Chapter 25
"Where's your autoinjector?" tanong ni Drake na hindi na magkandaugaga kung paano aalalayan si Twinny.
"I--it's i--in m--my b--bag."
"Hold on, okay?"
Dahan-dahang tumango si Twinny at nagmadali si Drake paakyat ng hagdan.
Lumapit naman ako sa kapatid ko para alalayan siya.
"Gab, ayusin niyo na 'yung sasakyan! We need to go to the hospital!" utos ni Jane.
Tumalima naman si Gab palabas ng bahay pero bigla siyang hinarangan ni Angel na mukhang clueless sa nangyayari dahil kararating lang niya.
"What's going on?" maarteng turan nito.
"It's not the time for me to listen to your rants, Angel. Someone's in danger, so please stay out of our way," Gab said using his rude tone at nagmamadali niyang nilampasan si Angel.
"I'll prepare the horses para mapadali ang pagpunta natin sa sasakyan," sabi ni Jake at lumabas din siya.
"We'll help him!" Sumunod din palabas si Kent at Chris.
Hindi naman nagtagal at bumaba na si Drake dala ang isang injector na hindi ko alam kung ano.
"Tabi!"
Napalayo naman kaming dalawa ni Jane kay Twinny dahil sa utos ni Drake.
He immediately injected it on my sister's thigh pagkatapos ay binuhat niya ang kapatid ko at nagmamadali siyang nagtatakbo palabas.
Maang lang na nakatingin sa amin si Angel na mukhang hindi alam ang gagawin kaya nilapitan ko siya. "Just stay here. Don't worry, Gab will be back."
Pagkatapos ay iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya dahil sa pagmamadali.
May mga nakahanda na ngang kabayo pag labas namin. Tinulungan nina Kent si Drake na makasakay sa isa habang kandong niya si Ella.
Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo kaya sumakay na din ako sa kabayo ni Jake at si Jane naman kay Kent.
Tumigil kami sa sasakyan na ginamit namin papunta rito sa probinsya. Binuksan agad ito at pumasok na kaming lahat roon.
"Sa pinakamalapit na hospital bilis!" utos ni Drake.
Matuling pinaharurot ni Gab ang sasakyan.
Binalingan ako ni Drake at nakita ko ang grabeng intensidad sa mga mata niya. "What did you do to her?!"
Halos mapaatras ako sa kinauupuan ko dahil sa sigaw niya. I was shocked by his tone. Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ni Jane.
"I d--don't know," kinakabahan kong saad.
"You don't know!? F*ck it! Ikaw lang ang kasama niya!"
Hinawakan siya ng mahigpit ni Ella sa damit kaya nabaling dito ang atensyon ni Drake.
"I---I just g--gave h-her a p--peanut but--ter sandwich." Hindi ko mapigilang mautal dahil pakiramdam ko sinisisi niya ako sa nangyari.
"Damn it! She's allergic to that!"
"W--what? I---I didn't k--know," mahinang usal ko.
"You almost killed her!"
Natulala ako dahil sa sinabi ni Drake. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa'kin ni Jane.
"Stop it Drake! Huwag mong sisihin si Alex!" sigaw ni Jane kay Drake.
"You almost killed her!"
"You almost killed her!"
"You almost killed her!"
Hindi ko na naintindihan ang sumunod na nangyari because Drake's last sentence played repeatedly in my mind.
Is it really my fault?
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ospital. We're here at the waiting area near the emergency room kung saan ipinasok si Twinny.
Nakadagdag sa pag-aalala namin ang pagkawala ng kaniyang malay habang nasa byahe kami.
Wala ni isa sa'min ang lumilikha ng ingay. Tiningnan ko si Drake na tahimik lang na nakayuko. Nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina pero hindi ko makuhang magalit dahil tama naman siya. Ako talaga ang may kasalanan.
"San ka pupunta?" Tanong ni Jane nang tumayo ako.
"I'm going to call Mom."
Lumayo ako sa kanila then I fished out my phone and dialed Mom's number.
It took four rings bago nasagot ni Mom ang tawag. "M--mommy. I'm s--sorry."
"Bakit baby? May problema ba?"
"N--nasa osp--pital po kami ngayon."
"Did something happen?"
Nahimigan ko ng pag-aalala ang boses ni Mommy.
"M--mom si E-ella po."
"Why? Anong nangyari sa kaniya?"
"Just come here, please."
I gave her the address and the name of the hospital.
"Ok baby, wait for me."
"Yes, Mom."
I ended the call at bumalik na ulit ako sa pwesto nila.
Nanghihina akong napaupo sa kinauupuan ko kanina and all I can do right now is pray for my sister's safety.
Napatayo kami ng lumabas ang doctor makalipas ang ilang minuto. "Sino ang kapamilya ng pasyente?"
Nagtaas naman ako ng kamay. "I'm her twin sister."
"Doc, how is s--she?" kabadong tanong ni Drake.
"The patient is fine. It's a good thing that she was immediately injected with epinephrine."
Nakahinga kaming lahat ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Yung tinutukoy siguro niya na injection ay 'yung itinurok kanina ni Drake kay Twinny.
"According to our observation, she experienced a severe allergic reaction to what she ate."
"She's allergic to peanuts, doc," Drake said.
"I see. She's fine but she has to stay here for two days because we have to do more tests. Para malaman natin kung may iba pa ba siyang allergy bukod sa peanuts."
Napatango na lang kami sa doktor at nagpasalamat. Iniwan niya na kami pagkatapos nun.
Ipinalipat namin si Twinny sa isang private room. Si Drake ay nakaupo sa tabi ng kama ng kapatid ko na hindi pa gumigising hanggang ngayon.
Sabi ng doktor kailangan niya lang daw ng pahinga.
Sina Jane naman ay umuwi sa mansyon para kumuha ng mga damit namin. Sa pagkakatanda ko, ilang kilometro ang layo nitong hospital mula sa probinsya.
Kaming dalawa lang ni Drake ang nagbabantay kay Twinny ngayon.
Gusto ko siyang lapitan but I don't know how to approach him.
"I'm sorry," biglang saad ni Drake at binalingan niya ako.
"Sorry sa sinabi ko sa'yo kanina sa sasakyan. Nabigla lang ako." Tumayo siya para lapitan ako.
"Naiintindihan ko naman eh. Tama naman ang sinabi mo. I almost k--killed m--my s-sister." Napayuko na lang ako.
Kung alam ko lang na allergic siya sa peanuts edi sana hindi ko na siya pinilit na kumain ng ginawa ko.
He sighed at naramdaman ko ang paghawak niya sa isang braso ko. "Don't blame yourself. I didn't mean what I've said a while ago."
"How's Ella?!"
Napunta kay Mommy ang atensyon namin.
She immediately went inside the room at nilapitan si Twinny. Lumapit na din ako sa kaniya para ipaliwanag kay Mommy ang nangyari.
"What happened to your sister?" Hinarap ako ni Mommy kaya hindi ko napigilan ang isang butil ng luhang pumatak mula sa mata ko.
"I'm s--sorry Mom. It's m--my fault."
"No Tita. It was an accident. Nakakain si Althea ng peanut butter sandwich and she's allergic to peanuts," Drake butted in.
Niyakap ako ni Mommy at pinagmasdan namin si Twinny na mamula-mula pa rin pero hindi na katulad nung kanina.
Hindi pumayag si Mommy na mag-stay pa kami dito sa hospital for two or more days dahil may pasok na kami sa isang araw at may trabaho si Mommy. Nagpaalam kami sa doktor kung pwedeng i-transfer namin si Twinny sa hospital sa Manila. Thankfully the Doctor agreed. We payed for the expenses and nagpatulong kami sa nurses na ilipat si Twinny sa sasakyan.
Buong byaheng walang malay si Twinny. When we arrived at Manila, sa hospital agad ang tuloy namin. Inasikaso naman kami ng mga nurses and doctors.
They run some tests on her immediately and they've found out na bumaba din pala ang blood pressure ni Twinny because of the allergy. Hindi naman sila nahirapang salinan siya ng dugo dahil magkaparehas sila ni Mommy ng blood type.
It's good na mas pinili ni Mom na dito sa Manila ipagamot si Twinny dahil mas matututukan siya dito.
Naiwan sila Gab sa province kaya susunod na lang daw sila dito at sila na ang bahalang magdala ng mga gamit namin na nandon pa.
Pinauwi ko din muna si Drake sa bahay niya para makapagpahinga siya. Noong una hindi siya pumayag pero napilit ko din naman. Si Mommy naman umuwi din dahil may aasikasuhin pa.
Ako na lang mag-isa ang nagbabantay sa kapatid ko and I'm hoping na magising na siya because I can't handle to see her like this because of me.
----------------------------------------------------------------
Kindly hit the star button please.^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro