Chapter 20
Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante habang naglalakad kaming dalawa ni Twinny sa hallway.
They're looking at us like we're really strange. Ngayon lang ba sila nakakita ng kambal?
Itrinansfer namin si Twinny dito sa school na pinapasukan ko. We're on the same room kaya wala namang problema.
Pagpasok namin sa room ay napatigil sa pagkwe-kwentuhan ang lahat at pinagmasdan kaming dalawa ni Twinny.
"Hi Jane." Tumabi ako kay Jane na nanlalaki ang mga mata at medyo nakaawang pa ang bibig. She's just looking at me and Twinny. It seems like she's really speechless.
Pinabayaan ko na lang siya at baka naglo-loading pa ang utak niya.
Pinaupo ko si Ella sa likod namin ni Jane na katabi ng upuan ni Drake and speaking of him, bakit wala pa siya? Malapit nang mag-start ang klase ah.
"Ok ka na ba diyan?" I asked Twinny.
"Yeah, I'm fine here," aniya.
After a while ay dumating na si Sir Guzman. He sat on his chair and checked our attendance.
"Miss Althea Mikaella Anderson?" Sir Guzman called my sister lastly.
She's using our father's surname kaya magkaiba kami ng apelyido.
Itinaas ni Twinny ang kamay niya. "Present, Sir," malumanay na usal niya.
"You must be the transferee then." Tumingin si Sir sa'kin pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa kapatid ko. "May I know your relationship with Miss Olivero?"
"If it isn't obvious Sir, we're twins." Ako na ang sumagot sa tanong ni Sir.
"I see, ngayon ko lang nalaman na may kakambal ka pala Miss Olivero," he said.
"We grew up separately Sir."
"Ok, let's start our lesson then." He stood up and started teaching.
"Oh my gosh! I can't believe this!" Nang makaalis si Sir ay saka lang nagsalita si Jane.
"Well, believe it or not, I have a twin."
"That's awesome! I wish I have one too!" she said enthusiastically then humarap siya kay Twinny at naglahad ng kamay. "I'm Jane! Friend ni Alex. Can we be friends too?"
"Call me Ella. Of course, we can be friends," she said and accepted Jane's hand.
After one more subject, we went to the cafeteria. We're waiting for Jake, Chris, and Kent to show up. Magugulat din sila panigurado.
Isinama muna namin ni Jane si Twinny sa pagbili ng makakain. Bumili na din kami ng para dun sa tatlo. Papabayaran na lang namin sa kanila mamaya.
Pagbalik namin sa lamesa ay nakaupo na doon ang tatlong kumag.
"Hi Jane! Hi Ale----" Naputol ang pagbati ni Jake at napakurapkurap siya.
"Duling na ba ako ngayon?" Paulit ulit na kinusot-kusot ni Kent ang mga mata niya.
"B--ba't dalawa si A--alex?" Nagpalipat-lipat ang tingin sa'min ni Jake at sinamahan pa ng pagturo.
Natawa na lang ako sa mga naging reaksiyon nila.
"Mga loko! Kent, hindi ka duling at lalo namang hindi dalawa si Alex, Jake!" pagsusungit ni Jane.
Umupo na kaming tatlo at ibinigay ko sa mga lalaki ang mga pagkain nila.
Naguguluhan na nakatitig pa rin sa amin ni Twinny si Jake at Kent, si Chris naman ay parang normal lang sa kaniya ang nakikita niya.
"Kung hindi ako duling, may nainom ba akong alak kaya dalawa ang paningin ko?"
Binatukan ni Jane si Kent kaya napa-aray naman ito.
"Hindi ka naman nag-iinom!" sabi ni Jane.
"Oo nga noh?" Napakamot pa sa ulo si Kent.
"Para malinawan na kayo, ito nga pala si Ella, kakambal ko. Twinny meet my beloved friends."
"Hello," nahihiyang saad ni Twinny.
"K--kambal?" Hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Kent.
"Yes," I said while beaming.
"Wow. Hi Ella, I'm Jake. Ang pinakapoging nilalang sa balat ng lupa." Sinabayan ni Jake ng pagkindat ang pagpapakilala niya kaya napairap na lang kami ni Jane.
"I'm Kent, mas pogi pa kay Jake."
"Ito gusto mo?" Ipinakita ni Jake ang kamao niya kay Kent kaya napangiti ito ng alanganin.
"Hehe sabi ko nga joke lang."
Napatawa naman kaming tatlong babae sa sinabi ni Kent.
Hinawakan ni Jake ang balikat ni Chris na nasa tabi niya. "Lastly, this is Chris. The silent but deadly type of man. Wag kang lalapit diyan, nangangagat yan."
Binigyan ni Chris ng matalim na tingin si Jake at inalis ang kamay nito sa balikat niya.
"It's nice to meet all of you," sambit ni Twinny.
"The pleasure is all ours," tugon ni Jake.
"Hala, tama na nga ang kalandian mo Jake. Kumain na tayo!" usal ni Jane.
"Sus, selos ka lang eh." Jake smiled at Jane playfully.
"Mukha mo!" asik ni Jane.
"Gwapo." Jake smirked at Jane and Jane glared as a response.
"Feelingero," bulong ni Jane.
"I can still hear you, you know," sambit ni Jake.
"Yeah, yeah. Whatever," pagtataray ni Jane.
Hindi na ulit sumagot si Jake kaya kumain na lang kami.
"Si Drake nga pala nasan?" tanong bigla ni Kent.
I shrugged. "Ewan hindi pumasok kanina eh. Di ba Jane?"
"Yes. I haven't noticed him this morning," tugon ni Jane.
"Who's that?" tanong ni Twinny sa'kin.
"Another friend of mine," sagot ko.
"Sus kaibigan daw! Baka naman ka-ibigan."
I gave Jake a hard look para manahimik siya.
Napansin ko naman na parang nawala sa mood si Twinny dahil tinutusok-tusok na lang niya ng tinidor ang pagkain niya habang nakahalumbaba.
Kinalabit ko siya kaya napalingon siya. "May problema ka?"
"I just miss someone badly. Kapangalan kasi siya nung kaibigan niyo."
"Si Drake?" tanong ni Jane na tumigil din sa pagkain.
"Yeah." Binigyan kami ni Twinny ng malungkot na ngiti.
"Ang galing naman. Papuntahin mo dito para makilala namin. It would be nice to have two people named Drake with us," masiglang saad muli ni Jane.
"Nasa malayo siya e."
Inakbayan ko naman si Twinny at hinaplos sa braso. "Magkikita din ulit kayo someday kaya 'wag ka na malungkot."
Tumango si Twinny at nagtanong naman nang nagtanong ang mga kasamahan namin tungkol sa amin ng kapatid ko para ibaling sa iba ang atensyon nito.
Nang bumalik kami sa classroom ay sinulyapan ko ulit ang upuan ni Drake. Asan kaya yung taong yun?
Napaisod ako ng tabigin ako ni Jane at sinundot sa tagiliran. "Uyyy hinahanap."
I grimaced then I sat down and faced the front.
We went home after all of our subjects for this day. Dumiretso na kami ni Ella sa kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng short at t-shirt.
May kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito. Bumungad sa'kin ang isa sa katulong namin. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba."
"Sino?"
"Lalaki po eh," aniya.
"Sige, susunod na ako."
"Sige po," tugon niya.
"Thanks."
Yumuko siya bago umalis.
Isinarado ko na ulit ang pinto at sakto namang nakabihis na rin si Ella kaya sabay na kaming lumabas ng kwarto.
Natanaw ko si Drake habang bumababa ako ng hagdan. Nakaupo siya sa sofa at nang makita ako ay bigla siyang napatayo.
Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya. "Drake, anong ginagawa mo dito? At bakit absent ka kanina?"
Hindi niya ako sinagot at saka ko lang napansin na hindi pala talaga siya sa'kin nakatingin kundi sa likod ko.
Paglingon ko ay si Twinny ang nakita ko and she's also staring intensely at Drake.
Napatabi ako nang nagmamadaling humakbang si Drake palapit kay Twinny.
Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.
------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro