Chapter 18
Totoo ba 'to? Totoo ba ang nasa harap ko? I touched my face while I'm looking at her from head to toe. Those eyes, that nose, those lips, that hair, that body. Could this be possible?
I looked at my Mom and I'm sure she knows that I have many questions running through my mind right now.
"Mom, w--what's this?"
"Baby, c--change your clothes first."
Umiling ako kay Mom dahil kahit na pagod ako sa byahe ay mas gusto kong malaman kung anong nangyayari.
"No Mom. T--tell m--me, who is s--she?"
Hinawakan ni Mommy ang mga braso ko and she looked right into my eyes. "Sweetie, s--she's Ella. Y--your...."
"Mom, please tell me right away. I'm confused!"
"She's your t--twin!"
I'm in total shock right now. "B--bakit...P--paano nangy--yari?"
"Baby, I---"
"Did I hear it right? I have a t--twin?"
Ibinaling ko ang paningin ko sa babaeng kamukhang-kamukha ko. Ni wala kaming pinagkaiba sa pisikal na anyo.
Nakatayo lang siya sa likod ni Mom habang nakatingin sa amin nang walang imik. Kung panaginip 'to, pwede pakigising ako?
"Y--yes."
Naibalik ko ang tingin ko kay Mom nang sumagot siya.
"Buong buhay ko di mo man lang sinabi sakin na may kapatid pala ako Mom?" Namumuo na ang mga luha ko sa aking mga mata dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Masyado ka pang bata noon Alex that's why i didn't tell yo----"
"Oh I heard that alibi so many times already Mom, can you say something new? Wala na ba kayong alam idahilan sa mga anak nyo kundi masyado pa kaming mga bata?!"
"Anak, I'm so so--"
"At san niyo itinago ang kakambal ko all this time huh?"
"She lived with your D--dad and her s--stepmom," mahinang usal ni Mom.
Lumayo ako sa pagkakahawak ni Mommy. So may ibang naging pamilya pala si Dad pagkatapos niya kaming iwan sa 'di ko malamang dahilan.
"Then where are they? Bakit wala sila dito ngayon kung sa kanila naman pala lumaki ang kapatid ko?!"
"H--he's dead and her stepmom doesn't want her."
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang taong nasa harap ko.
Patay na pala ang magaling kong ama?
Pinunasan ko ang luha sa aking mukha at umatras ako palayo sa kanila.
"Baby, your s--sister needs us." Sinubukan akong hawakan ni Mommy pero mas lumayo pa ako.
Gusto kong intindihin ang lahat ngayon pero mukhang hindi pa ako ready.
"J--just give me a little time, Mom."
Isang sulyap ang iginawad ko sa kakambal ko raw na nakatitig rin sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. Umiwas din naman agad ako ng tingin at umalis sa harapan nila. Mabilis akong pumanhik pataas at isinarado ang pinto ng kwarto ko. Napasalampak na lang ako sa sahig dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Tanggap ko naman na may kakambal ako eh. Kailangan ko lang ng oras para iproseso ang lahat ng nalaman.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit habang iniisip ko na patay na ang ama ko. Wala naman dapat akong pakialam sa kaniya dahil hindi ko siya nakilala. Wala nga akong nakita kahit isang litrato niya eh.
Sana man lang noon pa sinabi sa akin ni Mommy ang lahat tungkol sa kapatid ko at sa naging pamilya ni Dad para hindi ako nabibigla ng ganito.
-------
Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog na pala ako kakaisip sa mga pangyayari. Kung paanong ang nararamdaman kong saya ay napalitan ng sakit.
I went to my bathroom and washed my face in front of the sink. Nang iangat ko ang aking mukha ay nakita ko ang medyo namamaga kong mga mata sa salamin pero hindi naman agad mapapansin kung hindi mo tititigan.
Nang makapag-ayos ako ay dali-dali akong bumaba then I saw Mom and Ella eating together.
"Alex!" Tinawag ako ni Mom pero lumabas na agad ako ng bahay at pumunta sa eskwelahan.
Maghapon akong lutang at walang naintindihan sa lessons. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga gumugulo sa aking isipan.
"What's the matter?"
Dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Drake.
Kanina pa ako tinatanong ng mga kaibigan ko kung may problema daw ba ako, pero hindi ko sila sinasagot.
Hindi pa ako handang sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Ella. Saka na lang siguro kapag maayos na ang relasyon ko sa kapatid ko.
Kaming dalawa lang ni Drake ang magkasama ngayon. We are here near a cliff, habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Gusto ko kasing mapag-isa but he insisted na sasamahan niya ako at dinala nya 'ko dito. It's now dark and really peaceful while I'm looking at the stars above us.
"What would you do if you just found out something you never expected?" I asked.
"Like what? There's an alien roaming around our place?"
I glared at him. "I'm serious."
"Ano nga kasi yun?" he asked curiously.
Siguro pwede ko namang sabihin sa kaniya tutal mukhang kailangan ko ng makakausap kahit isang tao lang.
"W--when I went home after our camping. I never expected that I would meet someone that time. She's a very big part of my life na itinago sa akin ng Mommy ko." I looked at the stars again to help me clear my mind.
"Sino?"
I looked at him to answer his question. "My twin sister."
Tila natigilan siya sa sinabi ko. "T---twin?"
I nodded at him. "Yeah, it's surprising right? Sa ama namin siya lumaki. Nalaman ko din na may ibang pamilya si Daddy, and that he's dead."
Nakatulala si Drake ngayon na parang ang lalim lalim ng iniisip.
"Huy, okay ka lang?" Hinampas ko ang balikat niya pero mahina lang naman.
"H--ha?" Tila naguguluhang saad niya.
"Wala, ang sabi ko umuwi na tayo kasi masyado ng late eh." Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa sasakyan ko na nasa tabi ng kotse niya.
"You know what? You should accept that you have a twin sister and you should ask your Mom kung bakit kayo pinaglayong magkapatid para maliwanagan ka."
I mouthed 'thank you' bago ako tuluyang pumasok sa kotse ko. Ibinaba ko ang salamin nito then I smiled and waved at him before we parted our ways.
It's time to know everything about my whole life.
--------------------------------------------------------------------
Hello readers! Hope you enjoy reading, don't forget to vote and comment^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro