Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Class, for your first performance, I will be pairing all of you into two," sabi ng teacher namin sa Music after niya maglesson.

"Ma'am first week pa lang ng klase performance na agad," reklamo ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Oo nga naman Ma'am," segunda pa ng isa at nagkaniya-kaniya na ng violent reaction ang lahat ng kaklase ko. Pinaglalaruan ko na lang ang ballpen na hawak ko kesa makigulo pa sa kanila.

"Class quiet!" sigaw ni Ma'am na nagpatahimik sa buong klase. "You will be performing singing and you can also use instruments. Did you understand!?"

"Yes Ma'am!" Wala ng nagawa yung iba dahil hindi naman papayag si Ma'am kahit anong reklamo nila.

" Ok, let's begin with Ms......" She started pairing up.

Nakinig ako sa kaniya at hinintay ko na ako ang matawag.

"Ms. Olivero and Mr. Lazaro then......." Ikinagulat ko na si Drake ang partner ko.

'Bakit naman kasi babae at lalaki pa ang pinagpartner ni Maam,' reklamo ko sa isip ko.

Hindi naman sa ayaw ko pero siguro mas maganda kung kami na lang ni Jane ang mag-partner. Ayos lang din naman na si Drake kasi sa apat na araw na nagdaan ay medyo naging malapit na sa barkada si Drake. Lalong lalo na dun sa tatlong lalaki.

"Don't worry, you will be performing that before exam and I want it to be perfect. There's 15 minutes more, so you can talk to your partner. Goodbye class," pahabol ni Ma'am bago siya umalis, kaya nakahinga naman kami ng maluwag dahil matagal pa naman pala.

Pagkaalis na pagkaalis ni Ma'am ay nagkagulo na ang mga kaklase ko at yung iba ay nagsilapitan sa partners nila.

"So what's the plan?" sabi ni Drake sabay lipat sa tabi ko dahil pumunta din si Jane sa kapartner niya.

"Ikaw nga ang tatanungin ko kung san ang practice natin?" sabi ko.

"It's either at your house or mine," sabi niya.

"Wala kasi akong instruments sa bahay eh."

"I have instruments at my house. If you don't mind we can do our practice there," saad niya.

"Baka naman nakakahiya sa parents mo," sabi ko kasi baka makaistorbo lang kami sa bahay nila.

"They are in U.S. so no worries," sabi niya habang nakangiti.

Nakatingin lang ako sa kaniya at nag-aalinlangan ako kung papayag ba ako na sa bahay na lang nila, kasi kami lang dalawa. Hindi niya naman ako masisisi kung hindi ako agad magtiwala sa kaniya dahil hindi ko pa naman siya lubusang kilala.

"I can say that you're doubting since you became silent for a while. You can trust me, I promise that I won't do anything wrong." seryosong sabi niya at itinaas pa niya ang kamay niya na parang nanunumpa.

"Ah...sure ka ok lang sayo na dun tayo sa inyo?" paninigurado ko.

"Yeah," sabi niya na may kasamang pagtango.

"Ah sige sige, so kailan ang practice? Para masimulan na natin at hindi na tayo mahirapan pag malapit na ang presentation," sabi ko sa kaniya.

"Why not tomorrow?" sabi niya na sinang-ayunan ko dahil Sabado naman bukas at wala akong gagawin.

"So ok na." Tumayo na si Drake at bumalik sa upuan niya dahil parating na rin naman ang teacher namin sa next sub.

"Good morning class!" sabi ni Maam pagkapasok niya at nagsimula na siyang magturo.

Pagkatapos ng isang oras na discussion ay nagsitayuan na kami at nagligpit ng mga gamit.

"Ano Drake sasabay ka?" tanong ni Jane kay Drake bago kami lumabas ng room.

"Nope, I still have something to do," he said at isinuksok niya sa bulsa ng pants niya ang isang kamay niya habang yung kabila ay pinanghawak niya ng bag.

"Ganon ba? Sige alis na kami ah," paalam ni Jane, kaya hindi na ako nagpaalam at derederetso na kaming lumabas sa room.

"Waaah Alex! ang swerte mo!" pagmamaktol ni Jane na may kasama pang paghampas sa braso ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Ha? bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Ano ka ba! Partner mo kaya si Drake! Dapat palit na lang tayo," sabi niya at may pagnguso pa siyang nalalaman.

"Saan ang swerte dun?" Napa-facepalm naman si Jane dahil sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo Alex! Bulag ka ba? Ang gwapo kaya ni Drake!" nangunot naman ang noo ko dahil di ko siya magets.

"Bakit naman magiging maswerte kung gwapo ang partner?" tanong ko sa kaniya.

"Hayy naku Alex, ang sarap kaya magpraktice pag gwapo ang kaharap mo. Kung ako partner niya gugustuhin ko pang laging may practice kasi panigurado gaganahan ako kung siya lagi ang makikita ko. Yieee nakakakilig yun," sabi niya na parang nag-iimagine.

Buti na lang wala dito yung mga lalaki kundi mag-aasaran nanaman. Busy din ata sila.

"Bahala ka nga diyan Jane, gutom na ako eh kaya bilisan na natin. Wag ka na mag-daydream," sabi ko at binilis bilisan ang paglalakad, kaya nagmadali din si Jane.

"Oo nga kumakalam na rin sikmura ko eh," pagsang-ayon niya kaya umuwi na kami agad.

Pagka-uwi ko sa bahay ay saktong nakapagluto na si Nanay Rosing. Siya ang nag-alaga sakin simula bata pa ako. Kaya Nanay ang tawag ko sa kaniya dahil parang pangalawang Ina ko na siya.

"Anong ulam natin diyan Nay?" Umupo na ako sa hapagkainan habang naghahain si Nanay.

"Syempre ang paborito mo hija." Inilapag niya sa lamesa ang isang mangkok ng sinigang na baboy. Paborito ko kasi talaga itong sinigang, lalo na pag si Nanay ang nagluto.

"Salamat Nay, the best ka talaga!" Nagsandok ako ng kanin at ulam.

"Ang hilig mo talagang mambolang bata ka. Sige kain ka lang diyan at ako'y maglilinis pa," sabi niya habang naghuhugas ng kamay.

"Eh..Nay sabay na po kayo sakin." Sinubukan ko pang magpaawa kay Nanay para may kasabay akong kumain.

"Pasensya na hija, marami pa akong gagawin. Sa susunod na lang pangako." Nginitian ko na lang si Nanay.

"Sige po, ayos lang," sabi ko at hinaplos niya muna ang buhok ko bago siya umalis.

Bilib din ako kay Nanay kasi 57 years old na siya pero malakas pa rin. Meron din namang apat na maids na nakakatulong niya kaya hindi naman siya nahihirapan sa paglilinis ng bahay.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit sa wardrobe at pumunta ako sa shower room para maligo.

After dressing up, I lay on my bed and opened my cellphone. May nakita akong text from unknown number kaya binuksan ko.

From: 09*********

'I just texted to ask you where we should meet and what time? This is Drake by the way.'

Nagtaka naman ako kung saan niya nakuha number ko.

To: 09***********

'Where did you get my number?'

From: 09*********

'I got it from Kent.'

To: 09*********

'Ah ok. Siguro sa school na lang tayo magmeet. 9 a.m pwede ka?'

From: 09*********

'It's fine with me, so see you at school then.'

To: 09*********

'Yup, see you.'

I saved his number before turning off my phone. Kinuha ko ang mga gamit ko at ginawa ko na ang ilan naming mga assignments para mabawasan ang gawa ko bukas.

---------------------------------------------------------------

Thank you for reading, don't forget to vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro