Chapter 4
Kadarating ko lang ngayon dito sa may gate at hinahanap ko si Drake. Sumilong muna ako sa isang puno malapit sa kotse ko dahil medyo mataas na ang sikat ng araw kaya medyo masakit sa balat. Maraming puno sa paligid ng University kaya maraming pwedeng silungan pag tag-ulan at pag ganito kainit ang panahon.
Maya-maya ay may pumaradang kotse sa harap ko at lumabas dito si Drake habang hinahawi ang buhok niya na medyo magulo pa.
"Hey Alex, sorry naghintay ka ba?" sabi niya bago isarado ang kotse at lumapit siya sa kinatatayuan ko.
"Ahm...hindi naman kakarating ko lang din." I looked at my wristwatch and it's already 9:15 a.m.
"Late kasi akong nagising," sabi niya at mukhang kakatapos niya lang rin maligo dahil basa pa ang buhok niya.
"Ok lang, I understand. Baka pwedeng tara na, sayang ang oras eh," sabi ko at nauna nang maglakad palapit sa kotse ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sakin.
"I think it's better if we will share the same car," sabi niya nang akmang sasakay na ako.
Humarap ako sa kaniya na nasa likod ko lang. "Why?"
"Para mas mabilis tayong makarating at isa pa baka mahirapan kang sundan ang sinasakyan ko dahil hindi mo pa alam ang bahay namin."
Well he has a point and I'm not really that good in following directions.
"Sige, pero kaninong sasakyan ang gagamitin natin?"
"It's easier if we will use mine. Pwede mo naman yang iwanan dito, andyan naman ang guard eh. Wait lang." Hindi na niya ko hinintay na magsalita at tumakbo siya papalapit sa guwardiya ng University at kinausap niya ito.
Nang matapos ang kung ano mang pinag-uusapan nila ay naglakad siya pabalik at binuksan ang frontseat ng kotse niya.
"Tara na," sabi niya na parang hinihintay na akong pumasok sa loob.
"Teka, paano 'tong kotse ko?" tanong ko sa kanya. Alangan naman kasing iwan ko na lang ito basta.
"Wag ka ng mag-alala naibilin ko na kay Manong guard yan. Kaya tara na."
Wala na akong nagawa kundi sumakay na lang sa kotse niya.
Pagkapasok ko ay umikot naman siya pakabila at umupo sa tabi ko tapos sinimulan na niya ang pagmamaneho.
"Do you prefer turning the radio on or not?" basag niya sa katahimikan.
"Wag na, malapit na naman tayo diba?" Halos 20 minutes na kasi kami sa byahe.
"Yup." Nanatili ang kaniyang tingin sa daan habang nakikipag-usap sakin.
After several minutes, we entered a gate and I saw a beautiful mansion ahead.
"Welcome to my house," sabi niya paglabas namin ng kotse. "Shall we go inside?"
Iginaya niya ako papasok ng bahay. Kung gano ito kaganda sa labas ay doble naman ang ganda nito sa loob.
May magandang chandelier na nakasabit sa kisame. Gawa sa bubog ang hagdanan. Marami ding makikitang mga mamahaling vases sa paligid. May mga iba't ibang klase din ng mga paintings na nakasabit sa dingding. Karamihan ay black and white ang kulay ng mga kagamitan sa paligid. Mukang naalagaan din ang bahay dahil sobrang linis nitong tingnan.
"Upo ka muna dito, ipapa-ready ko lang ang music room."
Umupo na ako sa couch na itinuro ni Drake habang siya naman ay pumunta sa kung saan. Pagkatapos ay may lumapit sakin na katulong.
"Ma'am juice po, pinabibigay ni Sir." Iniabot niya sakin ang isang baso ng juice.
"Thank you," I said then she left.
"So ayos ka lang ba dito?" sabi ni Drake bago sya umupo sa kabilang upuan na nasa harapan ko.
"Yes, this place looks wonderful. May mga katulong ka naman pala dito eh, akala ko naman wala ka talagang kasama," sabi ko bago sumimsim sa basong hawak ko.
"Hindi ko kasi kayang asikasuhin ang buong bahay kaya kumuha ako ng ilang maids para may kasama na rin ako," sabi niya.
"Bakit nga pala dito mo sa Pilipinas naisipang mag-aral imbes na sa U.S. kung nasan ang pamilya mo?"
"Ah...may hinahanap kasi akong tao," sabi niya habang seryosong nakatingin sakin.
"Really? Sino naman?" bigla akong naging interesado kasi siguradong espesyal yung taong yun para pumunta pa siya dito sa Pilipinas para maghanap. Pero pwede din namang kaaway niya, ano ba yan imposible naman yun.
"Nah, don't mind it. You know what? We must go to the music room already. We have a song to practice right?" Tumayo na siya at nag-umpisang maglakad.
Iniwan ko na lang ang baso sa center table at sumunod sa kaniya paakyat ng hagdan.
Siguro masyado kong pinanghimasukan ang personal life niya kaya hindi na niya sinagot ang tanong ko.
-----------
Tinitingnan ko si Drake habang inaayos niya ang mga gagamitin naming instruments. Habang nakatitig ako sa kaniya ay napatunayan ko na sobrang gwapo pala nya, hindi siya maputi pero hindi din naman maitim, katamtaman lang ang kulay niya. Medyo matangkad din siya, hanggang balikat nga lang niya ako eh. Ang katawan naman niya ay hindi naman payat dahil may mga muscles siya na kitang kita kapag iginagalaw niya ang mga braso niya, siguro pumupunta siya sa gym. Malinis din ang pagkagupit ng buhok niya, at matikas din ang tindig ni--------
"Done checking me out?"
Nanlalaki ang mata na napabalik ang tingin ko sa mukha ni Drake. Nakatingin na rin pala sya sa'kin kaya nahihiya akong napayuko. Feeling ko nga namumula ang muka ko eh.
"Just kidding, dito ka na nga start na tayo."
Pumunta na ako sa malapit sa kanya kahit medyo nahihiya pa rin ako.
"By the way, you're cute when you're blushing," asar nya habang nakangiti. Parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil nagawa na niyang magbiro ng ganiyan na usually hindi naman niya ginagawa.
"Ano nga palang gagamitin nating instrument?" tanong ko para mailihis ang usapan.
"Siguro mas maganda kung gitara," suhestyon niya at kumuha siya ng isang gitara sa gilid. "Do you know how to play this thing?"
"Of course," tugon ko.
"So one last thing, have you chosen a song?" tanong niya at napailing ako dahil wala pa talaga akong naiisip na kakantahin.
"Ok, saglit lang." Kumuha siya ng dalawang plastic chair at pinaupo niya ako dun sa isa. Tapos binuksan niya ang phone niya at isinaksak dito ang headset.
"Here, I have good songs on my phone so let's start picking." He moved his chair nearer and we shared the same headset.
Medyo malapit ang mukha niya sakin kaya hindi ako masyadong makakibot habang nakikinig sa mga kanta na pinapatugtog niya.
"Yan parang magan----" Napatigil ako sa pagsasalita dahil pagbaling ko sa kanya ay andyan na naman ang paninitig niya sakin.
"You really looks like her."
Ikinakunot ng noo ko ang sinabi niya.
"Sino?"
"Oh sorry, don't mind me," usal niya sabay yuko na parang may malalim na iniisip.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa kaya hindi ko rin mapigilang isipin kung bakit lagi na lang siyang napapatitig sa mukha ko at kung ano-ano ang sinasabi niya na nagpapagulo sa isipan ko.
---------------------------------------------------------------
Thank you for reading^_^, don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro