Chapter 24
"Wooo!"
Nagtalsikan sa amin ang tubig nang malakas na bumagsak si Kent galing sa itaas ng talon.
"Go Jake!" sigaw ko nang si Jake naman ang magda-dive.
Bumwelo muna siya bago tumalon. Umikot siya ng dalawang beses sa ere bago siya bumagsak sa tubig kaya napapalakpak ako. "Galing!"
"Naman ako pa," turan ni Jake.
"Yabang," bulong ni Jane.
"Bakit? Kaya mo ba yung ginawa ko?" Itinuro ni Jake ang mataas na parte kung saan sila nanggaling ni Kent.
"Malamang hindi," tugon ni Jane.
Bigla akong nakaramdam ng lamig. "Guys ahon muna ako."
Lumangoy na ako paalis sa tubig. Bahala na silang mag-away dun.
Naisipan naming maligo sa ilog ngayong umaga. Nilakad lang namin ito mula sa mansiyon dahil malapit lang naman.
Pagtuntong ko sa lupa ay pumunta ako sa maliit na kubo kung nasaan ang mga gamit, para kumuha ng tuwalya. Pagkatapos ay ibinalabal ko ito sa katawan ko.
Nakita ko naman si Gab sa gilid ng ilog kaya nilapitan ko sya. "Uy Gab, ba't di ka naliligo?"
Kanina pa kasi sya nakatanaw lang sa'min.
"It's cold at wala akong dinalang pamalit," sagot niya sa'kin pagkatapos ay hindi na ulit siya umimik.
Tinanaw ko na rin lang ang mga kaibigan namin na nagbabasaan maliban kina Chris at Twinny na magkatabing nakaupo lang sa may batuhan at tahimik din.
"Anong iniisip mo?" tanong ko. Para kasing ang lalim ng iniisip niya.
"I just miss some of my friends in Canada."
Binalingan ko naman siya.
"Bakit hindi ka na lang bumalik doon?" Napanguso ako dahil sa sariling suhestyon ko. Ayaw ko kasi siyang umalis.
"Silly, ayos na sa'kin na malayo sa kanila kesa magkalayo agad tayo."
"Hey, my hair!" Inalis ko ang kamay niyang nasa ulo ko. Nakaka-touch na sana kaso sinamahan niya pa ng paggulo sa buhok ko.
Sinuklay-suklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga kamay.
"What the hell?!"
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Gab dahil nahulog siya sa tubig.
Tiningnan niya ng masama si Angel na tawa nang tawa ngayon matapos nitong itulak si Gab.
Tinulungan kong makatayo si Gab at pagkatapos ay hinarap niya si Angel. "What's your problem?!"
Nanlilisik ang mga mata ni Gab at mukhang bubuga na siya ng apoy sa galit niya ngayon.
"That's for making me walk on a muddy and dirty path yesterday." Ngumisi siya at tinalikuran na kami.
Susundan pa sana ni Gab si Angel kaso inawat ko na siya.
"That girl is impossible! She's crazy!" Pumulot siya ng bato at itinapon niya ito ng malakas sa ilog.
"My clothes are now wet because of her," maktol niya habang tinitingnan ang kaniyang suot.
"Sa mansiyon ka na magpalit o kaya manghiram ka kina Jake. Baka may extra pa sila."
"Tsk. As if I have a choice. That girl will pay for this."
Napailing na lang ko dahil sa pinagsasasabi ni Gab.
Nang umahon silang lahat sa ilog ay nagboodle-fight kami sa dahon ng saging dito sa kubo. Nakakatawa pa nga si Jake dahil hindi siya marunong magkamay. Kinailangan pa namin siyang turuan. Bumalik din naman kami sa ilog pagkatapos.
Makalipas ang ilang oras ay nagsawa na rin kami kakaligo kaya nagsipalitan na kami ng damit at umuwi na sa mansiyon
Nang sumapit ang hapon ay nagpasya akong maghanda ng meryenda para sa lahat.
Nagtingin-tingin ako sa mga cabinet dito ng pwedeng gawing meryendalan. May nakita naman akong slice bread, peanut butter, at juice powder.
Pumunta ako sa lamesa at sinimulan ko na ang gagawin. Una kong tinimpla ang juice at isinunod ko na ang pagpapalaman ng tinapay.
Sakto namang pumasok si Twinny dito sa dining area kaya inilahad ko sa kaniya ang isa. "You want one?"
"Hindi ako kumakain niyan eh," tugon niya at umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Sige na. It's my favorite. I'm sure you'll like it too." Gustong-gusto ko kasi ang lasa ng peanut butter.
Tumanggi pa rin siya pero hindi pa rin ako tumigil.
"Magtatampo ako niyan."
Dahil sa sinabi ko ay dahan-dahan niyang kinuha sa kamay ko ang tinapay.
Kinagatan ko na ang sa'kin habang siya ay mukhang naghe-hesitate pa. "Masarap yan. Promise."
Tiningnan ko siya habang kinakagat niya ang tinapay.
I smiled at her when I saw her satisfied reaction. "See, I told you it's delicious."
Nakailang kagat na siya nang bigla siyang napahawak sa dibdib niya at ilang ulit na napaubo. Nabitawan niya na rin ang tinapay at mukhang nahihirapan siyang huminga.
"Are you ok?" Kumuha ako ng baso sa lagayan at taranta akong nagsalin ng juice dito.
Pumunta ako sa side ni Twinny at ipinainom ko ito sa kaniya.
Kinakapos pa rin siya sa hininga at nag-uumpisa nang mamula ang mga balat niya kaya mas lalo akong nataranta.
"Guys, tulong!"
Kumuha ako ng pamaypay at pinaypayan ko si Twinny but it didn't help a bit.
I looked worriedly at my sister. "What's happening to you?"
Mukhang hindi na kayang magsalita ni Twinny dahil parang naninikip na ang dibdib niya at namamantal na rin ang kaniyang balat.
"Guys! Anyone? Please help us." Napapaiyak na ako dahil sa pag-aalala sa kakambal ko. Hindi ko naman siya kayang buhatin kaya sinubukan ko na lang ulit siyang paypayan baka sakaling umayos-ayos ang pakiramdam niya.
"Anong nangyayari?!" Nagmamadaling lumapit si Drake sa aming dalawa at kasunod niya sina Jane.
"F*ck." Marahas niya akong naitulak palayo matapos niyang makita ang kalagayan ni Twinny.
-------------------------------------------------------------------
Hit the star button for me please♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro