluluto ko at pinatay agad ang apoy. Buti hindi nasunog.
Kumuha ako ng lagayan at inilipat ko na dito ang bacons, pagkatapos ay inilapag ko muna ito sa countertop kung nasaan ang iba ko pang inihanda.
Una kong binuhat ang pinaglagyan ko ng kanin papunta sa dining table.
I saw my wife patiently waiting while tapping her fingers on the table. Nag-angat siya ng tingin at akmang tatayo nang pigilan ko siya. "Don't. Stay where you are. I can manage."
Huminga siya ng malalim at naghalumbaba. Mukhang naiinip na siya kaya binilisan ko ang pagkilos.
Makalipas ang ilang minuto ay nailapag ko na lahat ng pagkain na inihanda ko sa mesa at umupo na ako sa tabi niya.
Ako na ang naglagay ng kanin, itlog, at bacon sa plato niya. I also got her a bowl of soup, vegetable salad, and a glass of fresh milk for the baby.
"Come on honey, eat up."
She just smiled at me and then softly touched my face with her hand.
I held her hand on my cheeks and then eyed her curiously. "What are you thinking?"
"I'm just reminiscing about some of our memories together."
"And what are those? Mind walking on a memory lane with me?"
"Well, naaalala ko lang 'yung mga naranasan natin during the first year I met you. Do you know that every time I remember everything, I can't help but to laugh? Lalo na 'yung naging alitan nating tatlo ni Twinny. Naisip ko, masyado pala akong childish noon dahil kung ano-anong pinagsasabi ko sa'yo. Masyado pa tayong bata noon pero grabe 'yung naging dramahan nating tatlo."
Dinala ko ang kamay niya sa mga labi ko at ginawaran ito ng magaang halik. "Every time I think about those things, I just smile and remember you. Then I always tell myself how lucky I am to meet you at that time. Kahit gaano pa kadrama ang nangyari noon sa kabila ng mga edad natin ay wala akong pakialam. Wala naman kasing pinipiling panahon ang pag-ibig. Sino bang nagsabi na matatanda at mga mature lang ang pwedeng makaramdam ng selos at pagmamahal sa isang tao? Kailan ba nagkaron ng tamang edad para umibig? I don't remember any law saying that we can only love a person when we're matured enough."
She looked at me lovingly. "Maswerte din ako na nakilala at napa sa'kin ka, Val. I'm really thankful that you're here with me. But you know what? Hindi lang ako makapaniwala na ikaw ang nakatuluyan ko."
My forehead creased because of what she said. "And why is that?"
"The first time we met, I thought you're some weird stranger because you keep on insisting that I'm someone that I didn't really know at that time."
"Really?" Naging interesado ako dahil ngayon niya lang 'to nabanggit sa'kin.
"Yup, tapos alam mo nung mga time na nagkakasama tayo tuwing may practice para sa first performance nating dalawa noon sa klase, inisip ko na siguro ang swerte nung babaeng hinahanap mo kasi sinundan mo pa talaga siya sa Pilipinas. Then I found out that it's my twin that you're looking for at napatunayan ko na maswerte nga siya because of the way you're treating her."
Naalarma ako kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Don't tell me you're jealous of your sister again?"
She laughed at me like what I said is so silly. "Of course not. Actually I'm thankful to her kasi kung hindi siya umuwi dito sa Pilipinas at hindi mo siya sinundan then I wouldn't have the chance to meet you. Dahil don naniniwala na ako sa saying na 'everything happens for a reason'. Pero minsan nga naisip ko kung bakit ako ang minahal mo at hindi siya kasi mas matagal naman kayong magkakilala."
Napangiti ako dahil may naalala ako bigla. "She asked me about that too."
"Talaga? Kailan?" she said eagerly.
"Do you remember the time when we're in Gab's province?"
"Yeah, I remember that."
"Habang nasa ilalim kami ng puno ng mangga at nagkwekwentuhan, tinanong niya ako nun kung bakit daw ikaw ang nagustuhan ko at hindi siya. Alam mo kung anong sagot ko?"
"What?"
Hinaplos ko ang mukha niya at pinagkatitigan ko siyang mabuti. "Sabi ko, sawa na kasi ako sa kaniya."
Nakatikim ako ng hampas sa dibdib na siyang ikinatawa ko lang.
"Ito na seryoso." Tumayo ako sa likod ng bangko niya at niyakap siya sa may leeg. "I answered that, even if the two of you look alike, there's something in you that captivated me. I can't really name it, but I feel a different level of happiness every time we're together."
"Hmmm..."
"Saka isa pa hindi ko naman magugustuhan yung bestfriend ko na 'yun. Ang pangit kaya nun."
Imbes na matuwa ay kinurot niya ang braso ko kaya napabalik ako sa upuan ko at nakita ko siyang nakasimangot.
"You do realize that we have the same face right? Pag pangit siya ibig sabihin pangit din ako."
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha dahil sa realisasyon. Kaya pala biglang nag-iba ang mood niya.
"Oo nga noh? Basta kahit gaano pa karaming tao ang kamukha mo, you'll always be the most beautiful for me. Lagi mong tandaan na, ibang babae man ang hinanap ko nung una tayong nagkita, ipinapangako ko na ikaw lang ang babaeng hahanaphanapin ko hanggang sa pagtanda. I love you Mrs. Lazaro and I want you to know that I did not love you because of your face or your physical appearance. The only reason why I love you is because of your personality. Mahal kita dahil ikaw ay ikaw, at ikaw lang ang mamahalin ko, wala ng iba pa."
I was waiting for her to say some sweet words or I love you too pero tinapik niya lang ang pisngi ko at humarap na sa pagkain.
"Sus ang corny mo! Kumain na nga tayo, ang lamig na tuloy ng food."
Natawa na lang ako sa pagrereklamo niya. "Ikaw naman kasi ang nagsimula. Kung hindi ka nagkwento edi kanina pa tayo tapos kumain."
She glared at me. "Ako pa pala ang may kasalanan?"
"I'm just joking okay? Come on let's eat. Siguradong gutom na gutom na si baby."
Hinaplos ko ang baby bump niya at sumandok ako ng isang kutsarang pagkain na itinapat ko sa bibig niya. She ate the food and did the same for me.
I hope we can be like this forever. I'm sure I will enjoy taking good care of her for the rest of my life despite all the problems we will face as husband and wife together with our children in the future.
- The End -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro