Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Narinig ko ang pagkalampog sa may pwesto ni Drake kaya napatingin ako sa kaniya. He gave me a cold stare bago siya tumayo. "I'm done."

Umalis na siya sa hapag kaya hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng mansiyon.

Pasimple kong kinurot ang braso ni Gab kaya napangiwi naman siya. Hindi niya pa rin tinagkal ang pagkakaakbay sa'kin kaya ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa balikat ko.

Binalingan ko ang mga kaibigan ko at si Angel na kapwa nakatitig sa aming dalawa ni Gab. Lahat sila ay natigil sa pagkain.

"Guys, kausapin ko lang to ah." Hinila ko si Gab patayo at hindi naman siya umangal.

Dinala ko siya sa kwarto ko at inilock ko ang pinto para walang makarinig sa amin.

I faced Gab who is now leaning on the wall and gave him a serious look.

"Anong pag-uusapan natin?" 

Inirapan ko si Gab dahil sa tanong niya.

"Bakit sinabi mong girlfriend mo ako?" Pinameywangan ko siya para malaman niyang seryoso ako ngayon.

"Sinabi ko lang 'yun para tigilan na ako ni Angel." 

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi naman sapat na dahilan 'yun.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan na gawin mo akong excuse?"

"Bestfriend mo naman ako." He crossed his arms in front of his chest.

Lumapit ako sa kama at kumuha ako ng unan, pagkatapos ay ibinato ko ito sa kaniya gamit ang buong lakas ko. Sinambot niya naman ang unan at umayos ng tayo.

"Eh ano ngayon kung bestfriend kita? Hindi mo ba naisip na nandun si Drake?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Ano bang masama kung nandun siya?" sabi niya at iniwasan ang isa pang unan na ibinato ko.

Nainis akong lalo sa kaniya dahil hindi niya pinapagana ang common sense niya.

"Ano na lang iisipin nung tao? Nagpapaligaw ako sa kaniya tapos may boyfriend na pala ako?" Napaupo ako sa kama dahil namomroblema talaga ako sa naging reaksyon ni Drake kanina.

"Kailan ka pa ba nagkaron ng pakialam sa iisipin ni Drake?" aniya.

I glared at him at dinuro ko siya. "At ikaw! Kailan ka pa nawalan ng pakialam sa isang babae? Bakit ang rude mo kay Angel?!"

"She's annoying ok." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inilagay ang hawak na unan sa kama.

"Kahit na! Babae pa rin kaya 'yun at ngayon lang kita nakita na ganon ang trato sa isang babae!"

"Oh come on Dri, pag-aawayan pa ba natin to?" Umupo din siya sa kama paharap sa akin.

"Dalawa lang naman ang gusto kong mangyari eh. Tell them that I'm not your girlfriend and say sorry to Angel for being rude."

He looked at me with disbelief. "No! I don't want to say sorry to that girl!"

"Edi hindi kita papansinin." Tumayo ako para iwanan siya sa kama.

Hinawakan niya naman agad ang kamay ko kaya binalingan ko ulit siya.

"Fine!" Napipilitang saad niya.

I smiled triumphantly at him bago kami bumaba para harapin silang lahat.

Naabutan namin si Angel na nakasandal sa pintuan at mataray na nakatingin sa amin. Hindi nahagilap ng mga mata namin sina Jane kaya si Angel na lang muna ang pinuntahan namin.

Pinagtaasan niya kami ng kilay nang makalapit kami. "What do you need?"

Siniko ko si Gab para magsalita siya.

"Sorry," walang emosyong saad ni Gab kay Angel.

"What?!" turan ni Angel.

"Ayusin mo!" Mahinang untag ko kay Gab.

"Angel, sorry for my attitude towards you." 

Nahimigan ko naman ng konting kaseryosohan si Gab kaya ayos na rin yun.

"Yeah right." She flipped her hair and went outside.

"Did you see that? She didn't even accept my apology!" Pagrereklamo ni Gab sa'kin habang tinuturo ang direksyon na pinuntahan ni Angel.

"Hayaan mo na! Now care to explain to our friends? Baka kung ano-ano na tumatakbo sa isipan ng mga iyon."

"Psh. Ok."

Pagtuntong namin sa sala ay naabutan namin sila Jane, Jake, at Kent na nakatayo at nakatingin sa aming dalawa. They are giving us a questioning look.

San kaya nanggaling 'tong mga to? Wala naman sila diyan kanina eh.

"First of all, hindi ko girlfriend si------"

"Yeah, we know that. Hindi naman kami baliw para maniwala dun noh," singit ni Jane sa sinasabi ni Gab.

"Alam niyo naman pala eh. Bakit nakatayo pa kayo diyan na parang may hinihintay?" tanong ko sa kanila.

"Hindi naman sa nanghihimasok Gab, pero gusto lang namin malaman kung sino si Angel?"

Sinang-ayunan nina Jane ang tanong ni Jake.

"She's my..." Gab trailed off.

Tumabi ako kay Jane at pinanliitan ko ng mata si Gab. "Tell us Gab."

"She's my fiancee."

"What!" Jane and I shouted in chorus.

Napatakip ng tainga ang mga lalaki.

"Don't shout!" saway sa amin ni Jake.

"Pano nangyari 'yun Gab? You didn't even tell me earlier that you have a fiancee," alma ko.

"I'm sorry ok. Parents ko naman ang may gusto nun at hindi ako. She's the daughter of their friend," he answered.

Now I remembered what happened to Dad. Uso pa pala ang arranged marriage hanggang ngayon.

"Grabe bro. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ako papayag. Masyadong mataray ang babaeng yun. Mahirap paamuhin." Tatawa-tawang lumapit si Jake kay Gab at tinapik ito sa balikat. "Good luck bro."

Umakyat na sila Jake at Kent sa taas at pumunta siguro sa kaniya-kaniya nilang kwarto, kaya kaming tatlo na lang nina Jane ang nandito sa sala.

"I'm trying to convince Mom and Dad to stop that marriage but they won't listen," sabi ni Gab sa amin.

"Maybe they just wanted the best for you Gab." 

Napatango naman ako dahil sa sinabi ni Jane.

"Why don't you give her a chance huh?" I advised him.

"I'll try." He smiled at the both of us.

------

Mag-isa akong nakaupo ngayon dito sa lumang bench malapit sa bahay nina Gab. Nandoon silang lahat sa loob ng mansiyon. Ewan ko kung anong ginagawa.

Pinapanood ko lang ang mga trabahador dito sa hacienda. May namimitas at nagbubuhat ng mga prutas. May nakita pa nga akong naggagamas sa may gilid. May nangangalaykay at nagwawalis din. Actually parang busy nga silang lahat eh.

"So, may boyfriend ka na pala?" 

Napapitlag ako nang may nagsalita sa likuran ko.

Tumayo ako at binalingan si Drake. "You seriously believed that? Sina Jane nga hindi naniwala eh."

Kanina ko pa siya hindi nakikita pagkatapos niyang magwalk-out sa hapagkainan tapos ngayon bigla na lang susulpot.

"Malay ko ba kung kayo na talaga. You and Gab are super close to each other," sabi niya na parang nanunuya.

"Kami pa talaga? Ikaw nga grabe makadikit sa kapatid ko."

"Ano namang masama dun?" 

Nairita ako sa tanong niya kaya tinalikuran ko siya.

"Parang hindi nanliligaw kung umasta." Hininaan ko lang ang boses ko para hindi niya marinig.

"Anong sabi mo?" Umikot siya papunta sa harapan ko.

"Wala!" Inirapan ko siya at dumiretso ako papunta sa mansyon.

Narinig ko pa ang tawa niya at ang pagtawag niya sa'kin bago ako tuluyang makapasok sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro