Chapter 29
'Moving on takes time.' Iyan ang paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko nitong mga nakalipas na araw. I just have to wait. Sigurado naman ako na hindi ganun kalalim ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kaniya at makakamove-on din ako agad.
Minsan may mga bagay talaga na kung kailan mo ginusto saka naman mawawala sa'yo.
I smiled to myself on the mirror. Tuloy lang ang ikot ng mundo ko at hindi ko papabayaan ang buhay ko ng dahil lang sa nasaktan ako ng isang taong gusto ko. I don't want to be just like other people who wasted their lives because of love.
Napahinga na lang ako ng malalim bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto.
Nakita ko si Mommy na may binabasang mga papeles habang nakaupo sa sofa. Busy siya kaya hindi niya napansin ang paglapit ko.
"Hi Mom."
Napunta sa akin ang atensiyon niya and she smiled immediately. "Oh, good morning baby. Nakakain ka na ba?"
Ipinatas niya muna ang mga papeles niya bago tumayo.
"Sa school na lang po Mom. Kailangan ko na pong umalis eh."
"Yung kakambal mo, hindi mo na ba iintayin?" nagtatakang tanong ni Mommy.
Nakalabas na sa ospital si Ella kahapon ng tanghali. Pero hindi ko pa siya nakakausap dahil iniiwasan ko siya. It's better this way dahil baka kung ano pang masabi ko sa kaniya tungkol sa kanila ng lalaking 'yun.
"Hindi na po Mom. I'm sure kaya na niyang mag-isang pumasok sa school," I said sarcastically na ikinakunot ng noo ni Mommy.
Humalik na ako sa pisngi niya at hindi niya naman ako pinigilang umalis.
Pagdating ko sa school ay wala namang nagbago. Maingay pa rin ang mga estudyante at ang mga pinag-uusapan nila ay tungkol sa naging bakasyon nila.
Sana naging kasing saya ng sa kanila ang sembreak ko. I indeed had fun bonding with my friends, but with happiness comes sadness and heartbreak.
Nang makarating ako sa room ay matamlay akong naupo sa seat ko. Kaunti pa lang kami dito dahil napaaga ako ng pasok. Maging si Jane ay wala pa rin. Hindi ko napigilang sumulyap sa likuran pero hindi pa din pala siya dumadating.
I just busied myself with my phone. After several minutes of waiting, my classmates came rushing in. Then I saw Jane and she waved at me. I was about to wave back but I saw him. Napansin ko din na kasama niya si Ella at nginitian pa ako nito.
I didn't smile back and immediately looked away when I felt a pang of pain in my chest.
"Hi Alex."
Tipid lang akong ngumiti kay Jane at hindi na siya nagsalita pa.
Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa nalalaman ko at sa nararamdaman ko ngayon. I don't want them to get involve in this. Ayaw ko din namang masira ang pakikipagkaibigan nila kay Drake nang dahil lang sa letseng pag-ibig na 'to. But that doesn't mean na kakalimutan ko na lang ang lahat. I promised myself that I won't bother him anymore and I will try my best to avoid him without ruining his relationship with my friends even if I don't know how.
"Tara na, let's eat?" sabi ni Jane pagkatapos ng lesson.
"Kayo na lang. I'm not in the mood to go to the cafeteria right now."
I felt his gaze at me but I didn't look at him kahit pa nakatayo lang siya sa harapan ko. Maging si Ella na katabi niya ay hindi ko din binabalingan ng tingin.
"Okay," she replied in a disappointed tone.
Medyo na-guilty naman ako dahil tatlong araw din kaming hindi nagkita-kita at nagkausap nina Jane, but I'll just feel uncomfortable with him around.
Nang makaalis sila ay umubob na lang ako sa mesa at naidlip.
Naistorbo ako nang may tumikhim sa tapat ko. Itinaas ko ang paningin ko at nakitang si Drake pala ito. He's handing me a soft drink and sandwich.
"Baka nagugutom ka," he said.
Imbes na tanggapin ko ang inaalok niya ay ibinaling ko sa iba ang aking paningin. "No thanks, busog pa ako."
I think he noticed the coldness in my voice, that's why he didn't push me to take the food and just went to his seat.
We are the only ones in the room, that's why the silence is sickening and a little awkward, but neither of us dared to talk.
I felt relieved when our classmates returned, then our subject teacher came and the classes continued.
Nagmadali ako sa pag-aayos ng mga gamit ko when the last subject was done.
"Alis na 'ko. I have something important to do," I told Jane and immediately walked past her.
"Alex! Wait!" Rinig kong sigaw niya pero nakalabas na ako ng room.
Nagdire-diretso lang ako ng paglalakad dahil gusto ko ng makauwi para hindi ko na siya makita.
Suddenly I heard him calling my name but I didn't mind. Hindi na ako lilingon para lang malaman kung anong gusto niyang sabihin. I don't care anyway.
"Alex!"
Mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Sa ground na ako naglakad dahil mas madali akong makakapunta sa parking lot kapag dito ako dumaan.
"Alex naman!"
Nagkunwari lang akong walang naririnig.
"Shit." Napamura ako dahil para bang nananadya ang panahon.
Biglang umulan at buti na lang may room sa malapit kaya napatakbo ako papunta roon para sumilong.
Wala akong dalang payong dahil naiwan ko sa bahay. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mga braso kong nabasa.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Napaangat ako ng tingin pero agad din akong umiwas.
Nakalimutan kong nakasunod nga pala siya sa'kin.
Hindi naman masyadong malakas ang ulan kaya hindi naman siguro ako magkakasakit kung magpapa-ulan ako.
Akmang aalis na ako pero maagap niyang nahawakan ang braso ko. "Kahit na sinabi mong walang problema, ramdam ko na meron. What is it? And why are you avoiding me? May nagawa ba akong mali?"
Ipiniksi ko ang braso kong hawak niya kaya nabitawan niya ito then I looked at him sharply.
"Ano pa bang kailangan mo ha?! Nandiyan naman na ang kapatid ko di ba?! Siya naman ang gusto mo or should I say siya naman ang mahal mo, kaya bakit hindi na lang siya ang sundan mo?!"
Nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko at nanunubig na naman ang mga mata ko.
Bakas sa kaniya ang pagkalito dahil sa mga sinabi ko. "What are you talking about? Alam mo namang ikaw ang gusto ko kaya nga ikaw ang nililigawan ko di ba?"
I smiled bitterly at him. "So, ano yun? Ako ang gusto mo, habang si Ella naman ang mahal mo?"
-----------------------------------------------------------------------------
Hey guys! Sorry I'm not good at scenes like this. Hindi pa ako nakaka-experience ng heartbreak kaya walang mapaghugutan haha.
Anyway thank you for reading^_^ and don't forget to vote, comment, and share.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro