Chapter 17
"Aray!" Ang sakit ng pwetan ko dahil sa paglagapak ko sa lupa.
"Dri, are you okay?/Alex, okay ka lang?"
Napatingala ako kina Drake at Gab na kapwa nakatingin sa akin ng may pag-aalala sa mga mukha.
Nag-thumbs up na lang ako sa kanila kahit na hindi naman talaga ako okay. Sino bang magiging okay kung mabuslot sa butas?
Tumayo ako at napansin kong hindi naman pala sobrang lalim. Hanggang balikat ko lang naman, kaya lang baka mahirapan akong umakyat pabalik.
Ba't ba naman kasi hindi ko napansin na may butas pala sa daraanan ko? Dapat pala hindi na ako tumingala!
"Come on, hold my hand." Inilahad ni Gab ang kamay niya sa akin. Ganon din naman ang ginawa ni Drake.
Humawak ako sa mga kamay nila at hinila naman nila ako paakyat. Nang makaalis na ako sa butas ay agad kong pinagpagan ang mga dumi na dumikit sa balat at damit ko.
"Kasalanan mo to eh!" Narinig kong sabi ni Gab kaya napabaling ako sa kanila.
"Why me? Parehas lang naman tayong hindi nakatingin kay Alex!" saad ni Drake.
"Kung hindi ka na sana sumama sa paglilibot namin, edi nabantayan ko ng maayos si Dri and she wouldn't fall in that fu-----" Bago pa maituloy ni Gab ang sasabihin niya ay pumagitna na ako sa dalawa.
"Hep hep, itigil niyo na nga yan! Ako ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, okay? Wala namang mababago kung magsisisihan kayo eh!"
They glared at each other again kaya napa-crossed arms na lang ako.
"Balik na nga tayo! Nawalan na ako ng gana." Nagmartsa na ako pabalik sa campsite.
Nang may maalala ako ay bigla akong tumigil at bumaling kay Drake. "Drake, mauna ka na. May pag-uusapan lang kami ni Gab."
Tiningnan ako ni Drake ng may pagtataka sa mukha. "Tungkol saan?"
"Basta, susunod agad kami promise. Thanks nga pala sa pagtulong."
"Ok. You're always welcome," aniya.
Hinintay kong makalayo si Drake bago ko hinarap si Gab.
Pinagtaasan ko siya ng kilay na siyang ikinakunot ng noo niya.
"What?" he asked.
"Akala ko ba wala ka ng problema tungkol sa panliligaw niya?"
"Hmmm...yes, so what's the point?" Inilagay niya sa tigkabilang bulsa ng pants niya ang kaniyang mga kamay at tiningnan ako ng seryoso.
"Eh bakit lagi kayong magkaaway?"
"Ask him," simpleng saad niya.
Napapadyak naman ako sa inis. "Gab naman eh!"
"Tsk. Ang sabi ko lang naman sa'yo ay hindi ko siya pipigilan sa panliligaw pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko na siyang makuha ka ng madalian." He smirked then walked away.
Padabog akong naglakad kasunod niya at nang makabalik kami sa campsite ay wala kaming ginawa kundi magpahinga at kumain. May mga activities daw kasi bukas.
Ginising kami ng madaling araw para mag-ehersisyo upang mabanat-banat ang mga buto namin. Pagkatapos ay pinaghanda na kami ng aming sarili.
"Students! Line up according to your grade level!" utos ni Ma'am sa aming lahat.
Nakilinya na ako sa mga ka-batch ko. Grade 10, 11 and 12 ang kasama dito sa camp. Nasa two hundred pataas lang kaming lahat dahil marami-rami rin ang ayaw mag-camping kaya hindi sumama.
"We will be grouping all of you with 10 members each. Paghahaluin namin ang mga Grade levels para maging fair ang laban!" sabi ni Sir.
Halos lahat ay excited dahil first activity namin 'to. We started counting ourselves from 1-10 para maging madali ang paggru-grupo.
"Ok, magsama-sama na lahat ng magkakaparehas ng numbers para makasimula na tayo!"
Agad naming sinunod si Sir. Itinaas namin ang mga daliri namin base sa aming numero upang maging mabilis ang hanapan.
"Hi," bati ni Drake.
I smiled at him. "Magkagrupo tayo?"
"Yup," aniya.
Napatango-tango na lang ako at nakipagkilala na kami sa iba pa naming groupmates. Natuwa ako ng malaman kong kagrupo din namin si Chris dahil matalino siya. Bukod sa kaniya ay may kagrupo pa kaming isang Grade 10 at tigtatlo sa Grade 11 and 12.
"This game is called 'What Am I? Can You Find Me?'. We have 5 stations at sa bawat stations ay may mga riddles kayong dapat sagutan na ibibigay ng taong assigned sa station na 'yon. Kung ano man ang sagot sa riddle ay kailangan niyo itong hanapin at ibigay sa tagabantay ng station para makapunta sa sunod na station. Don't worry, all of the answers can be found in this forest. Then in the last station you will be given a flag. You have to run back here and give it to us. The first team to come back wins!" Mahabang pagpapaliwanag ni Ma'am na agad din naming naintindihan.
Sinabi sa amin ni Ma'am kung nasaan ang mga stations na tinandaan naman namin.
"Ready, get set, go!"
Nagsitakbuhan na kami papunta sa unang station kasabay ng iba pang grupo.
Agad na inabot sa amin ang papel kung saan nakasulat ang unang riddle. Si Kuya Noel na isang Grade 12 student ang kumuha nito.
"You can find me on my tree, on the ground, or in decoration. But not with ice cream even if I'm a cone," basa niya.
Ahmmm...ano ba yun? Ano bang meron dito sa forest na cone?
"Alam ko na!" sigaw ni Ate Nory, a Grade 11.
Nagtumpukan kaming magkakagrupo para walang ibang makarinig.
"Pine cone yan guys," bulong niya.
Naghiwa-hiwalay agad kami para maghanap ng pine cone.
"Found one!" sigaw ng isa sa ka-teammate namin habang ipinapakita ang hawak niyang isang pine cone.
Agad namin itong ibinigay sa nagbabantay sa station one at pinaderetso na kami sa sunod na station. Hindi naman masyadong malalayo ang pagitan ng bawat station kaya madali lang takbuhin.
"I can be used in clothes, or in a pillow. I came from birds, that's what you should know," basa naman ni Drake.
From birds, hmmm...
"Feather!" sabi ko na medyo napalakas kaya natuptop kong bigla ang bibig ko.
Agad na naghanap ng feathers ang mga kasama ko. Masuri kaming tumingin sa lupa para maghanap ng mga nalaglag na balahibo.
"Ito na guys!" sigaw ni Lea, kasama naming Grade 10 din.
Medyo napalayo kami sa station 2 kakahanap ng feather kaya nagmadali kami pabalik.
Nang makalagpas kami ay pumunta na kami sa sunod na station. May isang grupo na nauuna na sa amin kaya kailangan naming magmadali para manalo.
"I have eyes, that can be as many as my legs, watching you. Stay away from my house made of silk, because once you get trapped, I'll surely eat you."
"Spider yan," sagot ni Lea.
Nakakuha kami ng gagamba sa isang halaman kaya nakalagpas kami sa station 3.
Two stations to go!
"High above the ground is where you'll find me. But I can be hidden so look carefully. Sticks, grass, and leaves are what composes me."
"Wait, alam ko yan eh..." sabi ni Kuya Renz na isang Grade 11 student.
Habang nakaantabay sa sasabihing sagot ni Kuya Renz ay nag-isip rin ako.
"Nest yan. I'm sure," dugtong ni Kuya Renz sa sinabi niya kanina.
"San tayo kukuha ng pugad ng ibon?" tanong ni Ate France, a Grade 12 student.
"Malamang sa puno, san pa ba?" pamimilosopo ng isa sa kagrupo naming hindi ko matandaan ang pangalan.
Hindi na lang namin siya pinansin at tumingala na kami sa mga puno. Naghiwa-hiwalay kami saglit para makahanap.
Tinawag ko agad ang mga kagrupo ko nang may makita akong pugad kaso medyo mataas ito.
"Sinong aakyat?" tanong ni Lea.
"Ako na lang," sabi ni Kuya Nick, a Grade 12 student.
Pinanood namin siya habang inaakyat ang puno. Mukhang sanay naman siya pero hindi pa rin namin maiwasan na mag-alala. Baka kasi mahulog siya.
"Got it!" sigaw niya at napaatras kami ng bigla siyang tumalon pababa.
Bumalik na agad kami sa station at nakita namin ang ibang students na naghahanap din at may mga nagbabasa pa ng riddles.
Nakalagpas kami sa station 4 and that leaves us with one last station.
"From the land, I rise. I can mean something bad or nice. Provide me with things that I need, I'll be as beautiful as you and colorful too."
Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko na-gets yung riddle at mukhang hindi din nakuha ng mga kagrupo ko.
"Pakiulit nga po," sabi ko sa nagbasa.
Dinahan-dahan naman niya ang pagbabasa at sinubukan kong i-analyse.
"Flower," biglang sambit ni Chris kaya napatingin kami sa kaniya. Kanina pa kasi siya tahimik.
"Ha?"
"It's flower," seryosong saad niya.
"Ano?" tanong ni Ate Nory.
"Tsk. The answer is flower," sabi niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Kuya Noel.
"Don't ask, just find some flower if you want to win," pagsusuplado niya at nilayasan kami.
Tumalima kaming lahat at naghanap na kami ng bulaklak sa tabi-tabi para i-try kung 'yun nga ang sagot.
"Congratulations, you've finished all the riddles. Here's the flag." Naghiyawan ang mga kagrupo ko ng maiabot na sa amin ang flag.
Agad namin itong ipinasa kay Kuya Noel dahil siya raw ang pinakamabilis tumakbo sa aming lahat. Nakuha naman niya agad ang ibig sabihin kaya nagmadali na siya sa pagtakbo.
Tumakbo din kami pasunod sa kaniya. Nilingon ko pa ang ibang estudyante na nagsasagot pa rin ng riddle sa station 5 at mukhang nahihirapan din sila.
Pagdating namin sa camp ay agad na inanunsiyo na kami ang winner dahil kami ang naunang makabalik.
Sa sobrang tuwa ay nagtatalon kaming lahat. Nagulat ako nang may biglang nag-angat sa akin at inilagay niya ako sa balikat niya.
Nang makabawi sa pagkagulat ay tiningnan ko kung sino ito. Nalaman kong si Drake pala at parang hindi man lang siya nakaramdam ng pagkailang habang ako ay hindi na mapakali.
Itinaas pa niya ang mga kamay ko habang humihiyaw siya.
Maya-maya ay nagsunod-sunod na ang pagbalik ng mga students at bawat grupo ay may dala ring flag.
Nanlamig ako nang makita ko si Gab na matalim na nakatingin sa'min ni Drake. Mukhang hindi siya natutuwa sa nakikita niya kaya hinampas ko sa balikat si Drake. "Ibaba mo na ako dali!"
Para naman siyang natauhan at ibinaba nga ako. "Sorry."
Hindi na lang ako umimik at sinundan ko ng tingin si Gab na sa akin na lang nakatingin ngayon.
Sa sumunod na araw ay tinuruan lang kami kung paano mag-survive sa isang lugar na katulad nitong forest. Nagkaroon pa ng ilang fun activities and I enjoyed the camping so much.
Pabalik na kami ngayon ni Gab sa bahay sakay sa kotse niya. Hindi naman niya ibrining-up yung topic tungkol sa nakita niya after nung first game kaya hindi ko na din siya tinanong kung nagalit ba siya.
Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa dashboard. "Hello, Mom?"
"Hi sweetie, pauwi ka na ba?"
"Opo, on the way na po kami ni Gab."
"Ok, take care. May ipapakilala ako sa'yo pag-uwi mo."
Sino naman kaya?
"Yes Mom. Bye, I love you."
"Bye baby, I love you too."
Pagkapatay ko ng tawag ay hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.
"Anong sabi ni Tita?" tanong ni Gab.
"Tinanong lang kung pauwi na ako at may ipapakilala raw siya sa'kin."
"Oh ok," aniya.
Nang maihatid niya ako sa tapat ng gate ng bahay namin ay umalis na rin siya agad.
Binuksan ko ang gate at dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Dinig ko ang malakas na kabog ng puso ko at nanlalamig din ako sa 'di ko malamang dahilan.
Sinalubong ako ni Nanay Rosing at niyakap ko siya.
"Kumusta ang camping iha?" tanong niya.
"Ok lang naman po. Si Mommy po nasan?"
"Ah...nasa kusina iha. May k--kasama nga pala siya." Mukhang nag-hesitate pa si Nanay na sabihin sa'kin na may kasama si Mommy kaya lalo akong nagtaka kung sino 'yun.
"Sige po. Salamat po." Dumiretso na ako sa kusina at agad ko namang namataan si Mommy kausap ang isang babaeng nakatalikod.
"Hi sweetie," bati sa'kin ni Mom nang mapansin niya ako.
"Hello Mo----" Bigla akong napatigil nang humarap 'yung babae at kasunod nito ang tila mas malakas pa na paglagabog ng puso ko.
Am I dreaming?
--------------------------------------------------------------------
Hope you enjoy and don't forget to vote, comment and share.♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro