Chapter 7
When I opened my eyes, a set of brown eyes greeted me. I gazed from his pointed nose to his well-defined jaws and kissable lips. Titig na titig kami sa isa't isa at tila ba nanunuyo ang lalamunan ko kaya napapalunok na lamang ako.
"Tsk."
Bigla akong napaayos ng pagkakatayo at medyo lumayo kay Drake dahil sa pagtaltak ni Chris.
"Sorry." Napayuko na lang ako habang nakahawak sa kaliwang braso ko.
"It's ok, pinapahanap nga pala nila kayo. We are planning to make a bonfire. Maybe you guys want to help?" he said.
"Ah sige," medyo nahihiyang sabi ko.
Bumaling ako kay Chris na nakatayo sa likod ko. "Let's go?"
"Go ahead, mamaya na lang ako," he said, then he faced the ocean, picked up a small stone, and threw it into the water.
"Sigurado ka?" I asked, then he looked at me before picking another stone.
"Yeah," he said.
"Ok." Humarap na ulit ako kay Drake at sabay kaming naglakad paalis.
Nahihiya pa rin ako sa kanya kaya hindi ako nagsasalita habang siya naman ay nakatingin lang sa daan.
Nang makarating kami sa pwesto nila Jane ay lumapit si Drake sa boys na abala na sa paggawa ng bonfire.
Luminga-linga ako dahil wala dito si Jane. Nakita ko siya sa may cottage kaya pinuntahan ko siya.
"Uy, usungan na kita diyan," sabi ko nang makita ko siyang bubuhatin ang water jug.
"Sige," tugon niya.
Dinala namin ang water jug malapit sa boys at ipinatong namin ito sa isang malapad na bato.
Si Drake at Kent ay gumagawa ng apoy habang si Jake naman ay naghahakot ng bato na mauupuan namin.
Umihip ang hangin kaya nakaramdam ako ng lamig. Mukhang pati si Jane ay nilalamig na din dahil nakayakap na siya sa sarili.
"Jane kuha tayong blanket," sabi ko.
"Ok tara." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa bahay nina Jake.
Agad kaming pumasok sa kwarto namin ni Jane. Kumuha kami ng balabal then I covered my body with it.
Sakto namang gawa na ang bonfire pagbalik namin at nadatnan namin sila na mga nakaupo na sa mga bato na nakapalibot sa bonfire.
Nakarating na rin pala si Chris at may hawak siyang gitara na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
"Oh, andiyan na pala kayo. San ba kayo nagpupupunta?" tanong ni Jake.
"It's none of your business," mabilis na sagot ni Jane at umupo na rin kami sa dalawang natitirang pwesto.
"Tsk. Hindi ka talaga makausap ng matino," sabi naman ni Jake.
"Bakit matino ka ba?" banat naman ni Jane.
Seriously ano bang problema ng dalawang to? Puro na lang bangayan.
"Tigilan niyo na yan. Kumuha lang kami ng balabal. Nilamig kasi kami kanina," sabi ko bago pa ulit may makapagsalita sa kanilang dalawa.
Nagkaron naman ng katahimikan kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa apoy na nagbibigay init sa amin ngayon. Para itong sumasayaw sa'king paningin.
Napatingin ako kay Chris nang magsimula siyang tumugtog ng gitara. This is the first time I saw him playing guitar.
We started singing different songs at nagpakuha din kami ng makakain sa mga staff.
"Laro tayo ng spin the bottle," sabi ni Kent habang iwinawagayway ang isang plastic bottle.
"Game, sino ang unang magpapa-ikot?" Jake asked.
"Ako na lang," sabi ni Kent at pinaikot niya na ang bote sa harap niya.
"Putcha, ba't ako agad?" sabi ni Jake nang sa kaniya tumapat ang bote.
"Wala kang magagawa bro, truth or dare?" sabi ni Kent.
"Truth," Jake.
"Nakailang girlfriend ka na bro?" tanong ni Kent.
"Seryoso ka ba diyan Kent? Bakit 'yan pa ang itinanong mo? Baka nga hindi na niyan mabilang ang mga naging gf niya," singhal ni Jane.
"Tama siya Kent, hindi ko na talaga mabilang. Marami kasing nagkakandarapa sa kagwapuhan ko," mayabang na sabi ni Jake.
"Next na nga lang. Walang kwenta yung isa diyan," sabi ni Jane at siya na rin ang nagpa-ikot ng bote. Tumapat naman ito kay Chris.
"Truth or dare?" tanong ni Jane.
"Truth," tugon ni Chris.
"Bakit ganiyan ang ugali mo? I mean bakit ang seryoso mong tao?"
Siniko ko naman si Jane dahil sa tanong niya. Sa tagal kasi ng pagkakaibigan namin nina Chris ay never pa namin siyang tinanong about his personal life.
"Maybe because I'm used with being this way," maikling tugon ni Chris at nahalata naming ayaw na niyang palawigin pa ang sagot niya dahil sa dagat na siya nakatingin.
Napatango-tango na lang kami at si Jake naman ang nagpa-ikot ng bote.
"Truth or dare?" tanong ni Jake kay Drake nang siya naman ang tapatan ng bote.
"Truth," Drake.
"Do you have a girlfriend?"
Lahat kami ay naghihintay ng isasagot ni Drake.
"None...but I think I'm starting to like someone." Biglang dumako ang mga mata ni Drake sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Pwede ba naming malaman kung sino yan?" Jane wiggled her eyebrows while asking Drake.
Hindi ito sinagot ni Drake at natatawa-tawa niyang kinuha ang bote at pinaikot.
I wonder who that girl is. Wait, ba't ko ba iniisip yun?
"Dare na lang, puro naman kayo truth!" My attention was diverted to Kent. Hindi ko napansin na turn na pala niya.
Napangisi naman si Jane at mukhang may iniisip nanamang kabaliwan.
"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" untag ni Jane.
Sinabayan namin siya ng may kasama pang pagpalakpak para mapasayaw si Kent.
"Ito na! Ito na!" napipilitang sabi ni Kent bago siya tumayo at nagsimulang gumawa ng kung ano-anong steps.
Tawa naman kami nang tawa dahil parang baliw na nagsasayaw si Kent kahit na walang tugtog.
Nang medyo humupa na ang katuwaan ay napagpasiyahan kong tumayo muna at bumalik sa cottage.
Naupo ako sa lamesa habang tumitingin-tingin sa paligid.
I glanced at Drake when I noticed him entering the cottage.
Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya habang palapit siya nang palapit. Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan. Maybe because of his intense stare.
Nang tuluyan na siyang makalapit ay napaisod ako palayo dahil sa kaba.
Hindi ko inaasahan ang pagpatong niya ng dalawang kamay niya sa tigkabilang gilid ko kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga bisig niya na nagkukulong sa'kin at sa kaniyang mga mata.
He slowly leaned closer to my face hanggang sa maramdaman ko ang paghinga niya sa may tainga ko kaya medyo nanigas ako sa kinauupuan ko.
"About what happened a while ago, please be careful next time," bulong niya na nakapagpatayo ng mga balahibo ko. "But what if I'm the one falling, would you catch me too?"
----------------------------------------------------------------------------------
Thank you for reading^_^ Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro