Chapter 8
Nakatulala lang ako ngayon habang tinitingnan ang mga nadadaanan namin sa byahe. Pilit kong isinasantabi ang naging pag-uusap namin ni Drake pero wala talagang epekto dahil yun pa rin ng yun ang tumatakbo sa isipan ko simula pa kagabi at halos hindi ako nakatulog dahil dun.
But what if I'm the one falling, would you catch me too?
But what if I'm the one falling, would you catch me too?
But what if I'm the one falling, would you catch me too?
Paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi niya at hindi ko alam kung kailangan ko bang sagutin ang tanong na iyon. Sobrang lakas ng tahip ng puso ko and it feels like it's going to come out of my ribcage.
I still can't process what he said hanggang sa umatras siya palayo sakin at nakawala na ako mula sa pagkakakulong sa pagitan ng mga bisig niya.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko at parang nawawala pa ako sa wisyo.
Nagulat ako ng bigla kong marinig ang mahinang pagtawa niya hanggang sa lumakas ito at napapahawak na siya sa tiyan niya.
Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya tumatawa.
Pinagtatawanan niya ba ako?
Hindi naman siya nagsasalita at pinagmamasdan ko lang siya habang sige pa rin ang pagtawa niya.
Maya-maya ay parang hinihingal na siya at tumigil na siya sa pagtawa then he looked at me with a smile plastered on his face.
"Ito naman masyadong seryoso. Tingnan mo yang mukha mo o parang natatae na ewan." He laughed again.
Kinunutan ko pa rin siya ng noo dahil hindi ko talaga maintindihan ang kinikilos niya.
"Binibiro lang naman kita kaya huwag mo ng seryosohin ang itinanong ko. Kinuha ko lang 'tong pack ng marshmallows sa likod mo."
Saka ko lang napansin ang hawak niyang pack ng marshmallows. Hindi ko alam na nasa likod ko pala yun.
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya kaya nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.
"Ah...I think I have to go?" Nag-aalangang sabi niya at nagkamot siya ng ulo niya nang hindi ako nagsalita.
Tumalikod na siya sa'kin at naglakad palayo kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at bumaling ulit sa akin kaya kinabahan na naman ako dahil baka kung ano na namang kalokohan ang naiisip niya.
"Gusto mong sumama? Mag iihaw kami ng mallows."
Napailing na lang ako sa kaniya.
He shrugged his shoulders at tumalikod na ulit siya para umalis.
Napabuga ako ng hangin nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
I shook my head lightly para makalimutan ko na yung kagabi.
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nagbibiro lang siya. Masyadong seryoso ang pagkakasabi niya para maging biro.
"Uy, bakit ka umiiling diyan? Nababaliw ka na ba? Kagabi ka pa wala sa sarili ah."
Napatingin naman ako kay Jane na pinagmamasdan pala ako.
"Please don't mind me. May iniisip lang ako," sabi ko at nginitian ko siya para maipakita sa kaniyang okay lang ako.
"Sige, wag ka mahiyang mag-share ah. Magsabi ka lang kapag may problema ka."
I nodded at her and looked outside the window again.
Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa tirahan ko dahil sa kakaisip ng pangyayaring yon.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay namin at lumabas na ako ng sasakyan.
Tinulungan ako ni Jake sa pagkuha ng mga gamit ko sa likod ng sasakyan.
Sinilip ko ulit yong iba sa loob ng sasakyan dahil hindi pa ako nakakapagpaalam.
"Guys, gusto niyo bang bumaba muna at makikain sa loob ng bahay?" I said while looking at them one by one. Oras na kasi para sa tanghalian kaya baka gutom na sila.
Napatigil ang paningin ko kay Drake at nakaramdam ulit ako ng pagkailang kaya agad ko ding binawi ang tingin ko sa kaniya.
"Tara da----"
Tinakpan ni Jane ang bibig ni Kent kaya hindi natuloy ang sasabihin nito.
"Huwag na Alex. Busog pa naman kami," sabi ni Jane then Kent glared at her.
I smiled at them at nagpasalamat ako sa kanila bago sila umalis.
Binuksan ko na ang gate ng bahay at pumasok na ako bitbit ang tatlong bag na dinala ko sa outing.
Mukhang nasa loob si Mom dahil hindi naka-lock ang bahay.
Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa habang tutok na tutok sa laptop niya.
Ibinaba ko muna ang mga dala ko sa may pintuan at agad akong lumapit sa kaniya.
"Hi Mom," bati ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin then I kissed her cheek.
"Baby, buti nakauwi ka na. Nasan ang mga kaibigan mo?" Tanong niya nang lumayo ako ng isang hakbang sa kaniya.
"Umalis na po sila. Inihatid lang po nila ako dito," sabi ko.
"Kumain ka na ba? Samahan mo na ako sa dining area at kumain tayo." Isinarado niya ang laptop niya bago siya tumayo.
"Sige po Mom. Iaakyat ko lang po ang mga gamit ko sa kwarto ko," paalam ko.
"Ok, hurry up." She tapped my shoulders at nauna na siya sa dining area.
Binalikan ko na ang mga gamit ko at dinala ito sa kwarto.
Naglabar lang ako saglit at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas na ulit ako ng kwarto dahil siguradong naghihintay na si Mom.
Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko siyang may kinakausap. Maybe she's talking to someone on her phone.
"Really?" Tila hindi makapaniwalang saad niya.
"I bet she will be surprised," sabi pa niya.
Sino kaya ang kausap ni Mom? Saka sinong masosorpresa?
"Ok, aasahan ko ang pagdating mo," she said at sakto namang pagdating ko sa hapagkainan ay ibinaba na niya ang phone.
"Mom, who's that?" I asked her before sitting down.
"Nothing, don't mind me. It's just one of my business partners. Let's eat." Iminuwestra niya ang mga pagkain sa lamesa.
Tumango na lang ako at naglagay na kami ng mga pagkain sa kaniya-kaniya naming plato.
Habang kumakain ay panay ang tanong ni Mommy tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko dahil minsan na lang kami magkausap.
"Si Nanay Rosing nga po pala?" Hindi ko kasi siya nakikita.
"Umuwi siya sa lugar nila. Nagkasakit daw kasi ang asawa niya kaya kailangan niyang umuwi," sabi ni Mom.
Sa pagkakaalam ko medyo mahina na ang asawa ni Nanay. Mayroon naman silang isang anak na babae na siyang nag-aalaga sa ama nito. Mas matanda ata sa akin ng apat na taon ang anak ni Nanay. Hindi ko pa kasi sila nakikilala. Binibisi-bisita sila ni Nanay kapag importante o kaya naman kapag may oras at kapag pasko hanggang new year.
"Kailan po siya umuwi?"
"Kahapon lang ng hapon Baby. Don't worry about her, binigyan ko naman siya ng pamasahe and I also gave her some money for her husband."
Napanatag naman ang loob ko dahil dun. Buti na lang mabait si Mom.
Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na ng iba pang kasambahay ang pinagkainan namin.
Nagpaalam na rin ako kay Mom na magpapahinga muna ako sa kwarto ko dagil napagod ako sa byahe.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bedside table sa tabi ng lamp kung saan ko ito iniwan kanina.
Tiningnan ko kung sino ang caller pero unknown number ito.
Sino naman kaya ang tatawag sa akin bukod sa mga kaibigan ko?
"Hello," I said pagkasagot ko sa tawag.
Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya.
Ini-loudspeaker ko na rin pero tanging paghinga lang ang naririnig ko.
"Hello?" I said again.
Wala pa rin talagang response at naiinip na ako kakahintay.
Tinagkal ko na ang phone sa may tainga ko at pipindutin ko na sana ang end call button ng bigla namang nagsalita ang kung sino mang tao ang nasa kabilang linya.
"Hey Dri, wait for me."
Biglang naputol ang tawag pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.
Pamilyar ang boses niya pero hindi ko masabi kung sino. Pero sa ngayon, isa lang ang taong pumapasok sa isip ko dahil sa pangalan na itinawag niya sa akin.
----------------------------------------------------------------
Who do you think is that mysterious caller?
Thank you for reading guys. Don't forget to vote and comment.^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro