Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Niyakap ni Drake si Twinny kaya nabigla naman ako. "A---althea, you're really here?"

"Drake?" garalgal na sambit ni Twinny at hinagkan niya pabalik si Drake.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksiyon ko na nakikita ko silang magkayakap ngayon sa mismong harapan ko.

"I missed you a lot Althea." Narinig kong sambit ni Drake.

"I m--missed you too," tugon naman ni Twinny.

So Drake and the one she's talking about are actually the same person? 

Looking back, I remember Drake calling me Althea, which is my sister's other name, the first time we met. Everything should have clicked earlier.

"Kumusta ka na?" Humiwalay si Drake sa yakap at hinawakan ang mga kamay ni Twinny.

"I'm fine. Ikaw?" tugon ni Twinny.

Tumikhim ako para malaman nilang may kasama pa silang iba. "I think, I have to go."

Tinalikuran ko na sila at hindi ko na hinintay na sila'y makapagsalita.

Nang nasa taas na ako ng hagdan ay sinilip ko silang dalawa sa baba. They are now sitting on the sofa side by side while talking seriously to each other.

I felt some strange feeling that I haven't felt before. Para akong naiinis na ewan kaya pumunta na lang ako sa kwarto.

-------------

One month have passed. Drake and Ella have been very fond of each other. Ang alam lang namin ay magkaibigan sila at hindi na ako nagtanong ng iba pang detalye kahit na mukhang may hindi sila nababanggit sa amin tungkol sa kanila.

"Fresh air!" Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay sariwang simoy ng hangin na agad ang aking nalasap. There are so many trees and animals that add to the beauty of the green surroundings.

"I agree. Sobrang presko dito sa probinsya, kaso may kasama pala tayong masamang hangin," sabi ni Jane saktong pagbaba nina Jake sa sasakyan.

"Pinariringgan mo ba ako?" asik ni Jake.

"Hindi naman, bakit tinatamaan ka ba?" Jane crossed her arms in front of her chest.

"Tsk." Mukhang nawalan ng sasabihin si Jake kaya napataltak na lang siya.

"Hayy salamat nakarating din," sabi ni Kent at sinabayan niya pa ng pag-inat.

Sobrang tagal kasi ng naging byahe papunta dito sa probinsya nina Gab. Inabot ata kami ng 6 hours kaya hapon na kami nakarating. We will spend our sembreak here para makaranas naman kami ng buhay probinsya.

Pinagkukuha na namin ang mga gamit namin. Si Gab ang nagbitbit ng sa'kin.

"Let's go."

Agad kaming nagsisunudan kay Gab.

Naglalakad lang kami dahil hindi na pwedeng ipasok ang sasakyan papunta sa hacienda nina Gab.

First time nilang lahat pumunta dito maliban sa amin ni Gab. Nung bata pa kasi kami ay pumupunta-punta kami rito.

Wala kaming ibang kasama kundi and driver nina Gab at ang buong barkada.

"Magandang hapon po/ Maligayang pagdating sa aming probinsya," bati ng ilang mga magsasaka na nagtatanim sa palayan.

"Maraming salamat po."

Nagpapasalamat kami sa lahat ng bumabati sa amin.

"Oops, be careful." Hinawakan ni Drake ang bewang ni Ella nang muntikan na itong madulas dahil sa putik at kitid ng daan.

"Thanks," tipid na usal ni Twinny.

Magkasunod sila habang naglalakad at dala rin ni Drake ang mga gamit ni Ella. Inaalalayan ni Drake ang kapatid ko. Pansin naming lahat ang pagiging sweet nila sa isa't isa. Minsan naman ganiyan din sa akin si Drake dahil nga manliligaw ko siya pero ang mas pinagtutuunan niya madalas ng pansin ay si Twinny.

Ipinagsawalang bahala ko ang kung anong nararamdaman ko ngayon dahil parang ayaw kong e-entertain ang hindi pamilyar na pakiramdam na nagsimula noong nagkita si Drake at ang kapatid ko.

Pagkatapos ng ilan pang lakaran sa maputik na lupa ay nakarating din kami sa lupain nina Gab.

"Mga kasama! Andyan na ang señorito!" Sigaw ng isang lalaki sa iba pang tao.

"Welcome back ho señorito, welcome din po sa inyo." Sabay sabay na sabi ng mga trabahador siguro.

Ang ilan sa kanila ay pamilyar sa akin pero limot ko na ang mga pangalan dahil napakabata ko pa naman noong huli ko silang nakita.

"Tuloy po kayo. Nagtulong-tulong po kami sa pagluluto ng mga handa para sa inyong pagdating," ani ng isang medyo may katandaan ng lalaki sa amin habang papasok kami sa mansyon ng mga Delaquesta.

Pinaghalong makaluma at moderno ang itsura ng mansyon mula sa labas at mukhang naalagaan ng mabuti dahil maganda pa rin ito.

"Naku, kahit hindi na po sana," sabi ni Gab sa kaniya.

"Ayos lang naman po. Ang buong akala nga ho namin eh kasama niyo ang mga magulang niyo Señorito," usal nito.

"Busy ho sila kaya hindi na sumama," pagpapaliwanag ni Gab.

"Amin na po ang mga gamit ninyo at dadalhin namin sa mga guest room na tutuluyan ninyo." Salubong sa amin ng isang katulong pagpasok namin ng mansiyon.

Ibinigay na namin ang mga gamit sa kaniya at sa mga kasama niya pang iba.

Binigyan lang sila saglit ng instruction ni Gab kung saan-saang mga room ilalagay ang bawat gamit namin bago sila umalis sa harapan namin.

Mga lumang kasangkapan ang makikita rito sa loob ng mansiyon. Mga antigo at may mga paintings din ng mga ninuno nina Gab.

"Ano ho bang sadya niyo at napadpad kayo dito Señorito kasama ang mga kaibigan niyo?" tanong ulit ng matandang lalaki.

"Gusto lang ho naming manatili muna rito kahit ilang araw. Wala ho kasi kaming klase," sagot ni Gab.

Walang ibang umiimik sa amin dahil nakakahiyang makisingit sa usapan nila.

"Ako nga ho pala si Mang Adolfo. Isa po ako sa mga nanunungkulan sa pamilya ng mga Delaquesta," pagpapakilala ng matanda sa amin.

"Kinagagalak ho naming makilala ka Mang Adolfo. Ako nga po pala si Alex."

"Alex? Ikaw na ba ang kababata ni Señorito?" tanong sa akin ni Mang Adolfo.

"Opo, ako nga po."

"Aba ang laki mo na ah. Ang liit mo pa nung huli kitang makita kasama ang pamilya mo."

Nginitian ko na lang si Mang Adolfo.

"Halika na muna kayo't kumain ng aming mga inihanda." Mang Adolfo guided us to the dining area.

"Wow andami naman ho nito, para sa amin lang po ba talaga yan?" sambit ni Kent nang masilayan namin ang mga pagkain.

"Tumahimik ka nga Kent, nakakahiya ka ah," saway ni Jane.

Totoo naman kasi ang sinabi ni Kent. Ang dami talaga nilang niluto. Para na ngang fiesta sa dami.

"Hahaha para sa inyo po talaga yan. Kaya 'wag na po kayong mahiya at umupo na po kayo," sambit ni Mang Adolfo sa amin.

Nagkanya-kanya na kami ng upo. Inasikaso kami ng mga katulong at marami pa sa kanila ang naglalagay ng pagkain sa mesa.

"Bago nga po pala ang lahat. Ipakikilala ko lang po sa inyo ang ilan sa aking mga kasamahan. Sila nga po pala si Manang Lucy, Manang Fe at Si Manang Lorna. Sila po ang tagapangalaga nitong bahay." Turo ni Mang Adolfo sa tatlong babae na nakahilera kasama ang isa pang lalaki. Mukhang nasa late 40's na sila Manang at medyo may katabaan din silang tatlo.

"Ito naman ho si Mang Hulyo. Kasama ko ho sa pangangalaga ng mga kabayo sa kwadra."

Si Mang Hulyo naman ay mukang nasa 50's na katulad ni Mang Adolfo.

"Talaga ho may mga kabayo dito?" Natutuwang saad ni Jane.

"Oho Ma'am. Pwede rin ho kayong sumakay sa kanila kung gusto niyo," tugon ni Mang Hulyo.

"Sige po, kaso baka bukas na lang po kasi malapit na pong gumabi," magiliw na sambit ni Jane.

Mukhang exciting kaso hindi ako marunong mangabayo at ni minsan ay hindi pa ako nakasakay sa isa. Hindi kasi kami isinasama noong bata pa kami ni Gab sa tuwing nangangabayo ang ilan sa mga tauhan rito. Baka raw kasi mahulog kami.

Maya-maya ay nagpaalam na sila Mang Adolfo at Mang Hulyo dahil may gagawin pa raw sila. Umalis na rin ang ilang kasambahay at ang naiwan na lang dito ay sina Manang Lorna.

"Kayo po? Kain na din po kayo," alok ko sa kanila. Nakatayo lang kasi sila sa gilid.

"Naku ineng salamat na lang. Mamaya na lang siguro pag kayo'y natapos na," sabi ni Manang Fe.

"Ah sige po." Inumpisahan na rin namin ang pagkain. Kanina pa talaga ako gutom at sigurado ako na ganon din ang mga kasama ko. Hindi kasi kami nakakain ng tanghalian kanina dahil kung titigil pa daw kami sa isang kainan ay baka abutin kami lalo ng gabi.

Matapos kumain ay itinuro na sa amin ang mga kaniya-kaniya naming kwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay. Dalawang hilera lang naman ang mga kwarto namin at magkakalapit din.

Sakto lang ang laki ng kwarto. May banyo na rin sa loob at kumpleto na ang mga gamit. Nakita ko din ang dalawang bag ko sa ibabaw ng kama.

Malaki yung higaan nila dito at kasya pa ang dalawang tao. Naligo muna ako pagkatapos ay nagbihis at nagsuklay, then I laid my head on the soft pillow at agad akong hinila ng antok.

Nagising ako sa huni ng mga ibon isama mo na rin ang tunog ng mga kabayo at iba pang hayop tuwing umaga.

I got out of bed, did my morning rituals, then I went down. Nakita ko silang lahat sa kusina na nagkakape. Ano ba yan! 'Di man lang nila ako ginising.

"Good morning, guys!" I smiled at them brightly.

Kailangan maging masigla sa umaga para naman maging maganda ang buong maghapon.

"Good morning Dri. You want coffee? Ipagtitimpla kita."

Nginitian ko si Gab at lumapit na ako sa kanila. Binati din ako nina Jane.

"Ako na lang ang magtitimpla," sabi ko at binigyan naman ako ng isang kasambahay ng tasa.

Nakiupo na ako sa lamesa at kinuha ko ang lagayan ng kape at asukal. Tinimpla ko ito the way I like it.

Habang sumisimsim ng kape ay napansin kong kulang kami. "Nasan na si Twinny at Drake?"

"Baka tulog pa?" sambit ni Kent.

"Sira! Kita mo ng kasama natin sila kanina, pano magiging tulog?" Bwelta ni Jane

"Malay mo naman inantok ulit kaya bumalik sa pagtulog," katwiran ni Kent kaya napailing na lang si Jane.

"Labas muna ako guys. Magpapahangin lang." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko dala ang kape ko.

Actually, titingnan ko lang naman kung nasa labas sila Twinny.

"Samahan na kita." Akmang tatayo na din si Gab kaya pinigilan ko na.

"Huwag na. Kaya ko naman saka saglit lang naman ako sa labas." Nginitian ko silang lahat ng tipid.

"Ok. Ingat ka."

Hindi na nagpumilit pang sumama si Gab kaya lumabas na ako.

Masarap na hangin sa umaga ang sumalubong sa akin paglabas ko ng mansiyon. Pinabayaan kong sumayaw sa hangin ang aking nakalugay na buhok.

Inilibot ko ang paningin sa paligid hanggang sa mapatitig ako sa ilalim ng puno ng mangga na may kalayuan mula sa akin.

Nakaupo at nakasandal si Drake sa katawan ng puno habang si Twinny ay nakaunan sa mga hita ni Drake. Mukhang masaya silang nagkwekwentuhan.

"Kung ako sa'yo sasagutin ko na yung isa diyan, kesa nagtitiis kang tumanaw mula sa malayo. Sige ka, baka mawala siya sa'yo bigla." 

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Jane. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya dahil sa kakatingin ko sa dalawa.

--------------------------------------------------------------------
Don't forget to vote and comment♥️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro