Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Pagkatapos ng lesson namin sa Math at English ay pumunta na kami sa Cafeteria dahil breaktime na.

"Ako na lang oorder, ano ba sayo?" sabi ni Jane habang inilalagay namin ang gamit namin sa ibabaw ng mesa dito sa caf.

"1 slice of pizza and orange juice na lang sakin," I said before sitting down.

"Sure ka?" she said.

"Yeah, marami kasi akong nakain kaninang umaga." I gave her my money bago siya umalis.

Medyo maingay dito sa caf. dahil sa dami ng estudyante. Napansin kong mas dumami ang students ngayon kesa nung last year. Karamihan mga Grade 7.

"Here's your order maam." Inilapag na ni Jane ang mga pagkain sa mesa bago siya umupo.

"Btw nakita ko pala yung mga tukmol kanina," sabi niya.

Tatanungin ko sana kung sino yung mga tinutukoy niya pero bigla siyang tumayo at parang may sinesenyasan.

"Mr. Pogi dito!" Napailing na lang ako sa inasta ni Jane.

"Puro ka talaga kalokohan, sino ba yang tinatawag mo?" Lumingon din ako kasi nakatalikod ako sa entrance ng caf.

"Huy, umupo ka nga ulit! Nakakahiya ka uy!" Hinila ko siya paupo sa upuan niya para itigil niya ang pinaggagagawa niya. But it's too late kasi papalapit na samin yung transferee na lalaki.

"Uhm...Hello," he said in his masculine voice.

"Hi, if you don't mind you can eat with us."

Pinanlakihan ko si Jane ng mata habang ngiting-ngiti pa siya na nakikipag-usap sa lalaki.

"Thank you, wala na rin kasi akong mapwestuhan." Inilapag nung lalaki ang mga pagkain niya at umupo siya sa tabi ni Jane kaya saktong kaharap ko siya.

"Wow, marunong ka pala magtagalog," di makapaniwalang sabi ni Jane. Miski ako ay nagulat kasi halata namang di siya taga rito dahil sa accent niya sa english, pero tuwid siyang magtagalog.

"Yup," sabi ni- ano bang pangalan nito?

"Pwede bang matanong kung anong pangalan mo?" tanong ni Jane sa lalaki.

"I'm Drake Joshua Lazaro, you can call me Drake." He handed his hand na agad namang tinanggap ni Jane.

"I'm Jane," she said then gestured at me. "And this is my bestfriend Alex."

Bumaling sa'kin si Drake at napangiti naman ako ng pilit.

"Oh, ikaw yung babae kanina di ba?" tanong niya kaya tumango ako.

"I'm sorry for what I did. Akala ko kasi ikaw yung kakilala ko kaya pasensya na," he said with an apologetic voice.

"Ok lang. Apology accepted." Binigyan ko siya ng totoong ngiti na ibinalik niya naman.

Muka naman siyang friendly at mabait. Di kasi ako naniniwala sa first impression lasts.

He also handed his hand in front of me kaya tinanggap ko na rin, pero agad din akong bumitaw kasi titig na titig na naman siya sakin, specifically at my face.

"San ka pala dati nag-aaral?" Jane asked him kaya napunta ulit kay Jane ang atensyon ni Drake.

"I came from the U.S.," he said.

"Ah..so paano ka natutong magtagalog?" tanong ni Jane na mukang nasobrahan nanaman sa kadaldalan.

"My family and I are Filipinos. Kahit na nakatira kami sa U.S. kadalasan tagalog pa rin ang ginagamit namin kapag nasa bahay kami," tugon ni Drake.

Well based on his features, mukha naman talaga siyang Pilipino.

"Hey guys!" Naputol ang pag-uusap nila nang biglang nagsidatingan ang tatlo naming kaibigan.

"Oh, buti nandito na kayo mga tukmol," sabi ni Jane.

Sila pala yung tinutukoy ni Jane na mga tukmol pft.

"Ouch naman baby Jane, sa gwapo kong to tatawagin mo lang akong tukmol." That's Jake Cruz, ang maloko at playboy sa barkada. Hinawakan niya pa ang dibdib niya at umaktong nasasaktan.

"Magtigil ka nga Jake, nakakairita ang pagmumuka mo!" singhal naman ni Jane.

"Hahaha ang pangit mo daw kasi Jake." That's Kent Deleon, ang makulit at childish sa barkada.

"Mas pangit ka! F*ck you." Jake showed his middle finger to Kent na tumawa na lang. Minsan masama talaga ugali ni Jake kaya maraming naaasar sa kaniya.

"Tsk." And last but not the least, that's Christian Suarez, ang nag-iisang seryoso at masungit sa barkada.

First year highschool ko din sila nakilala katulad ni Jane. Sa ibang section kasi silang tatlo kaya hindi namin sila kaklase. Matatalino naman sila except for Jake na walang ibang alam kundi ang magloko sa buhay.

Isa-isa silang nagsi-upo. Buti na lang pang sampu ang kinuha naming pwesto.

"So, who do we have here?" Ipinatong ni Jake ang mga siko niya sa mesa at pinagsiklop ang mga kamay habang nakatingin kay Drake.

"Oo nga, sino yan? new friend?" tanong naman ni Kent.

"Oh, I forgot. Guys this is Drake, and Drake these are our friends," sabi ni Jane.

"Hey bro, I'm Jake." Tumayo si Jake at nakipagkamay kay Drake.

"I'm Kent." Ganon din naman ang ginawa ni Kent.

Naglahad naman ng kamay si Drake kay Chris, pero imbes na makipagkamay ay tumango lang si Chris.

"Chris," tipid na sabi ni Chris na parang walang pakialam, kaya naibaba naman ni Drake ang kamay niya at naupo na lang.

"It was nice meeting all of you," sabi ni Drake.

"Same to you Drake, but first let's eat. I'm starving," sabi ni Jane na ikinatawa namin.

"Bakit kayo lang ang may pagkain?" sabi ni Kent nang mapansin niyang walang pagkain para sa kanila.

"Ano kayo sweet para ikuha namin kayo? Bumili kayo mag-isa niyo!" sabi ni Jane tapos kumain na ulit.

"Oh ito oh, bilhan mo kami," sabi ni Jake at ibinigay nila ni Chris ang pera nila kay Kent.

"Teka ba't ako?" Naiinis na sabi ni Kent.

"Wag ka na magreklamo!" untag ni Jake.

"Aish!" Napakamot na lang si Kent sa ulo niya at walang nagawa kundi tumayo at umorder.

"Hahaha wala talagang laban si Kent sa kagwapuhan ko," pagmamayabang ni Jake habang nakadekwatro pa at nakangisi.

Napatigil si Jane sa pagkain at bumaling sakin. "Alex, ba't parang lumakas ang hangin?"

"Ganiyan talaga pag gwapo baby Jane, nakikisama sakin ang force of the wind." Hinimas himas pa ni Jake ang baba niya at kinindatan si Jane.

"Heh! Mahiya ka nga! Wag mo ko matawag tawag na baby!" galit na sabi ni Jane kay Jake.

"Kunwari pa gusto din naman," mahinang usal ni Jake.

"Anong sabi mo!" Jane glared at Jake.

"Wala!" sigaw pabalik ni Jake.

Dumating naman si Kent at padabog na inilagay sa lamesa ang mga pagkain.

"Oh! Ayan na." Umupo na rin sa Kent at nagsimula na silang kumain.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagkain dahil ramdam ko ang pagsulyap-sulyap sakin ni Drake. Hindi naman ako makapagreklamo kasi baka mabastos ko siya.

"Tapos na ako, ikaw Alex?" biglang sabi ni Jane pagkatapos uminom ng tubig.

"Tapos na rin ako," sabi ko.

Di ko pa naman talaga ubos kahit ang unti-unti lang ng inorder ko.

"Sure ka? Tara na baka ma-late pa tayo." Tumayo si Jane at kinuha na niya ang bag niya.

"Iiwan mo na agad ako baby Jane," asar ni Jake kay Jane at nagkunwari pang nalulungkot.

"Yuck! Wala akong pake kung maiiwan ka!" sigaw ni Jane kay Jake.

"Itigil niyo na nga yan," sabi ko sa dalawa at isinuot ko na din ang bag ko bago tumayo. "Guys una na kami."

"Sabay na rin ako, ingat mga pre." Tumayo na rin si Drake at nagsitanguan naman ang tatlong lalaki.

Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad paalis.

"Bye baby Jane!" hirit pa ni Jake bago kami makalayo.

"Che! Mabulunan ka sana!" Inirapan pa ni Jane si Jake na ikinahalakhak nito.

Bumalik na agad kami sa room at nakinig sa lesson namin sa Science and next is about History.

After the two hours discussion, it's already time to go home. Half day lang kasi ang class schedule namin. We have 8 subjects, bale apat na subject ngayon then apat naman bukas.

Kasabay ko sina Jane at Drake palabas ng room. Nakasalubong naman namin sa hallway yung tatlo kaya sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng building. Tatlo ang buildings dito. Isa sa Junior High at isa sa Senior High, pangatlo naman ay yung College building.

"Bro, welcome to our group," sabi ni Kent kay Drake pagkarating namin sa parking lot, then they gave hi-five to each other. Ganon din ang ginawa ni Jake. Si Chris naman nakatayo lang sa gilid while looking at Drake intently.

"So guys, mauna na ako sa inyo," sabi ko sa kanila at nakipag beso ako kay Jane.

"Bes, mag-iingat ka, see you tomorrow," she said.

"Hoy! Magsiuwi na rin kayo hah!" sabi ko ko kina Jake, Kent at Chris.

"Yes boss!" Sumaludo pa sa'kin si Kent.

I chuckled a bit then I waved at them before we parted our ways.

I went to my car which is a little far away from where my friends are. I was about to enter inside when I heard someone calling me.

"Alex wait!"

Nakita ko si Drake na tumatakbo papunta sakin. Nanatili ako sa pwesto ko at hinintay ko siyang makalapit.

"Bakit?" tanong ko nang nasa harapan ko na siya.

"Can I ask you a question?" sabi niya na mukang medyo nahihiya pa.

"Ano yun?" I curiously asked.

"Do you know someone named Althea?" Nangunot naman ang noo ko dahil sa tinatanong niya. Yun din kasi yung pangalang binabanggit niya kanina.

"Sabi ko naman sayo kanina di ba, hindi ko siya kilala," sabi ko.

"Sige, sorry nga pala ulit sa kanina," sabi niya.

"Ok na nga. Nakapag-sorry ka na ng isang beses kaya tama na yun," sabi ko.

"Ah sige, nice meeting you Alex. Ingat ka pauwi," he said and smiled.

"Ikaw din. Bye," sabi ko at hinintay ko pa siyang makaalis bago ako pumasok sa kotse ko.

Sino ba talaga yung Althea?

-------------------------------------------------------------------
Please don't forget to vote and comment^_^ and sorry po kung may errors man.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro